The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG) -
CHAPTER Seventeen
"Nak, sa susunod, huwag mo nang uulitin 'yon, ha? Dapat sabihin mo nalang sa akin para ako na ang gagawa. Hindi 'yong padalos-dalos ka palagi sa mga ginagawa mo. Ayan tuloy..."
"Mama?" Ibinaling ko ang aking atensiyon kay Jarvis nang tawagin niya ako. Nag-angat siya ng tingin sa akin habang nakasimangot. "Wala ka na po bang work dahil sa akin?" Ilang beses akong napakurap dahil sa tanong niya ngunit kalaunan ay saka malakas na bumuntong hininga. Tipid akong ngumiti sa kaniya at dahan-dahang umiling. Tila nakahinga naman siya nang maluwag nang marinig ang sinabi ko at agad na umaliwalas ang mukha.
"May trabaho pa rin si Mama, Jarvis. Pero kapag nagalit ulit sa atin si Sir Preston, baka mawalan na talaga ako ng trabaho. Kaya huwag makulit, ha? Dapat huwag makulit para hindi na siya magalit sa atin at hindi ako mawalan ng trabaho, okay?"
Tumango si Jarvis at yumakap sa aking hita dahil hanggang doon lamang ang laki niya. "'Di na po ako kulit, Mama, promise. 'Di na po ako makikisali sa away para 'di na po ikaw mag-sorry," mahinang sambit niya.
Ginulo ko ang buhok niya at tipid lamang siyang nginitian. "Hindi, 'nak. Kung anong ginawa mo kanina, tama naman 'yon. Hindi 'yon bad, okay? Pero kasi dapat, sinabi mo nalang sa akin para ako na ang tumulong sa kaniya at hindi na ikaw. Tingnan mo, ikaw tuloy ang napansin. Tutulong naman sana si Mama kaso masiyado akong naging abala sa pakikinig sa kanila saka..."
"Saka, Mama?"
"Saka tingin ko naman, hindi bayolenteng tanong si Sir Preston. Hindi niya sasaktan si Ma'am Chantal kasi siyempre anak niya pa rin 'yon 'di ba?"
Humaba ang nguso ni Jarvis at pirming umiling. "Basta po, Mama, tingin ko po, bad pa rin si Boss. Hindi siya dapat nananakit ng girl saka Mama, sinisigawan niya si ano, si Chanty, kaya umiyak siya. 'Di ba bad 'yon, Mama?" reklamo niya pa rin at umiling-iling na para bang sobrang disappointed at frustrated siya sa nangyari.
Hindi ko naman maiwasang muling napangiti dahil sa mga sinabi niya. Kahit papaano, alam kong napalaki ko siya nang tama. Bata pa siya pero ganito na siya kung mag-isip kaya't hindi ko mapigilang maging proud sa kaniya dahil kahit papaano pala ay natatandaan at isinasabuhay niya pa rin ang mga itinuturo ko sa kaniya araw-araw.
Isang dahilan na rin siguro na alam niyang ako lang ang nag-aalaga sa kanila ng Tito Thirdy niya kaya't marunong siyang magpahalaga ng mga babaeng tulad ko. Ginulo ko ang buhok niya at malapad na ngumiti sa kaniya. "Hay, ang anak ko talaga. Oo na, tama ka na. Bad 'yon kaya huwag mong gagayahin, ha?"
Mabilis na tumango si Jarvis. "Siyempre, Mama. Kahit sungit si Chanty sa akin kanina, okay lang naman," may halong lungkot na sambit niya.
Agad na nagsalubong ang kilay ko at taka siyang tiningnan. Nang makalabas ako mula sa opisina ni Sir Preston ay si Jarvis na lamang ang nasa labas at wala na si Ma'am Chantal kaya't nasisiguro kong hindi sila nagkasundong dalawa. "Talaga? Bakit? Nag-away ba kayo?"
"Sabi niya, ayaw niya raw po na tinatawag ko siyang Chanty kasi pangit daw." Nag-angat sa akin ng tingin ang nakalabi at nakasimangot na si Jarvis. "Pero Mama, pangalan naman niya po 'yon. Anong itatawag ko po sa kaniya, 'di ba po? Saka... haba-haba kasi ng pangalan niya po, 'di ko na naman kasalanan po 'yon 'di ba, Mama?"
Mahina akong tumawa at marahang tumango bilang tugon sa tanong niya. "Oo, 'nak. Hindi naman ikaw ang nagpangalan sa kaniya nang ganoon," natatawang sambit ko.
Sabay kaming bumaba sa hagdan upang idaan siya sa silid nina Manang Lerma. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako nakakauwi ng bahay dahil kalalabas ko lamang mula sa opisina ni Sir Preston. Medyo matagal kaming nag-usap tungkol sa magiging suweldo ko saka kung paano ko aalagaan si Ma'am Chantal.
Nagbigay siya ng listahan sa akin ng mga pagkaing bawal kainin ng anak niya na sa tingin ko ay hindi niya naman alam dahil mukhang hindi siya ang may gawa-pati na rin kung anong mga hindi ko dapat gawin sa bahay: isa na roon ang pumasok sa silid niya.
Wala sa sarili akong napailing at napaismid dahil doon. Ano naman ang dahilan at papasok ako sa kuwarto niya, ano? Hindi ko tuloy maiwasang baka iniisip niya na may tangka akong magnakaw sa kaniya. Pero siyempre, hindi na ako kumontra pa dahil malay ko ba kung nanakawan na talaga siya noon kaya't ayaw niyang may ibang pumapasok sa kuwarto niya.
Saka wala naman talaga akong balak pumasok doon, ano. Ang trabaho ko lang naman ay ang mag-alaga sa anak niya... iyon lang naman at wala nang iba pa.
"Manang Lerma, iwan ko ho muna sa inyo si Jarvis, pwede po? Babalik po muna ako sa bahay para kumuha ng gamit namin. Babalik din naman po ako kaagad," pakikisuyo ko kay Manang Lerma nang makasalubong namin siya sa living room. Agad naman niyang kinuha ang kamay ni Jarvis mula sa akin at marahang tumango. "Ay ganoon ba? Sige, walang problema. Papakainin ko na rin 'to habang wala ka, ha?" tanong niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Sige po, ayos lang. Salamat ho ulit, Manang Lerma."
"May ano ba 'to, allergy? Marami kasing allergy si Ma'am Chantal kaya baka marami rin 'tong si Jarvis. Baka mamaya ay mapakain ko ng hindi dapat na pagkain tapos isugod pa sa hospital." Tumingin ako kay Jarvis at tipid na ngumiti. "Basta wala pong hipon, Manang. 'Yon lang naman ang allergy ni Jarvis," sagot ko na siya namang ikinatango niya.
Matapos niyon ay akmang aalis na ako ngunit nang makita ko kung sinong pababa sa hagdan ay agad akong natulos sa aking kinatatayuan. Nakatingin siya sa akin at kahit na walang sinasabi ay pakiramdam ko'y ayaw niya akong paalisin at gustong hintayin ko siya.
Nang makababa siya sa hagdan ay agad siyang lumapit sa amin habang... nakataas pa rin ang kilay.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may batang tulad niya. Nakapag-alaga na rin naman ako ng mga spoiled brats na bata noon sa ibang anak-mayaman n a pinagtrabahuhan ko ngunit ngayon lamang ako nakatagpo ng batang kasing-taray niya.
"You're my new Yaya, right?" tanong niya sa akin kaya't wala sa sarili akong napalunok.
Ilang beses akong napakurap bago tuluyang rumehistro sa isip ko kung ano ang tanong niya. Agad akong tumango. "A-Ako nga, Ma'am."
"Where are you going? Don't you know that it's prohibited to go outside whenever it's dark? Nagpaalam ka ba sa Daddy ko, ha?"
Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa gulat. Binalaan na ako nina Manang Lerma at pati ni Sir Preston tungkol sa ugali ng anak niya pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha at manibago sa tuwing nagsasalita siya. Ewan ko pero hindi lang yata ako masyadong sanay dahil malambing kung magsalita si Jarvis samantalang si Ma'am Chantal naman ay maawtoridad kung magsalita. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nagmana siya sa tatay niya. Ganoon na ganoon din si Sir Preston kung magsalita at kumilos, e.
Bakit kaya nagtataka pa si Sir Preston kung bakit ganito ang anak niya samantalang ganito rin naman siya? Napailing ako. Kakaiba talaga.
"Ah, Ma'am Chantal. Kukunin niya kasi ang mga gamit nila sa bahay nila dati kasi lilipat na sila rito," pagsingit sa usapan ni Manang Lerma na siya namang ikinapagpasalamat ko.
Umismid si Ma'am Chantal kaya't bahagyang umawang ang aking mga labi. Mayamaya pa ay iniikot niya ang mga mata at halatang nang-iinis na ngumiti sa akin. "You don't have to bring your things here. Alam ko naman na aalis din kayo kaagad because you can't bear to handle me. Come on, you're just wasting your time," naiiling na sambit niya bago tumalikod sa amin.
Malakas na bumuntong hininga si Manang Lerma habang napapailing na para bang disappointed sa sinabi ni Ma'am Chantal. Wala sa sarili akong napalabi habang nakatingin sa likod ng anak ni Sir Preston.
Tulad kanina, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot nang marinig ang sinabi niya. Para kasing sinasabi niya na lahat ng tao ay iniiwan siya dahil sa ugali niya. Kung tutuusin naman ay iiwan talaga siya dahil sa mga ginagawa niya pero hindi pa rin naman maitatanggi na bata pa rin siya.
Bata pa rin siya na nagkakamali sa mga bagay-bagay... at bata na pwede pang magbago at matuto.
"Sungit naman ni Chanty, Mama."
Ibinaling ko ang tingin ko kay Jarvis na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa likod ng naglalakad palayo na si Ma'am Chantal. Napalabi siya habang nakatingin doon.
"Pero kahit na sungit siya, gusto ko siyang maging friend, Mama." Nag-angat siya ng tingin sa akin at ilang beses na napakurap. "Magiging friends kaya kami, Mama?"
Hindi ako kaagad nakasagot at sa halip ay muling tumingin sa gawi ni Ma'am Chantal. Malakas akong bumuntong hininga at kaswal na nagkibit balikat.
"Ewan ko, anak, e. Magkaibang-magkaiba kasi kayo... Hindi pa sigurado si Mama kung magkakasundo kayong dalawa kasi baka sa sobrang tigas ng puso niya, masaktan naman 'yong sa 'yo."
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report