The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG) -
CHAPTER Thirty One
Hindi na nakapagspeech pa si Chantal. Sumunod sa amin si Sir Preston matapos kong buhatin si Chantal at dalhin sa loob ng bahay. Alam kong nag-aalala siya sa anak pero wala siyang kahit na anong sinabi at nakatingin lamang sa amin. Hindi nagtagal si Sir Preston sa kuwarto ni Chantal at agad ding lumabas, marahil ay para kausapin ang mga bisita at humingi ng paumanhin dahil sa ginawa ko.
Malakas akong bumuntong hininga. Alam ko naman na mali ang ginawa ko dahil dinaan ko ang lahat sa dahas sa halip na kausapin na lamang nang mahinahon ang matapobreng babaeng iyon. Pero kahit na alam kong mali ang ginawa ko, hindi ako nagsisisi na ginawa ko iyon.
Dapat lang sa kaniya iyon dahil sa ginawa niya kina Chantal at kay Jarvis kaya't hahayaan ko siyang mabulok doon sa bodega. Bahala siya sa buhay niya. Sigurado akong walang spare key sa bodegang iyon at tanging ang hawak kong susi ang kaisa-isahang susi na makakapagbukas doon. Alam kong walang spare key dahil muntik nang maiwala ng hardinero ang susi na ito noon at napagalitan siya ni Manang Lerma.
Nang makaalis si Sir sa silid ni Chantal ay inalo ko muna siya. Laking pasasalamat ko naman dahil naroon din si Jarvis kasama ko at tinulungan niya akong patahanin at pakalmahin si Chantal. Kahit na natakot din siya kanina, hindi siya umiyak at sa halip ay inalo na lamang ang kaibigan.
Matapos kumalma ay pinalitan ko muna ng damit sina Chantal at Jarvis dahil nadumihan na ang damit nila nang umupo sila sa sahig ng bodega. At isa pa, mukhang hindi na naman kaya pang mag-speech ni Chantal dahil kagagaling niya lamang sa pag-iyak. Isa pa, wala na rin naman akong balak pang lumabas dahil sigurado akong pagtitinginan ako ng mga tao kapag lumabas ako.
"Mama ko, sakit po ba paa niyo?"
Nag-angat ako ng tingin kay Jarvis nang marinig ang tanong niya. Tiningnan ko ang aking paa at saka ko lamang napansin na wala nga pala akong suot na sapin sa paa. Bahagyang namula ang paa ko ngunit hindi naman iyon masakit. Muli akong tumingin kay Jarvis at marahang umiling bilang sagot sa tanong niya. "Ayos lang si Mama," nakangiting sagot ko sa kaniya.
Nasa kabilang bahagi ng kama si Jarvis at nakaupo sa gilid ni Chantal ngunit nang mapansin niya ang paa ko ay agad siyang tumayo at tumabi sa akin. "Mama, kaya ka po ba napaaway kasi hindi kami bait ni Chanty?"
"Ha? Siyempre, hindi," mabilis na pagtanggi ko sa kaniya. Ginulo ko ang buhok niya at tipid siyang nginitian. "Mabait kayo ni Chantal. Ang hindi mabait, 'yong batang nang-away sa inyo saka 'yong maldita niyang nanay." "Di mo kami iscold, Yaya Lyana?"
Humarap ako kay Chantal at marahang umiling. "Bakit ko naman kayo papagalitan? Wala kayong kasalanan, okay? Saka sabi ko naman sa inyo, kapag may nang-away sa inyo, sabihin niyo lang sa akin para naman mapagsabihan ko o kaya ay maiganti ko kayo. Kaya sa susunod, tatawagin niyo ako kaagad, ha?"
Sabay na tumango ang dalawa kaya't hindi ko mapigilang mas lalong mapangiti. Dahil sa kanila, kahit papaano ay kumalma na ako at nabawasan na ang galit ko dahil sa nangyari kanina. "Yaya?"
Nag-angat ako ng tingin nang tawagin ako ni Chantal. "Hmm?" Mahinahong tanong ko sa kaniya pabalik. "Thank you po."
Kinagat ko ang aking ibabang labi nang marinig ang sinabi niya. Parang may kung anong pumisil sa puso ko nang sabihin niya ang katagang iyon sa akin. Ilang beses na siyang nakapagpasalamat sa akin noon dahil ginagawa niya si Jarvis pero 'yong ngayon, ibang klaseng pasasalamat ang ibinigay niya ngayon sa akin.
Mas nakakagaan ng pakiramdam. 'Yong tipo ng pasasalamat na sapat na para mawala lahat ng galit.
Tipid akong ngumiti at tumango bilang tugon sa sinabi niya. "Walang anuman," mahinang sambit ko.
Matapos ang usapan naming iyon ay pinatulog ko na ang dalawa. Mukhang pagod sila kaya naman mabilis ko silang napatulog. Nasa gitna ako samantalang nakayakap sa akin ang dalawa at mahimbing na ang tulog sa tabi ko. Nahigit ko ang aking hininga nang tingnan ko silang dalawa. Mapayapa silang natutulog na animo'y walang nangyaring masama sa kanila kanina. Ako lang yata ang hindi pa rin nakaka-move on sa ginawa ng babaeng iyon kina Jarvis at Chantal.
Ewan ko ba pero paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang itsura ng dalawa nang buksan ko ang naka-lock na pintuan kanina. Kung paano nag-angat sa akin ng tingin si Jarvis at kung paano siya nakahinga nang maluwag nang makita ako. Kung paano niya niyakap si Chantal para protektahan at pakalmahin. Kung paano umiyak si Chantal dahil sa takot... nagpapaulit-ulit ang eksenang iyon sa utak ko kaya't hanggang ngayon ay nag-iinit na naman ang dugo ko dahil sa galit kahit na nakakalma na naman ako kanina.
Nanatili muna ako sa puwesto kong iyon nang ilang oras upang kahit papaano ay ipahinga nag katawan ko. Sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa dahil hindi naman ako inaantok at sadyang napagod lamang. Napagdesiyunan kong bumangon na sa kama at dahan-dahang humiwalay sa dalawa nang wala na akong narinig na ingay sa baba. Mukhang tapos na ang party ay nagsiuwian na ang mga bisita. Akala ko ay tatagal ng umaga o madaling araw ang party ngunit dahil siguro sa nangyari kanina ay maagang tinapos ni Sir Preston ang party.
Dahan-dahan akong bumangon sa kama at akmang bubuhatin na si Jarvis upang ilipat sa kuwarto namin nang may kumatok sa pinto. Hindi ako sumagot ngunit matapos ang ilang segundo ay bumukas na ang pinto at iniluwa si Sir Preston. Wala sa sarili akong napalunok nang magtapo ang aming mga mata. Pumasok siya sa loob ng silid ni Ma'am Chantal ngunit agad din akong napangiwi nang maamoy na amoy alak siya. Mukhang uminom siya ng alak sa halip na samahan dito si Chantal.
Malakas akong bumuntong hininga at napailing dahil sa disappointment. Pero sabagay, halata namang hindi sila close ni Chantal kaya't ano pa nga ba ang aasahan kong gawin niya?
Bubuhatin ko na sana si Jarvis para ilipat sa silid namin ngunit laking gulat ko nang pumagitna si Sir Preston sa amin.
"Let me," tanging sambit niya at walang pasabing binuhat ang tulog na si Jarvis.
Muli akong napalunok at hinayaan na lamang siyang buhatin si Jarvis dahil medyo pagod na rin naman ako at wala akong lakas na buhatin pa si Jarvis. Inayos ko muna ang kumot ni Chantal bago ako sumunod sa dalawa. Nagtagpong muli ang mga mata namin ni Sir Preston bago siya tuluyang lumabas ng silid ni Ma'am Chantal. Agad naman akong sumunod sa kaniya.
Walang umimik sa amin hanggang sa makarating kami sa silid namin ni Jarvis. Pinagbuksan ko siya ng pinto at agad naman siyang pumasok sa loob. Maingat niyang ibinaba si Jarvis sa kama samantalang agad ko naman siyang kinumutan. Nang masigurong ayos na si Jarvis ay saka ako nag-angat ng tingin kay Sir Preston. "S-Salamat," mahinang sambit ko.
Akala ko ay magpapaalam na siyang lumabas ngunit laking gulat ko sa sunod niyang sinabi. "Can I talk to you for a minute?"
Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya dahil hindi ko alam kung sesermonan niya ba ako. Kapagkuwan ay malakas akong bumuntong hininga at walang nagawa kung hindi ang marahang tumango at pumayag sa gusto niya. Tumalikod siya sa akin at tuluyan ng lumabas ng kuwarto namin ni Jarvis. Tulad ng ginawa ko kay Chantal kanina ay muli kong sinulyapan si Jarvis upang masigurong ayos na siya bago ako tuluyang sumunod kay Sir Preston palabas. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa may opisina niya samantalang walang imik naman akong naglakad at sumunod sa kaniya. Ayos lang naman sa akin na sermonan niya ako dahil inaamin ko naman na may mali rin ako dahil medyo naging bayolente ako kanina sa halip na kumalma ay makipag-usap na lamang nang masinsinan.
Pero kahit papaano, alam ko rin naman na hindi ko naman kasalanan kung naging ganoon ang reaksiyon ko. Nag-alala lang din namin... nagalit. Normal lamang na maging reaksiyon ko lalo pa't nasaktan sina Jarvis at Chantal nang dahil sa kanila.
Mabibigat pa rin ang aking bawat hakbang nang makarating na kami sa opisina niya. Sinaraduhan koi yon bago ako humarap kay Sir Preston na ngayon ay nakaupo na sa kaniyang swivel chair. Nang tumingin ako sa kaniya ay saka ko lamang tuluyang napansin na wala na siyang suot na necktie at hindi na rin nakabutones ang tatlong butones ng kaniyang suot na polo shirt. Wala sa sarili naman akong napalunok at agad na nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Come here," utos niya at pinalapit ako sa kaniya.
Nag-aalangan man ay sumunod pa rin ako sa utos niya. Umupo ako sa upuan kung saan ako palaging nakaupo tuwing sinesermonan niya ako.
Malakas akong bumuntong hininga at nag-angat ng tingin sa kaniya nang makaupo ako. "Sir, kung papagalitan niyo ho ako sa ginawa ko kanina, ayos lang ho sa akin. Pero huwag niyo ho sana akong tanggalin sa trabaho dahil nasira ko ang party niyo. Pasensiya na ho pero pakiusap, huwag niyo naman akong tanggalan ng trabaho. Ginawa ko lang ho iyon para ipagtanggol si Ma'am Chantal saka-"
"What you did is the right thing to do."
Napanganga ako nang putulin niya ang dapat ay sasabihin ko. Gulat ko siyang tiningnan dahil hindi ko inaasahan na kakampihan niya ako lalo pa't ang lumalabas, parang ako pa ang sumira ng party niya. Kinakabahan akong napalunok bago nagsalita. "H-Ha?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Sumandal siya sa upuan at hinilot ang kaniyang sintido. Sa halos ilang buwan ko rito sa bahay nila, napansin kong sa tuwing nasstress o may problema siya, palagi niyang hinihilot ang kaniyang sintido o kaya naman ay inaayos ang suot na salamin. Kaya naman ngayon, alam kong stressed siya.
Napailing ako. "Pasensya na ulit kung nasira ko ang party mo. P-Puwede ka namang magpaparty nalang ulit tapos huwag mo na akong isama. Sabi ko naman kasi, hindi maganda ang plano mong isama ako. Napaaway ka kanina tapos pati ako ay napaaway din. 'Di ba, sabi ko naman, puro gulo lang ang dala ko," mahinang sambit ko.
Hindi siya nagsalita kaya't nag-iwas na ako ng tingin. Masiyado siyang misteryoso kaya't hindi ko mabasa kung ano man ang nararamdaman niya o kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Dahil doon, hindi ko mapigilang mas lalo pang kabahan.
"Tell me what happened."
Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya nang matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin ay muli na siyang nagsalita. Bumuntong hininga ako at sumandal na rin sa upuan upang maikalma ang aking sarili dahil nag-iinit na naman ang ulo ko nang alalahanin kung ano ang nangyari kanina.
"Di ba sabi ko sa 'yo kanina, hahanapin ko na si Chantal dahil magsspeech na siya. Tinanong ko si Manang Lerma kung nasaan sina Chantal at Jarvis pero ang sabi niya sa akin, akala niya ay kasama nating dalawa. Noong sinabi ko sa kaniyang hindi, sinabi niyang subukan kong tingnan sa may kaliwang bahagi ng garden kasi doon niya huling nakita at nakikipaglaro sa mga bata roon." "And?"
"Kaya ayon, sinunod ko siya. Pumunta ako roon tapos nakita ko 'yong babaeng nakaaway ko kanina. Tinanong ko kung nakita niya sina Chantal at Jarvis pero sabi niya, hindi raw. 'Yong anak niya naman, nakita kong hawak 'yong hairclip na inilagay ko sa buhok ni Chantal kaya't nagtaka ako kung bakit nasa kaniya iyon. Aalis na sana ako para maglibot pa at hanapin ang dalawa kaso..." Bumuntong hininga akong muli at nagbaba ng tingin. "Kaso narinig ko na may umiiyak doon sa may bodega."
Mula sa aking kinauupuan ay narinig ko ang mahinang pagmura ni Sir Preston, marahil ay dahil din sa inis. Siyempre, maiinis din siya, ano. Kung ako nga nainis, siya pa kayang mismong tatay?
"Sinubukan ko ulit na tanungin 'yong babae pero itinanggi niya talaga na nakita niya sina Chantal. Hindi na ako nakatiis pa kaya pumunta na ako roon sa may bodega kung saan nakalagay ang mga ginagamit sa hardin. Naka-lock sa labas ang pintuan kaya't hindi mabuksan ng kung sino mang nasa loob. Nang buksan ko ang pintuan, nakumpirma kong tama nga ang hinala ko. Nandoon nga sina Chantal at Jarvis."
Wala sa sarili kong naikuyom ang aking kamao nang maalala kung ano ang itsura ng dalawa noong nakita ko sila. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan iyon at sa tuwing naaalala ko, mas lalo lamang nag-iinit ang dugo ko. "Umiiyak si Chantal tapos yakap at inaalo naman siya ni Jarvis. Noong nakita nila ako, tinanong ko kung bakit sila naroon. Nag-away daw si Chantal at 'yong batang may hawak ng hairclip niya tapos nagalit 'yong nanay at ikinulong sila. Ang kakapal ng mukha. Siya pa talaga ang ganang magkulong kay Chantal doon samantalang siya na nga lang ang nakiki-party,” dagdag ko at umirap.
"And? What did you do?"
Nag-angat ako ng tingin kay Sir Preston at kapagkuwan ay nagkibit balikat sa kaniya. "Mukhang narinig mo na naman sa mga tao roon kanina. Maraming naki-usyoso, e."
"No, I haven't. Nakita ko lang na may nag-aaway at hindi ko naman alam na ikaw pala ang kaaway. After that, sumunod na ako sa inyo sa kuwarto, remember?"
Lumabi ako at nag-iwas ng tingin. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit siya kaagad umalis sa halip na patahanin ang anak niya pero hindi ko na lamang ginawa dahil baka mamaya, isipin na niya naman na nanghihimasok ako sa pamilya niya.
"S-Sinuntok ko lang saka... sinampal. 'Yon lang," nahihiyang sagot ko sa kaniya. Wala sa sarili akong napakamot sa aking ulo dahil sa kahihiyan. Nagmukha tuloy akong bayolente.
Akala ko ay pagagalitan niya ako ngunit malakas lamang siyang bumuntong hininga. "You did the right thing. Dapat lang sa kaniya iyon. I'll make sure that she will pay for what she did to Chantal and to your son," sambit niya. Umawang ang labi ko dahil kahit na nasabi na niya na wala akong kasalanan sa nangyari kanina, hindi ko pa rin maiwasang manibago dahil nasanay na ako na sinesermonan niya ako palagi.
Tumayo siya at may kung anong kinuha sa ilalim ng kaniyang lamesa. Laking gulat ko naman nang umikot siya at dumaan sa likod ko hanggang sa nasa harap ko na siya.
"Sir?" Naguguluhang pagtawag ko sa kaniya. Mas lalo pang nanlaki ang aking mga mata nang bahagya siyang lumuhod habang hawak ang...
Kumunot ang noo ko at ilang beses na napakurap dahil sa gulat at pagtataka. Hawak niya ang suot kong heels kanina. Hindi ko na napansin na hanggang ngayon ay nakayapak pa rin pala ako dahil masiyado akong pre-occupied sa mga nangyayari.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Agad akong napalunok upang ibsan ang pagkatuyo ng lalamunan ko lalo pa nang hawakan niya ang paa ko at unti-unting itinaas iyon upang isuot mismo sa akin ang sapatos ko.
Peke akong umubo. "A-Ano nga palang n-nangyari doon sa babae? Nakalabas na ba siya?" pag-uusisa ko para naman kahit papaano ay mawala ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Nah. Walang susi. Her husband and daughter gave up, too. Iniwan na nila."
Pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil sa sagot niya. "Deserved," mahinang sambit ko. "Bakit nga pala hindi pa nakakalabas?"
Tumigil si Sir Preston sa pagsusuot ng sapatos ko bago nag-angat ng tingin sa akin. Muli naman akong napalunok nang magtagpo ang aming mga mata lalo pa't halos hindi na ako makahinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang lapit niya sa akin.
Bumuntong hininga siya. "It's still in your... chest."
"H-Ha?"
"T-The key, I mean. It's still on your chest, right? H-Hindi naman nahulog?"
Ilang beses akong napakurap habang pinoproseso ang sinabi niya. Nang tuluyan ko nang maintindihan ay kunot noo akong napatingin sa dibdib ko. Imposible namang mahulog 'yon. Sa sobrang sikip ng damit ko at idagdag pang malaki ang dibdib ko, imposible na bigla na lamang iyong nahulog mula sa akin.
Walang kahirap-hirap kong kinuha ang nakasipit na susi sa gitna ng aking dibdib at ipinakita sa kaniya. "Nandito pa," kaswal na sagot ko sa tanong ni Sir Preston.
Hindi nakatakas sa mga mata ko ang ilang beses niyang paglunok maging ang pag-igting ng kaniyang panga. Taka ko siyang tiningnan.
"Lyana?"
"Hmm?" tanong ko nang tawagin niya ang pangalan ko.
"I wasn't paying attention to you when you first got here but now..." Napalunok akong muli nang bahagya siyang lumapit sa akin. "But now that I got to see you up close, I can say that you're really pretty." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya pero hindi rin naman ako gaanong kabobo at kamanhid para hindi maramdaman kung anong ginagawa niya. Nilalandi niya ako... sigurado ako. "Alam ko ho, Sir." Pilit kong pinakalma ang boses ko kahit na sa totoo, para na akong aatakihin dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Mahina siyang tumawa dahil sa sinabi ko. "No, I mean. Not just pretty. You're drop dead gorgeous. So gorgeous that every man will kneel before you," sambit niya.
"Gaya niyo, Sir?"
Napatingin siya sa puwesto niya na ngayon ay nakaluhod na sa harapan ko. Dahil doon ay muli siyang tumawa na para bang nahuli ko siya. Wala sa sarili akong napailing. Lasing na nga siya.
Akmang tatayo na sana ako ngunit agad niya akong napigilan at pinanatili ako sa pagkakaupo. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa ginawa niya ngunit mas lalong nanlaki ang aking mga mata nang walang pasabi niyang angkinin ang aking labi.
"Yes. Just like what I'm doing right now. Every man will kneel before you... like what I'm doing right now," mahinang bulong niya at muli akong hinalikan.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report