"I already told you to just stay at your room, right?" Inagaw sa akin ni Preston ang hawak kong walis at nakataas ang kilay na tumingin sa akin. "Bakit ba ayaw mong makinig?"

Umirap ako nang marinig ang sinabi niya at ipinagkrus ang aking dalawang braso. Hindi ako nagdalawang isip na makipagsukatan ng tingin sa kaniya. "Huwag mo akong utusan, hindi kita boss," ganti ko. "Of course, I am not your boss. I already fired you, remember?"

Mas lalo ko pa siyang sinamaan ng tingin kaya't sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi ang malakas na bumuntong hininga at mapailing. Inismiran ko muna siya bago inagaw ang kinuha niya sa aking walis tambo. "You don't have to clean Chantal's room, Lyana. Malinis naman. You should just go to your room and rest-"

"Paanong rest eh hindi nga ako pagod?" Inis na tanong ko pabalik at tinaasan siyang muli ng kilay. "At saka buntis lang ako, may paa at kamay pa rin ako kaya hayaan mo akong kumilos."

"But Lyana..."

"At 'di ba nga, napag-usapan na natin na hindi muna natin sasabihin sa kanila na buntis ako? Kina Manang at sa kambal?"

Agad siyang tumango at ginaya ang tayo ko ipinagkrus niya rin ang dalawa niyang braso habang nakatingin sa akin. "Right. Sinusunod ko naman, ah? In fact, lahat nga ng sinasabi mo, sinusunod ko. What else do you want?" Umirap ako at inismiran siya. Alam ko naman na sinusubukan niya lang na bumawi. Alam ko rin na maging siya ay nahihirapang mag-adjust dahil technically-o realistically, ito palang ang unang beses na may nakasama siyang 'buntis'. Pero kasi, mukhang ayaw sa kaniya ng baby naman kaya naman kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko siya. Hindi naman sa ako mismo ang may problema sa kaniya kaya ayaw kong nasa malapit siya... ang baby. Ang baby mismo ang may problema sa kaniya. Sigurado ako roon.

Malakas akong bumuntong hininga. "Paanong hindi nila mahahalata eh kung umakto ka, para mo na ring sinasabi sa kanila na buntis ako? Hindi nga sabi ako kumportable na malaman nila na buntis ako... hindi pa ngayon, okay?" "Lalaki rin naman ang tiyan mo. Even if I don't tell them, it will show." Umiiling na sambit niya at umayos na ng tayo. Umupo siya sa kama ni Chantal at kunot noo pa rin akong inobserbahan habang hawak ko ang walis at animo'y kukuhanin niya iyon kaagad sa oras na magwalis ako.

"Subukan mo," banta ko sa kaniya ngunit nagkibit balikat lamang siya sa akin at ngumisi. Umirap naman ako bilang tugon.

Talagang iniiinis niya ako!

Sinabi ko na sa kaniya noon pa man na hindi naman talaga ako galit sa kaniya na kaya moody ako pagdating sa kaniya ay dahil sa baby at baka ayaw sa kaniya ng anak namin. Kahit na medyo nakaka-offend, sinabi ko pa rin sa kaniya dahil baka mamisinterpret niya ang mga inaasal ko sa tuwing magkausap kaming dalawa.

Akala ko ay magagalit at lalayo siya nang kaunti dahil sa sinabi ko pero kabaliktaran lamang ang nangyari at medyo pinagsisisihan ko na sinabi ko pa sa kaniya dahil mas lalo lamang lumala ang pagdikit-dikit niya sa akin.

Sabi niya pa, mas lalo pa siyang didikit para masanay na ang baby sa presensiya niya... na parang hindi naman nagwowork dahil mas lalo lamang akong naiinis sa kaniya. Kahit na medyo napapanatag ako na nakikitang kahit papaano ay nag- eenjoy siya sa pang-aasar sa akin na hindi naman namin nagawa noon, hindi ko pa rin maiwasang isipin na baka mapagod siya nang dahil sa akin.

Isa pang iniisip ko na baka ginagawa niya lang ang mga ito ay dahil sa...

"Lyana? Hey."

Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Preston. Hindi ko na napansin na nagsasalita na pala siya dahil abala ako sa pag-iisip sa kaniya. Nag-angat ako ng tingin at taka siyang tiningnan.

"Huh?" Wala sa sariling tanong ko sa kaniya.

Mahina siyang tumawa at umiling. "Wala, wala. Just don't mind me," sambit niya habang tumatawa kaya't agad ko siyang pinanliitan ng mata.

"Ano nga? Hindi ko narinig ang sinabi mo kanina."

"Just some,..." Muli siyang ngumiti at nagkibit balikat. "Some stuffs. It's not important, don't mind me."

Sa huli, wala akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at mapailing bilang tanda ng pagsuko sa kaniya. Kapag sinabi niyang ayaw niyang sabihin at hindi mahalaga, hindi ko na siya pipilitin. Napalabi ako bago tumalikod sa kaniya upang sana ay ibalik na ang walis tambo sa lalagyan niyon.

"Oh, come on." Hindi pa man ako nakakahakbang palayo ay agad ko nang narinig ang boses ni Preston. Lumingon ako sa kaniya at ilang beses na kumurap habang nakatingin sa kaniya. "Bakit?"

He let out a harsh breath. "Nagtatampo ka na naman ba? Are you mad?"

Kumunot ang noo ko at takang tumingin sa kaniya, Wala sa sarili kong itinuro ang sarili ko. "Ako? Galit? Bakit? Paano mo naman nasabi?" sunod-sunod na tanong ko.

"I saw you. You pouted before you turned your back on me-hindi ka lang nagsalita."

Ilang beses akong napakurap dahil nabigla ako sa tanong niya. Gusto ko sanang itanong sa kaniya kung may problema ba sa ginawa ko ngunit hindi ko na ginawa at sa halip ay nahihiwagaan na tumingin lamang sa kaniya. Hindi ko alam kung dahil ba buntis ako pero tingin ko... mas lalo siyang nagiging weird?

Muli siyang nagpakawala ng malakas na buntong hininga at tumayo mula sa kamang kinauupuan. Naglakad siya palapit sa akin at mas lalo namang nanlaki ang aking mga mata nang walang pasabi niya akong niyakap na para bang may nagawa siyang masama.

Ano bang problema niya?

"Anong..."

He rested his chin on my shoulder, still holding my waist. Hinila niya pa ako palapit sa kaniya kaya't hindi ko tuloy alam kung yayakapin ko ba siya pabalik o ano. Ano bang dapat kong gawin kung hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit niya ako niyakap?

"Preston, ano ba?" Nag-aalalang tanong ko nang ilang segundo na ay hindi pa rin siya bumitiw. "May problema ka ba?"

"Did I say something wrong again?"

Mas lalong nagtagpo ang kilay ko nang marinig ang tanong niya. "Ano?"

"Did I do something wrong? May mali na naman ba akong nasabi? Did I make you upset?" sunod-sunod na tanong niya sa akin kaya't mas lalo lamang akong naguluhan. Bibitiw na sana ako sa yakap niya at itutulak siya palayo dahil naguguluhan ako sa sinabi niya ngunit sa halip na bumitiw ay mas lalo niya lamang hinigpitan ang yakap sa akin na para bang ayaw niya akong umiling.

Umawang ang labi ko. "Preston..."

"I'm sorry," mahinang sambit niya at muling bumuntong hininga. "I guess my joke went too far again. I'm sorry, huh? Hindi na mauulit, I swear. I'm still trying, Lyana. I'm sorry if I made you upset again."

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Hindi ako kaagad nakasagot at sa halip ay naestatwa lamang sa aking kinatatayuan. Iyon lang ba ang dahilan kung bakit niya ako niyakap?

"Ako? Galit? Kailan?" takang tanong ko. Humiwalay siya ng yakap sa akin at kunot noo akong tiningnan. Itinuro ko naman ang sarili ko at tinaasan siya ng kilay.

"I saw you. You pouted and you turned your back on me so you're mad..." Muli siyang humarap sa akin at tulad ng ekspresyon ko ay taka niya rin akong tiningnan. "Hindi ba?"

Umiling ako at itinaas ang hawak kong walis tambo. "Hindi. Ibabalik ko lang 'tong walis tambo tapos nang-yakap ka na kaagad. Sinong hindi maweweirduhan sa 'yo?" biro ko pa.

Ilang beses siyang napakurap habang nakatingin sa hawak kong walis tambo na animo'y hindi makapaniwala sa narinig. Matapos ang ilang segundo ay napailing siya at kinuha na mula sa akin ang walis tambo. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa taguan niyon sa kuwarto ni Chantal.

Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang sarili ko na mapangiti habang nakatingin sa likod niya. Napapailing pa siya at parang nahihiya sa ginawa kaya naman hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tuluyan nang napangiti. Dapat galit at naiinis ako sa kaniya ngayon pero parang maging si baby ay kinilig sa ginawa ni Preston kaya naman nanatili akong nakangiti habang pinagmamasdan siya.

Kahit papaano, nakikita ko naman na nag-eeffort siyang ayusin ang relasyong mayroon kaming dalawa. Alam ko na sinusubukan niyang magbago para na rin sa ikabubuti niya kaya namin kahit kaunti, napapanatag ako na hindi magtatagal ay tuluyan na rin kaming magkakaayos at babalik sa akin-well, depende pa nga lang kung magiging consistent siya.

Bahala na.

Lumingon sa akin si Preston kaya't nag-iwas ako ng tingin upang hindi niya mapansin na nakangiti ako habang pinagmamasdan siya. Baka mamaya, lumaki ang ulo.

Hindi pa man nagtatagal ay may kung sino nang kumatok sa pinto kaya't napatayo ako.

"Mama Lyana! Daddy! Lolo and Lola are here!" Rinig kong sigaw ni Chantal mula sa labas.

Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling napaatras. Lolo,.. Lola...

Tumingin ako kay Preston na mukhang tulad ko ay nagulat din. Lolo at Lola ni Chantal kaya ibig sabihin niyon...

"Nandito ang mga magulang mo?"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report