The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG) -
CHAPTER Sixty
"You know my Dad, Lyana? How come?"
Gulat akong lumingon sa gawi ni Preston at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Umawang ang labi ko at muling ibinalik ang tingin sa gawi ng ama niya upang siguruhin na hindi lamang ako namamalikmata. Ilang beses akong kumurap habang nakatingin sa kaniya ngunit wala akong ibang nakita kung hindi ang paglalaro ng ngisi sa kaniyang mga labi.
Nakangisi siya na para bang sinasabi na...
"Magandang araw, Ma'am."
Mas lalong umawang ang labi ko at wala sa sariling hinampas si Preston sa kaniyang balikat. "Siya nga!" Malakas na sigaw ko at hindi ulit makapaniwalang tumingin sa kaniyang ama.
"Dad, paano mo nakilala si Lyana? Why did you call her... Ma'am?" takang tanong din ni Preston sa ama ngunit nagkibit-balikat lamang ito.
"Let's just talk about that later, son. Why don't you introduce that lady to us first?"
Hindi tulad kanina nang una niya akong binati at tinawag na Ma'am ay iba na ang tono ng boses niya-mukhang pormal na ang boses niya kaya't ilang beses akong napakurap muli. Parang biglang nag-ibang tao siya sa tono ng pananalita niya. Tila bumalik naman ang kaba ko nang magtagpo ang paningin namin ay animo'y naghihintay na ipakilala ako ni Preston sa kanila.
"Uh, I forgot, sorry," tila natauhan si Preston at muling hinawakan ang kamay ko. "Babe?"
Sunod-sunod akong kumurap nang tawagin niya ako. Tumingin ako sa direksiyon niya at nginitian niya lamang ako at para bang sinasabing ipakilala ko ang sarili ko. Umiling ako pero hindi siya nagsalita kaya't sa huli ay palihim akong bumuntong hininga at humarap sa kaniyang mga magulang.
Pilit akong ngumiti sa kanila. "U-Uhm.. L-Lyana nga po pala. Lyana Dela Merced po," nahihiyang pakilala ko.
Gusto ko sanang itaas ang kamay ko at makipaghandshake ngunit bago ko pa man iyon naitaas nang tuluyan ay napigilan ko na ang sarili ko sapagkat naisip ko na baka hindi ganoong malinis ang kamay ko upang makipagkamay sa mga taong tulad nila-o baka dahil na rin sa takot na baka iwaksi lamang nila ang kamay ko at mapahiya lamang ako.
"And?" tanong ng ginang kaya't ilang beses akong napakurap muli dahil hindi ko alam kung anong idaragdag o isasagot ko sa tanong niya.
"And she's my children's mother and my girlfriend."
Napatingin ako sa gawi ni Preston nang siya na ang kusang sumagot sa tanong ng ina niya. Lumingon sa akin si Preston at tipid akong nginitian. "She's also the love of my life. Does that answer your question, Mom?" dagdag niya pa at ibinalik ang tingin sa ina.
Wala sa sarili akong napalunok at napaatras dahil hindi ako naging kumportable nang maramdaman ang titig ng dalawa sa akin. Hindi ako naglakas ng loob na tingnan ang mga magulang ni Preston dahil baka mas lalo akong panghinaan kapag nakita ko ang ekspresyon sa mga mukha nila. Natatakot ako na baka na-dissapoint lang sila nang malaman ang totoo.
"Nice to meet you."
Kinakabahan akong nag-angat ng tingin sa ina ni Preston nang marinig ko ang sinabi niya. "N-Nice to meet you rin... po?" Hindi ko kaagad naituloy ang sasabihin ko nang makitang naka-extend ang isa niyang kamay at animo'y gustong makipag-kamay sa akin.
Binitiwan ni Preston ang kamay ko at sa halip ay ipinulupot na lamang ang kaniyang braso sa aking beywang. Napalunok ako at muling napatingin kay Preston. Tumango siya at parang sinasabi na tanggapin ko ang pakikipagkamay ng nanay niya.
Lihim akong bumuntong hininga at muling ibinalik ang aking tingin sa gawi ng nanay niya. Pinunasan ko muna ang namamasa kong kamay dahil sa pawis sa aking t-shirt bago tinanggap ang pakikipagkamay ng kaniyang ina. Bahagya akong napaigtad nang maramdamang bahagyang pisilin ng ginang ang aking palad. Nang mag-angat naman ako ng tingin dito ay tipid niya akong nginitian kaya't hindi ko magawang mas lalong kabahan dahil hindi ako sigurado sa kung anong ipinaparating ng ngiti niyang iyon.
Hindi ko alam kung ayaw niya ba sa akin o gusto niya ako para sa anak niya. Natatakot ako...
"Why don't we just eat first? Let's talk over some food, shall we?" pag-aaya ng ama ni Preston kaya't binitiwan na ako ng kaniyang ina.
Napalunok akong muli bago hinuli ang kamay ni Preston upang hawakan niyang muli ang kamay ko. Mahina naman siyang tumawa at hinawakan nang muli ang aking kamay. Nakakahiya man dahil magkahawak ang kamay namin sa harap ng mga magulang niya, hindi ko naman mapigilan ang sarili ko dahil iyon na lamang ang tanging nagpapakalma sa akin. Baka kapag nagtagal pa, baka tuluyan nang bumigay ang aking mga binti dahil sa labis na kabang nararamdaman. "Oh, I'll cook!" pagpepresinta ng ina ni Preston kaya't nagbaba na ako ng tingin. "Why don't you help me, hija?"
Hindi pa man nagtatagal ang pagtingin ko sa baba ay agad ding nag-angat ang aking tingin pabalik sa ina ni Preston. Gulat ko siyang tiningnan ngunit makahulugang ngumiti lamang sa akin ang ginang.
"Mom, can't you just do it alone?" reklamo ni Preston.
Alam kong nag-aalala siya at ayaw akong pagalawin sa mga gawain sa bahay dahil medyo sensitibo ang pagbubuntis ko. Isa pa, hindi alam ng mga magulang niya na buntis ako kaya...
"Come on, son. I won't do something to her," agad na sambit ng nanay niya at mahinang tumawa. "Isa pa, hindi na ako masiyadong pamilyar sa kung saan nakalagay ang mga gamit niyo sa kusina. And perhaps, your girlfriend knows everything, right, hija?"
Muli akong napalunok nang sa pagkakataong iyon ay ako naman ang tinanong niya. Awkward akong tumango. "O-Opo," mahinang sagot ko kahit na kinakabahan na ako.
"See? Alam niya naman pala. Come on, son. Don't overthink so much."
"But Mom-"
"Hon, pagsabihan mo nga 'tong anak mo," pagsusumbong nito sa asawa kaya't muli akong napalunok. Tumingin siya sa gawi ni Preston. "Do you really think that I am that bad, huh, son? I won't hurt her, I swear."
Malakas na bumuntong hininga si Preston at mukhang ayaw pa ring magpatinag sa ina. Kahit na natatakot ako, ayaw ko rin naman na mag-away silang dalawa nang dahil sa akin. Kinagat ko ang aking ibabang labi bago tumingin kay Preston. "Hayaan mo na," mahinang bulong ko sa kaniya.
"But Babe, sabi mo..."
Hindi ko na hinayaan pang ituloy niya ang sasabihin niya at kusa na akong bumitiw sa pagkakahawak sa kamay niya. Nagpakawala namang muli ng malakas na buntong hininga si Preston at walang nagawa kung hindi ang makinig sa akin at hayaan na ang nanay niya.
Lalakad na sana ako palapit sa ina ni Preston nang magsalita si Chantal. "Mama Lyana, can I join po?"
"Of course, Chantal. Samahan mo ang Mama Lyana mo." Hindi pa man ako nakakasagot ay naunahan na ako ni Preston sa pagsasalita. Tumingin siya sa nanay niya at ngumisi. "Chantal is allowed to join you two, right, Mom?" Walang nagawa si Mrs. Tejada kung hindi ang ismiran ang anak at lumingon na sa akin. "Lead the way," sambit niya kaya't agad akong tumango upang sumunod sa sinabi niya.
Tumakbo si Chantal palapit sa akin at humawak sa aking kamay samantalang nakasunod naman sa amin ang ina ni Preston. Kahit papaano naman ay nawala ang kaba ko dahil kasama ko si Chantal at hindi ako nag-iisang haharap sa nanay ni Preston dahil kung mag-isa lang ako, baka tuluyan na talaga akong himatayin dahil sa kaba!
"Mama Lyana, we forgot to include Jarvis po."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Nagbaba ako ng tingin kay Chantal nang marinig siyang magsalita. Marahan akong tumango bilang pagsang-ayon. "Oo nga..." Agad kong ibinalik ang aking paningin sa gawi ni Jarvis ngunit agad na nawala ang ngiti ko nang makitang nakakalong siya sa tatay ni Preston at abala sa pagkain ng lollipop.
Tama talaga ako. Siya 'yong guard sa dating school ni Jarvis na nagbibigay palagi sa kaniya ng candy tuwing uwian habang hinihintay ako ni Jarvis dahil palagi akong late sa pagsundo sa kaniya. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at ibinalik na ang aking mga mata kay Chantal.
Nginitian ko siyang muli. "Hayaan mo na, mukhang busy, e."
"Mama Lyana, Lolo and Jarvis seems so close to each other. They're weird po, you know?"
Kumunot naman ang noo ko at inalalayan siyang tumayo sa stool niya sa may kitchen counter para maabot niya iyon at magkapantay na kami ng height. "Paano mo naman nasabi, 'nak?" mahinahong tanong ko sa kaniya at inayos ang suot niyang skirt.
"Kasi po Mama, Jarvis called Lolo, Manong. 'Di ba po, Jarvis called Daddy a 'manong' too noong tampo po siya? Bakit po Manong din po ang tawag ni Jarvis kay Lolo po? Tampo rin po siya kay Lolo? Pero mukhang they're close naman po pero Manong po ang tawag niya... it's weird, Mama Lyana. My ulo is hurting because of them," pagkukuwento niya at eksaheradang hinilot ang sintido na parang ginagaya si Preston.
Mahina akong natawa dahil sa naging reaksiyon niya kaya't ginulo ko ang buhok niya. "Itanong mo nalang kay Jarvis mamaya, ah? Sure naman ako na sasagutin ka niya kasi siya lang naman ang may alam. Pati nga ako, naguguluhan din," pag- amin ko.
"Really, Mama Lyana? Gulo rin po ikaw?" tanong niya kaya't agad naman akong tumango bilang pagsagot. Mahina naman siyang tumawa at napapalakpak. "OMG! We're the same, Mama! So galing!"
Muli na lamang akong natawa at tumango na lamang sa kaniya. Sunod naman siyang lumingon sa Lola niya kaya't hindi ko mapigilang mapalunok nang mapansing nakatingin pala ito sa aming dalawa ni Chantal. Hindi ko na siya napansin kanina dahil abala ako sa pakikipag-usap kay Chantal kaya naman bumalik ang kaba ko ngayon nang mapansin ko na siya.
"Lola, what are we going to cook po?"
Napangiti ang ginang nang marinig ang tanong ni Chantal at lumapit na sa aming dalawa. "Well, depende sa 'yo. What do you want to eat, huh, my princess?" mahinahong tanong nito kay Chantal kaya't kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag.
Mabuti na lamang at hindi siya tulad ni Margaux na hindi itinuring nang maganda si Chantal. Mukha rin namang maayos ang pakikitungo nilang mag-asawa kay Chantal kaya't naging kampante ako kapag kinakausap nila ang anak ko. "Hmm... I don't know, Lola."
"Do you want me to cook your favorite? Adobo?" Tila excited na tanong ng ginang kay Chantal kaya't wala sa sarili akong napalunok.
Adobo? Uh....
"Next time nalang po, Lola." Tumingin sa akin si Chantal at inosente akong tiningnan. "Mama Lyana doesn't like soy sauce these days po. She's always vomiting when she smells soy sauce so I don't want adobo po."
Umawang ang labi ko at napaatras nang marinig ang sinabi niya. Wala sa sarili naman akong tumingin sa gawi ng nanay ni Preston upang tingnan ang reaksiyon niya at sakto namang nakatingin din siya sa akin. Hindi ko mabasa ang naiisip niya dahil parang wala namang nagbago sa ekspresyon niya nang marinig ang sinabi ni Chantal.
Hindi niya pa kaya nahahalata?
Tumango ang ginang kay Chantal at muling tumingin sa akin. "So let's eat sinigang then. Do you know how to cook it or... is it all right with you?" tanong niya.
Muli akong napalunok ngunit kapagkuwan ay mabilis akong tumango bilang sagot sa tanong niya. "A-Ayos lang naman po. W-Wala pong problema," nahihiyang sagot ko.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"All right, then. Let's cook sinigang. Where's the pot?"
"U-Uh, d-doon po sa kaliwang cabinet. S-Saglit lang po "
"Ako na ang kukuha," pagputol niya sa dapat ay sasabihin ko at nagtungo na papunta sa gawi ng kaliwang cabinet. "Saan dito?"
"Sa pangatlong drawer po," nahihiwagaang sagot ko.
Ilang beses akong napakurap habang pinagmamasdan siya. Nakakapanibago-oo, iyon lamang ang masasabi ko na makakapag-describe sa kanila ng asawa nila. At saka sa rami ng puwedeng lutuin, hindi ko inaaasahan na mag-ooffer siyang magluto ng sinigang at mas lalong hindi ko naman inaaasahan na siya mismo ang magpepresintang magluto!
Mayaman sila... sobrang yaman pa nga! Kulang ang salitang 'mayaman' para i-describe sila. Kaya naman talagang nakakapanibago na ganito sila umasta. Saka parang hindi naman siya galit sa akin...
Lihim akong bumuntong hininga at tumingin kay Chantal. Ngumiti siya sa akin kaya't ginantihan ko rin siya ng ngiti.
Mukhang hindi galit sa akin ang nanay ni Preston ngayon pero hindi pa rin pala ako puwedeng makampante ngayon. Narito si Chantal kaya't baka pinipilit niya lang na huwag magalit sa akin. Baka kapag wala na si Chantal...
"Ah, Chantal. Can you call Manang Lerma?" Natigilan ako nang muling magsalita ang nanay ni Preston at tumingin kay Chantal. "I think I forgot my present for you in our car. Magpasama ka muna na kuhanin." "But Lola..."
Tatanggi pa sana si Chantal ngunit naputol na ng ginang ang kung ano mang dapat niyang sasabihin. "You can share it with Jarvis. I bought him some gifts, too."
Hindi na nagreklamo pa si Chantal at nagpatulong na sa aking bumaba ng stool niya. Umalis na siya samantalang naiwan naman akong nagtataka. Binilhan niya ng regalo si Jarvis? Pero...
"Pinaalis ko siya para makapag-usap tayong dalawa nang tayo lang dalawa at hindi niya naririnig."
Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang muling magsalita ang nanay ni Preston matapos makaalis ni Chantal. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi at kinakabahang tumingin sa kaniya muli. "P-Po?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya pabalik.
Malakas siyang bumuntong hininga at naglakad papunta sa gawi ko. Ibinaba niya ang kinuhang kaserola sa counter at seryosong nag-angat ng tingin sa kaniya. Napalunok naman ako at ilang beses na napakurap dahil sa labis na kaba na baka may sabihin siyang masama sa akin. Wala sa sarili akong napahawak sa counter habang hinihintay ang sunod na sasabihin niya sa akin.
"I want you to be honest with me, Lyana. Lyana, right? Tama nga?"
Marahan akong tumango. "O-Opo," sagot ko.
"Are you pregnant with my son's child again?"
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report