"I'm nervous."

Tumigil ako sa pag-inom ng avocado shake na pina-drive thru ko kay Preston bago lumingon sa gawi niya. Abala siya sa pagd-drive at parang walang sinabi. Napalabi naman ako at nag-iwas na muli ng tingin. Kanina niya pa sinasabi ang bagay na iyon pero hindi na pinapansin dahil wala naman talaga siyang dapat na ikakaba.

"Oh, fuck. I'm really nervous."

Malakas akong bumuntong hininga nang wala pa mang ilang minuto ay muli na naman niyang sinabi ang katagang iyon. Muli akong lumingon sa gawi niya at seryoso siyang tiningnan.

"Isa pang sabi mo ng kinakabahan ka, ihahagis na kita palabas ng sasakyan," seryosong banta ko.

He groaned. "Hindi puwede, walang magd-drive."

Hindi ko mapigilang mapairap nang marinig ang sinabi niya. Tama naman siya pero nagbibiro lang kasi ako tapos sineryoso niya. Nakakabad trip, ha. Bumuntong hininga ako muli at nagpatuloy na lamang sa pag-inom ng avocado shake. "When you're pregnant with the twins..."

"Hmm?" tanong ko nang muli siyang magsalita.

"Is it hard?"

Agad akong umiling bilang sagot sa tanong niya. Hindi ko na naman kasi dapat pang pag-isipan ang bagay na iyon kasi alam ko na kaagad kung anong dapat kong isagot. "Mas mahirap noong u.....”

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang mapagtanto ko kung ano iyon. Oo nga pala. Hindi niya pa alam.

Malakas akong bumuntong hininga at nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi naman mahirap kasi binabantayan ako ni Dalia saka ng mga iba pang doctor na kasama niya. Mabait naman sila, 'yon nga lang, nagkamali sila kaya-" "Let's not talk about that, shall we?" pagputol ni Preston sa dapat ay sasabihin ko kaya't wala akong nagawa kung hindi ang mapalabi at marahang tumango bilang pagsang-ayon.

"Mabait naman sila saka hindi ako pinahirapan ng kambal. Pati 'tong ngayon, hindi rin ako masiyadong nahihirapan. Sa pagsusuka lang talaga sa umaga pero ayos lang naman. Kanina nga, hindi ako nagsuka, e. Baka dahil sa kuwarto mo ako natulog?" Wala sa sariling sambit ko at uminom na muli ng avocado shake.

Narinig ko ang pagtawa niya kaya't ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. "Bakit?" takang tanong ko.

Kaswal siyang nagkibit balikat habang may naglalaro pa ring ngiti sa mga labi niya. "Nothing. I just thought that maybe that's your way of saying that you want to sleep on my room often. Is that what you want, huh?"

Hindi ko mapigilang umirap dahil doon. "Alam mo, alam ko na kung ano 'yang iniisip mo. Ang halay mo talaga," reklamo ko at umiling. "Baka lang mas malambot 'yong kama mo o kaya 'yong amoy ng kuwarto mo kaya hindi ako nasuka. Ang feeling mo naman masiyado."

"Hmm, why don't you sleep with me, then?"

"Preston, ang halay-"

"It's not like that, babe," pagputol niya sa sasabihin ko at muling tumawa. Umismid naman ako at sinamaan siya ng tingin. Nagkibit balikat siya. "I am just offering you to stay there for your own betterment. I mean, kung kumportable ka roon, then sleep on my room. As easy as that."

Malakas akong bumuntong hininga at agad na nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Hindi ko maiiwan si Jarvis nang mag-isa sa kuwarto namin, ano."

"Then let's move him to Chantal's room," suhestiyon niya kaya't muli akong napatingin sa kaniya. Tila pumintig ang aking mga tainga nang marinig iyon kaya't napagdesiyunan kong makinig sa kaniya. "You know, Chantal's room is too big. Saka palagi rin naman kayong nasa kuwarto ni Chantal. Bakit hindi pa natin pagsamahin ang dalawa? Saka nalang sila lumipat kapag malalaki na sila." "Baka ayaw ni Jarvis at Chantal..."

"Oh, come on. I swear, they'll like that idea. Though we have to constantly check them. Baka hindi na matulog at maglaro na lamang nang maglaro. They're too naughty. Though Jarvis is a bit mature than Chantal but still, he's a child. Maglalaro pa rin 'yon nang maglalaro."

Wala sa sarili akong napatango. Tama nga naman siya. Saka para na rin maging independent si Jarvis at nang matuto na siyang matulog nang mag-isa tulad ni Chantal. "Okay," kaswal na sagot ko sa kaniya.

"Hmm?"

Tumango akong muli. "Sabi ko, okay. Pero siyempre, tanungin muna natin ang dalawa. Kapag ayaw ni Jarvis, doon pa rin ako sa kuwarto namin matutulog hanggang sa pumayag at kumportable na siya, okay?" "Copy, Madam."

Napailing na lamang ako sa sagot sa akin ni Preston at hindi na kumontra pa sa sinabi niya. Madam... ganda, ah. Ngumisi ako. "Dapat ganiyan nga, alipin," biro ko.

Dahil naka-focus ang mga mata niya sa daan ay saglit siyang tumingin sa akin at sinamaan ako ng tingin. Mapaglarong ngumisi naman ako sa kaniya at kaswal na nagkibit balikat. Hindi na rin naman siya umangal pa kaya't ngiting tagumpay ako.

Ilang minuto pa kaming bumiyahe dahil sa halip na dalhin ako kay Dalia para si Dalia ang mag-check up sa akin ay hindi niya ginawa. Baka raw kasi mamaya ay sperm ng ibang lalaki ang mailagay sa akin as if naman magpapasurrogate ako, ano. Eh may laman na nga 'tong tiyan ko.

Minsan tuloy, hindi ko mapigilang maisip kung sino sa aming dalawa ang bobo. Kasi matalino naman 'yong dalawang bata tapos kami... ay, nevermind.

"Alam mo, pinag-eexercise pa nga ako ni Dalia noon kasi para raw healthy sa baby. Dapat daw, naggagalaw-galaw ako para hindi ako maging matamlay."

"And?" Walang interes na tanong sa akin ni Preston kaya't agad na humaba ang nguso ko. Alam ko naman na alam na niya na siya ang pagsasabihan ko, e. Buti nalang alam na niya. Hindi rin pala siya manhid, wow.

"Kaya dapat, pagalawin niyo na rin ako sa bahay. Sabi nga ni Mananng Lerma, huwag na raw akong magluto kasi masama raw sa buntis ang mapagod-nakakapagod baa ng pagluluto? Tapos si Tita, kulang nalang, sabihing huwag akong maglakad. Pagalawin niyo kaya ako kahit kaunti, ano?"

Tumawa siya kaya't muli akong bumuntong hininga. Alam ko na naman na may kalokohan siyang iniisip. Siguradong-sigurado ako na mayroon. Isang tawa niya pa lang, alam na kaagad na mayroon.

"Don't worry. Mag-eexercise naman tayo sa gabi."

"Preston!" Malakas na suway ko sa kaniya kaya't mas lalo pa siyang humagalpak ng tawa. Napairap naman ako at nag-iwas ng tingin habang namumula ang pisngi dahil sa sinabi niya.

Ang halay talaga. Napaka-halay. Napaka-rumi niya mag-isip, nakakaiyak.

"Ganiyan siguro talaga kapag tigang. Huh! Bahala kang tigang for nine months-"

"Hindi mo sure."

Marahas akong tumingin sa gawi niya at hinampas ang kaniyang balikat. Napaaray naman siya at saglit na tumingin sa akin ngunit agad ding tumingin sa daan. "Anong hindi ko sure? Bakit? Balak mo yatang mambabae kapag hindi kita pinagbigyan, e. Subukan mo lang talaga."

"What? No, of course not, babe. Takot ko nalang sa 'yo, ano. Baka umalis ka ng bahay at kunin ang mga bata "

"Hindi mo sure," pagputol ko sa sasabihin niya at ginaya ang palagi niyang linya.

Saglit siyang tumingin sa akin. Kunot-noo niya akong sinulyapan kaya't tinaasan ko siya ng kilay. "What?" Naguguluhang tanong niya.

"Kapag nambabae ka, sisiguruhin kong hindi ka na magkakaanak pa kahit kailan, subukan mo lang talaga."

"H-Huh?"

Ngumiti ako sa kaniya bago niya ibinalik ang tingin sa kalsada. "Puputulin ko 'yan kapag nambabae ka. Sinasabi ko sa 'yo."

Sunod-sunod siyang umubo na animo'y nabulunan kaya't ngumisi ako at nag-iwas na ng tingin sa kaniya. Dapat lang na alam niya, ano. Tatlo na ang magiging anak namin tapos mangbabae pa siya? Huh! Hindi ako papayag.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Todo sabi siya sa akin na hindi naman talaga raw siya magloloko sa buong biyahe namin hanggang sa makarating na kami sa tapat ng clinic ng OB-GYNE kung saan niya raw ako ipapa-check up. Agad namang tumaas ang kilay ko nang makitang pang-mayaman ang pinuntahan naming clinic. Alam ko dahil dumadaan na ako rito noon pero hanggang labas lang ako dahil mahal.

Humaba ang labi ko at nagkibit balikat na lamang. Sabagay. Sa yaman niya ba namang ito, hindi pa siya gagastos nang malaki sa magiging anak niya?

Pinagbuksan ako ni Preston ng pinto at inalalayan palabas ng sasakyan. Hindi ko naman mapigilang mapaismid. Talaga nga yatang pinapanindigan niya ang pagiging mabuting boyfriend at tatay.

Takot maputulan 'yan? Char.

"Si Mom ang naghanap ng clinic na 'to. She even made an appointment a while ago. Akala ko nga ay hindi papayagan dahil ngayon lang siya nagpa-appointment pero..."

Bumuntong hininga ako. "Mayaman kayo kaya VIP kayo, ano. Hindi na nakakagulat 'yan. Saka alam ko na naman na ganiyan ang nangyari kasi kahapon lang naman nila nalaman na buntis ako tapos hindi rin nila sinabi kagabi n amagpapa- check up na ako kaagad. Ibig sabihin, kaninang umaga llang naisipan," pagdurugting ko sa dapat niyang sasabihin.

Mahina namang tumawa si Preston at tumango na parang sinasabi na tama ang hula ko-dapat lang, ano. Sure naman ako na tama iyon.

Nakahawak sa beywang ko si Preston habang naglalakad kami papasok sa loob ng clinic ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa loob nang may makita akong pamilyar na mga mukha.

"Is that Margaux and..." mahina at wala sa sariling sambit ni Preston. Nakatingin din siya sa kung saan ako nakatingin.

Wala sa sarili akong napalunok. "A-At si Gab."

Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan at maging si Preston ay hindi rin gumalaw at pinagmasdan lamang ang dalawa. Hindi namin marinig kung ano ang pinag-uusapan nila pero ang sigurado ko ay galit si Gab at sinisigawan si Margaux samantalang nakatingin naman sa baba si Margaux at animo'y umiiyak.

Ikinuyom ko ang aking kamao dahil parang nakikita ko ang sarili ko sa sitwasyon ni Margaux. Ganoon din ako noon. Ganoon din ako tratuhin ni Gab noon...

Kinagat ko ang aking ibabang labi habang nakatingin sa kanilang dalawa. Kahit na hindi ko sila naririnig at malayo sila sa akin, hindi naman maitatanggi na nag-aaway silang dalawa dahil halatang-halata sa mukha ni Gab na galit siya. Dinuro- duro niya pa si Margaux kaya't hindi ko mapigilang itiim ang aking bagang dahil sa inis.

"They're fighting. Maybe Margaux did something bad," dinig kong sabi ni Preston sa akin.

Tumingin ako sa kaniya ngunit nakatingin lamang siya sa dalawa. Hindi ko rin mabasa ang emosyon na nararamdaman niya dahil walang emosyon siyang nakatingin kina Margaux at Gab.

"Hindi mo man lamang ba lalapitan 'yong ex-wife mo-"

"If you say so, I will. If you don't want, then I won't." Hindi na niya ako pinatapos pa sa pagsasalita at agad nang sumagot.

Malakas akong bumuntong hininga. "May pinagsamahan pa rin naman kayo. Lapitan mo na. Kilala ko si Gab, hindi 'yan titigil kaagad. Baka mamaya, pagbuhatan niya pa ng kamay si Margaux," sambit ko.

"She hurt Chantal, babe. Ipapaalala ko lang dahil baka nakalimutan mo."

Muli akong humugot ng malalim na buntong hininga upang ikalma ang aking sarili. Sasagot pa sana ako sa kaniya ngunit nang tumingin ako sa gawi nina Margaux at Gab ay naglalakad na palapit sa amin ang galit na galit na si Gab. Marahil dahil sa galit ay hindi na niya ako napansin at parang hindi ako nakitang nilampasan. Napalunok ako.

"Babe "

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Preston at nagsimula nang maglakad papunta sa puwesto ni Margaux. Naroon pa rin siya sa puwesto niya kanina kung saan siya iniwan ni Gab at tahimik na umiiyak.

"Babe, you don't have to," bulong ni Preston sa akin habang nakahawak siya sa beywang ko, Umiling naman ako para sabihin sa kaniya na ayos lang at hindi naman ako masstress.

Kinuha ko ang dala kong panyo mula sa bulsa ko at walang imik na iniabot iyon sa umiiyak na si Margaux. Hindi nakataas ang ulo niya kaya't hindi niya nakita na ako ang nagbigay niyon. Tinanggap niya ang inalok kong panyo. "Thank yo.." Nag-angat siya ng tingin at nang makitang ako ang nagbigay ng panyo ay hindi na niya naituloy ang sasabihin.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Malakas akong bumuntong hininga. "Tanggapin mo na 'yan at punasan ang mukha mo. Kalat-kalat na ang make-up mo, mas lalo ka lang magmumukhang kaawa-awa kapag hindi mo pinunasan ang mukha mo," malamig na sambit ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin at kapagkuwan ay ibinaling ang tingin kay Preston. Sunod naman siyang tumingin sa kamay ni Preston na nakahawak sa beywang ko at mayamaya pa ay mas lalo pang umiyak. Tumaas naman ang kilay ko dahil wala naman akong sinasabi sa kaniya na masakit na salita para umiyak na naman siya nang ganoon.

Lumingon ako sa paligid at napagtantong tumitingin na rin sa amin ang ibang dumadaan na mukhang magpapa-check up din sa OB-GYNE. Mukhang iniisip pa nila na ako ang nagpaiyak kay Margaux.

"Let's just get out of here, babe," muling bulong sa akin ni Preston nang mapansin niyang marami nang tao ang nakatingin sa amin.

Ayaw ko pa mang umalis at iwan na lamang nang ganoon si Margaux ay wala rin akong nagawa kung hindi ang marahang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Preston. Mas mabuti pa nga yatang umalis na kami at pabayaan na siya. Mukhang hindi na rin naman kailangan ni Margaux ng tulong namin at ayaw niya ring tanggapin. Hindi ko na kasalanan iyon.

Akmang maglalakad na sana kami ni Preston palayo at magpapatuloy sa pagpasok sa loob nang muling magsalita si Margaux kaya't napatigil kaming dalawa.

"You're pregnant?"

Sasagot sana ako sa kaniya at tatanungin siya pabalik kung anong pakialam niya kung buntis ako o hindi pero nang marinig ko ang boses niya, tila nawalan ako ng boses para kontrahin at barahin siya. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitiwan niya.

Parang sobra siyang nasaktan nang mapagtantong buntis ako at siya, kahit kailanman, hindi siya maaaring magbuntis. Kaya nga nila ako kinuhang surrogate mother noon, 'di ba? Dahil wala siyang kakayanan na magdala ng sarili niyang anak. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung anong ginagawa niya rito kasama si Gab. Ang babae na sinabi ni Gab noon na kasam at girlfriend niya... si Margaux ba ang babaeng iyon? Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nanginginig ang kamay na sinalubong ang kaniyang mga mata. "S-Si Gab.... k-kaano-ano mo si G-Gab?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya.

"Y-You know my boyfriend?"

Hindi ako kaagad nakasagot at sa halip ay hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Sa dinami-rami ng puwede niyang maging kasintahan, bakit ang gago pang iyon?

Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagbaba ng tingin upang hindi maipakita sa kaniya ang emosyon sa mukha ko. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng kapit ni Preston sa aking beywang. Bahagya siyang lumapit sa akin at bumulong. "Are you all right?" mahinang tanong niya sa akin.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at sa halip ay muling nag-angat ng tingin kay Margaux. Nakatingin pa rin siya sa akin at parang hinihintay ang sagot ko kung kilala ko ba ang boyfriend niya o ano.

Malakas akong bumuntong hininga. "Puwede ba tayong mag-usap? Kahit saglit lang," tanong ko sa kaniya.

Tulad ng inaasahan ko ay agad na nagtagpo ang kaniyang dalawang kilay nang marinig ang tanong ko. Mayamaya pa ay nagpawala rin siya ng malalim na buntong hininga at umirap. "And for what? Para ipamukha mo sa akin na kaya mong magbuntis at ako ay hindi? No, thanks. Once is enough, Lyana. Nakuha mo na nga sa akin si Preston, pati ba naman ngayon? If you know my boyfriend, I don't care. Hindi ako makikinig sa mga taong katulad mo."

"Don't you dare talk to her like that," mariing banta ni Preston sa dating asawa. "Narito pa ako, baka nakakalimutan mo. Hindi ko pa rin nakakalimutan kung anong ginawa mo kay Chantal noon. Kung si Lyana, nagpapatawad, ako, hindi." "Well sorry to burst your bubble but I don't need your forgiveness," ganti sa kaniya ni Margaux kaya't hindi ko mapigilang ipikit ang aking mga mata para kumalma.

Malakas akong bumuntong hininga at muling nagmulat. Tiningnan ko muli si Margaux na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin sa amin ni Preston. "Kailangan kitang makausap."

"Babe," mabilis na pag-angal ni Preston na nasa tabi ko. Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Kung ayaw mo mang pakinggan ang sasabihin ko, ayos lang. Basta hayaan mo akong sabihin sa 'yo ang nalalaman ko at balaan ka habang maaga pa. Kung nasaktan ka na kay Preston noon, sinasabi ko sa 'yo na ngayon palang, maghanda ka na dahil mas masakit pa ang mararanasan mo kung hindi mo ako papakinggan sa sasabihin ko."

"Why would I-"

"May nagawa akong mali sa 'yo noon at kahit papaano, gusto kong bumawi para man lamang mabawasan ang sakit na ibinigay ko sa 'yo.. Wala akong pakialam kung makikinig ka sa sasabihin ko o hindi... basta ang mahalaga para sa akin, sinabi ko sa 'yo ang nalalaman ko nang maaga para iligtas ka. Na sa 'yo na nga lang kung susundin mo o hindi. Basta ginawa ko ang makakaya ko. Kaya pakiusap, mag-usap muna tayo bago mo pairalin 'yang galit mo sa akin."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report