"Kasal? Nino?"

Ilang beses akong napakurap habang nakatingin kay Margaux. Awtomatiko namang tumaas ang kilay niya kaya't mas lalo pang kumunot ang aking noo dahil sa labis na pagtataka. Mayamaya pa ay malakas siyang bumuntong hininga at hinilot muli ang kaniyang sintido.

"Baka kasal ko, ano?"

"Kanino ka ikakasal? May bago ka na namang boyfriend? Kailan pa?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Ang bilis niya namang makahanap ng bagong boyfriend tapos ikakasal na sila kaagad. Bumuntong hininga ako. Keep up ka naman diyan, Preston. Sana all.

Tumingin muli si Margaux sa gawi ko kaya't naguguluhan pa rin akong tumingin sa kaniya. Tatanungin ko pa sana siya ulit kung bakit ikakasal na siya kaagad ngunit naunahan na niya ako sa pagsasalita. "Naka-drugs ka ba?"

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Lasing ka rin ba? Alam mo naman na buntis ako tapos itatanong mo kung naka-drugs ako. Hindi naman ako tanga-"

"Kung hindi, dapat naintindihan mo na na ikaw ang ikakasal at hindi ako," pagputol niya sa dapat ay sasabihin ko kaya naman hindi ko na napigilan pa ang bibig ko at tuluyan na iyong umawang habang nakatingin sa kaniya. Muli siyang bumuntong hininga. "Come on, Lyana. Umayos ka nga. Hindi ako ang ikakasal ngayon, ikaw, okay? Ugh! Kulang ka pa yata sa tulog kaya ka ganiyan."

"Pero hindi naman nagpopropose si Preston..."

Napahawak ako sa tiyan ko dahil hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang sinabi niya. Ako? Ikakasal? Ngayon? Bakit naman hindi ko alam? Bakit hindi alam ng mismong ikakasal?

"He did not?" tanong ni Margaux kaya't marahan akong tumango. Humaba naman ang labi ko at takang tumingin sa gawi niya.

"Bakit? Nagpropose ba siya sa 'yo noong kinasal kayo?" pag-uusisa ko.

Nag-ubuhan naman ang mga kasama namin sa van kaya't taka ko silang tiningnan ngunit nag-iwas lamang sila ng tingin sa akin. Malakas naman akong bumuntong hininga dahil mukhang hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong ko dahil alam ko na kung anong sagot.

E 'di magsasana all nalang ako rito. Sana all niluhuran?

Sumimangot ako at nagbaba ng tingin habang umiirap na hinaplos ang tiyan ko. Naramdaman ko naman ang pagsipa mula sa loob pero hindi ko na pinansin pa dahil naiinis ako. Kasal ko pa naman nga yata ngayon tapos nababadtrip lang

ako.

"Oh come on, Lyana. Are you sulking? Really?" tanong ni Margaux kaya't nag-angat ako ng tingin sa kaniya at umismid.

"E 'di ikaw na," inis na sabi ko at inirapan siya. Sa halip naman na mainis siya ay mahina siyang tumawa at napailing kaya't mas lalo ko pa siyang inirapan.

"Margaux, huwag mo ngang inisin," suway ng babaeng nasa kaliwa ko. "Baka hindi pa matuloy ang kasal, lagot ka kay Preston."

Tulad kanina, sa halip na makinig ay nagpatuloy pa rin sa pagtawa si Margaux na para bang walang naririnig. Dahil sa inis ay babatuhin ko na sana siya muli ngunit itinaas na niya ang isang kamay na animo'y pinipigilan ako sa kung ano man ang gagawin ko.

"Oh, chill. Masiyado talagang mainit ang ulo mo, alam mo naman na ikakasal ka na. You should be happy-"

"Sinong hindi maiinis kung diretso kasal na at wala man lamang proposal?" Naiinis na tanong ko sa kaniya at muling umirap. "Eh gago pala siya, tingnan lang natin kapag I don't ang isinagot ko sa simbahan at hindi I do. Trip pala, ha. Tingnan lang natin."

"So you're sulking because... he didn't propose to you yet he proposed to me back then? Iyon ba ang ikinaiinis mo ngayon?"

Umismid ako dahil alam ko naman na isa iyon sa ikinaiinis ko pero hindi naman iyon ang buong dahilan. "Nakakainis lang kasi naghihintay ako na magpropose siya tapos hindi naman pala magpopropose at diretso kasal na. Paano naman siya nakakasiguro na papayag akong magpakasal sa kaniya? Ang taas naman yata ng tingin niya sa sarili niya-"

"Lyana, you're pregnant now," pagputol ni Margaux sa dapat ay sasabihin ko at umiling. "Pangatlo niyo na 'yan. Paano naman iisipin ni Preston na hindi ka papayag sa kasal samantalang buntis ka na naman sa anak niyo? Really, Lyana? Really?" Hindi ako sumagot sa sinabi ni Margaux at sa halip ay lumabi na lamang at sumimangot. Kahit na. Nakakainis pa rin kaya ano.

"And come on, you don't have to be jealous. Kung sa akin nagpropose nga siya, naghiwalay din naman kami. Maybe this time, it would be different, right? Maiba naman, ganoon. Diretso simbahan na para masaya," kaswal na sambit ni Margaux na para bang wala lang sa kaniya ang lahat.

Malakas akong bumuntong hininga at pinanliitan siya ng mga mata. "Talaga bang ayos lang sa 'yo ang lahat? Hindi ka ba nagbibiro o ano? Puwede mo namang sabihin sa akin kung may galit ka talagang nararamdaman sa akin o kung ano man-"

"What are you talking about?" Muli niyang pinutol ang sasabihin ko at tinaasan ako ng kilay. "Bakit naman hindi ako magiging ayos?"

"Hello? Ikakasal ako sa dati mong asawa. Dati mong asawa, Margaux, baka lang nakakalimutan mo. Bakit parang chill na chill ka lang diyan?"

Ipinagkrus niya ang dalawang braso at umiling. "What do you want me to do? Throw a tantrum? And hello, I already moved on. Hindi naman ako babalik dito at papanoorin ang dati kong asawa na ikasal sa iba kung hindi pa ako nakakapag- move on, ano. I am not that dumb and masochist, Lyana. I know my worth as a woman... as a person. I already moved on from Preston, all right?" "Pero kasi..."

"And please, come on. Let's not talk about the past anymore. Kung ako at si Preston nga, nakamove on na, dapat kayo rin. Keep up!" Pinayapayan niya ang sarili at umiling. Kapagkuwan ay tumingin siya sa dalawang babaeng katabi ko. "Sige na, ayusan niyo na. Medyo malapit na tayo sa simbahan. Baka mamaya, makita nila 'yong bride na parang kagigising lang."

Inirapan ko siya. "Kung alam ko lang kasi na ngayon pala ako ikakasal, e 'di sana napaghandaan ko, ano? Hindi niyo man lang kasi sinabi sa akin na ikakasal na ako samantalang namumuti na ang mata ko kakahintay na magpropose," giit ko. Hindi na sumagot pa sa akin si Margaux at hinayaan na lamang ang dalawang babae na ayusan ako. Ang babae sa kaliwa ko ay inaayusan ang buhok ko samantalang ang isa naman ay mine-make up-an ako. Hindi ko nga alam kung tama at maayos pa ang pagm-make up nya dahil umaandar ang sasakyan pero pinagkatiwalaan ko na lamang siya. Bahala na kung ano man ang maging itsura.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Mayamaya pa ay tumigil kami at pinababa na nila ako para raw magbihis. Hindi ko alam kung nasaan kami pero parang boutique siya ng wedding gown at parang kilala ni Margaux ang may-ari.

"Dito ka ba nagpagawa ng wedding gown mo dati?" pang-uusisa ko kay Margaux habang naglalakad kami patungo sa may fitting room. Saglit na tumigil si Margaux sa paglalakad at tiningnan ako nang masama. Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh? Bakit?"

"Move on, girl. Matuto kang mag-move on sa nakaraan, please lang," tanging sambit niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Agad naman akong napasimangot at kinamot ang ulo ko. Nagtatanong lang, e. Saka masama bang maging curious? Alam ko naman na naka-move on na sa kaniya si Preston saka sabi niya nga ay nakamove on na rin siya kaya ano namang masamang magtanong? Hindi ko naman siya aawayin o kaya magseselos ako sa kaniya. Curious lang naman ako kasi hindi ko pa naman nararanasang ikasal-siya, naranasan na niyang ikasal noon, pero ikakasal na sa akin ang pinakasalan niya

noon.

Medyo... weird. Hindi. Sobrang weird na siya ang kasama ko rito ngayon. Siya na mismong ex-wife ni Preston. Hindi ko kailanman ineexpect na magiging ganito siya kaya't hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Para tuloy akong nananaginip o kung ano man dahil dito. "May napili nang damit sa 'yo si Preston saka may size mo na rin "

"Paano nalaman ni Preston?" takang tanong ko kay Margaux. Sa pagkakatanda ko naman ay wala akong sinabing kahit na ano kay Preston tungkol sa size ko lalo pa ngayon na sobrang laki na ng tiyan ko. Hindi ko rin naman nasusukat dahil alam ko naman na mababawasan din 'to kapag nanganak na ako kaya hindi ko na pinoproblema pa ang tungkol sa mga ganitong bagay.

"Lyana, katabi ka niya matulog gabi-gabi. I'm sure he have his own ways. O baka nga saulo na niya lahat ng nandyan sa katawan mo because he's always staring at you 24/7. Wala man lamang respeto sa single, ugh! Saka ano ka ba? Huwag ka nang magtanong at magbihis ka na kaagad sa loob. O baka naman gusto mong tulungan pa kita?"

Inismiran ko na lamang siya at kinuha na mula sa kaniya ang damit na hawak niya at pumasok na sa may fitting room at nagbihis. Medyo nahirapan ako dahil sa laki ng tiyan ko at ilang beses na ring nag-offer si Margaux na papasok siya sa loob para tulungan ako pero hindi ako pumayag dahil nahihiya talaga ako. Naisuot ko rin naman saka hindi naman sumakit ang tiyan ko kaya ayos lang.

Agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin at hindi napigilang mapangiti. Sakto lamang sa akin ang wedding dress na binili ni Preston. Para bang alam na alam niya nga nag sukat at ang gusto ko kaya't wala na akong masabi na reklamo. Tama lamang sa malaki kong tiyan ang wedding dress at kumportable rin akong suotin.

Lumabas na ako ng fitting room at naabutan si Margaux na kaswal na nakaupo sa upuan at animo'y naiinip na rin. "Salamat sa Diyos at lumabas ka na. Akala ko bukas ka pa lalabas, e," pamimilosopo niya kaya't inismiran ko siya. "Hindi mo man lang ba itatanong sa akin kung ayos lang ang suot mo?"

"Alam ko naman na maganda," tanging sagot ko at ngumiti sa kaniya. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang mapailing at mahinang tumawa.

Niyaya na niya ako palabas at nang makapunta na kami sa simbahan para maikasal na ang buntis na hindi alam na ikakasal na pala siya.

**

"Growing up, I witnessed how my parents have that unconditional love that everyone could wished for... everyone including me. And ten years ago, I thought I already found what I was looking for. We thought that we are really each other's half because we are already bind by marriage. But that's what we thought and we're wrong. We drifted away from each other and it brought me to you... Lyana."

Nag-angat ako ng tingin kay Preston nang simulan na niya ang marriage vow niya. English. Mukhang matagal pinaghandaan.

"Marriage bridges two shores, and it binds us together to create a one unbroken path. On which I vow to never deviate, never to falter, never to break, and to always be by your side. Now, I am a hundred percent sure that you are the one that I was looking for. Nothing will divide the two of us because I know that with your love, I will always have the strength to wake up every morning and welcome another day with you. I never knew that life could be a dream until I met you. I vow to make you and our children happy, to shelter you from any harm, and to love you unconditionally. I am yours and you can have it all."

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Hinawakan niya ang kamay ko at sinuotan ng singsing. Kapagkuwan ay nag-angat siya ng tingin sa akin at animo'y hinihintay na magsalita ako kaya't kinakabahan akong napangiti dahil wala naman talaga akong inihandang kahit na anong sasabihin.

Ang pinractice ko lang naman ay ang pagsasabi ng 'Yes, I'll marry you' kapag nagpropose siya pero hindi na naman pala siya magpopropose at diretso kasal na kami kaya para saan ko gagamitin 'yong 'Yes, I'll marry you' na pinractice ko? Kinagat ko ang ibaba kong labi at kinuha na mula sa kaniya ang mic.

"Wala akong inihandang kahit na anong wedding vow kasi hindi mo naman ako sinabihan na ngayon na pala tayo ikakasal," panimula ko kaya't mahina siyang natawa. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil gumaan na ang pakiramdam sa paligid namin.

"Akala ko noon, hindi na ako makakahanap pa ng lalaking magmamahal sa akin nang buo dahil matagal na akong sira. Mas lalo ko rin namang hindi inaaasahan na sa dami-rami ng lalaki sa mundo, sa 'yo ko pa pala mahahanap. Sa 'yo pa na palagi akong sinusungitan at sinesermonan. Pero habang tumatagal, naisip ko na baka nga kaya hindi naging successful ang unang subok natin sa pag-ibig dahil baka may iba pa palang nakalaan para sa atin. Baka ibinigay lang 'yon ng Diyos para matuto tayo... para malaman natin kung ano ba talagang pakiramdam ng magmahal. At masasabi kong hindi ko pinagsisisihan ang mga bagay na iyon dahil ngayon, alam ko na kung paano magmahal nang tama. Alam ko na kung paano ka mahalin."

Ngumiti ako sa kaniya habang nagpipigil ng luha. "Alam kong hindi ako perpektong nanay at girlfriend pero salamat kasi pinili mo pa rin akong mahalin sa kabila ng mga pagkakamaling nagawa ko. Salamat dahil hindi mo ako hinusgahan sa nakaraan ako. Salamat dahil tinanggap mo ako nang buong puso. Salamat dahil... minahal mo ako. At ipinapangako ko na hindi ko sasayangin ang pagmamahal na ibinigay mo. Ito na ang huling kasal na mararanasan mo natin. Ikaw at ako na ang huli, ipinapangako ko. I love you... forever and always... in all ways."

Isinuot ko sa kaniya ang singsing at pinunasan ang luhang pumatak mula sa kaniyang mga mata. Natawa naman siya dahil doon kaya't maging ako ay natawa na rin.

"By the power vested in me by the State and the Church, I pronounced you husband and wife. You may kiss the bride," anunsyo ng pari kaya't hinila na ako palapit ni Preston. Masuyo niya akong hinalikan na siya namang aking ginantihan. Makalipas ang ilang segundo ay agad ding naghiwalay ang aming mga labi at niyakap niya ako nang mahigpit. "I love you. Sorry I didn't tell you immediately. I was planning to surprise you so..."

"Naghihintay ako ng proposal, kasal na pala kaagad ang plano mo. Masiyado kang advance, alam mo ba 'yon?" Mahina siyang tumawa dahil sa sinabi ko kaya naman agad akong napalabi at umiling na lamang dahil sa kalokohan niya. "At least we're married now. I couldn't be more happy than today. I love you and our children so much. Always remember that, huh? I'll be a better-no, the best, I mean-husband and father from now on. I'll try my best, all right?" Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa habang nakayakap siya nang mahigpit sa akin. Umangat naman ang sulok ng labi ko nang may maisip akong 'kalokohan' na totoo naman.

Doon na ako nakakuha ng pagkakataon na bumulong sa kaniya. Medyo matagal na rin akong humahanap ng tiyempo para sabihin sa kaniya at mukhang ito na ang tamang oras na hinihintay ko. Inilapit ko ang labi ko sa tainga niya at bumulong.

"Congratulations. Lima na ang magiging anak mo two months from now."

At dahil doon, muntik na siyang mahimatay dahil sa gulat. Success!

The end.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report