PRESTON TEJADA POINT OF VIEW

"Sir? Sir, aalis na ho ako."

I was pulled out of my own reverie upon hearing our maid's voice. Nag-angat ako ng tingin at naabutan ang nakasilip sa may pinto na si Manang Lerma. Hindi na siya naka-maid's uniform kaya't alam kong paalis na siya. Sa halip na sagutin siya ay nagbaba na ako ng tingin at tumingin sa napakaraming papeles na nasa aking harapan. "Are you going to meet Chantal's new nanny, Manang?" I asked her, still looking towards my paper works. "Ay, oho, Sir. Kausap ko na ho 'yong pamangkin ko, sabi sa akin ay papunta na raw sa meeting place namin 'yong kaibigan niya na magiging yaya ni Chantal."

"Can I see her curriculum vitae?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ngunit sa halip na sagutin ako ay kinamot niya ang ulo at nag-iwas ng tingin. Malakas akong bumuntong hininga. "Manang? I said, I want to see her curriculum vitae. Ilang taon na ba? Saan dating nagtrabaho? Kumusta ang ugali_"

"Sir, huwag na ho kayong mag-alala. Ako na ho ang bahala. May tiwala naman ho ako doon sa pamangkin ko at sinabi niya sa akin na mabait 'yong kaibigan niya saka marami na iyong naalagaan na bata. Matagal na ho 'yong yaya, Sir, huwag kayong mag-alala."

I heaved a deep sigh and just shake my head in return. Makikilala ko rin naman ang yaya na iyon mamaya kaya't hindi na kailangan.

"Basta, Manang, remember the qualities that I'm looking for..." I trailed off.

"Oo naman, Sir Preston. Gusto niyo, 'yong medyo bata pa, walang asawa at walang boyfriend, walang anak, stay-in dito, magaling sa trabaho, hindi nagnanakaw, at mahaba ang pasensiya," pagdurugtong niya sa dapat ay sasabihin ko. I drew in a long breath and fixed my eyeglasses. Magbaba na sana ako ng tingin upang ipagpatuliy ang pagtatrabaho nang muling magsalita si Manang Lerma. "Sir, ako'y may tanong lamang. Tanong lang naman ho," panimula niya. Muli ko siyang tiningnan at hindi na nagsalita. Nang mapansin na wala akong balak siyang tanungin ay saka siya nagpatuloy sa pagsasalita.

"Tanong ko lang ho kung yaya ba talaga ang hanap niyo o bagong nanay ni Ma'am Chantal?"

**

"Sir, narito na po 'yong sinabi kong nag-apply ng trabaho para Yaya ni Ma'am Chantal. Kaibigan ho ng pamangkin ko."

Muli akong napatigil sa pagt-type sa laptop ko nang bumukas ang pinto ng aking opisina at iniluwa si Manang Lerma. My eyes darted on the woman behind her. Animo'y nagtatago ito sa akin ngunit sapat na para saglit kong masilayan ang kaniyang mukha.

I gulped when our eyes met. She looks... pretty. She has a long black hair, a pair of brown eyes that is noticeable even from a distance, a slender body that every men would be tempted to look at. "Magpakilala ka na, Lyana."

Naputol ang pakikipagsukatan ko ng tingin sa kaniya nang magsalita si Manang Lerma. Bahagyang humakbang ang babae palapit, dahilan para mas lalo ko siyang makita. "Good evening po, Sir. Lyana Dela Merced nga po pala." Animo'y nahihiya siyang tumingin sa akin kaya't nag-iwas na ako ng tingin at tumingin sa mga papeles na nasa harapan ko. She's probably thinking that I'm a creep right now. The way I look at her... Peke akong umubo at inayos ang suot kong salamin.

Nang mag-angat ako ng tingin para muli siyang tingnan ay muntik na akong mapatalon sa gulat nang may batang lalaki na sumilip mula sa kaniyang likuran. I looked towards the woman and they... looked the same. My jaw clenched as I spoke once again. "Manang, hindi ba't sabi ko, 'yong walang anak," seryoso at may halong inis na sambit ko.

"Kasi Sir, masiyadong mga bata 'yong ibang walang anak saka walang experience sa trabaho. Ito kasing si Lyana, recommended ng pamangkin ko dahil maayos daw magtrabaho."

"She can't stay here because of her family, Manang."

Lihim akong bumuntong hininga. Bakit lahat ng magaganda sa mundo... may asawa na? Fuck.

Muling nagsalita si Manang Lerma at ipinagtanggol ang kasama niya ngunit hindi ko na masiyadong naintindihan. I cleared my throat. "Husband?" tanong kong muli at hindi pa rin nag-aangat ng tingin. Baka kasi patay na... Wala agad akong narinig na sagot kaya't akala ko, oo ang sagot niya. Silence means yes, right? Ngunit tila nabuhayan yata ako ng loob nang muli siyang magsalita. "Wala po, Sir."

I don't know why but I can't help but to heave a deep sigh as I look towards her. "So you're raising your son alone? Is that it?"

Marahan siyang tumango at animo'y hindi naiintindihan kung bakit ko itinatanong sa kaniya ang bagay na iyon. Maging ako rin naman, hindi ko alam kung bakit. So what if she's a single mother? Ano naman kung wala na siyang asawa? "So you're single, Miss Dela Merced?" I added.

She slowly nod her head once again as an answer to my question. "Y-Yes po, Sir," nauutal na sagot niya.

"That's good then. Walang magiging problema." I intently looked towards her and fixed my glasses. "You can now move your things here. You're hired."

**

"Why did you cut that kid's hair, Chantal?"

Ibinaba ko ang papeles na hawak ko at seryosong tumingin sa gawi ni Chantal. I called her in my office to talk to her about what happened earlier. Seryoso ko siyang tiningnan ngunit tila wala lamang sa kaniya ang paraan ng pagtingin ko sa kaniya. She casually crossed her arms over her chest and looked at me as if she's bored.

"Because it's fun, Daddy," kaswal na sagot niya.

Malakas akong bumuntong hininga. "Chantal, that is his hair. Hindi mo dapat pinapakialaman ang buhok niya dahil hindi mo naman buhok—“

"Exactly, Daddy. I was about to cut my hair naman but sabi niya, I'll be ugly daw kapag I cut my hair, e. Kaya hair niya nalang daw. His hair is so long, Daddy. Dapat same lang kayo ng hair para hindi na siya pangit."

I can't do anything but to massage my temples out of frustration. For a five year old kid, she's really too stubborn. And what? Miss Dela Merced's son offered his hair for Chantal to cut? Hindi ko alam kung nag-iisip pa ba ang batang iyon o hindi. He's too whipped towards my daughter. Ano bang mayroon kay Chantal at sunod-sunuran ang batang iyon?

His mother and him are both weird.

Malakas akong bumuntong hininga bago muling tumingin kay Chantal. "Your Yaya will get mad at you if you keep doing that. Gusto mo na naman bang maghanap ng bagong Yaya?" pananakot ko sa kaniya.

These past few days, I noticed that they're getting along very well. Palibhasa, pinapabayaang gawin ng Yaya niya lahat ng gusto niyang gawin sa buhay kaya't tuwang-tuwa.

Chantal lifted her shoulder in a half shrug. "Yaya Lyana will not get mad at me naman, Daddy. It's all right. She won't leave," animo'y kampanteng sagot niya sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapailing dahil sa sinabi niya.

As much as I want to tell her that her mother used to say those words too but she still left, I still fell silent and just let her say what she wants.

"Your Yaya Lyana will leave if you stay like that, Chantal. Ayaw ng mga tao sa masasamang bata."

"Yaya Lyana likes me, Daddy," pamimilit niya kaya't wala sa sarili akong napailing. I was about to go back to my work when she spoke once again. "But sabagay naman, Daddy, 'di mo naman kasi alam kasi 'di ka naman like ni Yaya Lyana." My lips parted as I amusedly looked towards her. Ngumisi siya sa akin nang makita ang reaksiyon ko at tumayo na mula sa kinauupuan. To my surprise, she flipped her hair while smiling. "Ayaw kasi ni Yaya Lyana sa mga bad na guy, Daddy. Dapat maging mabait muna ikaw para like ka na rin ni Yaya Lyana. The Kuyas outside are nice kaya like sila ni Yaya Lyana. Ikaw, hindi kasi 'di ka nice."

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil tumalikod na siya sa akin at magiliw na naglakad palabas ng opisina ko na para bang tuwang-tuwa siya sa sinabi sa akin.

I groaned and fixed my eyeglasses. Am I really... that bad?

**

"Chanty, magkamukha kayo ng Mama ko. Astig naman.'

I fixed my necktie upon hearing Jarvis' words from Chantal's room. Dinaanan ko sila ni Lyana sa kuwarto nila ngunit wala na sila roon kaya naman naisip kong baka kasama na sila ni Chantal.

Pinihit ko ang seradura ng pinto at tahimik na pumasok sa kuwarto ni Chantal ngunit agad din akong natigilan nan gang bumungad sa akin ay ang hubad na likuran ni Lyana. Damn. She's wearing a backless dress and I can't help but to clear my throat when I saw her milky-white back.

Tumingin siya sa akin kaya't wala sa sarili akong napalunok. "S-Sir..."

Our eyes met but my eyes immediately darted towards her body. My jaw clenched as I loosened up my necktie. "We should go outside. The guests are already waiting," seryosong sambit ko.

She slowly nod her head in return while I looked away and tried to hide what I'm feeling. Fuck. Why is she wearing something like that? Nagpadala na ako ng damit tapos hindi pa isinuot. Before we even went outside, alam ko na kung anong mangyayari ngayong gabi-mapapaaway ako sa mga tumitingin sa katawan niya.

Lalabas na sana kami ngunit natigilan ako nang makita ang suot kong necktie. Pinaluwagan ko iyon kanina dahil nahirapan akong huminga ngunit napasobra naman yata ang pagkakapagpaluwag ko roon. My eyes landed on Lyana who is currently looking towards me. Tinaasan ko siya ng kilay na agad niya namang sinuklian ng pagtataas din ng kilay. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin. "Bakit?"

"Fix this," utos ko at tuluyan nang inalis ang suot kong necktie.

Hindi nakatakas sa mga mata ko ang bahagya niyang pag-ismid at marahang pag-iling. Tinanggap niya ang ibinigay kong necktie at inayos iyon na para bang sanay na sanay na siyang mag-ayos ng ganoon. "Kanina ka pa kasi paluwag nang paluwag dito sa necktie mo, hindi mo naman pala kayang ayusin," panenermon niya sa akin ngunit hindi na ako sumagot pa dahil abala ako sa pagtingin sa kaniyang mukha.

Our faces are only a few inches away from each other. I can smell her mint-like breath on my neck when she tiptoed to fully reach the back of my head. Muli akong napalunok at sinubukang mag-iwas ng tingin ngunit tila may magnet sa mga mata niya at paulit-ulit lang ding bumabalik ang tingin ko sa kaniyang mukha. Her plump and I bet soft lips are inviting me to taste it... but I know that I can't.

She's my daughter's nanny. Why would I kiss her?

"Marami na sigurong tao sa labas, ano? Noong lumabas kami kanina ni Jarvis para pumunta rito sa kuwarto ni Chantal, ang dami nang bumati sa amin, e. Mas marami na siguro sila ngayon."

Ilang beses akong napakurap nang marinig ang sinabi niya. She went out looking like that? Other men already saw her?

"Fuck it," mahinang bulong ko.

And that's the moment I knew that I might fight with someone if he stares at Lyana the way I stare at her.

**

Everything was too fast and I just found myself on bed... beside her. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko ang bagay na iyon pero isa lang ang alam ko hindi ko pinagsisisihan. I do not regret claiming her body as mine. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin habang nasa taas niya ako. She's panting and inhaling a large amount of air as if she's really tired. I gently held her cheeks and fixed her hair so I can see her face clearly.

I bit my lower lip while looking at her. The way she looks at me is as if she's pleading to take her again-but I know that she already reached her limit and I won't force her. Malakas akong bumuntong hininga habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

"This is supposed to be a one-time thing but after I tasted you, I don't think I can stop from craving you every now and then. I don't think I can stop from wanting you. This body is mine now, Lyana. You are mine now. Do you understand?" seryosong tanong ko.

She bit her lower lip as if she's contemplating. "Pero..."

"I don't take no as an answer, Lyana. I know that you loved it as much as I do. Kahit na tumanggi ka, alam kong hahanap-hanapin mo rin ako," I cut her words off as I kissed her forehead.

I can feel it. I can feel that she wants me as much as I want her too.

"I might get pregnant," mahina at animo'y nahihiyang sambit niya.

"That's the goal. I want to impregnate you and claim you as mine. I want you to be the mother of my child, Lyana. I want you... I don't want anyone else.,"

Lyana fell asleep after we did the deed but I took that opportunity to stare at her goddess-like face. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na yaya siya sa ganda niyang ito. I gently held her chin and fixed her hair while she's fast asleep. Hindi ko na siya ginising pa dahil alam kong pagod na pagod siya.

What I said a while ago... I know that it's true. I want her to be the mother of my children. The very first moment that I laid my eyes on her, alam kong iba siya sa mga nagdaang yaya ni Chantal. She's genuinely nice and kind towards my daughter. Even her son cares for Chantal as if they're real siblings. And Lyana... I don't know but everything about her feels different from any other woman.

After a couple of years of being alone and a single-father, I think this is the first time that someone made my heart flutter again. I like her not because she cares for my daughter-that's a plus points, of course-but I like her because she is Lyana. Dahil siya si Lyana kaya ko siya gusto.

Lyana slept while being my fake girlfriend but I know that the moment she wakes up, she's not my fake girlfriend anymore or Chantal's nanny. She will be mine my girlfriend.

**

Nothing lasts forever.

Dapat alam ko na na wala namang nagtatagal sa buhay ng tao. I already experienced it with my ex-wife. Bakit naman hindi ko kaagad inasahan na mararanasan ko rin kay Lyana?

During our whole relationship, we fought a lot because of Margaux. Marami kaming hindi pagkakaintindihan dahil hindi ko kayang sabihin kung sino talaga ang tunay na nanay ni Chantal-hindi ko kaya dahil hindi ko naman alam kung sino. I can't tell her because I don't know if she'll understand what happened.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

But little did I know... she knows. Alam niya na pala.

"P-Preston, hayaan mo akong magpaliwanag "

"Huling-huli ka na, Lyana." My lips quivered out of anger as I looked towards her. Hindi ko magawang isipin na kaya niyang itago sa akin ang tungkol sa bagay na ito. She stepped closer but I drew away. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa hawak kong envelope na ibinigay sa akin ni Dalia kanina,

The envelope that contains Chantal's mother's real name. The envelope that says that Lyana... the woman that I love... is the surrogate mother who ruined my marriage a couple of years ago.

"Preston, kung ano man ang iniiisip mo, magpapaliwanag ako, huh? Please, pakinggan mo lang ako. Please, huh, Preston?"

She tried to reach for my hand but I immediately drew away. Hindi ko sinasadyang mapalakas ang pagkakahawi ko sa aking kamay kaya't muntik na siyang matumba. I want to say sorry but I composed myself.

Galit ako. Galit ako sa kaniya.

"Don't you ever touch me again, woman," malamig na sambit ko.

I looked at her without any remorse. "Lyana, answer me. You didn't fool me... right?"

"H-Ha?"

"Tell me that you didn't go here just to fool me and Chantal," I added.

She immediately shake her head as a sign of disagreement. "A-Ano bang sinasabi mo? S-Siyempre, hindi! Nagpunta ako rito para maging Yaya ni Chantal kaya ano 'yang s-sinasabi mo na niloloko kita? H-Hindi, Preston. Hindi ko magagawa ang bagay na 'yan sa 'yo at kay Chantal."

"So you're saying that you didn't know that Chantal is your daughter?"

Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya't humugot ako ng malalim na buntong hininga at pinilit ang sarili kong huwag maiyak. She's Chantal's surrogate-no. She's Chantal's real mother.

"H-Hindi ko naman ginusto na mangyari." I saw how her tears fell from her eyes. Ayaw ko siyang makitang umiiyak pero hindi ko rin naman mapipigilan ang sarili kong magalit dahil sa nangyari. "Lyana, just because of that fucking failure..." My tears fell as I looked away. I don't want to call Chantal a failure because she's my daughter. But no one expected her.

Margaux and I just wanted to have a child. Iyon ang gusto namin-sarili NAMING anak. I thought everything was perfect back then. Pero sino ba namang matutuwa kung sila ang nasa posisyon ko? Akal ako ayos lahat tapos isang araw, malalaman ko nalang na hindi pala anak ng asawa ko ang anak namin? At ako? Naiwan ako kasama ng batang hindi ko naman alam kung sino ang totoong nanay dahil hindi pala ang asawa ko ang nanay niya? "I-I'm sorry."

"B-Because of what happened, my perfect marriage was ruined, Lyana. My marriage was so perfect, Lyana. A-Anak na lamang ang kulang sa aming dalawa at magiging masya na kaming pamilya. B-But just because of that failure... t-that child... it was ruined."

"Huwag na huwag mong matatawag nang ganiyan si Chantal dahil wala siyang kasalanan. S-Sige, sabihin na natin na mali na ako ang naging nanay ni Chantal imbis na ang asawa mo pero Preston... anak mo pa rin 'yon. T-Tingin mo ba, ginusto ng bata na masira ang pamilya niyo, ha?"

My jaw clenched as I tried to look away. Alam ko namang tama siya. Walang kasalanan si Chantal sa lahat. She's my child after all. But still..

"Don't talk to me like that as if you're innocent on this. Kung sana sinabi mo kaagad, kung sana hindi niyo na itinago pa ang totoo, e 'di sana naayos na habang maaga pa ang problema "

"Sinasabi mo bang dapat ipina-abort ko ang bata, ganoon ba?"

I stilled on my spot upon hearing her question. Hindi ako nakasagot. Back then, yes. Minsan ko nang inisip na kung alam naman pala nila na hindi si Margaux ang nanay, sana ipinaabort na lamang nila ang bata para hindi na gumulo ang lahat. Yes. I admit that I was that selfish back then. But now...

Hindi ko yata kakayanin kapag nawala ang anak ko sa akin.

"Alam kong galit ka sa akin pero huwag mo na sana pang idamay ang mga bata. Inosente sila rito."

I looked towards her obliviously, "Mga... bata?"

"Nabasa mo na naman ang laman ng envelope na 'yan, hindi ba? Gusto mong sabihin ko na sa 'yo ang totoo kaya hindi na ako magsisinungaling pa."

"So Jarvis is mine, huh?"

I put my tongue on the insides of my cheek as I heaved a deep sigh to calm myself down. Kambal ang anak ko at... itinago niya mula sa akin si Jarvis? What the fuck?

Everything was too fast. Naabutan ng kambal na nagsisigawan kami ni Lyana at sinampal niya ako. Chantal tried asking what's happening and I can feel Jarvis' stare towards me.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Hindi ba't sabi ko, umalis ka na?" Malamig at maawtoridad kong tanong sa kaniya.

"Hindi nga sabi ako aalis nang hindi kasama sina Chantal at Jarvis-"

"Manang Lerma, Deion, iakyat niyo si Chantal at Jarvis sa taas," pagputol ko sa sasabihin niya. I held her wrist and tried to pull her outside. Nagsisigaw ni Lyana pero hindi ko siya pinansin. I am mad... I have the right to be mad!

Kahit sino namang nasa posisyon ko, magagalit din. I don't care if I love her. I don't care if she's the mother of my children-galit ako at gusto kong maramdaman niya ang galit ko. I can hear the kids screaming and crying but I did not falter. Hinila ko si Lyana palabas... sa gitna ng ulan.

I told her a lot of bad things. I was mad at her-ano bang dapat kong gawin kapag galit ako? Of course, I'll yell and say bad things to her. Hindi ko siya pupurihin.

But when I saw her fainting after our fight, I immediately ran towards her. Guilt immediately field my system as I watched her faint. Agad kong sinapo ang pisngi niya samantalang tumakbo naman sa gawi namin si Deion na may dalang payong.

"L-Lyana... Lyana, w-wake up." I tried waking her up but she's not responding. Inalis ko ang suot kong salamin at itinapon iyon sa lapag dahil naghalo na ang luha at ang ulan sa aking mga mata. Ilang beses kong tinapik ang mukha ni Lyana ngunit kahit na anong gawin ko ay ayaw niyang magising. "L-Lyana, c-come on, wake up. I-I'm sorry. I didn't intend to hurt you-w-wake up, please."

"Kuya Preston-"

"She's not waking up! Call an ambulance, Dalia. Call a fucking ambulance!" Malakas na sigaw ko habang sapo ang hindi pa rin gumigising na si Lyana.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "She just fainted, Kuya Preston. Let me take her."

Nag-angat ako ng tingin kay Dalia. "Ipapasok ko si Lyana," mariing sambit ko at akmang tatayo na ngunit hinawakan niya ang aking braso upang pigilan ako.

"Kuya, magkaaway kayo. Mag-isip-isip muna kayong dalawa. I'll explain everything to you but for now... sa akin muna si Lyana hanggang sa maging ayos na siya-ikaw na rin. Ikalma mo muna ang sarili mo bago mo kausapin si Lyana." Tumingin si Dalia kay Deion at sinenyasan itong lumapit. "Buhatin mo si Lyana sa kotse ko. Sa bahay ko muna siya tutuloy."

Hindi na ako nakapagreklamo pa dahil tuluyan na nilang isinama ang walang malay na si Lyana. I was left alone outside, soaked in the rain, crying. Guilt filled my system as I remembered what I did.

Ang gago ko. Alam kong gago ako. I didn't even try to control my emotions. I should have listen. Sana pinakinggan ko muna siyang magpaliwanag fuck. Fuck you, Preston. You're such a fucking jerk. "Daddy..."

I can't even lift my head when I heard Chantal's voice. From the way that she speaks, she just finished crying. "Daddy... a-ang Mama Lyana ko..."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya samantalang nasa likod naman niya si Jarvis na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin at masama ang tingin sa akin. "C-Chantal, Jarvis... I'm sorr—“

Hindi ko na natapos pa ang dapat kong sabihin nang tumakbo na papasok sa loob si Chantal habang umiiyak. My eyes landed on Jarvis who was left with me. "B-Bad ka nga, T-Tatay. Nipaiyak mo ang Mama ko. Bad ka!"

Tulad ni Chantal ay tumakbo na rin siya papasok habang umiiyak at iniwan ako sa labas. My tears mixed with the raindrops as I reminisce the words that I said to Lyana a while ago... ang gago ko. Napakakapal ng mukha kong sabihin sa kaniya ang mga bagay na iyon kahit na wala naman siyang kasalanan.

She's just like me, too. Naging ina siya nang wala sa oras at hindi alam kung sino ang tatay. Napalayo rin siya kay Chantal tulad nang pagkalayo ko kay Jarvis.

We're just the same yet I put all the blame towards her. I am a fucking jerk.

I don't know how did I stay sane the past couple of days without Lyana. Hindi ko alam kung paano ko pa rin nagagawang bumangon sa umaga at kumain kahit na hindi ko man lamang alam kung anong ginagawa niya o kung ayos lang ba

siya.

The twins aren't even talking to me. Ilang araw na rin silang hindi pumapasok at nagkukulong lamang sa kuwarto. Pahirapan pa kung pakainin sila ni Manang Lerma dahil parehas nilang ayaw kumain hangga't hindi nila nakikita si Lyana. Honestly, I was like that, too. But I know that I was the one at fault. Wala akong karapatang masaktan tulad nila dahil ako naman ang may kasalanan.

Ako ang dahilan kung bakit nahiwalay sila sa Mama nila.

I was about to go downstairs to drink water when I heard the twins talking. Pababa sila sa hagdan habang may dalang... backpack.

Kinakabahan akong napalunok at agad na napagtanto kung anong gagawin nilang dalawa. Tulugan na ang mga tao sa bahay at kung hindi ako nakababa baka...

"Jarvis, sabi ko naman sa 'yo, we need money nga. May money sa room ni Daddy-"

"Hindi nga tayo puwedeng pumunta roon, Chanty. Baka mahuli niya tayo tapos gagalit din siya sa atin. Gusto mo ba magalit Daddy mo, ha? Tingnan mo nga noong nagalit siya kay Mama..."

I bit my lower lip upon hearing what they said. Nagpaplano nga silang lumayas.

Iiwan din nila ako.

"You know naman your house, right? Baka maligaw tayo, Jarvis. Hindi ko alam ang way pabalik dito. Baka 'di na tayo makabalik kay Daddy. Paano na?" I heard Chantal asked her brother. Jarvis hissed. "Ikaw lang naman ang babalik dito, Chanty. Hindi na ako babalik dito. Ayaw na namin ni Mama rito kasi bad naman ang Daddy mo. Pinaiyak niya Mama ko kaya 'di kami bati." "Kung aalis kayo ni Mama Lyana..." Rinig ko ang malakas na paghikbi ni Chantal kaya't mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang pakalmahin ang aking sarili. "Paano ako?" "Love ka naman ng Daddy mo, ayos lang 'yon. Kami ni Mama Lyana, 'di niya kami love—"

"Hintay nalang kaya natin si Mama Lyana, Jarvis?" Muling pagputol ni Chantal sa dapat ay sasabihin ng kakambal. "Baka naman dumating na tomorrow si Mama Lyana..."

"Iuuwi ko ang Mama Lyana niyo bukas."

Sabay silang tumingin sa gawi ko at kapwa nanlaki ang mga mata nang makita ako. I tried to calm myself down as I walked towards them. They held hands together as if they're afraid that I'll separate the two of them.

"Aalis kayo?" My voice cracked as I tried to stop my tears. I've been trying not to cry these past few days. I thought I am the man... wala akong karapatang umiyak dahil ako ang lalaki at ako ang may kasalanan.

But the thought of them leaving me scares the shit out of me. Hindi ko kaya.

"Away mo Mama Lyana ko, M-Manong. Hahanapin namin Mama namin ni Chanty," sagot ni Jarvis kaya't hindi ko na mapigilan pang mapaiyak.

Manong... did my son just called me Manong?

"I-I'm sorry. I know I was the one at fault. I'm sorry---"

"Sabi mo, 'di mo papaiyakin Mama ko pero pinaiyak mo. 'Di mo na siya love kaya pinaalis mo na siya kaya aalis na rin kami ni Chanty kasi susundan namin Mama namin. B-Bad ka pala, akala ko mabait ka pero bad ka kasi pinaiyak mo Mama ko," pagputol ni Jarvis sa dapat ay sasabihin ko.

My knees weakened as I kneel before them. Nang magkapantay na ang height namin ay saka ako nag-angat ng tingin sa kanila. "I-I'm sorry... H-Hindi na ako uulit, pangako. Hindi ko na paiiyakin ang Mama Lyana niyo. That would be the last time. J-Just don't leave me, please? I'm your father... bakit kayo aalis?"

"K-Kasi Daddy, pinaalis mo rin si Mama Lyana kaya..." Chantal cried as she covered her face with her palm. "Daddy, I-love naman po kita kaso away mo po si Mama Lyana ko kaya... Daddy, s-sorry. B-Balik mo na po kasi si Mama Lyana para 'di na kami umalis ni Jarvis"

"Ayoko na rito, Chanty," mariing hindi pagsang-ayon ni Jarvis sa sinabi ni Chantal. I looked towards him and I caught him wiping his tears. "Baka saktan niya ulit Mama ko kaya ayaw ko na rito. Kahit may ice cream saka m-masarap ang pagkain, ayaw ko pa rin. Kahit wala a-ako ice cream, basta 'di umiiyak Mama ko, ayos na. Kaya ayoko rito kasi pinapaiyak niyo naman ang Mama ko. Hahanapin ko Mama ko tapos 'di na kami babalik dito."

"Pero Jarvis..." angal ni Chantal kaya't malakas akong bumuntong hininga.

"I won't do it again, Jarvis, Chantal. I promise, I won't do it again. Kapag bumalik ang Mama niyo rito, hindi ko na siya aawayin. Hindi ko na siya paiiyakin. I promise. J-Just don't leave me here, please? Don't go without me." Tumingin sa akin si Jarvis kaya't wala sa sarili akong napalunok. "Di mo nga alam kung nasaan Mama ko, M-Manong. Paano siya babalik, 'di ba pinaalis mo nga siya?"

I immediately shake my head and held their little hands. "N-No. I'll bring her back, I promise. Ibabalik ko siya rito at hindi ko na siya paiiyakin. I will love and cherish her forever, I swear. I love your mother, kids. What I did was wrong, alam ko 'yon. Hindi ko na uulitin, pangako. B-Basta ibabalik ko siya rito."

"P-Promise, Daddy?" Chantal asked.

"I promise. I will never make your Mama Lyana cry again. Ibabalik ko siya sa inyo t-tapos... w-we can be a family again. Magbabago na ako, pangako." I looked towards Chantal and bit my lower lip. "Magbabago na si Daddy," mahinang sambit ko sa kaniya bago ko ibinaling ang aking mga mata kay Jarvis. "Magbabago na si Tatay. Pangako iyan."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report