The Billionaire's Prize Wife
Chapter 26 She’s Acting Strange

"Hey, can you stand up now? Nakahiga pa rin ang kaniyang asawa. Umupo siya sa tabi nito. "We're going to the doctor, remember?" "My head is aching, Harry."

Hinaplos niya ang noo ng asawa. "I thought you all ready took your medicine."

"Mother told me not to take any medicine until I see a doctor. She's worried that it might cause complications."

"Oh, all right. Let's go see a doctor then." Hinawakan niya ang palad ng asawa para kumbinsihin itong bumangon na.

"You will be late to work. I'll go alone. Don't worry about me." SInesenyasan niya itong lumayo na.

"No, my wife. You're not feeling well. I can't just let you walk alone."

"It's just a headache, Harry. I'm not going to die. You better go now."

Bumuntunghininga na lang ang lalaki. Hinalikan niya ang asawa sa noo at tumayo. "I'll call Cohen. Wait for him, okay?"

Tango lang ang isinagot ni Jemima. Nakakaramdam kasi siya ng pagkahilo. Gusto niya itong ipikit muna. Nagdududa na siya sa kalagayan niya pero wala siyang lakas ng loob na sabihin ito sa asawa. Baka ma-disappoint ito sa kaniya.

Hindi naman mapakali si Harry habang nagmamaneho ng kotse. Napansin kasi niya na namumutla ang asawa niya. Bakas sa mga mata nito na hindi ito magiging maayos kaagad. Tinawagan niyang muli si Cohen. Katatawag niya lang kanina para ipasundo si Jemima.

"Harry?" sagot ni Cohen sa kabilang linya.

"I think she's really not feeling well. Please update me. Call me right away if I have to be there, okay?"

"Got it."

Napabuntunghininga si Harry. Talagang hindi siya mapakali sa sitwasyon ni Jemima. Gusto niyang balikan ang asawa pero may conference sila ngayon. May mga dokumento ring kailangan ng agaran niyang pirma.

Habang pumapasok siya ng building ay nahalata niyang pinagtitinginan siya ng mga empleyado. Pakiwari niyia ay naaamoy ng mga ito ang ginamit niyang pabango. "It's my wife's."

Nakailang "it's my wife's" din siya sa mga nakakasalubong. Ngiti at tango naman ang isinagot ng mga ito sa kaniya.

Kasabay niyang pumasok sa conference room si Chester Singh. Napatingin ito sa kaniya. Nahalata niyang inamoy-amoy siya nito. Ayaw niyang bigyan ng satisfaction ang pinsan. Hahayaan niya itong mag-isip ng kung ano-ano tungkol sa bago niyang pabango ngayon. Wala siyang balak na aminin dito na pag-aari ng asawa niya ang pabango.

"It's your wife's perfume. What happened to your own scent?"

"Things change. I like this one now."

Chester smiled with satisfaction, and spoke with an annoying look to Harry. "People really change. You now like my favorite scent for women."

Sa pagkakatitig ni Harry sa kaniya ay nahalata ni Chester na hindi nito alam na sa kaniya galing ang pabango. "I'm glad that Jemima liked it so much that she even shared it with you."

Nagtagis ang bagang ni Harry sa narinig. Pakiramdam niya ay naisahan siya ni Chester. Gusto niyang magpagpag para mawala ang amoy ng pabango sa katawan niya pero magmumukha lang siyang loser sa harap ni Chester Singh. Minabuti niyang tumahimik na lang. Habang nakaupo ay patingin-tingin si Harry sa mga kasama sa loob ng conference room. Wala pa ang kaniyang ama. Tatawagan niya sana ang asawa pero siya namang pagdating ni Samuel Sy. "Good morning, sir!" bati ng mga kasama niya sa kaniyang ama.

"Good morning!" Iginala ni Samuel ang kaniyang paningin sa kanila. "Is everybody here?"

"Yes, sir," sagot ng secretary.

"Gentlemen," ang panimula ni Samuel Sy, "I am glad that you are all present today. We need your utmost attention and participation. It is critical that we come up with the best and most logical steps here so we'd still get the People's Choice Award. For the past five years, we remained in that spot as the most loved company. Last year, we got only one point higher from our top competitors which are Gosh Kosh and Jannatasm. As we know it very much, the said award is valued by most of our elite buyers. It also influences our middle class customers. So today, we need a solid system to ensure our win." Tiningnan niya muna uli ang mga kasama bago siya sumenyas kay Harry.

Tumayo naman si Harry at nagsimula sa kaniyang powerpoint presentation.

"As we all know, this was our score last year." Ipinakita niya ang graphics ng performance ng Good Era Rubber and Tire Company ng nakaraang taon. Ilang slides din ang ipinakita niya bago ang comparison ng performance ng kanilang kumpanya sa mga competitors nito. Panghuli ay ang scores nila sa nasabing People's Choice Award na 96%, habang ang competitor nilang Gosh Kosh ay may score na 95% at ang kumpanyang Jannatasm ay may 94.5%. "What did we do for the past five years? Why did we enjoy that spot for a long time when we can see that our competitors also ran aggressive campaigns? Let us refresh your memory, gentlemen." Ipinakita ng secretary ang recorded video ng mga kaganapang isinulong ng Good Era Tire and Rubber Company. Ipinakita sa nasabing video ang kanilang product campaigns sa loob ng limang taon. Nagkaroon din sila ng scholars at donations sa iba't ibang foundations and organizations.

Nang matapos ang video ay muling nagsalita si Harry. "I am not recommending to stop any of the projects we initiated. In fact, we have to put up a heartwarming project that is win-win for all. It is an open secret that our competitors are now cooking something big to ensure their spot."

"Gosh Kosh is eyeing for a Celine Dion free concert," ang paglalahad ni Chester. Nagkatinginan naman ang mga kasama nila sa narinig dito. "Who would want to miss Miss Dion's concert? Not me, at least. Even my dog would love to see her sing." Nagtanguan naman ang mga kasama nila.

"I'm not suggesting that we grab a chance to get Miss Dion. She's phenomenal, yes, but we're not grabbing what others are cooking. Let's come up with other sure win project." Sinenyasan niya si Chester na lumapit. "Let's hear some from Mr. Singh."

Si Chester naman ang nagpakita ng kaniiyang inihandang powerpoint presentation.

Habang nagpapatuloy ang conference ay nahahati ang isipan ni Harry. Nag-aalala siya sa kalagayan ng kaniyang asawa. Pasilip-silip siya sa kaniyang cellular phone, inaabangn ang mensahe mula kay Jemima at Cohen.

Hindi alam ni Harry ay nakatingin sa kaniya ang kaniyang ama. Nadi-disappoint siya dahil walang ni isang mensahe mula sa dalawa. Bahagya siyang nagulat nang tinapik siya ng kaniyang ama. Nakatayo na ito sa kaniyang likuran. Kinausap siya ng kaniyang ama sa labas ng conference room. "Haven't you heard what I stated during my opening statement? You need to focus. I don't need a half-baked participation, Harry!"

Alam niyang galit na ang kaniyang ama sa kaniya. Istrikto pa namna ito pagdating sa trabaho, bagay na minana rin nilang magkapatid. Pero iba kasi ang sitwasyon ngayon.

"My wife is sick, dad."

"Jemima is sick? How sick?"

"I don't know. She fainted yesterday."

Hinagod ng matanda ng tingin ang kaniyang anak. "After the conferece, you can run to her office and ask her if she's really sick."

Kumunot ang noo ni Harry. Pumasok pala sa trabaho ang kaniyang asawa.

"She's supposed to b your inspiration, not a distraction. Now, keep yourself together."

"Where's Cohen, dad?"

"Cohen wasn't able to accompany your wife. He had to fetch my visitors. She was accompanied by Daniel instead."

Naiintindihan na niya ngayon kung bakit walang ibinigay na update sa kaniya si Cohen. Wala itong alam sa kinahinatnan ng pagbisita ni Jemima sa doktor.

Ipinasiya ni Harry na ituon ang buong pansin sa conference. Pupuntahan na lamang niya ang asawa sa opisina nito.

Pagkatapos ng conference ay agad nga niyang tinungo ang opisina ni Jemima. Hindi niya ito nadatnan sa loob.

"Did you see my wife?" tanong nya sa nakasalubong.

"I think she walked that way, sir." Iminuwestra naman ng kinausap nya ang dakong paliko sa kaliwa.

Mabilis niyang tinungo ang gawing itinuro ng kausap. Napatigil siya nang ma-realize niyang papunta siya sa opisina ni Chester Singh. Dahan-dahan siyang lumapit sa opisina ng pinsan. Hindi pa man siya bumubungad sa pinto nito ay naririnig na niya ang pagtawa nina Chester at Jemima.

"It suits you well," narinig niyang sabi ni Jemima.

"Really?" nakangiti namang sagot-tanong ni Chester sa babae.

Sinilip ni Harry ang dalawa. Nakita niyang isang pink na necktie na suot ni Chester ang tinutukoy ng kaniyang asawa. Magkaharap ang dalawa malapit sa mesa ni Chester. Kasalukuyan pang inaayos ni Chester ang pagkakabuhol ng naturang necktie.

"Hello!" bungad ni Harry in a cool tone. Siyempre ayaw niyang magpahalatang naiinis siya sa nakikita niya.

"Harry!" nakangiting bati sa kaniya ng asawa. "Are you looking for me?"

"Yes, of course." Hinarap niya ang asawa, dinampian niya ito ng halik sa labi. "I miss you!"

"Look," itinuro ng babae sa asawa ang suot na necktie ni Chester. "Isn't he cute?"

Sabay na nag-react ang mga mata ng dalawang lalaki sa term na ginamit ng babae. Cute daw. Ang laking mama ni Chester, balbas sarado pa, pero nakukyutan dito si Jemima. "Yes, he's so cute," natatawa niyang sabi. "Come, we have something to catch up."

"Okay." Bago sumunod sa asawa ay hinaplos pa ni Jemima ang pisngi at tungki ng ilong ni Chester. "See you later."

Tango lang ang naisagot ni Chester sa babae.

"Bye, cutiepie," ani Harry sa pinsan niya na may tonong pang-aasar.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! Halos mapangiwi naman si Chester sa tinuran ng pinsan.

Wala na ang mag-asawa ay minabuti ni Chester na maghanda para sa dadaluhang dinner mamaya. Bagama't may pagdududa na siya kung ano ang nangyayari ay ayaw naman niyang pangunahan ang kaniyang uncle na si Samuel Sy. Minsan lang siya nito maimbita sa family dinner nito kaya minabuti niyang manahimik na lang muna.

Sa loob ng opisina ng asawa, sinigurado muna ni Harry na nai-lock niya ang pinto bago niya ipinakita sa asawa ang tunay niyang nararamdaman.

"How come you rushed into other man's office without even seeing me first? You didn't even bother to call me. I've been waiting for your message. All along, I didn't know that you've been waiting for the conference to finish so you could see my cousin!"

Hindi agad nakahuma si jemima sa tinuran ng asawa. Guilty siya sa sinabi nito. Totoo naman kasing inuna niyang puntahan si Chester para ibigay ang binili niyang pink necktie. Kanina pa kasi niya nai-imagine na babagay ito kay Chester. Dahil hind kumikibo ang asawa, nagpatuloy si Harry sa pagri-release ng damdamin niya. "What's got into you?"

Kumikibot-kibot ang bibig ng babae habang humihinga ito ng malalim. Namumula na ang ilong nito, nagbabadya nag isang pag-iyak.

"Oh, don't give me that! You have to try another way, lady! I can't tolerate that crying stance you do every time I demand for your explanation." Tiningnan niya ang asawa. Hindi siya makapaniwalang parang uhuging bata na ito ngayon. Masyado niya yata itong napa-pamper kaya nawawala na ang pagiging palaban nito. Nami-miss niya tuloy ang pagiging strong-willed nito.

"I have to go. I'll have Cohen to fetch you. Don't wait for me." Kailangan niyang makapag-isip ng matino. Hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ng kaniyang asawa pero ayaw niya itong basta na lang husgahan. Lumabas siya nang 'di nililingon ang babae.

Tuluyan nang naglaglagan ang mga luha ni Jemima. Impit siyang umiyak. Hindi niya maapuhap ang sasabihin sa asawa. Ang alam niya ay hinahanap niya ang mukha ni Chester. Ni-request pa nga niya sa biyenan na gusto niyang makasama si Chester sa kanilang family dinner.

Wala siyang balak na pumunta sa secret place niya. Alam na ito ni Jemima. Baka puntahan siya nito doon. Temporary blocked niya sa calls ang numero ng asawa. Ayaw niya muna itong makausap. Baka lalo lang mag-init ang ulo niya kung hindi niya magustuhan ang sasabihin nito.

Sa park na lang muna siya nagpalipas ng oras. Nanatili lang siya sa loob. Ini-on niya ang sounds ng kotse. Pumailanlang ang kanta tungkol sa taksil na lover. Inis na ini-off niya ito.

Tinatawagan siya ni Cohen. He received the call but didn't make a sound.

"Harry, where are you? You have to come at your father's house. He will host a family dinner."

"I'd like to be alone. Don't call me again."

"But your father has an announcement to make."

"For once, please cover me, Cohen. I don't want to see any of my family tonight. I'm not going."

"Well, if that's what you want..." bumuntunghininga si Cohen. Sinusupil niya ang sariling makapagbitiw ng salitang hindi niya dapat wikain.

"Thank you for supporting me, Cohen. I appreciate it, man."

"I'm not, sir. But I respect you and your decisions."

"Well, respect is very much appreciated." Ini-off niya ang cellular phone. Akala niya'y makakahinga siya ng maluwag, pero may bumangong kaba sa dibdib niya. Kailangan niyang magdesisyon.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report