NAPAGDESISYUNAN ni Harry na isang araw na lang ang ipaghihintay niya rito sa India. Babalik na siya ng Singapore kahit na hindi niya makausap ngayon si Chester Singh. Sa kaniyang palagay ay inaabot siya ng kamalasan sa lugar na ito ngayon. Napapabuntunghininga siya. Ayaw pa naman niyang umuwi nang bigo pero tila mailap sa kaniya ang tagumpay dito. Gagamitin niya ang natitira pang pag-asa para sa araw na ito.

Ang hindi niya alam ay may bagong bagay na namang iniiyakan ngayon ang kaniyang asawa.

May nagpadala ng email kay Jemima. Ang laman ng email ay ang mga litrato ni Harry kasama ang mga babae sa pub house na pinagdalhan sa kaniya ni Noerna Khan. Hindi kilala ni Jemima ang sender.

"Who are you? What is the meaning of this?" Kaagad niyang ipinadala ang kaniyang sagot sa naturang e-mail pero wala siyang natanggap na sagot.

Ayaw niyang maniwala sa kaniyang nakikita, pero malinaw sa kuha ng larawang ito na kausap ni Harry ang mga katabing babae habang umiinom ito ng alak, at sa tabi nila ay may naglalampungang mag-partner.

Ini-off niya ang computer. Itinatanggi niya ang kaisipang pinagtataksilan siya ng asawa. Baka gusto lang siraan ng nagpadala ng litratong iyon ang asawa niya, aniya sa sarili. Pero bakit may kasamang mga babae si Harry? Dama niya ang nararamdamang sakit na tila bumabaon sa kaniyang dibdib. Hindi niya mapigilan ang sariling puso na masaktan. Pinagpapawisan siya ng malamig habang tila pagkit na dumikit sa utak niya ang larawang iyon. 'Harry, ano ba talaga tayo? Ano ba talaga ang pagsasama nating ito? Naguguluhan na ako.'

Sinisikap niyang maiwaglit sa isipan ang naturang litrato, isinusubsob niya ang sarili sa trabaho. Ipinipilig niya ang ulo sa tuwing rumerehistro sa utak niya ang larawang iyon. Ayaw niyang pag-isipan ng masama ang asawa pero malinaw na si Harry ang nasa larawang iyon.

Out of exasperation, nalamukos niya ang isang papel sa ibabaw ng kaniyang mesa.

"No!" Agad niya itong inayos. Importante ang papel na ito, ito ang dokumentong pinapirmahan sa kaniya kanina.

Tila binibiro siya ng panahon, kumakatok ngayon sa pinto niya ang sekretarya niya.

"Come in." Natataranta niyang pinaupo at pinatayo ang sekretarya niya.

"A, I'm sorry, I made a mistake." Ipinakita niya sa sekretarya ang nilamukos niyang papel kanina. "I need you to fix this."

Napanganga ang sekretarya nang makita ang nalamukos na dokumento. Agad naman siyang tumango at nagpaalam. "I'd excuse myself, ma'am, I have to chase the other signatories."

"Yes, please." Pinagbuksan niya ito ng pinto, "thank you!"

Nang makaalis na ang kausap ay tila pinanawan siya ng lakas ng tuhod. Isinadlak niya ang sarili sa swivel chair. "Whew!"

Napapaisip siya. Inaamin niya sa sarili na malaki na ang impact ni Harry sa kaniyang emosyon. Nasasaktan na siya at nagseselos para sa lalaki. Mahal na ba talaga niya ang kaniyang asawa?

Iniisip niyang baka nagseselos lang siya dahil siya ang asawa nito pero may gana pa itong makipagmabutihan sa ibang babae. Pride lang siguro niya bilang babae ang nasasaktan. Masakit nga naman ang hindi makuntento sa kaniyang alindog ang kaniyang asawa.

Napatitig siya sa kaniyang tiyan. Naisip niya ang magiging kalagayan ng anak niya kung lalaki ba itong walang pagmamahal na namamagitan sa kanila ni Harry na mga magulang nito. "Don't worry, baby, I will love you forever," bulong niya sa anak na nasa loob ng sinapupunan.

Sumakit ang kaniyang diddib. "Ouch!"

Malakas ang naging pagkilos ng anak niya sa loob ng kaniyang sinapupunan. Tila sumipa ito sa gawing dibdib niya. Nararamdaman kaya ng kaniyang anak ang nararamdaman niya ngayon? Nauunawaan kaya siya nito? Napapaisip siya kung paano niya papaliwanagan ang anak.

"I'm sorry, baby, I don't want to be sad," aniya habang hinahaplos ang sariling tiyan. Nanungaw na sa kaniyang mata ang mga luha. "Don't be sad, too. I am here for you. Please stay with me, too. Daddy is..." hindi niya naituloy ang sasabihin. Hinahanap niya sa utak kung ano ang sasabihin sa anak niya tungkol sa ama nito. Sasabihin ba niyang "daddy will stay with us"? Sasabihin ba niyang "daddy loves us"? Lalo siyang napaiyak sa kawalan ng sagot sa mga namuong tanong sa kaniyang isipan.

Nang muling kumatok ang kaniyang sekretarya ay dali-dali niyang pinahid ang mga luha.

"Wait! I'll call you in a minute."

"Okay, ma'am," sagot naman nito sa labas ng pinto niya.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin na nasa lalagyan ng kaniyang compact powder. Namumula ang mga mata niya at ilong sa kaiiyak. Nilagyan niya ang paligid ng mata ng concealing stick at nag retouch siya ng make-up. Ngumiti pa siya sa harap ng salamin. "You can come in."

Agad niyang pinirmahan ang dala nitong dokumento. "Good job. Thank you!" Nginitian niya ito at tinapik sa balikat. Nahalata niya na haggard na ang itsura nito, siguro ay dahil sa kapaparoo't parito nito sa mga opisina ng signatories ng dokumento.

"You're welcome, ma'am, and thank you!"

Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang makaalis ang kaniyang sekretarya.

May electronic copy naman silang lahat pero ginagamit pa rin nila ang traditional way ng pagpirma ng documents kahit para lang sa company bulletin.

Malapit na ang oras ng uwian. Iniisip niyang i-dial ang number ni Harry pero naramdaman niyang may gumuhit na kirot sa puso niya. Minabuti niyang i-off na lang muna ang gadget niya. Gusto niyang mag- concentrate sa trabaho. Sa bahay ay inabala niya ang sarili sa pag-aasikaso sa mga gamit ng magiging anak nila. Lingid sa kaniyang kaalaman ay tinatawagan ni Harry ang numero niya pero hindi ito nagri-ring dahil naka-off ito mula pa kanina.

NAKARAMDAM ng lungkot si Harry. Kailangan niya ngayon ng kausap. Naubos ang maghapon na wala siyang nakikitang pag-asa sa panahon niya dito sa India. Pero hindi niya makontak ang asawa kung kailan gusto niya itong paghugutan ng

lakas.

Naka-off ang cellphone nito. Kanina pa niya ito tinatawagan. Na- low battery lang ba ito? Hindi kaya sadyang wala lang pakialam ang asawa niya kung ano ang nangyayari sa kaniya rito? Ah, ano nga ba ang dapat niyang asahan sa asawa niya? Bukod sa pinirmahang kontrata sa kanilang kasal ay wala siyang ibang pinanghahawakan sa relasyon nilang dalawa.

Ngayong mag-isa siyang nakaupo sa loob ng isang restaurant ay nararamdaman niya ang pag-iisa. Tila wala siyang pakialam sa ganda ng ambience ng napili niyang kainan. Higit siyang nakatuon sa tila kawalan ng direksyon ng pagsasama nilang dalawa ni Jemima. Sumabay pa ito sa kabiguan niya sa kaniyang business proposal sa magkapatid na Tata.

"So, you're still here."

Napatingala siya. Nasa harapan niya ang taong hinahanap niya-si Chester Singh.

"Yes, so are you. Please have a seat."

Tumugon naman ang bagong dating niyang pinsan.

"I've been looking for you all this time."

"I know." Pinagmamasdan niya ang mukha ng kabiguang nasa kaniyang harapan.

"You finally know how to be invisible."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

He smirked. "Aren't you glad that you're seeing me now? I chose you instead of dating the ice monkeys."

Napatawa siya ng mahina. Dama niyang may katotohanan ang tinuran ng pinsan. Siguro ay nag cut short ito sa itinerary niya para lang mapagbigyan siya.

"Thank you for choosing me, your family, over those monkeys."

Nanahimik si Chester nang binanggit ni Harry ang salitang "family".

"I know we did something wrong that might have hurt you deeply," aniya sa nagsisising mukha. Totoo naman sa loob niya ang kaniyang winiwika.

"It's water under the bridge already."

Tinitigan niya ang pinsan dahil sa sinabi nito. "I still want you to know that we're sorry. We didn't mean to offend you nor hurt you."

Dahil tumungo lang si Chester, nagpatuloy siya sa paglalahad. "My wife, Jemima, she was crying when you left. You two became close, closer than we were, am I right?" Nang hindi umiimik ang kausap ay nagpatuloy siya, "I was happy with you

as her friend, and we became closer, at least, for me." Humigit muna siya ng hangin bago inilatag ang panghuling linya. "Things just went wrong. We didn't plan it, but I'm not washing my hands. You can blame me."

Bumuntunghininga muna si Chester bago nagsalita. "There are things that we can't undo." Pinigil niya ang sariling magsalita pang muli.

Tumango siya. "Yeah. But if I can, I would want you back... with us."

Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa pinsan, sandaling napatitig siya dito, at ngumiti. "You must be in love," at mapakla siyang ngumiti. "What?"

Hindi na siya sinagot ni Chester. Pinagmamasdan na lang siya nito. Napaisip si Harry sa tinuran ng kausap, kinapa sa dibdib ang katotohanan nito. Sinikap niyang masagot ng may tamang lohika ang pinsan. "You knew that I've been doing things,... sacrifices for my family. And we're family. You knew that."

"But not like this." Tinitigan niyang muli ang pinsan. "Harry, you've turned 180 degrees character change, if not 360."

Napaisip siya sa narinig. "Did you mean, I was really that kind of guy?"

Si Chester naman ang nag-isip ng isasagot sa pinsan. "Well, you had a heart, but you don't negotiate using your heart. You always use your persuasive, manipulative side."

Napahigit naman ng hininga si Harry sa narinig, at tumango-tango. "People change, even you. I never thought that it would cross your mind to leave us."

Hindi umimik si Chester. Kahit siya ay hindi niya naisip iyon. Natutunan na niyang tanggapin ang lahat nang ibibigay sa kaniya ng bawat araw na kasama niya ang mga Sy, kahit ang anino ng mga ito. Nagsikao siyang maging competitive hindi para umalis kundi para lalo pa siyang pagkatiwalaan ni Samuel Sy. Ngunit isang araw ay nagbago ang lahat.

Nag-iisip naman ng sasabihin si Harry sa kaharap. Ito na ang pagkakataon niya upang tanungin ito sa pakay niya.

"Are you here because I left the company? If it is your agenda to sway me back, I know that you know my answer to that."

Tumango si Harry. Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob bago nagtanong, "do you know who's sabotaging us?"

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Hindi agad sumagot si Chester sa pinsan.

"There's this rumor that might affect our credibility for the upcoming People's Choice Award."

"Nobody can sabotage your company from the outside. They just can try."

"Do you know about it?"

Tumayo si Chester. "If you're here because you're accusing me "

"No. I'm here because I want the truth."

Muling umupo si Chester. "How much truth you can handle?"

"Try me." Handa siyang marinig ang lahat mula sa pinsan. Naniniwala niyang malaki ang nalalaman nito tungkol sa mga bagay-bagay tungkol sa kanilang kumpanya at sa kanilang pamilya.

Ni hindi niya inakala noon na may nalalaman ito tungkol sa pagkawala ng kaniyang ina. Naging tahimik lang ito sa loob ng mahabang panahon. Kaya ngayong may lumalabas na issue tungkol sa kanila ay naniniwala siyang may nalalaman ang pinsan niya.

Umiling-iling si Chester. Hindi niya maibibigay sa pinsan ang hinihiling nito. "The truth is, I'm not the right person who should tell you anything about the truth and the lies in your company and in your own family. It is not in my character to play other person's role."

"I know that you know something, Chester. It is important to me."

"You should talk to the right people. Find your answers at its core."

Nabaghan si Harry sa narinig. Hindi niya inaasahan ang bagay na naiisip niya ngayon. Mukhang kailangan na niyang umuwi para maliwanagan tungkol sa gumugulo sa isipan niya.

Tumayo siya at humakbang palabas ng restaurant. Huminto siya at nilingon ang pinsan. "You know, you might be right."

"On what?"

"Me,... being in love."

Hindi kumibo si Chester. Lumunok siya ng laway.

"What about you?"

"You should go." Sinalubong niya ng seryosong mukha ang tingin ng pinsan.

Walang nagawa si Harry kundi ang tumalima sa pinsan. Kailangan niyang malaman ang katotohanan tungkol sa kumakalat na tsismis na ipinupukol sa kanilang kumpanya. Kailangan niyang malaman ang pinanggagalingan nito upang mabigyan niya ito ng tamang solusyon.

Hindi niya akalain na ang pagsasanib-puwersa ng kumpanya ng mga magulang nila ni Jemima ay magkakaroon pa ng issue ngayon. Minsan na niyang tinanong ang kaniyang ama tungkol dito pero hindi pa man niya natatapos ang kaniyang pagtatanong ay tinalikuran na siya ni Samuel Sy. Hindi na siya papayag ngayon na muli siyang pagkaitan ng ama ng katotohanan.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report