T 58

HINDI mapalagay si Harry sa loob ng taxi. Katabi niya si Chester na naiinis na rin sa sobrang traffic sa highway ng Metro Manila. Halos hindi na umuusad ang sinasakyan nila. Bumper to bumper na ang itsura ng mga sasakyan sa kanilang lane. Magkasabay silang agad na sumakay ng eroplano nang malaman nila ang nangyari kay Jemima. Tiyempo naman kasing magkausap silang dalawa nang matanggap ni Harry ang text message ni Melinda na nagsasabing isinugod nila sa ospital si Jemima.

"Oh, it's not moving anymore!" iritableng bigkas ni Chester nang hindi na umuusad ang trapiko. Gusto na niyang manghampas dahil sa kabugnutan.

Dahil hindi rin talaga mapalagay si Harry, binuksan niya ang pinto ng taxi. Nang makita niyang mahaba ang mga hindi umuusad na sasakyan mula sa unahan nila ay nagpaalam siya sa pinsan. "See you there!" "Hey! It's too far!" Wala siyang nagawa kundi sundan na lang ng tingin si Harry na mabilis nang tumakbo.

Halos naliligo na si Harry sa pawis sa katatakbo. Pinupunasan niya ang pawisang noo para hindi matakpan ng pawis ang mga mata niya. Hindi niya kabisado ang Street names kaya tinitingnan niya sa mapa ng cellphone niya kung saan siya dadaan.

Habang tumatakbo ay nananalangin ang kaniyang isipan para sa kaligtasan ng kaniyang mag-ina. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili sa ginawa niyang pag-iwan sa asawa.

Nang malaman niyang isinugod si Jemima sa ospital ay agad siyang tumakbo papuntang airport. Hindi na niya naisip na magdala ng kung anong gamit. Ni hindi niya naabisuhan ang kaniyang secretary para i-cancel ang scheduled meetings niya sa araw na ito.

Aasikasuhin niya mamaya ang lahat ng bagay. Uunahin niya muna ang kaniyang asawa.

Lumalabo na ang kaniyang paningin dahil sa tumutulong pawis mula sa kaniyang noo. Humahangos na rin siya. Basa na ang kaniyang suot na damit.

Nakakita siya ng pag-asa nang matanaw niya sa hindi kalayuan ang signboard ng ospital. Tinitigan niya muna ito, tinitiyak kung ito na nga ba ang ospital na pinagdalhan kay Jemima. "Harry!"

Naabutan na pala siya ng sinasakyang taxi ni Chester. Pinasakay siya nitong muli.

Lumampas sila sa nakita niyang signboard kanina. Hindi pala iyon signboard ng ospital. Namalikmata lang yata siya sa sobrang pagod.

Agad silang pumasok ng ospital. Si Chester na ang nagtanong sa information desk dahil hinihingal pa rin si Harry.

"Hi! Where is Mrs. Jemima Sy's room?'

Agad nilang tinungo ang kuwartong tinuran ng desk officer matapos nilang magpasalamat dito.

Nakasalubong naman nila si Melinda sa may pasilyo kaya hindi na sila nahirapan pang hanapin ang hospital room ni Jemima.

Pagbungad ni Harry sa pintuan ay nagulat ang pamilya ni Jemima nang makita siya ng mga ito, lalo at pulang-pula ang balat niya sa pagod at tila naligo siya ng pawis.

"Harry!" Agad na tumayo si Zorayda mula sa pagkakaupo sa kama ni Jemima. "You're here! And you're... wet!"

Nagmano naman si Harry sa mga nanugang na lumapit sa kaniya kahit na humahangos pa siya. "How is she?"

"She's..." Nangingiting halos patulak niyang iginiya palapit sa hospital bed ng anak ang kaniyang manugang. Sinenyasan niya ang asawa at anak na lumabas ng kuwarto, gayundin sina Chester at Melinda. "Chester, it's been a long time!" "Yes, auntie." Binati niya rin sina Allan at Ismael. Sumilip muna siya kay Jemima na tila kagigising lang. Sumabay na rin siya sa pamilya ni Jemima palabas ng kuwarto.

"Is she okay?" tanong niya kay Zorayda nang makalabas na sila ng pinto.

Niyaya naman sila ni Zorayda na pumunta ng canteen.

Sa loob naman ng hospital room. Tahimik na nagtitigan ng ilang sandali ang mag-asawa.

"Drink some water," mahina niyang sambit sa pawisang asawa. Nahinuha na niya ang ginawa nito kung bakit napuno ito ng pawis.

Matapos uminom ng tubig ay nilapitan ni Harry ang asawa. Masuyo niya itong tiningnan sa mukha. "How are you?"

"I'm fine, Harry. Don't worry."

Tiningnan naman niya ang umbok ng tiyan ng asawa. "How's our Phoenix?"

Napangiti naman si Jemima nang marinig ang pangalan ng magiging baby nila. "She's fine. I just panicked." Nahihiya man siya sa kaniyang ginawa ay minabuti niyang aminin ito sa asawa. "It was false alarm. I just had a stomach ache." Nagtagpo ang kanilang paningin. Aaminin din ba niya sa asawa na puso niya ang higit na nasaktan? Nagtalo ang kaniyang isipan kung dapat ba niya itong kumprontahin kung bakit siya nito pinagtaksilan. "What did the doctor say?"

"I'm still under observation. I have a twisted foot because of..." Alam niyang lubha itong maaapektuhan kung sasabihin niya na muntik na siyang masagasaan ng isang sasakyan, "I... I was careless." "Which foot?"

Itinuro ni Jemima ang kaliwa niyang paa na may benda. Marahan naman itong hinaplos ni Harry.

"Does it hurt?"

"A little." It's my heart that's in pain, Harry!'

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Napansin naman ni Harry ang pagkunot ng noo ng asawa. "What else hurts?"

Hindi naman nakakibo si Jemima. Pero ramdam niya ang pagsakit ng kalooban niya na hindi man lang nagpapaliwanag sa kaniya ang lalaki gayung kaharap na niya ito.

"When can you go home? I will stay with you for a while." Pinagmasdan niya ang mukha ng asawang larawan ng pagkadismaya. "I know you'd want me to go. But I'd like to be sure that you're fine." Tumikhim muna si Jemima bago muling nagsalita. "Harry,..." humugot siya ng lakas, "did you and Ivana-"

"Oh, yes!"

Napatda naman si Jemima sa nakitang excitement sa mukha ng asawa. Diyata't wala itong pakialam kung masasaktan siya?

"We've met after the awarding. You know what? I bet you still don't know..." masaya nitong pagsasalita, "guess who's Ivana's boyfriend now?"

"I... I don't  know." I hope it's not you.'

"It's Vince Schuck, your new boss!"

Hindi iyon inasahan ni Jemima. Pero nagpapasalamat siya ng malaki dahil nagkamali siya ng akala.

"They're very happy together. Ivana,... she's so into him!"

Masaya na ang puso niya ngayon. Nakita niya kasi kung gaano kasaya ang kaniyang asawa sa pagkakaroon ng bagong love interest ng babaing naging matindi niyang karibal dito.

Pero the fact still remains. Hindi niya gusto ang paghihirap na dinaranas ni Harry, at dinaranas ito ng asawa nang dahil sa kaniya. Awang-awa siya rito.

"Harry, you also deserve to be happy. You don't have to tie yourself to me. You're a good person, and a-"

"What do you mean?"

Tila gustong lumagpak ng puso ni Jemima nang makita ang disappointed look sa mukha ng asawa. "You just don't get me, Harry."

"Then talk." Mahina ngunit mariin ang boses ng lalaki. Hindi na kasi niya kayang unawain pa ang kagustuhan ng asawa. Ngayon niya naramdaman ang pagod nang ginawa niya kanina. Halos pasandal siyang naupo, laglag ang mga balikat. He did not ask for her appreciation. Hindi niya lang inasahan na ganito na naman ang magiging Tema ng usapan nila. Ano pa ba ang kailangan niyang gawin para sa relationship; nila? Nilunok na niya pati ang pride na mahalaga sa kaniya. Nagtagis ang kaniyang bagang.

"Harry,..." naiiyak na siya sa nakitang reaksyon ng kaniyang asawa. Pero kailangan siya nitong maintindihan. "What have you done to yourself, Harry? You're soaked, tired, and haggard. You look... helpless."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"I ran to see my wife." His tone went cold. Wala na siyang ganang makipag-usap sa babaing pinahalagahan niya.

Lumunok naman ng laway ang babae. "You do things you don't usually do. You even endure things you're not supposed to feel."

"Aren't you glad?"

"I'd like you to leave me, Harry. For good." Tumulo na ang luha ng babae.

"Why? You want that male model you were with? Or is it somebody else?" "There is nobody else."

"Then why?" Maging siya ay nagulat sa biglang pagtaas ng boses niya. Hindi niya napigilan ang sariling magalit sa kausap.

"I... I want you to be you! I want you to be the way you were, before you married me. Strong, and calm, and... I don't like watching you suffer and fall because of me! You see, I'm not good for you!"

"I'm not good for you either!" Hindi na niya kailangang itago ngayon sa asawa ang nararamdaman niya. "I don't like being afraid, nor losing control. I don't even like you manipulating me!"

"Did I?"

"Yes, you did. Sometimes. Most of the times." Nakita niyang puno ng pagsisisi ang mukha nito. Nilapitan niya ang asawa at ginagap ang palad nito. "But we can do it. We can learn to adjust and make amends. We can be strong together, Jemima. We're just starting out."

Hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi ng asawa. "No, Harry. You and I are different. I have watched you. You were like a fearless eagle before. We can't be together."

"Jemima," nauupos man ang pasensiya niya ay pinili niyang manaig ang self-control," we are humans. We're allowed to be weak sometimes." "But I'm destroying your future!"

"No! We love each other!" Natigilan silang dalawa sa huli niyang binigkas. Tinitigan ni Harry sa mata ang asawa. Umiwas naman ang huli. "Aren't we?"

"Maybe we don't really love each other, Harry." Tila may bumikig sa lalamunan niya nang binigkas niya ito. May bahagi ng puso niya na tila nagpapasaklolo.

"What do you mean? We're just sex partners?" Umasim ang mukha ng lalaki pagkatapos ng kaniyang sarcastic smile. Tumayo na si Harry. "I think I'm not needed here. I'll leave you now." Bumuntunghininga muna siya bago humakbang palabas. Hindi na natuloy ang paglabas niya ng pinto dahil tinawag siya ni Jemima. "Harry! I think it's time!"

Agad namang nataranta si Harry nang makitang nag-a-alumpihit sa sakit ng tiyan ang asawa. "Nurse! Doc!"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report