The Billionaire's Prize Wife -
Chapter 6 Most Embarrassing Experience
NOT EVEN IN HIS WILDEST DREAMS ang sumakay sa isang kalabaw, lalo na at tila galing pa ito sa bathing session sa maputik nitong pool. Pakiramdam ni Harry ay pinagtatawanan siya ng mga tao habang tila masayang pumaparada sa kalsada ang kalabaw habang sumusunod ito sa kaniyang owner na sakay naman ng isang kabayo.
"Does this thrill you so much?"
She was amused and he fumed, his emotions scattered by her schemy acts. Wala kasing taxi sa lugar na ito, at ayon kay Jemima ay walang tricycle na pumapasok sa sitio nina Jemima. Takot daw ang mga driver dahil malapit ang bahay nila sa camp ng lawless elements.
"Bakit hindi na lang ako nag- backride sa kaniya?" Itinuro niya ang lalaking sakay ng kabayo sa kaniyang unahan.
"Nangingilala ang kabayong iyan, baka masipa ka pa. Huwag kang malikot, ihuhulog ka niyan kapag mainis iyan sa iyo," she giggled, not hiding her emotions.
"Is this your ally? I won't be surprised kung warfreak din siya."
Ngumiti langcsa kaniya si Jemima. Tiningnan nito ang ulap. "Uulan na yata, we'll go ahead. See you there. Keep your distance from the horse, it could break your bones," aniya bago pinaandar ng mabilis ang motorsiklo habang nakaangkas sa kaniya ang ngingiti-ngiting kapatid.
"Yeah, right." Naiwang wala sa mood na nakasakay sa kalabaw si Harry, trying not to make unnecessary actions na ikaiinis ng kalabaw, maging ng kabayong nasa unahan niya.
Tila inabot siya ng malas, huminto ang kalabaw. Nagtataka man ay ayaw niya itong hagupitin ng tali. Ayaw niyang magalit ito sa kaniya. Naiiwan na sila ng may-ari nito. "Wait!" He barked out of embarrassment. Ayaw niyang maiwan. Hindi niya alam ang daan pabalik sa bahay ng mga Te.
Binalikan naman sila ng may-ari ng kalabaw matapos ang ilang ulit niyang pagsigaw ng 'wait!' Natatawa ito nang makita ang ginagawa ng alaga.
Pigil ang paghingang dumukwang ang binata upang alamin kung totoo ang sapantaha niya. Totoo nga. Tumatae ang kalabaw kaya ito huminto. Lalo niyang naramdaman ang embarrassment sa itsura niya ngayon. Hindi niya ito makakalimutan lalo at inilagay siya ni Jemima sa very humiliating situation.
"Stop it, or I'll sue you!"
Wala iyang pakialam kung magmukha siyang monster sa harap ng teen-ager na kumukuha ng kaniyang larawan. Natakot naman ito at halos patakbong umalis. Sino ba naman ang gaganahang magpa-picture sa ganitong eksena? Halos basahan na nga ang damit niyang dati ay kay puti, nakasakay pa siya sa maruming kalabaw na tumatae.
'I hate this stupid place! I really hate that woman!'
Nakahinga ng maluwag si Harry nang nagpatuloy sa paglalakad ang sinasakyan niyang kalabaw. Tinitiis niya ang init ng araw, naisip niyang pasasaan ba't makakarating din siya sa bahay ng mga Te. Sasabihin niya ang lahat ng pagtitiis niya sa kamay ng ipinagmamalaki nilang fiancee niya. Gagamitin niya ang persuasive speaking at lahat ng paraan mapapayag lang niya ang kaniyang ama na huwag nang ituloy ang kasal nila. Ni ayaw na niyang makita ang babaing iyon sa sobrang pagkainis niya dahil sa sinapit niya ngayon.
Nang dumagundong ang langit ay kinabahan ang binata. Madadagdagan pa yata ang kaniyang embarrassing moment. Siyempre, ayaw niyang maligo sa ulan. Those days are long gone, at tinapos iyon noon ng batang babaing bully na nagngangalang Jemima.
Pero hindi niya napigilan ang pagbuhos ng ulan. Dahil sa ulan, bumalik ang alaalang matagal na niyang kinalimutan.
Masaya siyang naliligo sa ulan noon kasama ang batang si Ismael. Sa Manila pa nakatira ang mga Te noon. Niyaya sila ng batang si Jemima ng larong tagu-taguan. Dahil si Ismael ang taya, nagtago sina Jemima at Harry. Nagkataong bahay pala ng malaking aso ang gawing pinagtaguan ni Harry. Nagalit ang aso kaya umiiyak na nagtatakbo si Harry. Nadapa siya at nasugatan. Pero mas nasaktan siya sa pambu-bully noon ni Jemima, "Lampa! Lampayatot! Mahina ang tuhod!" Nasa ganoong malalim na pagmumuni-muni si Harry kung kaya't hindi niya agad napansin ang mga tilamsik ng putik sa kaniya mula sa kabayo sa kaniyang unahan. Tila naririnig na niya ang sasabihin ni Jemima na, 'I told you to keep your distance.'
Nagtiim ang bagang ni Harry nang makitang may mga dumaang tricycle sa mismong harap ng bahay nina Jemima. Tila sinasadyang nakita niya ang babae sa may veranda ng bahay nito. She was clearly laughing at him. Matapos niyang ayusin ang sarili ay hinanap niya si Jemima upang sumbatan ito. She seemed unaware of his position in their company at iniwan siya nito sa ganoong kalagayan.
"O, halika na. Handa na ang almusal. Pihadong gutom ka na," ang pagbati sa kaniya ni Zorayda. "You seem--"
Sinikap ni Harry na maging matamis ang pagngiti sa kaharap. "Tired lang po ng konti, Auntie." Nagpalinga-linga siya, hinahanap ng kaniyang mata ang dalagang kinaiinisan.
"Tired, but very handsome, as usual," nginitian niya ng matamis ang mamanugangin. "Are you looking for Jemima? She's at the backyard garden."
"Y-Yes, Auntie. Thank you!" Somehow ay nagpapasalamat siyang sinabi sa kaniya ng ina ng dalaga kung saan niya ito makikita, but there's a slight feeling of guilt dahil hindi maganda ang motibo niya kung bakit niya ito hinahanap. "Tell her to come, para sabay na tayong kumain. It's good that you're having a good rapport now," ngumiti pa ito ng matamis sa kaniyang nalalapit na maging manugang. Sinuklian din siya ng binata ng isang ngiti bago nito tinungo si Jemima.
Ni hindi kakikitaan ng pagkatakot si Jemima habang papalapit siya sa babae. Tila kinikiliti pa ito ng kung ano habang tinitingnan ang itsura niya.
"You lied to me!"
"So?..." Ni hindi siya huminto sa pag-aasikaso ng tanim.
"What? You won't even ask me what I'm talking about?"
"Whatever," she shrugged her shoulders and stopped. Iniligpit niya ang ginagamit na gunting. "It doesn't matter. You did worse," and she walked towards the house without looking at him. "What did I do?"
Walang natanggap na sagot si Harry kaya nagpuyos ang kalooban niya. "Woman, I'm still talking to you!"
"I'm starving!" Ni hindi niya nilingon ang lalaki at nagpatuloy siya sa paglalakad.
"You're a monster! An evil cockroach in the guise of a woman!"
What he said caught her attention. His words felt like a knife. "Am I?" She bit her lip, trying to hold what she has to say, but her eyes revealed the pain she's feeling.
"I-- I know how it feels," he's trying to be apologetic. Nakita niya kasi ang matinding hinanakit sa mga mata ni Jemima. Naisip niyang baka kagaya niya ay napipilitan lang din itong magpakasal. Oo nga naman. Ni hindi nga sila magkasundo, e. "You don't know how I feel. You don't know me. And I don't need you to understand me."
"We can stop this marriage together." Feeling niya ay may magiging kakampi na siya sa katauhan ng kinikilala niyang kaaway. Handa siyang makipagkasundo sa babae makaiwas lang sa kasal.
"Forget it. I don't trust you and I don't even want you to be my friend."
"I'm not offering friendship. But we can plan it well. I want to leave this place the soonest!"
"Do what you want. But you're a coward." Tiningnan niya ng matiim ang lalaki bago siya nagbitiw ng salita. "I will stop this marriage. No, I will make you stop this marriage. And you can thank me later." Nang-uuyam na hinagod niya ng tingin ang kausap at walang lingon-likod niya itong iniwan.
"Fine. Let's be enemies, then."
"Aren't we?"
Nagtataka siya sa sarili kung bakit hindi niya magawang sampalin ng masasakit na salita ang babae gayung naiinis siya dito, to the point na tila nabobobo na siya sa harap nito. Gusto niya itong insultuhin pero nonsense ang lumalabas sa bibig niya. Parang may pumipigil sa kaniyang saktan si Jemima. Nakokonsensiya ba siya? Siguro nga, pero para ito kay Samuel Sy. Ayaw niyang ipahiya ang kaniyang ama kaya kailangan niyang piliin ang mga bibitiwang salita sa bahay na ito. Sa hapag kainan ay napapatingin siya kay Jemima. Gumugulo sa isipan niya kung ano ang pinaplano nito. Mukhang ipapahamak siya nito. Matalino ang babae. Kanina lang ay naisahan siya nito. Ah, hindi siya patatalo sa isang Jemima Te, kahit gaano pa ito kaganda at kabango.
Dumikit na yata kay Jemima ang amoy ng mga inaalagaan nitong bulaklak. Bakit nga ba kasi pinagtabi sila ng upuan ngayon, natutukso tuloy siyang amuy-amuyin ito ng palihim.
"Utot ko pa lang iyan," ang pabulong na sabi ni Jemima sa kaniya, at maangas itong ngumiti.
"What?" The realization made him blush. Hindi niya akalaing nahalata nito ang pag-amoy niya dito. "Mabuti naman at nagkakasundo na kayo. Nakakatuwa kayong tingnan," wika ni Allan Te sa dalawa.
"Ako rin, pa, natutuwa," pagsabad ni Ismael, "first time kong mag abay, best man pa."
"Kaya sumama kayo ni Melinda mamaya kina ate mo na magpa-salon. Kami na ang bahalang mag supervise sa church at sa hotel."
"Matutupad na rin mamaya ang pangarap namin ni kumareng Benita!" Naging emosyonal si Zorayda sa pagsiwalat ng saloobin niya. "Siya pa naman ang nagsabi noon na ipakasal namin ang aming magiging anak na babae at lalaki," maluha- luha ngunit nakangiti niyang saad kay Harry. "Sayang at wala siya ngayon."
Dahil sa huling tinuran ng ginang ay hindi agad nakakibo ang mga kasama niya. Nahihiya tuloy siyang tumingin kay Samuel. Nanatili namang nakapikit si Samuel, hinihilot-hilot ang noo.
"Di bale, kumare, ang mahalaga ay matutupad ang naging kasunduan ninyo, at ang kasunduan namin ni kumpareng Allan."
Sumang-ayon naman si Allan sa magiging balae. "Mamayang hapon ay sealed deal na tayo, pareng Samuel."
Masayang nagkamay ang magkaibigan.
"W-what will happen this afternoon?" Halos hindi na iyon namutawi sa bibig ni Harry. Deep inside ay tila alam na niya ang sagot. Naramdaman niya ang malamig na pawis na lumukob sa kaniyang katawan. "Humigop ka ng sabaw," wika ni Samuel sa anak. "Don't be too excited."
"Excited..." ngumiti siya ng matamis sa mga kasama sa dining table. Hindi na niya pinilit ang sarili na tumawa, takot siyang baka maiyak lang siya. Kakaibang emosyon ang kaniyang nararamdaman. Matapang, naglalaban sa loob ng kaniyang dibdib. Hindi niya ito kinaya.
Parang nasa langit ang pakiramdam ni Harry nang ang mabining bango ni Jemima ang bumati sa kaniya pagkamulat ng kaniyang mga mata. Nararamdaman niya ang malambot na kandungang inuunan niya habang nasasamyo niya ang mabangong hininga ng dalaga. Hindi pa man niya tuluyang nakikita ang babae ay alam na niya ang kanilang situwasyon.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 5s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Gising na siya, ma!" Tinawag ni Ismael ang mga magulang. Dali-dali namang nagsilapit ang mga nagulang nila.
"Harry! How could you faint on your wedding day?! This is your greatest moment, you should look your best."
Hindi alam ni Harry kung ano ang irarason sa ama. It's so clear na mas iniisip nito ang kasal kesa sa dahilan ng pagkawala ng kaniyang malay kanina. "Maybe he's in shock, Uncle."
"In shock!" Napasapo sa noo si Samuel. Dinaluhan naman agad siya ng mag-asawa para pakalmahin.
Ibinuka ni Harry ang bibig para magsalita ngunit agad itong tinakpan ni Jemima at palihim siya nitong kinurot sa tagiliran.
"Uh-h!" Pigil ang sarili, naunawaan ni Harry ang gustong mangyari ng dalaga. Agad itong nakakita ng pagkakataon para sa kanilang 'great escape' sa kanilang kasal.
"I think he can't recognize us! Gosh! Is he having an amnesia?" Nakapisil pa rin ang dalawang daliri ni Jemima sa tagiliran ni Harry, handang diinan ito sakaling hindi umayon sa gusto niyang mangyari ang kaniyang fiance. "Amnesia!" Nilapitan ni Zorayda ang dalawa, hinagod niya ang mukha ni Harry. "Poor boy, this is supposed to be your happiest day!"
"W-what--"
"He can't remember it! Mukhang may amnesia nga siya!" Pinisil niya ng konti ang tagiliran ni Harry. Kailangang pagbutihin nito ang pag-arte.
Hindi naman alam ni Harry kung paano maging effective ang pag-arte. Hindi niya ito ginawa sa buong buhay niya. "Wh-- who are you?" 'Oh, my God! My eyes might betray me, dear Lord!' "Paano siya nagka-amnesia? Gaano ba kalakas ang naging pagkabuwal niya?"
Hindi naman makasagot si Jemima ng straight on her father's eyes. First attempt niya itong magmalakasang pagsisinungaling sa mga magulang.
"It's impossible!" Sinipat na mabuti ni Samuel ang mukha ng anak.
Iniiwas naman ni Harry sa kaniyang ama ang kaniyang paningin.
"All right, let's postpone the wedding," ani Samuel sa mag-asawa. "I'll leave my son here for one year. We should have a grandchild by then. Then let's re-schedule the wedding later." Sa narinig ay biglang tumayo si Jemima para magsalita. "No!"
"Ouch!" Hindi na nga siya nakurot, nahulog naman siya sa sahig dahil sa biglang pagtayo ni Jemima.
"Ayoko po ng anak out of marriage. No way! Pumayag na akong masangkot sa Ten Billion Dollar deal ninyo, but I want my child to be legitimate heir of that deal!"
"Ten Billion Dollar Deal?" Hindi makapaniwala si Harry sa narinig. Mas hindi siya makapaniwalang inilihim ito ng kaniyang ama sa kaniya.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report