The Billionaire's Prize Wife -
Chapter 9 Queen of the Night
"Guys, don't be surprised when you'd hear that Chester Singh,-" tinapik niya ang balikat ng pinsan, "my cousin, will get married soon." Iyon ang naisip niyang gawin para maitaboy ang pinsan palayo sa kaniya. Alam niya kasing wala pa itong girlfriend. In fact, sa observation niya ay aloof ito sa mga babae.
"Oh, I'm not," mabilis na sagot ni Chester. "I'd rather enjoy being single than become..." binigyan niya ng half smile ang pinsan.
Nagtagis ang bagang ni Harry. Pakiramdam niya'y sinadya ni Chester na ibitin ang kaniyang sinasabi. Siguro ay alam nito ang totoong situwasyon nilang mag-asawa. Hindi naman ito imposible. Dati nang magkakilala sina Jemima at Chester, nakasama kasi nila ito noon sa pagbabakasyon nila sa Pilipinas noong maliliit pa sila.
Hinarap ni Harry ang ibang bisita. Kung dati ay mapagpatol siya kapag sa palagay niya'y pinariringgan siya, ngayon ay kailangan na niyang mag-ingat. Ayaw niyang pag-uwi niya ay i-bully siya ng asawa. Ayaw niyang magka-minus points sa babaing kinaiinisan niya. 'Why would I have to impress her?'
May naramdaman siyang hinanakit sa dibdib. Siya lang yata ang nag-iingat at may pakialam sa kanilang dalawa. Samantalang ang asawa niya ay ginagawa ang balang magustuhan kahit na ikinaiinis pa niya. Kakampi kasi ng asawa niya ang lahat, and he only has Cohen to trust.
Napangiti siya nang makita niya si Cohen na papalapit sa kaniya. Inutusan niya kasi itong kumuha ng pinakamagandang babae para maging star ng party. Alam niya kasing madaling ma-bore ang friends niya kung walang 'Queen of the Night'.
Gusto niyang tumagal ang party na ito. Ayaw pa niyang umuwi. Infact, ayaw pa niyang makita ang asawa. Gusto niyang kalimutan kahit ngayon lang ang miserableng situwasyon na kinasasadlakan niya.
Agad niyang sinalubong ang kaniyang personal assistant. "So, where is she? Where is our queen of the night? Is she gonna dance?"
Sinundan niya ng tingin ang dakong nilingon ni Cohen at napamaang siya sa nakita.
Ang asawa niyang ubod ng ganda at sexy ay lalong naging kaakit-akit sa suot nitong hapit na hapit na damit na halos kakulay ng kaniyang balat. Nude din ang ginamit nitong kulay ng lipstick at very light lang ang make-up ni Jemima. Hindi niya naiwasang humanga sa kagandahan ng kaniyang asawa lalo na nang natamaan ito ng led light sa dakong kinatatayuan nito. Para siyang bituing nagniningning sa paningin ni Harry.
Hindi naman nalingid kay Harry ang paghanga ng lahat kay Jemima.
"Wow! Who's that girl?"
Mixed emotions ang naramdaman niya sa presence ng kaniyang asawa. Ito ba ang babaing ayaw niyang makita ngayong gabi?
"Jemima!..." nilapitan niya ito.
"Hello, so this is your party?"
Wala siyang nagawa kundi ang ipakilala ito sa mga bisita niya. Hahawakan niya sana ang likod nito to guide her pero binawi niya agad ang kaniyang kamay. She's too gorgeous tonight, baka makalimutan niyang naiinis siya dito. "So, this is our queen of the night?"
Nakangiting binalingan ni Harry ang lalaking nagtanong. "This...," napalunok siya nang matitigan ng malapitan ang kagandahan ng kaniyang asawa, "she is my wife."
"Oh, wow! You really got a wife! And a gorgeous one!"
Feeling proud siya nang mahalata ang naramdamang pagkainggit ng mga kasamang lalaki. Hinapit pa niya ang asawa sa bewang ngunit agad niyang tinanggal ang kaniyang kamay. Ayaw niyang matampal ng asawa sa harap ng ibang tao. Mapapahiya siya ng sobra kapag ganoon. Minus points iyon sa kaniyang pagka- macho.
"Hello, Jemima!"
"Chester!" Ngumiti siya na tila nakakita ng kakampi. Siyempre, hindi niya itinuturing na kakampi ang asawa niya. Hindi nga siya inimbita nito sa party. Hinayaan lang siya nitong mag-isa sa kanilang tirahan.
Nag-beso ang dalawa sa harap ni Harry at ng ibang mga bisita. Nagyakapan pa ang mga ito. Nakaramdam ng kurot sa dibdib si Harry. Siya itong asawa pero ni hindi siya nito niyakap. Pero kay Chester, maluwang na nga ang pagkakangiti ng asawa niya, may yakap pa.
Ah! Sino ba naman siya para bigyan ng magandang treatment ni Jemima? Noon pa man ay menos na ang pagtingin nito sa kaniya. Isa siyang lampang bata noon kaya siya binu-bully ni Jemima.
Ngayon naman, isa siyang sunud-sunuran sa gusto ng kaniyang ama kaya siya binabale-wala ng kaniyang asawa. Kailan nga ba mababago ang sitwasyong kinasasangkutan niya ngayon? Kailan aayon sa kaniyang kagustuhan ang panahon? Unti-unti siyang lumayo sa grupo. Naisip niyang hindi niya ikamamatay kung ayawan siya ng kaniyang asawa. Hindi ito magiging kawalan sa kaniya. Matapos lang ang lahat ng ito, magagawa rin niya ang gusto niya. Goodbye, Jemima na kapag mangyari iyon. Hindi na siya mato-torture nito tuwing gabi. Hindi na siya magtitiis. Makakabalik na siya kay Ivana, at sa lahat ng babaing nahuhumaling sa kaniya.
Pero ngayon ay kailangan niya munang sumunod sa kagustuhan ng kaniyang ama. Dapat siyang mag-focus sa kaniyang goal.
Hinayaan niyang pagkalumpunan ang asawa niya ng mga kasamang lalaki. Tiwala naman siyang walang papatulan ang kaniyang asawa ni isa sa kanila. Takot lang nitong ma- minus points sa kanilang mga magulang. Lumapit siya sa mga bisitang babae. Ang mga ito ang madalas nilang nakakasama sa mga wholesome party nila, mga empleyadong may mataas na ring ranggo sa Good Era Tire and Rubber Company. "Is she really your wife, sir?"
"Yes, she is. Don't worry, she knows that we're friends." Inakbayan niya ang kausap. Sanay na siyang makipag-flirt sa mga babae kahit na employee pa nila. First time niyang gagawin as married man. Pero nanatiling formal ang babae. "You have a very beautiful wife, sir. I've heard that she will be in-charge of the social media marketing."
"Oh?" Hindi niya ito alam. Walang nagsabi sa kaniya. "Oh!"
Pakiramdam niya ay pinamulahan siya ng mukha. Nadi-disappoint siya sa sitwasyon niya. Ilang beses ba siyang mapag-iwanan sa information tungkol sa mga ginagawa ng pamilya niya? Kinumpronta niya ang kaisa-isang taong pinaniniwalaan niyang tapat sa kaniya. "Why didn't you tell me anything? All this time, I thought you're with me!"
"You told me to get the prettiest woman in town, she's "
"Not that! But you also have to explain about that. What do you know about my wife's role in the company? What are their plans?"
"I know nothing, sir. I suggest that you talk to your father."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"So he'd know that I and his favorite daughter-in-law are not getting along well? Then what, good-bye to my two billion dollars?"
"You arrive at your office with me everyday. Your wife arrives later by commuting. She reports to your father without your knowledge. Do you think he can't tell?"
Hindi makapaniwala si Harry sa nalaman mula kay Cohen. Bakit kailangang itago sa kaniya ng kaniyang asawa ang pagpunta nito sa opisina?
Mag-isa siyang naupo sa isang table at halos tulalang tumungga ng alak. Hindi niya akalaing naiiwan siyang bulag sa mga pinaggagawa ng kaniyang asawa.
Oo, hindi sila nagmamahalan. Hindi rin sila magkasundo. Pero magkasama sila sa iisang bubong. Higit sa lahat, mag-asawa sila. Dapat alam niya ang lahat ng ginagawa ng asawa niya. Ayaw niyang magmukhang tanga.
Abala naman ang kaniyang asawa sa pag-iistima sa mga bisita. Bukod sa openness ng mga ito sa kung paano sila humahanga kay Jemima ay open din sila sa pagtataka kung bakit itinago ni Harry sa publiko ang tungkol sa kanilang relasyon bago sila ikasal.
Sanay sa pakikitungo sa iba't ibang uri ng tao si Jemima, kaya hindi siya nahirapang harapin ang mga ito.
"Father, I'd like to divorce my wife," wika niya sa kaniyang ama habang kausap niya ito sa kaniyang mobile phone.
"You can't do that," mababa ang tono ngunit firm namang sagot ng kaniyang ama sa kabilang linya.
"Do I have to suffer for a lifetime? It's not working!"
"Oh, be a man. Make it work. Besides, there's no divorce in the Philippines."
Hindi man alam ni Harry na palihim siyang sinusulyapan ng kaniyang asawa ay nagpalinga-linga siya. Naghahanap siya ng bagong puwesto.
Nang mapansin ni Jemima na wala na sa dating puwesto ang asawa ay nagpalinga-linga siya. "Excuse me," paalam niya sa grupo.
Hinahanap na ni Jemima ang kaniyang asawa. Hindi niya puwedeng hayaang gumawa ito ng kabulastugan. Oo, hindi niya mahal si Harry, pero hindi niya ito puwedeng hayaang magkasala sa loob ng marriage nila. He can't pick up any lady. Not on her watch.
"I don't like the way she treats me!" This time ay nag- video call na sila ng kaniyang ama. Gusto niyang makita ang reaction nito sa bawat sasabihin niya. Gusto niyang maunawaan siya nito. "This is not marriage in any angle! You could've let Chester marry her, for all I care! I want out, father! Besides, you didn't give me the two billion! What am I doing in this marriage?"
Nagsalubong ang kilay ni Jemima sa narinig mula kay Harry. Nagpupuyos ang dibdib na iniwan niya ito. Nawalan na siya ng ganang humarap sa mga bisita. Pakiramdam niya'y isa lang siyang manikang bayaran para kay Harry. Feeling insulted, nagpahatid siya kay Cohen pauwi ng condominium.
Samantala, dulot ng sama ng loob at ng nainom na alak, nagsimula nang magsumbong si Harry sa ama. "She's closer to Chester than me, her own husband. I bet she will readily give herself to Chester. That woman makes me feel a loser day by day. I don't even know what she's doing! I want out, dad! Don't make me suffer anymore.'
"Do you know why you're my bet for the presidency?..." seryoso niyang tiningnan ang anak na feeling miserable, "you always find ways to your goal. You make impossible possible. But now, you seem to be the weakest link! Why can't you do that to your marriage? Are you afraid of her rejection?"
Matamang nililimi ni Harry ang pinag-usapan nila ng kaniyang ama. Na-realize niya na nagmimistula na siyang weakling. Simula nang na-stress siya sa pagmamadaling makahanap ng paraan kung paanong muling makita ang kaniyang ina ay tila dumadami ang kaniyang pagkakamali. Pati katawan niya ay humihina.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Pero kailangan siyang magmadali. Naniniwala niyang inililihim lang ng kaniyang ama ang tungkol sa sakit nito. Kailangan nito ang kaniyang ina. Naniniwala siyang tanging ina lang niya ang makakapagpasaya sa kaniyang ama. Batid niyang mahal na mahal pa rin ni Samuel si Benita. Pero kinakain ang kaniyang ama ng kaniyang pride. Kaya siya na ang lumulunok ng sariling pride para sa sarili niyang magulang. Nagsimula nang mag-uwian ang mga bisita, umuukilkil pa rin sa isipan ni Harry ang mga salita ng kaniyang ama. "Get her attention. If others can, why can't you?" Nadatnan niya sa loob ng condominium unit ang kaniyang asawa. Mahimbing na itong natutulog.
KINABUKASAN ay nasorpresa ito nang pinagbihis niya ito.
"Get dressed. Don't be late for office. Cohen will accompany you from now on."
Hindi man inaasahan ni Jemima ang pagbabago ay ngumiti naman siya sa asawa. "Thank you. Why won't you come with us?"
"I'd like to give you some privacy. I'll just use the other car."
"But it's kinda old."
"It's still working."
She just shrugged her shoulders and started to get dress. Ngayong alam na ng asawa niya na nagri-report pala siya sa opisina ay hindi na niya kailangang magtago. Nanghihinayang siya, gusto pa naman sana niyang masorpresa ito once na ipakilala na siyang head ng social media marketing.
Hindi na rin niya itinatago sa asawa ang kaniyang kahubaran. Sinanay na niya ang sariling hayaan itong pagpiyestahan ng mga mata ni Harry ang kaniyang alindog. Pero wala na ito nang lumingon siya.
Hindi pala siya nito tiningnan habang nagbibihis. Nagsawa na yata si Harry sa kaniya. Ang bilis naman.
Maghapong naging busy si Jemima sa trabaho. Gusto niyang patunayan sa lahat na kaya niyang mag-excel. May background din naman siya sa copywriting at social media advertising. Kailangan niyang ma-master ang lahat ng aspeto ng e- commerce para naman matuwa si Samuel Sy sa kaniya. Kailangan niyang patunayan kay Harry na hindi siya palamuti sa Ten Billion Dollar Deal ng kanilang mga magulang.
Pero paminsan-minsan ay naaalala niya ang nangyari kanina. Halos ayaw na siyang tingnan ng kaniyang asawa. Ayaw na nga yata nito sa kaniya. All the while ay inakala niyang na-hook na ito sa kaniyang alindog.
Alas nuwebe na ng gabi, wala pa rin si Harry. Hindi pa rin ito umuuwi. Hindi makatulog si Jemima kaya ini-on niya ang telebisyon.
Isang balita tungkol sa nabanggang kotse sa isang puno ang bumungad sa kaniya. Ayon sa balita ay may mga naka-maskara na humahabol sa naturang kotse hanggang sa mabangga ito sa isang puno.
Tumahip ang dibdib ni Jemima nang ipalabas ang CCTV footage ng naturang aksidente. Nakita niyang binuhat ng mga nakamaskara ang driver at tinangay ito.
Halos mabingi siya nang marinig ang pangalan ni Harry Sy na siyang kinidnap ng naturang mga tao. Biglang siyang nasuka.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report