"I AM GOING to ask her to marry me," determinadong pag-amin ni Austin sa mag-asawang Alano at Clarice nang sadyain niya sa bahay ng mga ito. Ilang araw niya nang pinag-iisipan ang bagay na iyon mula nang maging sila uli ni Maggy.

Alam ni Austin na nagiging makasarili na naman siya. Pakakasalan niya si Maggy samantalang wala ito kahit na anong maalala tungkol sa sarili. At hindi niya rin maitatanggi ang katotohanang mahal man siya ng dalaga ay siya pa rin ang kahuli-hulihang lalaki na gugustuhin nitong pakasalan dahil sa kanyang ama.

Pero hindi na mapakali si Austin lalo na at ayon kay Nana Cora ay ilang beses na raw may tumawag na mga babae sa mansiyon. Radha at Yalena umano ang pakilala ng mga ito. Mahigpit na ipinagbilin niya sa mga kasambahay na huwag ibibigay ang telepono kay Maggy sakali mang may tumawag para hanapin ang huli dahil baka makasama iyon sa dalaga lalo na at may posibilidad na ang nagtangkang pumatay rito ang nasa kabilang linya at natunton na ito.

Mabuti na lang at hindi niya pa nasasabi sa mga kasambahay ang tungkol kay Yalena kaya kahit sinabi na umano ng babae na kakilala ito ni Maggy ay hindi pa rin iniaabot ng mga ito ang telepono kay Maggy. Si Radha naman ay minsan na siyang pinuntahan sa kanyang opisina.

Alam umano ni Radha na nasa pangangalaga niya si Maggy. Gusto nitong makausap ang amo nito pero hindi siya pumayag. Ilang ulit na rin niyang nakita sa guardhouse ang babae sa tabi ng main gate ng exclusive village nila. Hangga't walang go signal mula sa kanya ay hindi ito makakapasok sa loob.

Sa bawat lugar na pinapasyalan nila ni Maggy ay meron din siyang in-assign na mga guwardiya na sumusunod sa kanila na nakasuot ng sibilyan na damit para hindi makahalata ang dalaga. Ginagawa niya iyon sa dalawang bagay; una ay para maprotektahan ito sa mga taong gustong patayin ito at pangalawa ay para ilayo ito mula sa mga taong naghahangad na maipaalala rito ang katotohanan.

Noon sa ospital ay naglagay rin si Austin ng mga guwardiya na humaharang sa kahit na sino na lumapit sa kwarto ni Maggy maliban sa kanilang tatlo nina Alano at Clarice.

Clarice once told him about Radha. Matapat na tauhan daw ito ni Maggy. Ilang beses na daw tinangkang kausapin ni Radha si Clarice pero umiiwas itong magbanggit ng anumang impormasyon. Ipinagpapasalamat niya ang ginawang iyon ng hipag.

Dahil ayaw na muna ni Austin na magkaroon ng kaugnayan ang kanyang girlfriend sino man kina Radha o Yalena na siyang mga nakakaalam ng orihinal na pakay ni Maggy sa pagbabalik nito sa bansa. Alam niya na hindi magpapatumpik-tumpik ang dalawa na ipagtapat kay Maggy ang katotohanan at hindi niya pa iyon makakaya.

Hanggang sa kanyang bahay ay nag-iingat si Austin. Inalis niya ang family portrait nila pati na ang mga photo albums at iba pang naka-frame na mga litrato ng kanyang pamilya. Pinaglalagay niya ang mga iyon sa kanyang kwarto at kinandado sa drawers. Nagiging paranoid na siya. Ayaw niyang ang mga iyon pa ang mag-trigger ng mga hindi magagandang alaala sa dalaga.

Right now, Austin knew that Clarice was somehow on his side. Malaking bagay na mahal nito ang kuya niya kaya kahit paano ay tikom ang bibig nito kina Radha lalo na kay Yalena. Hindi na ito nakikialam sa mga desisyon niya patungkol sa kondisyon ni Maggy.

Every single day, he was getting anxious. How long can he hide the truth? Kung ngayong nakakahalata na siguro si Yalena kaya biglaang nagpaparamdam na ito ay hindi na malabong magpakita na lang ang babae isang araw sa kakambal at yanigin si Maggy tungkol sa nakaraan. Posible din nitong kunin at ilayo ang kapatid nito mula sa kanya. At kapag nangyari iyon ay wala siyang magagawa dahil wala siyang pinanghahawakang kahit na ano mula kay Maggy.

Kaya kasakiman mang maituturing ay gusto nang pakasalan ni Austin ang dalaga para dumating man si Yalena o manumbalik man ang alaala ni Maggy ay may kasal nang nagtatali sa kanilang dalawa. He wanted to own her just as he wanted her to own him completely.

"That's madness, Austin," sa wakas ay sagot ni Clarice nang makabawi ito sa pagkabigla. "Iniwasan kong `wag makialam pero sobra-sobra na ito. Pareho nating aanihin ang galit ng kambal kapag nalaman nila ang pananamantala mo sa sitwasyon. Damay na rin ako rito kung tutuusin dahil hinahayaan kita sa gusto mo—"

"Dahil 'yon naman talaga ang nararapat," putol ni Austin. "Mahal ako ng best friend mo. Alam kong alam mo 'yon. If it wasn't because of my father, Maggy and I could have gotten married already."

"Ang problema ay kasali nga rito si Dad, Austin," sabad ni Alano. "Isipin mo kung ano ang mararamdaman ni Maggy kapag bumalik na ang mga alaala niya. You are taking away her chance to choose a life that she wants for herself "

"Because I know she will only deny herself the chance to be happy with me." Marahas na napabuga ng hangin si Austin bago tumayo na mula sa pagkakaupo sa couch sa sala ng bahay ng mag-asawa. "Hindi ko hinihingi ang permiso ninyo tungkol dito dahil nakapagdesisyon na ako. I am just informing you that I'm going to marry Maggy. And no one can stop me, not even our family. And Clarice," Nilingon ni Austin ang hipag. "Before you think about telling her the truth, try thinking about how happy Maggy had been with me for the past weeks. Hindi ka bulag. Lalong hindi ka manhid. Kaya sigurado akong nakikita mo na masaya kami sa piling ng isa't isa."

Austin breathed heavily before he turned to look at Alano who seemed astounded. "Hindi natin kasalanan ang kasalanan ng mga magulang natin, Kuya. Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko para kay Maggy. And I'm going to keep fighting until the end. After all, isn't that how love is supposed to be?"

Hindi na binigyan pa ni Austin ng pagkakataong makasagot ang mag-asawa. Umalis na siya sa bahay ng mga ito.

I am so sorry, Maggy. Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa yo kung alam kong hindi mo ako mahal. But you love me and I love you. You can hate me all you want afterwards but I know somewhere deep down in your heart, a part of you will still love me. Because sweetheart, our love is real. Because even if you couldn't remember anything, your heart remembered you loved me.

"SAAN tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Maggy habang nakaangkas sa likuran ng bisikleta ni Austin. Alas-sais pa lang mang umaga ay kinatok na siya nito sa kwarto niya.

Matapos niyang makapag-agahan at makapagbihis ay niyaya na siya ng binatang lumabas sakay lang ng bisikleta nito. Pinapwesto siya sa likuran nito. Wala naman siyang reklamo. She loved having him this close to her.

Nang malaman ni Maggy na mahal siya ni Austin ay natuklasan niya na sa kabila ng kawalan ng pagkakakilanlan sa sarili, sa mga mahahalagang tao at bagay sa buhay niya ay posible pa rin palang maging makulay at masaya ang kanyang buhay. Tuwing kasama niya si Austin ay para bang kay daling ngumiti. Tuwing hinahalikan at niyayakap siya nito, para bang nagiging maliwanag ang lahat. At tuwing ngumingiti ang binata sa kanya ay napupuno ng pag-asa ang puso niya.

Sana nga lang ay manumbalik na ang kanyang alaala para maging kumpleto na ang buhay niya. Gusto niyang maalala ang lahat lalo na ang mga alaala niya sa kanyang mga magulang pati na kay Austin. Gusto niya ring maalala ang una nilang pagtatagpo ng binata. Ano ba ang naramdaman niya nang araw na iyon? Ano ang mga sinabi niya?

Kung ayon sa binata ay naipakilala na siya nito sa mga magulang nito ay gusto niyang matandaan kung ano ang first impression niya sa mga iyon. Kamukha kaya ni Austin ang ama nito o mas nakahahawig ito sa ina? She wished she could finally remember those things. Wala kasing ipinapakita sa kanya si Austin na litrato ng mga magulang nito. Walang nakasabit anumang litrato sa mansiyon. Kung meron man ay ang litrato lang ng tatlong magkakapatid na McClennan ang naroroon. Bihira ding magbukas ng usapin si Austin tungkol sa pamilya nito.

“I used to admire my mom. Siya ang kauna-unahang babae na hinangaan ko. I've always regarded her as a superwoman. Dahil nang mag-divorce sila ni Papa ay siya ang tumayong ina at ama sa aming tatlo nina Kuya. Siya ang nagsilbing lahat-lahat sa aming magkakapatid. She was our hope, our love, our joy and our heroine," sa halip ay sagot ni Austin pagkalipas ng mahabang sandali. "But one crazy day, I found out about what she had been hiding to us for years now. Sa isang iglap, natibag ang mga pinaniniwalaan ko. I don't want to judge her but what she did was something I am not yet ready to accept. I've been avoiding her for months now. Dahil dodoble lang ang lahat ng sakit kapag nakita ko siya. Bukod doon, ayoko ring tuluyang mabura ang superwoman na imahe niya sa isip ko."

Naguguluhang kumunot ang noo ni Maggy. "W-why are you telling me these all of a sudden?"

"Gusto ko lang ipaalam sa yo ang mga pagkakaiba natin." Nagkibit-balikat si Austin habang patuloy sa pagbibisikleta. "You came from a wonderful family, Maggy. Isang bagay na buong buhay ko ay inakala kong meron ako sa kabila ng kaalamang divorced na ang mga magulang ko. And it was hard."

Naramdaman ni Maggy ang sandaling tensiyon na namuo sa katawan ni Austin.

"My family would fail to match even half of your family's greatness. I've

done a little research about Vicente

de Lara, your father. Lalo akong nanliit sa sarili ko." Mapait na tumawa ang binata. "Malapit sa masa ang mga magulang mo. Saludoang mga tao sa inyo. Marami ang mga nagmamahal sa mga de Lara. At ikaw, alam mo bang saludo rin ako sa 'yo? You've always been a strong woman, sweetheart. Nang makilala kita, para kang bituin na nagniningning. Tuwing may pinagdaraanan ka, sandaling nawawala ang ningning na 'yon pero nanunumbalik din kaagad. There were even times when I get scared that I might mar your radiance."

"Austin... Where is this leading to?"

“Pinapaalala ko lang uli sa `yo ang ilang bagay tungkol sa sarili ko,” mahinang sagot ni Austin. “Hindi ako perpektong tao, Maggy. Malayo ako ro’n. I'm no knight in shining armour. I'm no prince. May mga pagkakataon na posibleng masaktan kita dahil sa mga bagay na hindi ko kontrolado na darating sa buhay nating dalawa. But I can assure you that I will love you." Napuno ng sincerity ang boses ng binata. "I love you so much that I'm more than willing to walk away from my principles, away from the ones that matter to me, just for you."

"I... I love you, too," ang tanging naisagot na lang ni Maggy.

"I know." Bumakas ang tuwa sa boses ni Austin habang patuloy sa pagbibisikleta. "Next to my mother, I admired Sylvia Earle. She was the face of Marine Biology and was awarded as the woman of the year She had been protecting the ocean from Overfishing and environmental damage." Parang nagbabalita nang dagdag nito. "Siya rin ang namuno sa kauna-unahang grupong kababaihan na namuhay sa ilalim ng dagat noong nineteen-ninety sa pamamagitan ng submarine. She had spent more than seven thousand hours underwater and continuous to do so even when she turned eighty."

"Wow, that was... wonderful and passionate of her," nalilito nang sinabi ni Maggy. Hindi niya na alam kung saan hahantong ang usapan nila.

"I adored the old lady. `Tapos, nakilala kita. Before I knew it, it was all about you. Nakalimutan ko na ang pangarap kong magkaroon ng partner na tulad ni Sylvia Earle. You are the face of a fighter, you know. And if I could give you the woman of the year award too, I would have given it to you." Napuno ng paghanga ang boses ni Austin. "Because you were able to get through the storms in your life. Minsan, hindi ko alam kung saan mo kinukuha ang lakas mo. I will always be proud of you, sweetheart, for surviving everything."

"I feel like you're up to something. Deretsahin mo na nga ako, Austin, dahil baka sumabog na ang mga tainga ko kapag nagbanggit ka pa ng tungkol sa Marine Biology."

Tumawa si Austin.

Bumuka ang bibig ni Maggy para muling magtanong nang masorpresa siya sa dami ng mga taong bigla na lang sumabay sa pagbibisikleta ni Austin sa malawak na park na iyon. Puro nakasuot ng pula ang mga lalaki, gaya ng kulay ng bisikleta ng mga ito. Mayamaya ay halos sabay-sabay na umabante ang mga ito nang halos kalahating metro sa kanila ni Austin. Napasinghap siya nang makita ang likod ng T- shirts ng mga ito. May mga letra na nakalagay sa bawat likod ng damit.

I love you, Maggy. Ang mga nabuo niyang salita mula sa mga iyon.

Gulat pa ring tinampal ni Maggy ang likod ni Austin. "You didn't have to do this, you know" Muli siyang natigilan nang kumaripas na sa pagbibisikleta palayo ang mga lalaking nakapula. Ang mga sumunod na dumating at nakisabay rin sa kanila ay puro puting pang-itaas naman ang mga suot na kakulay rin ng bisikleta ng mga ito.

Katulad ng mga naunang kalalakihan ay bahagyang umabante rin ang mga ito sa kanila ni Austin. Bawat likod ng mga ito ay puro salita naman ang nilalaman. Namilog ang mga mata ni Maggy sa sumunod na nabasa sa likod ng damit ng mga iyon.

Will you marry me, Maggy? anang mga salita roon.

"Oh, God. Austin..."

Huminto sa pagpedal ang binata. Mabilis namang bumaba rin si Maggy mula sa bisikleta, kasunod ni Austin. Bumalik ang mga bikers na nakasuot ng puti at pula. Mayamaya ay pinaikutan sila habang patuloy pa rin sa pagbibisikleta ang mga ito.

Humarap si Austin kay Maggy

pagkatapos ay lumuhod. Mula sa

bulsa ng pantalon ay naglabas ito ng simple pero eleganteng ginintuang singsing. "Parang paulit-ulit na pinaglalaruan ng tadhana ang mga buhay natin dahil sa dami ng mga nangyari na kinailangan nating harapin. You had an accident that made you forget everything crucial in your life. Pero masaya ako na sa kinakaharap mo ngayon, kasama mo ako. I get to be with you as you face each day. I'm also scared about tomorrow, you know. Pero nawawala ang takot ko tuwing nakikita ko na unti-unting naglalaho ang pag-aalinlangan sa mga mata mo."

Magiliw na ngumiti si Austin. "I've always believed that God made the two of us meet with a purpose. At unti-unti ko nang nauunawaan kung ano iyon. Naniniwala akong pinagtagpo tayo hindi lang para mahalin ang isa't isa kundi para matuto ng mga bagay tungkol sa mga sarili natin. Because when I met you and fell in love with you, I started to understand myself more."

Namasa ang mga mata ng binata. "Nalaman ko kung anong uri ng tao ako at kung hanggang saan ang kaya kong ibigay pagdating sa pagmamahal. My views changed. And I'm hoping that as you go along your life with me, you will also discover His purpose why this happened to us. I'm also hoping you'd take that purpose positively."

Napahugot ng malalim na hininga si Maggy. "Austin... hindi ka ba nabibigla lang? This seemed too soon-"

"Kung naaalala mo lang ang lahat, iisipin mong hindi tayo nagmamadali sa dami ng mga nangyari," putol ni Austin. "Mahal kita. At hindi ako nabibigla. I just think that there's no point kung pahahabain pa natin ito nang husto. Will you marry me, sweetheart? Please say yes. Sabay nating harapin ang bukas ng may assurance na mula sa isa't isa. Sabay nating mas kilalanin pa ang mga sarili natin."

Kumislap ang pagmamahal sa mga mata ng binata. "Puno ng twists and turns ang buhay kaya hindi ko masisiguro sa 'yong palagi tayong magiging masaya. But I assure you that I'll be your refuge. In these struggling times, I'll be your home."

Ilang sandaling nanatiling nakatitig lang si Maggy kay Austin. Kung tutuusin ay nabibilisan siya sa gusto nitong mangyari. Bago pa lang ang relasyon nila. Marami pa siyang kailangang maalala at gawin para sa sarili at para sa negosyong dapat ay pinamamahalaan niya nang mga sandaling iyon. But upon looking at his loving eyes, she couldn't say no. She felt like she had been in love with him for a long time now. Walang kasiguruhan kung babalik pa ang memorya ni Maggy. Kung hihintayin niyang makaalala na muna siya bago pa sila magpakasal ni Austin ay baka habang-buhay silang maghintay. Bukod doon, bakit niya nga ba patatagalin pa ang pagpapakasal kung mahal naman nila ang isa't isa? There was no sense denying herself the chance to be happier is she marries him. Ang mahalaga ay sa kinakaharap niya, sa oras na maikasal na sila, ay hindi na siya mag-iisa. May makakasama na siya. Tama ito. She can just rediscover things with him.

Lumuhod din si Maggy para magpantay ang kanilang mga mukha ni Austin. Hinaplos niya ang mga pisngi nito. Tenderness overflowed her heart. "Pakiramdam ko, sobrang daming bagay pa ang kailangan kong malaman tungkol sa yo. But I have a lifetime to find out those things." Ngumiti siya. "Libong bagay sa mundo ang hindi ko matandaan, Austin. Sometimes I feel like I'm a toddler, just beginning to perceive the world. Will you promise to be patient with me?"

Tumango si Austin. "Always."

“There will be times that I'd get frustrated or annoyed relearning things. Will you promise to stick with me?"

"I promise to do that and more. Because I love you so, Maggy."

Maggy smiled once more, overwhelmed by the sincerity in his eyes. "Then yes, I'd marry you with all my heart."☐☐☐☐☐☐☐☐

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report