"WOW, NAWALA ka nang halos isang buwan. And now you're saying that you're getting married and that you're pregnant? That was... fast," gulat na sinabi ni Maggy kay Radha.

Pinuntahan siya nito sa opisina niya at niyayang sumama rito sandali. Dahil tapos naman na ang mga gawain niya roon ay nag-undertime na lang siya at sumama na rito. Tutal ay matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita at nakakapag-usap ng kanyang sidekick. Radha was blooming. Kabaliktaran sa nakita ni Maggy na itsura ng babae noong sunduin siya nito at ni Yalena sa mansiyon ng mga McClennan noon. Puno ito ng guilt noon sa nangyari sa kanya. Paulit-ulit nitong sinisi ang sarili kahit na noong panahong naibalik na sa kulungan sa Nevada ang dating live-in partner nito. Pero ngayon ay mukhang maayos na ito.

Bago nagpaalam sa kanya noon si Radha ay siniguro na muna nito na tapos na ang mga ipinapagawa niyang researches. At ngayon nga ay gusto na daw nitong tumigil sa pagtatrabaho para mapagtuunan ng pansin ang magiging pamilya nito. Marami na ring pinagdaanan si Radha. Maggy knew that it was wrong to feel envious but she just could not help feeling that way. Pilit na binalewala niya ang negatibong nararamdaman. "So, who's the lucky guy?" tanong ni Maggy habang nagmamaneho ito.

"Si Baron, Ma'am. Nakilala ko siya dahil sa inyo." Sinulyapan siya ni Radha at mayamaya ay nangingislap ang mga matang nginitian siya. "Siya ang may-ari ng bar kung saan kayo unang nagkita ni Sir Austin, Ma'am. Siya rin ang pinagkuhanan ko ng ilang mga impormasyon tungkol kay Sir." Tumawa ito. "Útang ko sa inyo kung bakit ko siya nakilala, Ma'am. Kung hindi ninyo ako inilayo sa buhay ko noon, kung hindi ninyo ako binigyan ng trabaho, wala sana ako dito ngayon. Hindi sana ako ganito kasaya ngayon." Natigilan si Maggy. Ano ba ang dapat niyang sabihin sa mga ganoong pagkakataon? How should someone as miserable as her respond to other people's happy remarks about their lives?

"Iyon ang dahilan kaya gusto kong ibalik ang pabor, Ma'am. Gusto ko rin kayong makitang masaya." Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Radha sa muli niyang pananahimik. "Baba na tayo, Ma'am. May gusto akong ipakita sa inyo."

Muling natigilan si Maggy. Ni hindi niya namalayan na huminto na pala si Radha sa pagmamaneho. Bumaba na ito ng kotse. Nasorpresa siya nang makitang sa simbahan sila papunta. Sa loob ng ilang sandali ay nanigas ang kanyang mga binti. Tinalikuran niya na ang Diyos noon pero hayun siya ngayon at nasa kaharian Nito. Mariing kinagat niya ang ibabang labi. Can she dare make it inside the church without burning?

"Ma'am, pumasok na tayo." Nanlamig ang mga palad ni Maggy nang bigla na lang siyang hilahin ni Radha papasok sa simbahan. "Dito ko gustong magpakasal," para bang puno ng pag-asang sinabi pa nito. "At dito ko gustong makapag-usap tayo nang masinsinan." Walang katao-tao sa loob ng simbahan.

"D-dito na lang... t-tayo," mahinang sinabi ni Maggy at naupo na sa huling hanay ng mga upuan na unang bumungad sa kanya sa pagpasok niya roon. She needed to rest her knees badly.

Sa isip ay parang bigla niyang narinig ang sermon ng kanyang mga magulang.

"MAGGY, gumising ka na. Mahuhuli na tayo sa misa," naalala niyang sinabi ng ina habang pilit na ginigising siya noon. "Come on, honey. Get up."

Nagkunwari si Maggy na walang narinig sa halip ay nagtalukbong pa ng kumot. Inaantok pa siya. Nagbabad siya sa telepono noong nagdaang gabi sa pakikipagkwentuhan kay Clarice. Dahil maagang natulog ang kakambal ay si Clarice ang naging kakulitan niya. "Kayo na lang, Mom. Inaantok pa po ako at "

"Our Lord God died for us, Maggy and the least we could do is "

"I know, I know." Kahit namimigat pa ang mga talukap ay sinikap dumilat ni Maggy, mayamaya ay tuluyan nang bumangon. "The least we could do is to serve Him, believe in Him and live for Him." Iyon ang paboritong linya ng mga magulang. Nakabisado niya na iyon sa katagalan sa kauulit ng mga ito tuwing pinagsasabihan sila ng kakambal tungkol sa pagsisimba.

"Good girl." Malawak na ngumiti ang kanyang ina. Nagpunta ito sa kanyang closet at namili ng isusuot niya habang patuloy pa rin ito sa pagsasalita. "Katulad nga ng sinabi ng Papa mo, hindi dapat dumating ang pagkakataong mananawa ka nang mabuhay para sa Kanya, na bibitaw ka sa mga pangako Niya. Because His plans are always better than us, honey. Everything that happened is all a part of His plan."

Iniunat ni Maggy ang mga braso kasabay ng muling paghihikab. "Paano ang mga taong namatay dahil sa bagyo? Paano ang mga sundalong namatay dahil sa giyera? What about the ones who lost important people in their lives?" kunot-noo niyang tanong. Napanood nila ni Yalena noong nakaraang araw sa telebisyon ang lumalagong bilang ng mga taong namatay sa kaaalis lang na bagyo sa bansa habang patuloy pa rin ang nangyayaring giyera sa ibang panig ng Mindanao nang mga sandaling iyon. "Is hurting people by taking away the love of their lives a part of His plan as well? But I thought He wanted to protect His children? Hindi kaya nagpa-powertrip ang Diyos, Mommy?"

"Maggy!" Nandidilat ang mga matang nilingon siya ng ina. "Ano ba'ng pinagsasabi mo, anak? When people are supposed to die, anumang pagtatago o pag-iingat ang gawin nila ay mamamatay pa rin sila. Dahil nangangahulugan iyon na tapos na ang misyon nila sa mundo. Pinoprotektahan ng Diyos ang Kanyang mga anak, iyon ang dahilan kung bakit buhay pa rin tayo ngayon. Pero kung oras na ng isang tao, wala na Siyang magagawa pa."

Lumapit ang ina sa kanya at pinakatitigan siya. "Hindi nagpa-power trip ang Diyos. anak. Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may rason. So, if something happens, we should always try to figure His reasons why instead of leaving Him the moment the storm strikes." Hindi nagawang makasagot noon ni Maggy sa usapan nilang iyon ng ina. Pero ngayong naranasan niya na ang "bagyo" na sinasabi ng ina at naalala niya ang mga linya nito noon, hindi niya alam kung ano ang unang bagay na iisipin. Kung tunay ngang hindi nagpa-power trip ang Diyos at ang lahat ay may rason, kung ganoon ay ano ang posibleng rason sa likod ng bagyong sinapit ng pamilya niya noon?

Napatitig si Maggy sa imahen sa kanyang harap. What do you want me to realize? What was that storm all about?

"Ipinabibigay nga pala ito sa inyo ni Ma'am Clarice."

Napasinghap si Maggy nang ibigay sa kanya ni Radha ang ilang photo albums. Bahagya mang kumupas ang kulay ay tandang-tanda niya pa rin ang mga iyon. Muntik nang magbuwis ng buhay ang kanyang ama para lang sa mga photo albums na iyon. Napuno ng hindi maipaliwanag na emosyon ang kanyang puso. Napalunok siya nang mahawakan uli ang mga iyon.

"Na-recover ang mga 'yan sa bag ninyo noong araw ng aksidente. Ma'am Clarice kept them and gave them to me when I went back to Manila last week to meet Baron's family."

"Kung hinayaan kong masunog na lang basta ang mga litrato, alaala na lang ang matitira sa atin, anak. And even memories fade. Besides, I want you and your sister to have them. I want you to remember our happy and solid moments together." Nag-init ang mga mata ni Maggy nang maglaro sa isipan niya ang paalala na iyon ng ama noong gabi bago ito binawian ng buhay. "Kung sakali mang may mangyari, gusto kong balikan ninyo ni Yalena ang mga litrato natin para matandaan n'yo kung gaano natin kamahal ang isa't isa. Your smile in every pictures, sweetheart, I don't want you to lose that, all right? Live your live, that is one of your mother's wishes for you and Yalena. Maging matagumpay kayo. Be happy and stay as you are. Hold onto God and keep your hope and faith intact."

Ilang sandaling natulala si Maggy. Bigla ang pagbuhos ng mga alaalang iyon sa kanyang isipan na para bang kahapon lang nangyari ang mga iyon.

Why... Why do I have to remember them now?

"Aminado akong hindi ko alam kung paano magre-react nang una kong malaman ang tungkol sa plano n'yo laban sa mga McClennan, Ma'am. Dahil sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa paghihiganti. I don't believe we can find success or gain something from revenge. Determinadong-determinado kayo na pabagsakin ang isang tao kaya nanahimik ako. What could I do, anyway?" Pagbasag uli ni Radha sa katahimikan sa pagitan nila.

"Because of the plan, you were motivated to work harder every single day and that was good. But, Ma'am, didn't you ever stop to wonder for a moment?" Nilingon siya ni Radha. "Kung itinuloy ninyo ang plano, kung nasira ninyo si Benedict o `di kaya ay nasaktan ninyo siya, ano na po ang ipinagkaiba ninyo sa kanya?"

"Hindi mo naiintindihan, Radha-"

"Come on. It was as simple as one plus one, Ma'am. Kapag nga naman namatay na si Benedict, bawi na kayo. Patas, kumbaga. Pero ano na pagkatapos? You will be a murderer; exactly like the man you hated the most. But God is good, Ma'am."

Ngumiti si Radha. "He made you fall in love, eventually stopping the plan, stopping you from getting blood on your hands. You know what I think? Sa tingin ko ay hindi n'yo talaga minahal si Sir Levi dahil hindi niya kayo nagawang pigilan sa plano n'yo `di tulad ni Sir Austin, the man you obviously love and the man who loves you just as much." Hinawakan nito ang mga kamay niya. "Mahirap ang pinagdaanan ninyo at kahit kailan, walang kukwestiyon anuman ang magawa ninyo. Magulang ang ipinaglalaban n'yo rito pero iyon pong mga magulang n'yo, matagal nang wala. Matagal nang nananahimik kasama ng Diyos. You once said that for you, your parents were the greatest parents in the world."

"Radha, ano ba'ng-"

"For sure, they would want you to move on and be happy," parang walang narinig na pagpapatuloy ni Radha. "I'm sure they would want you to love... regardless of who you fall in love with. And I'm sure they wouldn't mind having Sir Austin as long as he loves you. Dahil iba si Sir Austin sa ama niya."

"HINDI dapat pinaghihintay ang

pagmamahal na wagas, Ma'am. Nasasayang ang oras. Iyon ang isa sa mga bagay na na-realize ko. So, let's put it this way. Nakikita n'yo ang altar na 'yan?” Itinuro ni Radha ang altar. "What if Sir Austin finally decided to sign the annulment papers? What if he falls in love again and waits for someone else at the altar? Makakaya n'yo ba iyon,

Ma'am?" Tumaas ang isang kilay ng dating tauhan. "Kung ibang babae naman ang habulin niya,

matatanggap n'yo naman ba? Paano

kung isang araw ay mapagod na

siya sa kahihintay sa inyo? Ano ang gagawin ninyo?"

Naisubsob ni Maggy ang sumasakit na ulo sa manibela ng kanyang sasakyan. Parang tuksong nagsasabayan sa isip niya ang mga sinabi ni Radha pati na ang mga paalala sa kanya noon ng kanyang mga magulang. Hindi na siya nakaimik pa matapos siyang paulanan ng mga salita ni Radha sa simbahan. Inihatid na lang siya nito sa parking lot ng kanyang opisina para makuha niya ang kanyang kotse at nang makauwi na rin.

Radha's words never left her mind. Damn it!

"Para ko na rin po kayong kapatid, Ma'am. Kayo ang paraan ng Diyos para iligtas ako sa kamiserablehan ilang taon na ang nakararaan. At gusto ko rin kayong maging masaya gaya ng mga magulang n'yo na alam kong iyon din ang hinihiling para sa inyo ni Ma'am Yalena. For once, choose happiness over rage. Step forward and quit looking back!"

"For crying out loud, Radha," frustrated nang sinabi ni Maggy. Bahagya niya pang iniuntog ang noo sa manibela. "Get out of my head." Ilang sunod-sunod na mararahas na paghinga ang pinakawalan niya. Pakiramdam niya ay nakabitin sa ere ang kanyang puso dahil hindi siya makabuo ng desisyon na alam niyang habang-buhay na posibleng makaapekto sa kanya.

Sumagi sa isipan niya si Austin... ang kanyang asawa. Hindi niya na maitatanggi pa ang init na bumangon sa kanyang puso. Wala sa loob na pinaandar niya ang sasakyan. Saka lang niya namalayan ang malakas na pag-ulan sa labas pero nagpatuloy pa rin siya sa pagmamaneho pauwi sa kanyang condo unit. Kapag ganoong gusto niyang mag-isip ay hindi siya sa pagmamay-aring hotel natutulog.

Makalipas ang mahabang sandali ay natanaw na ni Maggy ang condominium building. Pero nasorpresa siya nang may iba pang matanaw... ang kotse ni Austin. The man had been staying in Nevada for almost a month now. Kahit madalas niyang nakikita ang asawa ay pinanatili nito ang distansiya sa kanya. She breathed sharply upon seeing the man standing beside his car in the middle of the heavy rain.

Nasa bulsa ng leather jacket ni Austin ang mga kamay nito na para bang sadyang hinihintay ang pagdating niya. Nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha nang mukhang napansin na ng asawa ang kotse niya. Dahil hindi tinted ang sasakyan ay malaya nilang natitigan ang isa't isa. Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang manumbalik ang kanyang alaala ay nangibabaw ang pagmamahal niya para sa asawa.

Here was the man who was still waiting for her despite the constant pain that she was bringing to him. Kinalimutan ni Austin ang buhay nito sa Pilipinas at lakas-loob na sinundan siya sa Nevada kahit pa wala itong kasiguruhan kung tatanggapin niya ba itong muli. For the first time, she had managed to truly appreciate the love he had for her.

Nang mga sandaling iyon ay unti-unti nang naging maliwanag kay Maggy ang lahat. God... she had won in her battle against Benedict. Malinaw na iyon sa simula pa lang. Hindi niya nga lang agad na nakita. Minahal siya ni Austin. At si Benedict, anuman ang ginawa nito noon, pagdating ng araw, ay mamamatay pa rin itong bigo dahil kahit minsan sa buhay nito ay hindi ibinalik ni Carla ang pagmamahal nito.

Benedict will forever be unable to remember the most important things. And he had lost both Alano and Austin upon discovering the crimes he committed. Habang nabubuhay si Benedict ay patuloy itong magdurusa habang ang Tito Roman niya at ang kanyang mga magulang, siguro tulad ng sinabi ni Radha, ay kapiling na ng Diyos nang mga sandaling iyon at natagpuan na ang kapayapaan. Wasn't that the sweetest revenge ever?

There was really nothing to avenge for because justice had been served a long time ago... after all. Oh, God! Nagmamadaling lumabas si Maggy ng kanyang kotse, hindi pansin kung nabasa na rin ng ulan. Sinalubong siya ni Austin.

Marahas na naisuklay ni Austin ang mga daliri sa buhok nito nang makalapit sa kanya. "I'm sorry. Alam kong sinabi kong titigilan na kita pero hindi ko talaga magawa. I

the rest of my life but I couldn.net

thought could go on pretending for

I

Hindi naman kasi ako tulad mo na magaling magtago ng

UM

nararamdaman. Let's stop fooling ourselves that we don't matter to each other. I love you, you love me. For crying out loud, tigilan na natin ito, Maggy!"

Sa kabila ng mga luha ay matamis na napangiti pa rin si Maggy. Noon niya lang tuluyang nagawang sagutin ang mga tanong ni Radha. Hindi niya makakaya kung may ibang babae nang hahabulin si Austin lalo na kung pakakasalan pa nito iyon. Dahil para lang ang asawa sa kanya kung paanong para lang siya rito.

It took her a bunch of threaths from Radha, the photo albums, her parents' memories, and the church itself to make her realize those things.

Sa wakas ay natututunan na ni Maggy na maunawaan ang plano ng Diyos para sa kanya, ang mga rason Nito sa likod ng mga bagyong pinagdaanan niya. Maaring tinuturuan siya nito ng leksiyon kung hanggang saan posibleng humantong ang isang tao sa ngalan ng pamilya at pagmamahal, sa ngalan ng pagtanggap sa mga bagay na itinakda Nito at higit sa lahat, sa ngalan ng pagpapatawad.

All these time, God possibly wanted her to trust in His own plans and timing but she failed to acknowledge that. Dahil abala siya kung paano mailalabas ang namuong galit sa puso niya.

"I love you, sweetheart," patuloy ni Austin. Bakas ang pait sa boses nito.

"Say it again," masuyong naibulong ni Maggy bago niya ipinikit ang mga mata. Sa isip ay nakita niya ang mga magulang na nakangiti sa kanya. Hanggang sa mga sandaling iyon ay patuloy pa rin pala siyang ginagabayan ng mga magulang.

Thank you so much, Mom and Dad. Pero sa ngayon, pwede n'yo nang tigilan ang pag-aalala sa akin. Si Yalena naman po ang bantayan at gabayan ninyo. Kung kinakailangang magparamdam na kayo sa kanya, gawin n'yo na po para matigil na rin siya.

"I love you so much, Maggy," puno ng emosyon na ulit ni Austin.

Sa isang iglap ay nagmulat ng mga

mata si Maggy. She smiled once

more as she crossed the remaining distance between her and Austin. Hinaplos niya ang mga pisngi nito. "Pagod na pagod na akong masaktan, magalit, at umiyak. Pagod na akong kwestiyunin ang Diyos at sisihin ang mundo. Pagod na akong magplano ng kung ano-ano na epic fail naman kung tutuusin. Sa ngayon... ang gusto ko na lang ay maging masaya sa piling mo. I love you, too, Austin. I love you so much and I'm sorry for what you went through the past months because of me. I'm sorry for-"

"Sshh." Buong higpit na ikinulong siya ni Austin sa mga braso nito. "Ayokong marinig na sinasabi mo yan. Dahil wala ka namang kasalanan sa mga nangyari. The words I love you are more than enough and I just wanna hear you say that over and over again because you've been denying me the chance to hear and enjoy those words from you. Heck, Maggy. I thought this would never happen anymore." Gumanti siya nang mas mahigpit na yakap sa asawa. "I love you," sa halip ay sagot niya, pinipilit makabawi sa mga panahong nasayang. "I love you. I love you."

Nang bumitiw na kay Maggy si Austin at halikan siya sa mga labi ay buong puso siyang nagpaubaya... at buong kaluluwang lumaya. For the first time after sixteen long years, she welcomed hope and faith back in her heart once more. Parang dam na umagos sa kanyang isipan ang mga linya sa bibliya na sabay-sabay nila noong binabasa ng kanyang pamilya.

There was this one verse that stood out from those memories. That was psalm chapter one-hundred-nineteen verse sixty-seven; 'before I was afflicted and I went astray, but now I keep Your word.'

Thank You, Lord.

Wakas

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report