The Fall of Thorns 2: Austin McClennan -
Chapter 3
"WHAT? Anong oras siya umalis?" sumasakit ang ulong tanong ni Austin kinabukasan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginusto niyang sigawan ang mga kasambahay. "Bakit hindi n'yo man lang siya pinigilan?"
Mag-aalas-siyete na siya nagising nang umagang iyon dahil madaling-araw na ng dalawin siya ng antok na epekto ng estrangherang nasa ikalawang palapag ng mansiyon. Hindi na ito nawala pa sa kanyang isipan kaya binantayan niya ng ilang oras bago siya nagpunta sa kanyang kwarto. Sa paggising ay umaasa siyang malalaman man lang niya ang pangalan ng dalaga pati na ang contact number nito. Gusto niya itong kilalanin. Gusto niyang makita at makausap ito uli.
But he just lost his chance. Parang bulang naglaho na lang ang estranghera.
"Mag-aalas-singko po ng umaga, Sir," nakayukong sinabi ni Esmeralda. "Ako lang po ang nakakita sa kanya dahil nasa kusina po ang iba at naghahanda ng almusal. Sinubukan ko naman po siyang pigilan pero nagmamadali po siyang makaalis. Nakahiyaan ko naman na po kayong gisingin dahil nang sumilip ako sa kuwarto n'yo ay tulog na tulog kayo. Hinayaan na po siya ng guard na makalabas. S-sorry po talaga, Sir."
"Wala man lang ba siyang sinabi o ibinilin sa 'yo?"
"Salamat daw po, Sir. lyon lang po."
"Wala na?" pagpupumilit pa rin ni Austin. "Iyon na 'yon? Sigurado ka ba? Baka may sinabi pa siya pero nakalimutan mo lang. Alalahanin mong mabuti, Esmeralda."
"lyon lang po talaga, Sir."
"Heck." Napahawak si Austin sa kanyang noo mayamaya ay iritadong tinalikuran ang kasambahay. Bumalik siya sa guest room sa pagbabaka-sakaling may naiwan ang estranghera roon na kahit na ano. Pero maliban sa maayos na nakatuping mga damit niya na suot ng dalaga noong nagdaang gabi ay wala na.
Napahugot siya ng marahas na hininga at nagmamadaling nagpunta sa sariling kwarto. Mabilis siyang naligo at nagbihis.
Dumeretso siya sa garahe at mabilis ding iminaniobra ang kanyang sasakyan. Naalerto namang binuksan ng guard ang gate. Pinaharurot niya na ang kotse.
Bumalik si Austin sa bar at dahil maaga pa ay sarado pa iyon kaya nagpunta siya sa parking lot at inikot iyon sa pagbabaka-sakaling bumalik doon ang dalaga dahil alam niyang may kotse ito, palatandaan ang susi na isa sa mga nakita niya sa purse nito pero wala siyang nakita ni anino ng dalaga roon.
What was he thinking? Siyempre kung bumalik man doon ang dalaga ay talagang hindi niya na maaabutan dahil madaling-araw pa ito nang umalis. Bakit niya ba kasi iniwan ang purse ng dalaga sa bedside table sa kwarto nito? Dapat ay itinago niya na muna iyon pansamantala para makasiguro siyang hindi ito tatakas kaagad kinabukasan.
On second thought, malay niya ba namang aalis ang dalaga nang ganoon na lang? Frustrated na nahampas ni Austin ang manibela pagkatapos ay dismayadong nagmaneho na siya papunta sa kanyang opisina. Alas-nuwebe y medya na ng umaga nang makarating siya roon. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na na-late siya sa pagpasok. All because of a woman who did not even bother to leave a single trace about her. Damn it.
Kauupo pa lang ni Austin sa kanyang swivel chair nang walang pasintabing magkasunod na pumasok doon ang dalawang kapatid. Parehong nakangisi ang mga ito. Nag-init ang ulo niya. "What?" kaagad na singhal niya.
Tumawa si Alano. "Si bunso, nagsusungit na. Late ka na nga, eh. Ikaw pa ang maangas. Ano ba'ng nangyari?" nanunukso ang boses nito, binalewala ang hindi magandang pagsalubong niya. "Natuwa si Nana Cora." Tukoy nito sa mayordoma sa kanilang mansiyon. "She called me last night. Sa kauna-unahang pagkakataon, may iniuwi ka raw na babae sa bahay."
"And here I thought you're gay. Kaya nag-aalala na ako sa 'yo, Austin," panggagatong pa ng nakangisi pa ring si Ansel. "You don't party. You don't go to any bar. You don't drink. You've been the epitome of a saint for the past years. Kaya naman proud na proud sa `yo si Mama. Pero lasing daw ang iniuwi mo kagabi sabi ni Nana. At nag-sleepover pa sa bahay. May kalokohan ka rin palang itinatago, bunso. Mag- celebrate tayo. I should have met your girl but I got hooked up at the bar last night. Doon na ko nakatulog." Napakamot ito sa batok. "Sayang kasi ang sorpresa ni Alano sa yo kagabi. He paid for them already." Pilyong ngumiti ito. "Kaya ako na lang ang sumalo. Sinorpresa ko na lang ang sarili ko sa kanila—"
"Shut up!" madilim na ang anyong sinabi ni Austin. "I don't know that woman, all right? I didn't even get her name, damn it! Bigla na lang siyang naglaho na parang bula kaninang madaling-araw." "And so the nerd can curse," amused na sinabi ni Alano. "Gusto mo ba siya?"
Marahas na napabuntong-hininga si Austin. "Gusto ko siya. Gustong-gusto. Being with her last night seemed a lot better than staying here. Watching her sleep was so much better than watching Nat-Geo." Problemado pa ring naihilamos niya ang palad sa mukha. "I like her... wild, drunk, tease, and all that."
NANIKIP ang dibdib ni Maggy habang naglalagay ng mga prutas sa tapat ng nakakwadradong litrato ng mga magulang sa bedside table. Diniinan niya ang gilid ng mga mata para pigilan ang nakaambang pagluha. Death anniversary ng mga magulang nang araw na iyon.
Ilang sandali pa ay nag-ring ang cell phone niya. Hindi niya na kailangang silipin pa iyon para malaman na ang kakambal ang nasa kabilang linya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na ipagdiriwang nila ang death anniversary ng mga magulang nang magkahiwalay. Kadalasan din ay kasama nila si Clarice sa mga ganoong sandali dahil kasabay binawian ng buhay ng mga magulang nila ni Yalena ang ama nito.
"Are you all right?" kaagad na bungad ni Yalena nang sagutin niya ang tawag. Bakas ang pag-aalala sa boses nito. "Hindi na muna ako papasok ngayon. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko mapigilang hilingin na sana kasama kita. I... I can't handle the loneliness here."
Mariing nakagat ni Maggy ang ibabang labi. Kahit pa pinatapang na ng mga nakalipas na taon ang kakambal ay may mga panahon pa ring binabangungot ito tungkol sa mga pinagdaanan nila noon. Napahugot siya ng malalim na hininga.
"Sometimes, I wonder when the pain will end, Yana," sa wakas ay sagot ni Maggy gamit ang palayaw ng kapatid. "I miss our parents so badly."
"Me, too." Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Yalena sa kabilang linya. "But we will get through this, Maggy, I promise. Ngayon lang naman 'to. We need closure desperately so we can finally move on. And that closure will be Benedict's downfall. Kailangan nating bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang natin."
"Alam ko." Napahugot muli si Maggy ng malalim na hininga. "Sana lang ay matapos na rin ito kaagad. It was exactly sixteen years now, Yana. We've been carrying the pain and grief in our hearts that long." Ilang sandali pa ay tinapos na niya ang usapan nila ng kakambal. Pabagsak na naupo siya sa kama at muling napatitig sa nakangiting litrato ng mga magulang. Kahit saan siya magpunta ay dala niya iyon. Every morning she wake up and every night before she sleep, she would look at that picture to remind herself to never lose focus no matter what happens.
Muling inatake ng sakit ang puso ni Maggy nang maalala kung paano nasawi ang mga ito labing-anim na taon na ang nakararaan nang araw na iyon.
Trese anyos sila noon ng kakambal habang magtetrese naman si Clarice nang sabay-sabay na dumating ang magkakasunod na problema sa mga buhay nila. Sumabog ang sasakyang kinalululanan ng mga magulang niya kasama ang ama ni Clarice. lisang kotse lang ang nagkataong sinasakyan ng mga ito noon papunta sa presinto para magsampa ng kasong arson laban kay Benedict McClennan.
Kung tutuusin ay nadamay lang ang mga magulang nila ni Yalena sa alitan nina Roman, ang ama ni Clarice, at Benedict McClennan patungkol kay Carla, ang asawa ni Roman. Matagal nang may gusto kay Carla si Benedict pero binasted ito ng una dahil si Roman ang itinitibok ng puso nito. Pagkalipas ng halos sampung taon ay muling nagkita ang mga ito. Nagpanggap si Benedict na nakalimutan na nito ang lahat at nakipag-ayos sa mag-asawang Alvero.
Dahil may sariling pamilya na rin si Benedict nang mga panahong iyon ay tinanggap na rin ito ng mga magulang ni Clarice. Hindi nagtagal ay nagpahayag ito ng interes sa ADL o ang Alvero-De Lara Oil and Mining Corporation na pinagsososyuhan ng matalik na magkaibigang Roman at Vicente, ang kanyang ama.
Noong mga panahong iyon bilang mga negosyante ay nakitaan ng dalawa ng potensiyal si Benedict na noon ay may sarili ring negosyo, ang McClennan Power Corporation. Sumang-ayon ang dalawa sa alok na merger ni Benedict at mula roon ay isinilang ang ADM o Alvero, De Lara and McClennan Power, Oil and Mining Corporation. Sa loob ng mga sumunod na taon ay naging mas malago pa ang negosyong iyon.
Pero nagbago ang lahat nang sabayan ni Benedict isang araw sa pagtakbo bilang alkalde si Roman at ang kanyang ama bilang bise alkalde. Likas na malapit sa masa ang mga ama nila ni Clarice. Noon ay nag-tandem na rin ang mga lolo nila sa paglilingkod sa publiko. Ang lolo ni Clarice bilang gobernador at ang lolo nila ni Yalena bilang bise gobernador. Nasa ugat na ng mga ito ang politika na siyang namana nina Roman at Vicente na magkaibigan na mula pa elementarya. Nakipagpaligsahan si Benedict at nangandidato bilang alkalde sa mismong lugar kung saan gustong maglingkod ng kanilang mga ama. Noon nila natuklasan na may bahay na palang naipagawa noon pa sa kanilang bayan si Benedict. Sanggol pa lang sila ay residente na ito roon pero inilihim nito ang bagay na iyon sa kanila. Nagkataon lang na bihira nito iyong uwian. May lahing Pinoy rin si Benedict at sa Pilipinas na lumaki na siyang nagbigay ng karapatan dito para tumakbo rin. Doon nagsimula ang pagkakainitan ng tatlong lalaki. Pinilit bilhin ni Roman noon ang shares ni Benedict sa kompanya pero nagmatigas ang huli kaya ang girian ng mga ito ay umabot hanggang sa trabaho.
Hanggang sa isang araw ay nasunog ang mansiyon ng mga de Lara. Noong panahong iyon ay mapalad sila ng kakambal niya dahil nagkataong nasa eskwelahan sila ni Yalena. Ang mga magulang nila at si Roman na nagkataong bisita nila sa araw na iyon ay nakaligtas din sa mga pangyayari. Pansamantala silang nakituloy sa bahay ng mga Alvero. Doon nila napag-alaman na may nakakita na isa sa mga tauhar ni Benedict ang siyang gumawa niyon sa pamilya niya. Sa palagay nila noon ay sadyang ang magkaibigang Roman at Vicente ang target na patayin nang araw na iyon.
Kinabukasan ay kasama ng mga magulang niya si Roman na nagbiyahe at pupunta sana sa presinto para maghain ng reklamo laban kay Benedict pero sumabog ang kinalululanang sasakyan ng mga ito. Namatay ang tatlo ilang araw bago ideklara ang pagkapanalo ng kampo ni Benedict sa eleksiyon.
Tikom ang bibig ng mga kababayan nila sa nangyari. Noong mga panahong iyon ay alam nila na iisang tao lang ang nasa likod ng lahat; si Benedict. Dahil ang huli lang ang may motibong gawin iyon dahil ito lang ang nakaalitan nina Roman at Vicente. Ang problema ay wala silang makuhang sapat na ebidensiya laban sa lalaki.
Isang buwan matapos ilibing ang kanilang mga ama ay napag-alaman nila mula sa mag-inang Carla at Clarice ang pagpunta ng mga ito sa ADM. Hinarang umano ang dalawa sa pagpasok sa loob ng kompanya. Lalong lumaki ang galit nila kay Benedict nang palabasin nito na ibinenta nina Roman at Vicente rito ang shares ng mga ito kaya ito na ang lehitimong nagmamay-ari ng buong kompanya, isang bagay na napakaimposibleng mangyari.
Dahil alam ng lahat kung gaano kamahal nina Vicente at Roman ang negosyong itinatag ng mga ito. Ang minana pa ng mga ito sa magulang ang siyang ipinuhunan ng magkaibigan sa pagtayo ng negosyong iyon. Hindi rin naman sila naghihikahos sa buhay para gawin iyon ng kani-kanilang mga ama bukod sa katotohanang si Benedict ang huling taong pag-iisipan ng magkaibigan na pagbentahan ng shares ng mga ito.
Pero may mga pirmadong dokumento na ipinakita kay Carla si Benedict, mga pirmang mula kina Roman at Vicente kung saan nakasaad ang legal na proseso ng pagbebenta ng shares ng dalawa. Pero posible umanong ibalik ni Benedict ang shares ng pamilya Alvero kung sasama si Carla rito tutal ay matagal na itong divorced sa asawang si Alexandra. Pero hindi pumayag si Carla.
Doon nila natuklasang ang lahat ay bunga lang pala ng inggit ni Benedict kay Roman dahil sa pag-ibig nito hanggang nang mga sandaling iyon para kay Carla na hindi nito nagawang kalimutan. Nadamay lang talaga ang kanyang mga magulang. Pero hindi nila sinisi ni Yalena si Carla o ang pamilya nito.
Sino sila para manisi kung biktima rin lang ang mga ito ng kasakiman ni Benedict? Ilang araw matapos niyon ay iginupo ng matinding depresyon si Carla, unti-unti itong nawala sa katinuan. Ang natitirang pera nina Clarice sa bangko ay napunta sa pagpapagamot nito.
Nag-alok ng tulong kay Clarice ang Tito Harry ni Maggy, ang bunso at nag-iisang kapatid ng kanyang ama na mula sa ibang bansa ay umuwi para kupkupin sila ng kakambal. Nang magsimula na sa pagwawala si Carla ay dinala na ito sa isang pribado at tagong institusyon sa Candaba, Pampanga na para sa mga pasyenteng tulad nito.
Kinupkop na rin ng Tito Harry niya si Clarice dahil wala na itong iba pang kamag-anak na pwedeng sandalan. Pare-parehong nakatira sa malalayong lugar ang mga kamag-anak ng ina nito habang solong anak si Roman at parehong patay na rin ang mga magulang.
Sila naman ni Yalena ay wala na ring iba pang malalapitang mga kamag-anak. Walang nagpahayag ng interes sa kanila ng kakambal mula sa partido ng ina na kupkupin sila. Mula pa noon ay ayaw na ng pamilya ng ina sa kanilang ama dahil ang gusto ng mga ito ay isang Mehikano rin ang mapangasawa ng kanilang ina at ang pagkadisgustong iyon mula sa mga ito ay namana nila ni Yalena dahil lumaki silang malamig ang pagtrato ng mga ito sa kanila.
Ipinagkatiwala nila ni Yalena kay Tito Harry ang lahat, pati na ang pagbebenta sa lupa na kinatitirikan ng nasunog na bahay nila at ang ilang mga kagamitan na naisalba ng kanilang mga magulang. Ganoon dir ang ginawa ni Clarice. Ipinaubaya nito ang pagbebenta ng bahay at lupa ng pamilya nito sa tiyuhin niya pero dahil alam ng mga tao ang pinagdaanan nila ay pare-pareho pang sinamantala ng mga ito ang nangyari at mababang presyo lang ang inalok sa kanila. Pero wala silang nagawa dahil desperada na sila noon na makaalis sa lugar na iyon para hindi na makanti pa ni Benedict.
Wala ng pera sa bangko ang kanyang pamilya, nasagad na iyon dahil ginamit sa pangangampanya ng kanyang ama. Ang lahat ng investments ng kanyang ama ay nasa ADM na. Kung tutuusin, sila nina Clarice at Yalena ay posible pa ring mamuhay ng marangya dahil sa ADM pero pati iyon ay ipinagkait sa kanila ni Benedict.
Ang napagbentahan ng kani-kanilang mga ari-arian ay ginamit nila papunta sa Nevada City, kung saan nakatira ang Tito Harry niya. Pero bago sila umalis ng bansa ay nabalitaan pa nila ang ginawang pag- aalis ni Benedict sa Alvero at De Lara sa pangalan ng kompanya. Inangkin na nito iyon ng tuluyan at ginawang McClennan Power, Oil and Mining Corporation.
Sa Nevada sila nagpatuloy ng pag-aaral. Ginamit nila ang sakit at galit na nadarama para magsumikap. Pare-pareho silang nakatapos ng kolehiyo nang may mga karangalan. Sina Maggy at Clarice ay kumuha ng kursong may kinalaman sa pagnenegosyo. Si Clarice sa Business Administration habang Business Management naman ang sa kanya. Pareho silang nagtapos na Magna Cum Laude habang bar topnotcher naman si Yalena sa abogasya.
Ginawa nilang araw ang gabi sa pagtatrabaho sa nakalipas na mga taon. Nasubukan ni Maggy na magtrabaho na muna sa iba't ibang prestihiyosong kompanya. Si Yalena ay sinuwerte na makapasok sa isang sikat na law firm samantalang si Clarice ay nakuha bilang modelo. Nang makapag-ipon ay nagtayo sila ng sarili nilang negosyo, ang YCM Hotel and Resorts na mula sa initials ng kanilang mga pangalan. Ang kalahati ng puhunan doon ay inutang nila sa bangko na nabayaran din nila pagkaraan ng isa at kalahating taon.
Tatlong taon na ngayon ang YCM na tinangkilik ng publiko sa Nevada dahil na rin sa naging pag-endorse roon ni Clarice na isang sikat at tinitingalang modelo sa buong Amerika pero si Maggy ang hands-on sa pamamahala.
Halos sampung buwan na ang nakararaan nang simulan nila sa wakas ang kanilang plano para pabagsakin si Benedict McClennan. Pero hindi nila ito matagpuan. Umupa na sila ng pribadong imbestigador para hanapin ito pero wala pa ring nangyari. Malakas ang kutob nilang itinatago si Benedict ng tatlong anak nito kaya nakapagdesisyon silang ang unang pababagsakin ay sina Ansel, Alano, at Austin na siyang mga humaharang sa pagitan nila at ni Benedict.
Clarice started her mission first with Alano. Dahil ngayon lang natapos ang mga gawain sa YCM ay ngayon lang makapagsisimula si Maggy kay Austin. Si Yalena naman ay susunod sa Pilipinas pagkaraan ng ilang buwan sa oras na matapos na nito ang mga trabaho sa law firm para asikasuhin naman ang misyon kay Ansel.
Hinayaan ni Maggy na malayang makapili sina Clarice at Yalena kung sino ang magiging assignment sa tatlong mga anak ni Benedict. And now, Maggy was paying the consequences. Dahil si Austin ang napunta sa kanya na hindi maikakaila ang malaking pagkakahawig kay Benedict, dahilan para hindi ito piliin ng dalawa. She breathed sharply.
Nahinto siya sa pag-iisip nang makarinig ng tunog na nagmumula sa doorbell. Alam niyang si Radha iyon dahil nauna na nitong ipinaalam sa kanya na magpupunta sa unit niya para personal na sabihin ang resulta ng mahigit isang linggo nang pagmamanman nito kay Austin. Mabilis niyang tinuyo ang kanyang mga luha at lumabas ng kwarto para buksan ang pinto.
"Bawat umaga bago siya pumasok sa trabaho at gabi-gabi pagkagaling sa opisina ay nagpupunta siya sa bar. He would often stay at the parking lot for hours, in the same spot where you, two, first met," tuloy- tuloy na sinabi ni Radha nang makapasok na ito sa loob ng unit ni Maggy. Naupo ito sa sofa nang senyasan niya. "Four days ago, nakita ko siyang kausap si Baron, the bar owner. Kinausap ko rin kahapon ang lalaki. I made a deal with him that's why he told me his conversation with the youngest McClennan and I found out that he="
"Wait." Kaagad na nakuha ni Radha ang interes ni Maggy nang bigla na lang namula ang mga pisngi nito. "Exclusive bar yon, Radha. Obviously, mayaman ang may-ari niyon. How did you deal with him?" "Niyaya niya akong makipag-date sa kanya." Bigla ay napahawak si Radha sa noo nito. "I said yes in exchange of the freaking information."
Bahagyang naaliw na ngumiti si Maggy. "Hmm... interesting. And then?"
"I found out that Austin showed Baron a picture of a woman. At napag-alaman kong ikaw yon mula sa descriptions ni Baron. Ipo-promote daw ng McClennan Corporation ang bar ni Baron sa oras na i-inform niya si Austin kapag nakita niya ang babae sa litrato. If you don't mind telling me, Ma'am, what's your plan?"
Maggy grinned. "Magpapa-miss. I know I got the nerd since the first time we met."
Sinadya noon ni Maggy na umalis ng madaling-araw. Napilitan siyang magpalipas ng ilang oras sa mansiyon ng mga McClennan dahil ilang oras din na nanatili roon si Austin, sa mismong tabi niya sa kama. Naramdaman niya pa ang panakaw na halik nito noon sa kanyang mga labi bago ito tuluyang umalis ng kwarto na pinagdalhan sa kanya.
"Pero mukhang masyado na akong nami-miss ni Austin. Panahon na yata para lumabas na ako sa lungga ko." Kinindatan ni Maggy si Radha. "I'm getting a little bored here anyway. I gotta come out and play."0000000
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report