The Job -
Chapter 15
"OMG girl! Anong drama n'on?" nagtatakang tanong ni Ynette sa kanya. Kasalukuyan silang nasa canteen at kumakain ng tanghalian. Libre lang ang pagkain nila doon kaya hindi na sila gumagastos pa.
Pinag-uusapan kasi nila ang kinilos kanina ni Bryan. Parehas kasi sila nagulat sa ikinilos nito kanina sa elevator. Maging noon nagta-trabaho na sila ay madalas mahuli ni Ynette na nakatanaw ang binata kay Crystal. Minsan pakiramdam ni Crystal may nagmamasid sa kanya at sa tuwing lilingon-lingon siya ay si Bryan ang maabutan niyang nakatingin sa kanya.
Hindi naman maiwasang pamulahan ng pisngi ni Crystal. Matagal na niya itong crush pero hindi siya sanay na ganoon sa kanya ang binata.
"Hindi ko nga alam eh. Ano kayang nakain n'on?" nagtatakang tanong ni Crystal.
"Nakain nino?"
Halos mabuga ni Ynette ang kinakain niya nang biglang sumulpot si Bryan sa harapan nila at umupo sa bakanteng upuan sa tapat nila. "Sino pinag-uusapan niyo?" nagtatakang tanong nito at nakakunot pa ang noon.
Nagtinginan si Crystal at Ynette.
"Ahh wala," umiling-iling si Crystal at nahihiyang umiwas ng tumingin ito kay Bryan. Nagkibot-balikat lang naman ito at kumain ulit. Namayani ng ang katahimikan sa table nila. Walang ibang naririnig kundi ang pagnguya at maingay na usapan ng mga nasa kabilang table.
"Nga pala," basag ni Bryan sa katahimikan. Sabay na nag-angat si Ynette at Crystal ng paningin. "Kain tayo sa labas mamaya?"
"Ha? Bakit? Anong meron?" tanong ni Crystal.
Umiling si Bryan at sumubo. Ngumuya muna ito saka sumagot. "Wala. May pupuntahan ba kayo mamaya?"
Napangiti naman si Ynette at tahimik na kinilig. Alam niya ang gustong mangyari ng binata. Noong wala kasi si Crystal ay panay tanong ito sa kanya tungkol kay Crystal. Matapos ng ginawa nito sa elevator ay mukhang tama ang kanyang hinuha.
"May pupuntahan ako mamaya eh. Baka itong si Crystal." Bumaling ito kay Crystal na nakakunot na pala ang noo na nakatingin sa kanya. "Wala ka namang gagawin mamaya diba?" nakangising tanong nito.
Nalilitong tumingin lang si Crystal sa kaibigan. Bahagya pa silang nagtaasan ng kilay na para bang sinasabi ni Ynette na 'go!'. Kumibot-kibot ang mga labi ni Crystal at sa huli ay iniikot niya ang kanyang mga mata saka bumalin kay Bryan. Alam naman niya kasing wala itong gagawin at gusto lang nito na magkasama silang dalawa.
"Wala akong pupuntahan mamaya."
Ngumiti ng malaki si Bryan, "Talaga? Tayo na lang dalawa?"
"Ayiee... magdi-date sila!" kinikilig na sabi ni Ynette at impit na tumitili. Hinampas ni Crystal ng mahina ang braso nito.
"Manahimik ka nga!" Inirapan niya iyon. "Ano ba kasing meron at manglilibre ka ata ngayon, Bryan?"
"Ano kasi..." nagpapalit-palit ito ng tingin kay Ynette at Crystal saka ngumiti ulit. "Basta gusto ko lang may kasabay kumain. Sama ka Crystal ha? Pwede mo ring h'wag na puntahan yung pupuntahan mo, Ynette." Tumaas lang ang kilay ni Ynette. "Naku wag na. Alam ko naman kung sino lang ang gusto mong makasama mamaya eh. Dadamay mo pa ako." Napangiwi na lang si Ynette nang bigla siyang sikuhin ni Crystal. "Ouch!" Pinandilatan ito ni Crystal pero nilabian lang siya nito.
Tumawa si Bryan. "Basta mamaya Crystal ha?" sabi pa nito. Nahihiyang tumango na lamang si Crystal. Tumayo na si Bryan at naglakad papunta sa lagayan ng mga pinagkainan nila.
"Ikaw talaga Ynette!" sita niya sa kaibigan pagkawala ni Bryan.
Tiningnan lang siya ni Ynette. "Bakit? Totoo naman eh? Kunyari pa yan alam naman natin na ikaw lang gustong makasama," excited na sabi ni Ynette. "Ayaw mo n'on? Diba matagal mo nang crush 'yan? Pagkakataon mo na!"
"Ingay mo talaga! Ewan sa 'yo." Ngumuso siya at tumingin sa plato niya. Ang totoo ay kanina pa mabilis ang tibok ng puso ni Crystal. Matagal na niyang crush ang binata ngunit hindi niya alam kung bakit hindi siya ganoon ka-excited na makakasama niya ito mamaya. Dapat ay matutuwa siya kasi matagal na niya itong pinapangarap.
"Sus! Kunyari ka pa!" Inirapan siya ni Ynette.
"Saan ka ba rin kasi pupunta at hindi ka na lang sumama sa amin? Mahilig ka sa libre diba?"
"May customer ako mamaya," pabulong na sabi nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. "Ahh... okay. Sino naman?"
"Pinoy at mukhang madatung kaya gagalingan ko talaga mamaya!" nakatawa nitong sabi.
Natatawang umiiling na lang si Crystal. Pihadong marami na naman itong kwento sa kanya bukas.
"Bye! Enjoy kayong dalawa! H'wag munang magtitikiman ha!" malakas ang boses na paalam ni Ynette kay Crystal at Bryan. Namumula ang pisngi na sinamaan ni Crystal ang kaibigan. Samantalang si Bryan naman ay tumawa na lamang. Sumakay silang dalawa ng taxi at ibinaba sa isang sikat na hotel. Medyo nag-alinlangan pa si Crystal ngunit nawala rin noong dumeretso sila sa isang restaurant.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Pagkapasok nila ay agad merong lumapit sa kanilang lalaking staff. Nakapulang long sleeves at slacks ito. May suot ding itim na apron. Malinis at maayos ang pustura nito. "Welcome, ma'am and sir! Do you have a reservation, or you want a table for two?" masiglang bati nito sa kanila.
"We have a reservation here."
"Okay, sir. Please follow me." Iginiya sila nito sa counter doon. Meron siyang kinausap na isang babae at tinanong pa si Bryan kung anong pangalan ng nagpa-reserve. Tumingin ulit ito sa monitor.
Tahimik lang si Crystal na nakatabi kay Bryan. Pasimple niyang nililibot ang paningin sa paligid. Kakaunti na lamang ang mga bakanteng lamesa roon. Kapansin-pansin din ang maganda at eleganteng ayos ng restaurant. 'Parang mahal pa ata dito.'
Kinalabit ni Crystal si Bryan, "Huy, mahal ata rito. H'wag na tayo rito."
"Okay lang, ako na ang bahala. Diba libre ko nga ngayon?" sabi lang ni Bryan at bahagya pang kumindat sa kanya.
Kumunot ang noo ni Crystal. "Sure ka d'yan? Baka mamaya iwan mo ako dito ha? Wala akong ibabayad." Tumawa si Bryan, "Di kita iiwan."
Magsasalita pa sana si Crystal pero muling humarap sa kanila ang staff. "Ma'am, sir. Please follow me. Guide ko po kayo sa table niyo."
Tahimik na sumunod na ang dalawa sa lalaki. Nasa may pinaka dulo ang pwesto nila ngunit malapit sa bintana kaya matatanaw ang kalsada. Pabilog ang mesa na may kulay brown na tela na nakapatong dito. Matapos silang maihatid ay nagpaalam na rin ang staff at muling bumalik sa may entrada ng restaurant.
Pagkaupo nila ay agad na merong lumapit sa kanilang waiter. Inabot nito sa kanila ang menu nila. Halos malula naman si Crystal nang makita ang presyo ng mga pagkain doon.
"Huy, Byran! Mag-McDO na lang tayo," pabulong niyang sabi kay Bryan.
"Ano ka ba? Sinabing ako na ang bahala."
"Eh hindi ko alam ano pipiliin ko rito. Nabubusog ako sa tuwing nakikita ko yung presyo." Hindi kasi bumaba ng limang daan ang presyo ng mga pagkain na nandoon. Ni minsan ay hindi pa siya gumastos ng ganoon kalaki ng para lang sa kanya.
"Akina nga 'yan." Kinuha ni Bryan ang librong hawak niya at itinupi iyon. "Ako na ang pipili ng pagkain mo," ani nito at muling tumingin sa hawak niyang libro.
Hindi na nagsalita pa si Crystal at tumingin-tingin na lamang sa paligid. Hindi niya kasi talaga kayang pumili sa mga pagkain na nandoon. Kahit na libre iyon ni Bryan ay nakokonsensya pa rin siya. Kung tutuusin ay kaya na naman niya bumili ng ganon pero nasanay lang siya na hindi siya gumagastos ng malaki.
Makalipas ng ilang sandali ay naka-order na si Bryan. Naghintay sila ng ilang minuto pagkatapos ay meron na nagserve sa kanila. Hindi pa rin kilala ni Crystal ang mga pagkain na nakahain. Hindi naman siya nag-usisa na dahil nahihiya na rin siya. Saka niya lang nalaman ang karneng ginamit doon noong nakain niya na ito.
Nasa kalagitnaan na sila sa pagkain nila nang tumikhim si Bryan. "Ahm.. Crystal," agaw nito ng atensyon niya mula sa pagkain na kinakain niya.
Nag-angat naman si Crystal ng paningin at saktong nagtama ang kanilang mga mata. Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Crystal. Pinilit niyang kumalma at ngumiti rito. "Oh?"
"Actually, totoo yung sinabi ni Ynette kanina." Bahagya itong tumigil dahil huminga ito ng malalim. "M-may gusto kasi akong sabihin, Crystal."
Napalunok ng laway si Crystal. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil nakita niyang parang kabado rin si Bryan. Pakiwari niya ay magtatapat ito na agad niyang iwinawaksi sa kanyang isipan dahil imposibleng mangyari iyon para sa kanya. Tahimik lang kasi ang binata at hindi naman sila palaging nagkakausap din sa trabaho nila.
Tumikhim siya. "A-ano 'yon?"
Kumibot-kibot ang mga labi ni Bryan at tumikhim ng ilang ulit. Saka muling tumingin sa kanya, sa mga mata niya. "Ahm.. Crystal. Dapat matagal ko na sinabi 'to kaso nahihiya ako. Tsaka.. narinig ko kasi kay Ynette na ikaw ang breadwinner sa inyo. Crystal.. Gus-"
"Kyahh!"
Hindi natuloy ni Bryan ang sasabihin niya nang biglang merong tumiling babae. Parehas silang napalingon ni Crystal sa may labas ng restaurant. Halos mag-umpukan na ang mga tao doon na nakikiusyoso. Medyo dumadami na rin ang mga tao kaya nakita nila ang mga guard na lumalapit doon.
"Ano kayang meron?" nagtatakang tanong ni Crystal.
"Haist!" Mahinang palatak ni Bryan dahil sa nangyari. Hindi niya tuloy nasabi ang sasabihin niya kay Crystal. Nahiya na rin kasi siyang magbanggit ulit dahil napukaw ang atensyon ng dalaga sa mga taong nagkakagulo.
Maya-maya pa ay maging ang mga tao sa restaurant ay nakiusyoso na rin. Palapit kasi sa restaurant ang mga tao at mukhang meron silang pinagkakaguluhan na kung sino.
"Hala! Pupunta rito?!" gulat na tanong ng isang waitress.
"Yieeeh! Dali galingan natin!" excited at kinikilig pang ani ng babaeng waitress.
"Tawagin niyo si Manager!"
Nagtinginan si Crystal at Bryan. "Sino kaya 'yon? Panira ng moment eh," reklamo ni Bryan.
Natawa naman si Crystal. "Hayaan mo na, kain na lang tayo ulit. Ano nga ulit yung sasa-" Nanlaki ang mga mata ni Crystal nang makita ang taong pinagkakaguluhan nila. Nasa loob na ito ng restaurant at matamang nakatitig sa kanya. Papalapit ito sa pwesto nila at tumigil sa bakanteng mesa sa may harapan nila. Umupo ito sa pwesto kung saan makikita siya nito.
Wala itong emosyon ngunit ramdam ni Crystal ang matatalas nitong mga tingin na para bang tinutusok siya.
'Anong ginagawa niya rito?!'
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report