The Job
Chapter 26

Isinandig ni Hanuel ang pagod niyang katawan nang makapasok siya sa loob ng kotse niya. Pagkatapos ay tumingala siya at ipinikit ang mga mata. Hindi na niya nilingon pa ang pagtabi ng manager niya at PA.

Katatapos lang ng ginawa niyang press-con para sa issue patungkol sa kanya. Ayaw sanang itanggi ni Hanuel ang tungkol sa relasyon nila ni Crystal ngunit wala siyang magawa dahil pati ang kanyang ama ay nadadamay na. Maging ang kanilang negosyo na walang kinalaman sa kanyang trabaho ay nadadamay na rin.

Napabuntong hininga siya. 'I hope Crystal won't see my interview,' nahiling niya. Mariin niya kasing tinanggi na wala siyang karelasyon ngayon at single siya. Nag aalala siya na baka kapag mapanood 'yon ni Crystal ay masaktan ito. Alam naman niya na uunawaan siya ng dalaga ngunit hindi pa rin mawala ang pag-aalala niya.

"Give me my phone." Napabalikwas siya noong maalala niya ang dalaga. Mula noong nakauwe siya sa Korea ay hindi niya pa ito nakakausap. Mabilis naman itong inabot ng PA niya na nasa likod nila.

"You will go home?" tanong sa kanya ng manager niya. Tumango lamang siya rito at idinayal ang numero ni Crystal. Napabuntong hininga na lang siya ulit nang hindi niya ito makontak.

Hindi niya tuloy maiwasang mag alala sa nangyayari rito. Wala naman siyang nakikita sa internet kaya hindi siya nagaalalang nagti-trending na naman ito.

"The agency is offering you a new drama. You should accept it to start again," ani ng manager niyang lalaki. Umiling lamang si Hanuel.

"I told you I want to take a break."

"But Hanuel, this is a good opportunity for you. Your fans are-"

"I don't care!" putol niya sa sinasabi nito. "I told you I want to take a break from this whole drama. I already give you what you want, so stop forcing me now." "But-"

"Mr. Chen please?" iritableng pigil niya muli rito. Ayaw niya talaga munang bumalik sa mundo ng showbiz dahil sa nangyari. Kung pwede lang ay dumeretso na siya ngayon sa airport para makausap at muling makasama ang dalaga ay ginawa na niya. Ang kaso ay kailangan pa niya munang bumalik sa kanila dahil kakausapin daw siya ng tatay niya. Hiniling din nito na pansamantala munang magtrabaho sa kanila kaya isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw niya munang bumalik sa trabaho.

Kailangan niyang pagaralan ang tungkol sa company nila.

Narinig niyang bumuntong hinga ang manager niya ngunit hindi na ito nagsalita. Alam kasi nito ang ugali. Likas naman sa dito ang pagiging makulit ngunit sa huli ay siya pa rin ang nasusunod. Gusto kasi palagi ni Chen na tatanggapin niya ang mga projects na nadating para sa kanya. Okay lang naman iyon para kay Hanuel kaso sa ngayon ay buo ang loob niyang magpahinga muna sa showbiz.

Muli niyang dinayal ang numero ni Crystal at noong hindi pa rin niya ito makontak ay humalukipkip na lamang siya at ipinikit ang mga mata.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na sila sa bahay nila. Mula noong nagkasundo sila ng ama at nakarecover na ito mula sa pagkaka-comatose nito ay sa bahay na nila siya ulit umuuwe. Wala na kasi itong kasama ngayon dahil nasa presinto pa rin ang stepmother niya at anak nito. Gumugulong na rin ang kaso ng mga ito pati ang divorce nila.

Pagkababa niya ay nakita niya ang kanyang ama na nagkakape sa bakuran nila. Malaki ang kanilang bahay na merong dalawang palapag. Malaki iyon ngunit hindi mo matatawag na isa itong mansyon dahil ang mama niya ang nagdisenyo niyon. Mahilig kasi sa simpleng bagay ang kanyang ina kaya kahit gusto ng kanyang ama ng mansyon ay hindi ito pumayag. Gusto rin kasi ng kanyang ina na matuto siya. Na kahit marami silang pera ay maging mapagkumbaba pa rin siya. Kinawayan siya ng kanyang ama. Nakaupo ito sa bakal na upuan. Merong hindi kalakihang bakal na lamesa sa harap nito at tatlo pang upuan na nakapalibot. Bermuda ang sahig ng kanilang bakuran at maraming mga magagandang mga bulalak na nakatanim sa paligid ng bakod nila. Hanggang ngayon ay inaalagaan iyon ng mga katiwala nila. Mariin kasing pinagbilin ng kanyang ama na hindi babaguhin ang bakuran nila at alagaan ang mga tanim doon. Dahil ito na lamang ang naiwang alaala ng kanilang ina. Ang kanilang bakuran at ang mga halamang mahal na mahal nito.

Yumukod muna siya sa kanyang ama saka umupo sa tabi nito.

"I watched your presscon, son." Hindi sumagot si Hanuel sa sinabi nito at nag-iwas ng tingin. "Thank you."

Mapait siyang ngumiti. "You're my only family. I never wish ill for you, Dad."

"I know that even if never listen to me you still care. And I'm proud of you because of that."

"Dad. Let's not talked about it anymore. You will just cry again," biro niya. Natawa naman ng bahagya ang matanda.

"Okay. You're right." Bumuntong hiniga ito. "But, are you really in a relationship now?" biglang tanong nito. Marahang tumango si Hanuel.

"Yes, she's a Filipina."

Napalabi ang kanyang ama at tumango-tango. "Hmm... really? Is she also a celebrity?"

"No." Nagaalangang umiling si Hanuel. "Why?" Ni minsan kasi ay hindi pa niya nakausap ang kanyang ama tungkol sa mga nagiging karelasyon niya. Ngayon lang ito nagtanong tungkol sa buhay pag-ibig niya. Kahit noon na nabubuhay pa ang kanyang ina.

"Nothing. So, how's your relationship with her?"

"She's... good. I mean, she's different from other girls I always see at work. She's unique and amazing," napapangiti niyang sabi. Muli niyang na alala ang mukha ng dalaga kaya bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso. Tinitigan siya ng kanyang ama. "So, you really like her?"

"Nope. I love her, Dad. I can feel it. I love her."

Bumuntong hininga ang kanyang ama. "Okay." Tumigil muna ito saglit at tumungo. "I would have convinced you to get married if you didn't say that." Nanlaki ang mga mata ni Hanuel sa sinabi ng kanyang ama. "What? No, Dad."

"I know." Tumango-tango ang kanyang ama. "Your Uncle suggested it. The daughter of Park Family is single now and also an actress. Your fans will not say anything because you work in the same field," paliwanag ng kanyang ama. Napapalatak naman si Hanuel. Ang tinutukoy nito ay si Jenny Park na kababata niya. Matagal nang kaibigan ng pamilya nila ang pamilya nito. Kasa-kasama niya rin ang dalaga noon nung nag-uumpisa pa lang siya mag-artista kaya na engganyo na rin ito.

"Dad she's like a sister to me. And Jenny won't like it because she's in a relationship too!" reklamo niya.

"That is why they are saying that the two of you should get married. Her father doesn't like the guy she's dating now."

Hinawakan ni Hanuel ang kanyang sentido at bahagya itong hinilot. Iniisip niya palang na magiging asawa niya ang dalaga ay kinikilabutan na siya. Magkaibigan sila ngunit hanggang doon lang iyon. At isa pa, hindi totoong lalaki ang kasintahan ngayon ng dalaga. Front lang nila iyon dahil pihadong magiging usap-usapan din ang dala ng mga fans nito. Hindi rin kasi magiging maganda sa kanyang imahe nito sa mundo ng mga negosyante kapag malamang babae rin ang karelasyon ng dalaga. Lalong hindi rin ito gugustuhin ng mga magulang ng dalaga. Masyado kasing mga konserbatibo ang mga ito.

"That idea is ridiculous, dad," ani niya na sobrang namoroblema.

"Don't worry. I will not force you to get married. I married your mom because I love her, so I also want you to experience that." Nalungkot bigla ang kanyang ama nang maalala nito ang kanyang ina. "I just wish for you now to help me first in our company. I'm getting older."

"You're fine, dad. Don't worry." Nginitian niya ang kanyang ama.

Lumipas ang ilang araw na naging linggo at hanggang sa umabot ng tatlong buwan ay naging abala si Hanuel sa kanilang kompanya. Inaral niya maige ang mga ginagawa nila roon. Binisita niya ang bawat branch ng kanilang negosyo sa Korea para matignan ang kagayan nito ngayon. Ginawa kasi siyang Acting Chairman ng kanyang ama at nagpahinga na lamang muna ito habang siya ang na andoon. Tatanggi sana siya ngunit mas makakatulong daw iyon para matuto siya agad. Na mukhang epektibo naman dahil mula noong siya ang humawak ng kompanya nila ay tumaas ang sales nila.

Hindi rin muna siya tumanggap ng mga projects sa ngayon kahit na ilang beses na siya kinukulit ng manager niya at ng agency nila. Wala na naman nangba-bash sa kanyang mga fans at naging tamihim na ang buhay niya. Wala pa rin siyang balak bumalik muna sa pag-aartista. Gusto niyang mag focus muna sa kompanya nila. At nag-iisip na rin siyang tuluyan nang iwanan ang mundo ng showbiz dahil nawiwili na siya sa kompanya nila.

Sa loob ng tatlong buwan ay hindi niya rin nakausap si Crystal. Kapag meron siyang bakanteng oras ay sinusubukan niya itong tawagan ngunit hindi niya ito talaga makontak. Palagi naman niyang nakakalimutan na kausapin si Joseph para kamustahin si Crystal. Abala rin kasi ito dahil ito ang naging secretary niya habang nasa kompanya.

At ngayon na medyo naging magaan ang oras niya ay na isipan na niyang bisitahin ang dalaga. Labis na siyang nasasabik na makita ito dahil sa ilang buwan na hindi sila nagkita. Hindi na siya sinamahan pa ni Joseph dahil habang wala pa siya sa Korea ay ito ang pinaasikaso niya. Hindi na rin niya sinubukan pang kontakin ito dahil balak niya sana itong sorpresahin.

Pagkalabas niya sa airport ay dumeretso siya sa kompanyang pinagta-trabahuan nito. Meron siyang kotse na nakapark sa airport kaya hindi niya problema ang transportasyon. Kaya hindi rin siya nagaalala ngayon na makita siya ng tao dahil nasa loob lang siya ng kotse.

Dapit hapon na noong dumating siya kaya madali lang siya sa Pilipinas kaya hindi na rin magtatagal at maglalabasan na sila Crystal. Balak niyang sunduin muna ito tapos magtake-out sila ng pagkain mula sa paborito nitong kainan. Lumipas ang ilang sandali ay meron na siyang nakitang mga naglabasan mula sa building. Tinitigan niyang maige ang mga lumalabas hanggang sa makita niya ang kaibigan ni Crystal. Ngunit nagtaka siya kung bakit mag-isa lamang ito. Naglakad ito papunta sa waiting shed. Napagdesisyunan na niyang bumaba sa kotse noong makita niyang wala nang ibang lumabas na tao sa building.

Hindi naman siya natatakot na makilala siya ng mga tao dahil nakasupot siya ng face mask at sunglasses. Naka sombrelo rin siya para lalong matakpan ang kanyang mukha. Hindi naman din kapansin-pansin ang kanyang suot dahil naka T- shirt lamang siyang pula at kupas na pantalon na binagayan niya ng rubber shoes na kulay itim. Kaso ganon pa rin dahil merong mga napapatingin sa kanya. Siguro ay dahil na rin sa kanyang katangkaran at likas na pansinin siya ng mga tao. "Miss, wait!" tawag niya kay Ynette at hinawakan ito sa braso. Bahagya pang nahintakutan ang dalaga dahil nanlalaki ang mga mata nito at nakakapit sa bag nito.

"Sino ka?!" gulat na tanong nito. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko siya.

"It's okay! May itatanong lang ako."

"Ha?! Holdapper ka 'no?! Tu-"

"Shh! No! I'm not!" Natigilan ito noong mag english at sinuri siya. Tiningnan siya ni Ynette mula ulo hanggang paa. Bahagya niyang itinaas ang suot niyang sunglasses para makita nito ang kanyang mga mata at saka muling isinuot iyon. Napabuka ito ng bibig at bigla siyang hinila sa gilid. "L-Lee Hanuel?" paniniguro nito. Marahan siyang tumango. "OMG!" impit na tumili ito at bahagyang nagpapadyak. Napangiwi na lamang si Hanuel at kinamot ang likod ng kanyang ulo. "Hindi ako makapaniwala na kaharap na kita!" kinikilig nitong sabi. "I'm a fan!"

"T-Thank you," nahihiyang sabi ni Hanuel.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Why are you here?" tanong nito noong maka-recover.

"Where's Crystal? I didn't see her coming out with you."

Napakunot ng noo si Ynette at nagtatakang tiningnan ang binata. "You... didn't know?" tanong nito.

"Ha? Why?" tanong ni Hanuel. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya kinabahan sa ekspresyon nito.

Bumuntong hininga muna si Ynetter at saka lumungkot ang mukha. "Nag resign na siya magti-three months na ata. Hindi mo ba alam?"

"What?" gulat na tanong ni Hanuel. Oo gusto niyang tumigil na ang dalaga sa trabaho nito ngunit mariin itong tumatanggi dahil gusto niya raw at nasanay na ito na nagta-trabaho siya.

"Hindi mo talaga alam?" nagdududang tanong ulit ni Ynette.

"I didn't know."

"Actually, matagal na kaming hindi nagkikita. Nagkaka-chat na lang kami sa ngayon. Tinatanong ko siya kung bakit pero sabi niya lang ay lilipat si-"

"Hold on. You mean..." Natigilan si Hanuel at parang binundol ng kaba. "I'm sorry I have to go. Thank you."

Hindi na niya hinintay pang makasagot si Ynette at mabilis na sumakay sa kanyang kotse. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sobra siyang kinakabahan ngayon. Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili ngunit hindi niya iyon magawa. "Please, Crystal," usal niya habang nagmamaneho. Pakiramdam niya ang bagal ng oras dahil sa pagmamadaling kanyang nararamdaman. Kung pwede nga lang liparin niya ang kalsada para makarating agad sa kanila ay ginawa na niya. Wala tuloy siyang magawa kundi ang huminga nang malalim habang pilit na kinakalma ang sarili.

Ilang sandali lang ay narating na niya ang condo building na tinitirhan nila. Mabilis siyang umakyat ng elevator at hinintay na makarating sa floor nila. Panay tuloy ang reklamo niya sa sarili kung bakit sa pinakataas pa ang pinili niya. Pagkarating niya sa floor nila ay mabilis siyang lumapit sa pinto ng unit nila. Kinakabahang binuksan niya iyon.

Katahimikan.

Iyon ang sumalubong kay Hanuel. Madilim ang buong unit maliban sa door entrance na merong ilaw dahil andoon pa siya. "Crystal?" tawag niya sa dalaga ngunit walang sumagot. Binuksan niya ang ilaw at naglakad papuntang kwarto ngunit wala rin doon ang dalaga. Maging sa banyo.

Napapailing na siya dahil sa unti-unti na siyang sinasampal ng katotoohanan. Nagmadali siyang lapitan ang closet nito ngunit nanlumo siya nang makitang wala na iyong laman.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report