The Job
Chapter 6

Apat na araw lang ang itinagal ni Rosa sa ospital. Umuwe na rin sila sa kagustuhan ding humiga na ni Rosa sa kanyang sariling higaan. Masyado kasi siyang namamahay at isa pa maayos na ang kanyang pakiramdam. Nakakatayo na siya sa kanyang higaan at nakakaupo. Nakakalad-lakad na rin siya. Pinagpapahinga na lamang siya ng kanyang doctor at pinauubos ang mga gamot niya. Binigyan din siya ng appointment para sa kanyang chek-up. Matapos masigurong ayos na ang kanyang ina sa kanilang bahay ay nag-umpisa na rin maghanda ni Crystal. Ngayon kasi sila magkikita ni Joseph upang ipaliwanag pa ng maige ang tungkol sa 'trabahong' kanyang pinasok. Wala siyang maganda at maayos na mga damit kaya pinili na lamang niya ang dress na ibinigay ni Ynette. Kulay pula iyon at lagpas ng kanyang mga tuhod. Lumilitaw ang kanyang tuhod at maputing hita sa tuwing siya ay naglalakad dahil mayroong maliit na hiwa sa may bandang gilid nito. Para kasing itinabing ang harapang tela ng dress sa kanya. Litaw na litaw ang hubog ng katawan niya na gitara dahil hapit na hapit sa kanya ang damit.

Hanggang kalahati ng kanyang dibdib na medyo maluwang at kung siya ay tutungo ay makikita ang kanyang mga umbok. Buti na lamang ay meron itong dalawang strap na parang sa bra na nakasabit dito paikot hanggang sa kangyang likod para kumonekta sa likurang parte ng kanyang suot na damit. Litaw na litaw ang kalahati ng kanyang likod.

Binagayan niya ito ng itim na sandals na walang takong na nabili lamang niya sa palengke sa murang halaga. Nagpahid din siya ng pulang lipstick at nagsuot ng hikaw na may kulay ginto. Hindi rin ito tunay dahil sa palengke niya lang din ito nabili. Wala siyang make-up kaya ay nagpulbos na lamang siya. Hindi siya nagamit ng mga iyon kaya minabuti na lamang niyang 'wag na lamang mag-aksaya ng pera para roon.

Muli niyang sinipat ang kanyang imahe sa maliit na salamin. Hindi kalaparan ang kanyang noo. Ang kanyang kilay ay makapal at maganda na ang pag-kakaarko kaya kahit hindi niya ito inaayos ay maganda na ito. May katangusan din ang kanyang ilong na namana niya sa kanyang ina. Binagayan ng labi niyang mas lumitaw ang natural na pag-pout nito dahil sa lipstick na gamit niya.

Maganda na siya sa simpleng ayos niya at malamang ay mas may igaganda pa siya kung maayusan siya.

Hindi na niya inipit pa ang kanyang hanggang kalahati ng dibdib na buhok at hinayaan na lamang itong nakalugay. Medyo naiilang din kasi siya sa likod niya. Hindi siya sanay sa gaanong style ng damit. Nag spray din siya ng pabangong hinuhulog-hulugan niya sa kanyang ka-trabaho. Nang kontento na siya sa kanyang itsura ay kinuha na niya ang maliit na kulay itim niyang purse at isinukbit ito sa kanyang kanang balikat. Nakuha niya lang din iyon galing sa exchange gift nila noong nakaraang taon. Bitbit niya rin ang folder na pinaglalamanan ng kontrata niya.

"Wow Tita ang ganda mo!" puri sa kanya ni Mikaela at nilapitan siya nito. Pinasadahan siyang muli ng tingin. Ngumiti lang siya.

"Aba! Saan kaya pupunta ang maganda kong kapatid?" tanong ni Roy.

"May kikitain lang po ako kuya. Baka hapon na ako makauwe," paalam ni Crystal. "Tulog ba si Nanay?"

"Oo. Ako na magpapaalam kay Nanay."

"Bakit Tita may Boyfriend ka na?" biro sa kanya ni Joshua. Sabay-sabay napatingin sa kanya ang kuya niya at mga ate niya. Umiling si Crystal. "Hoy bata ka! Wala ha!"

"Weh?" seryosong tanong naman ni Roy.

"Haha! Ewan nga sa inyo! Aalis na ako at baka mahuli pa ako," saad niya at naglakad na palabas ng bahay. Sumunod sa kanya si Mikaela.

"Tita pahiram ako ng damit mo ha?" pabulong na sabi ni Mikaela sa kanya.

Napakunot naman ang noo ni Crystal na tiningnan ang pamangkin. "Bakit?"

"Basta! H'wag kang maingay kay Papa ha!" pilit nito sa kanya pero nakangiti pa rin.

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang pamangkin. Pinagkrus ang kayang mga kama sa may dibdib.

"H'wag mong sabihin may dat-"

"Sssh! H'wag kang maingay! Baka marinig ako ni Papa!" Pigil sa kanya ng bata na tumingin pa sa bahay nila at siniguradong walang tao sa may pinto nila.

"Aba! Ikaw'ng bata ka ha! Uunahan mo pa ako!" Pinandilatan niya ang pamangkin niya na nakangiwi.

"Sige na Tita." Lumabi ito at kumapit sa kanyang braso. "Mabait naman 'yon at promise! Mag-aaral naman akong mabuti." Naiikot niya ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ng pamangkin.

"Mga kabataan talaga ngayon.." Iiling-iling niyang sabi. "Oo na! 'Pag tayo mahuli ng papa mo parehas tayong lagot!"

"Yehey! The best ka talaga Tita!" masayang sabi nito. "Ingat ka po ha!"

Tumango na lamang siya at pinapasok na sa loob ang kanyang pamangkin. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil dito. 'Dalaga na talaga.'

Nasa loob ng isang hindi eksklusibong subdivision ang kanilang bahay. Hindi pa man niya na isasara ang kanilang gate ay may pumarang kotse sa harapan ng kanilang bahay. Kulay pula iyon at hindi kita ang nasa loob. Bumukas ang pinto sa may likuran at bumaba ang bintana sa may driver sit. Bumungad sa kanya si Joseph.

"Hi! Please get inside," sabi nito habang nakatingin sa kanya. Hindi manlang ito nagbaba ng tingin sa kanyang katawan.

"P-Paano mo nalaman ang bahay ko?" namamanghang tanong ni Crystal at nakakunot ang noong tinitingnan si Joseph.

"We know everything about you Crystal," nakangiting sagot nito sa kanya.

Hindi naman maiwasang hindi makaramdam ng kaba sa sinabi nito. 'Ano ba 'tong pinasok ko?' Napapalunok ang laway na tanong ni Crystal sa sarili. Hindi kasi siya makapaniwala na maraming alam 'to sa kanila tapos siya ay kahit isa ay wala. Madali na niyang isinara ang gate nila at saka sumakay sa kotse. Maige na lamang ay walang mga kapit-bahay ngayon sa labas dahil baka kung ano na lang ang isipin ng mga ito.

Tahimik lang siya sa buong byahe. Hindi rin naman nagsasalita si Joseph at nakatingin lamang sa daan kaya hindi na lamang niya ito inabala pa. Nilibang na lamang niya ang kanyang sarili sa kanilang nadadaanan.

Hindi na niya namalayan kung ilang oras ang byahe nila dahil nakatulog rin siya. Nagising na lamang siya noong kinakatok na ni Joseph ang pinto ng kotse.

"We're here," ani nito.

Nasa labas na ito ng kotse at binuksan ang pinto niyon. Agad siyang bumaba doon. Bumungad sa kanya ang maraming mga kotse. Napagtanto niyang nasa parking area sila. Lahat ng mga kotseng nakaparada doon ay mga magagara. Mangilan-ngilan lamang ang makikita mong mga simple lamang.

"Follow me."

Hindi naman nakakatakot ang presensya ni Joseph ngunit hindi niya maiwasang hindi kabahan tuwing nagsasalita ito. Malumanay ang boses nito at kung hindi mo kilala ay masasabi mong mabait ito. Mukha rin itong hindi mahirap pakisamahan dahil palagi itong nakangiti sa kanya. Marahil dahil na rin sa sinabi nito kaya napapasunod agad si Crystal.

Pumasok sila sa pasilyo na may salamin na pinto. Ang tanging desenyo noon ay ang kulay kremang pintura bukod doon ay wala ka nang makikita maliban sa dalawang pinto. Sa kanay parte niyon ay merong elevator at sa dulo naman ay may pintong nakasara. Merong nakapaskil doong 'Security.'

Pumasok sila sa elevator at pinindot ni Joseph 54th floor. Napakapit si Crystal sa may railings ng elevator. Sanay na siya sa elevator pero nawalan siya ng balanse dahil sa kabang kanyang nararamdaman. Hindi siya natatakot ngunit nag-aalala siya sa sasabihin ni Joseph. Hanggang ngayon kasi hindi pa niya kilala ang sinasabing boss nito. Tumikhim siya.

"Nasaan tayo?" basag niya sa katahimikan. Dahil kung hindi pa siya magsalita ay baka mabingi na siya. Hindi siya nilingon ni Joseph.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Pupunta tayo sa condo kung saan..." Hinid itinuloy ni Joseph ang sasabihin niya at tumikhim. "Ipapakita ko sa 'yo kung saan ka pupunta palagi."

Hindi maiwasang hindi mamula ng pisngi ni Crystal kaya tumingin siya sa gilid niya at pinanood ang repleksyon niya. Naiintindihan niya kasi ang sinabi ni Joseph.

"I-I mean anong lugar 'to. Nakatulog kasi ako kanina kaya di ko alam kung saan mo ako dinala," tanong niya ulit. Nakita naman niyang tumaas ang kilay ni Joseph. "Ahh... Nasa Manila tayo," sagot nito.

"Pwede ko bang malaman kung sino yung boss mo?" Hindi siya nito sinagot at nanatiling deretso ang tingin. "Kuya, kailangan ko naman malaman kung sino 'yon. Katawan ko nakasalalay dito." "Malalaman mo mamaya," maiksing sagot nito.

"Masyado bang confidential yung boss mo?" Humalukipkip si Crystal at tiningnan maige ang likod ni Joseph. Napansin naman niyang nakatingin din ito sa kanya mula sa repleksyon niya. "Baka naman ikaw 'yon?" Nakataas ang isang kilay na sabi ni Crystal.

Natawa naman si Joseph at nilingon siya.

"Don't worry Miss. I have my own family and I love them. Its not me trust me," sabi nito sabay bukas ng pinto ng elevator. Hindi na muling nakapagsalita pa si Crystal at sumunod na kay Joseph na naunang bumaba.

Maliit lamang ang pasilyo sa palapag na iyon. Pagkababa mo ay matatanaw mo agad ang dalawang pinto na halos magkatapat.

"Dalawa lang ang bahay dito?" takang tanong ni Crystal. Habang nakasunod kay Joseph. Tumigil sila tapat ng pinto na may nakapaskil na Room 107.

"Oo. This is an exclusive condominium here in Philippines. Only an exclusive person can live here." Napamaang si Crystal sa sinabi nito.

'Ibig sabihin hindi pangkaraniwang tao ang boss nito?'

Muli ay nakaramdam siya ng kaba. Hinid maiwasang mapaisip kung sino iyon. Marami siyang mga kilalang sikat na personalidad at mayayaman pero hindi naman niya lahat iyon nakakausap. Sa tv lang niya nakikita lahat ng iyon. Merong pinindot si Joseph sa may pinto. Ngunit nakita na niya iyon sa mga pinapanood ni Mikaela na korean drama. Digitalized din iyon at ang kaibahan niyon ay meron itong maliit na scanner sa bandang itaas nito. Nasa hinuha ni Crystal ay para sa biometrics. Mukha rin itong lagayan ng telepono dahil sa hawakan nito na nagsisilbing doorknob. Tumunog iyon at bahagyang hinila ni Joseph ang handle kaya bumukas ang pinto. Ngunit muli niya itong isinara at saka may pinindot ulit. Pagkatapos ay tinawag siya nito.

"Put your thumb here." Tinuro ni Joseph ang isang maliit na scanner sa may ibabaw ng handle sa itaas ng mga numero.

Hindi maiwasang hindi mamangha ni Crystal sa nakita. Ipinatong niya ang kanang hinlalaki niya at muling tumunog ang device na iyon. Umilaw ang mga numero. Pinaiwas siya ni Joseph at muling may pinindot saka muling pinapatong ang kanyang daliri hinila nito ang doorknob at bumukas na ang pinto.

"You can enter here using your thumb. I removed the pin number." Tumango lamang siya rito. Binuksan na ni Joseph ng malaki ang pinto at pinauna siyang pumasok.

Maliit na pasilyo ang bumungad sa kanila. Agad ding bumukas ang ilaw doon. Sa kanang parte niyon ay may mga sabitan ng jacket. Sa kabila naman ay mga para sa susi. Dumeretso siya ng lakad at di maiwasang mamangha sa bumungad sa kanya.

Unang nakita niya ang dalawang upuan na kahoy na magkatabi. Katapat nito ang dingding na may malaking siwang sa gitna, kung saan ay matatanaw mo ang kusina. Katabi nito ang L-shaped na sofa na kulay dirty white at ang salamin na lamesang letter L din ang hugis. Sa dulo niyon ay mayroon ding maliit na malambot na upuan sofa na kakulay ng malaking sofa. Sa tapat nito ang malaking flat screen tv. Nakakabit ito sa dingding na naghaharang sa living room at kusina.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Sa ilalim ng Tv ay mayroong mga cabinet. Pwede patungan ang siwang na iyon at gawing mesa. Elevated iyon at mas mababa ang sa may parte sa sala. Ang kalahati n'on ay marmol na kulay itim na sobrang kinis. Sa kabilang dingding naman ay merong tatlong istante na pwede mo patungan ng kung ano. Sa ilalim ay mga cabinet na pwede mong paglagyan pa ng mga gamit.

Sa kisame naman ay merong tatlong mahahabang ilaw. Kapansin-pansin ang glass door na pahaba papuntang dining room. Sa likod ng sofa ay nabubuksan ang glass door papunta sa maliit na terrace. Kitang-kita ang mga nagtataasang ding establisyimento.

"I will leave you here. He's here." Naantala ang iinspeksyon ni Crystal sa loob ng bahay at napalingon kay Joseph na nasa may bukana lang ng sala.

"Akala ko ikaw yung mag-iexplain sa akin?" nagtatakang tanong niya dito. Umiling si Joseph.

"No. He decided it's much better kung siya na mismo ang magpapaliwanag sa 'yo. After all, he is the one who made the contract and the person who you will work for," paliwanag nito. Napalunok si Crystal. Hindi niya mawari kung bakit kahit wala siyang pawis at malamig naman sa loob ng silid ay parang pinagpapawisan siya. "N-Nasaan na siya?"

"He's on the parking. I will go there now and wait for us here," sagot nito at lumabas na ng kwarto.

Pagkaalis ni Joseph ay hindi maipaliwanag ni Crystal ang kanyang nararamdamang kaba. Gustong gusto niyang makilala ang misteryosong taong gusto siyang makuha. Ngunit ngayon ay parang gusto niya nang umuwi ng bahay nila. Alam niyang kapag makilala niya na ito ay wala nang bawian pa. Wala ng atrasan pa.

Pumihit si Crystal at binuksan ang pinto sa may terrace. Dumampi sa kanya ang maalinsangan na hangin na mula sa labas. Baliwala iyon dahil nanginginig na ang kamay niyang nanlalamig na sa kaba. Sunod-sunod na huminga ng malalim si Crystal para maibsan ang kabog ng kanyang dibdib.

"Ano bang nangyayari sa akin?" pagalit na tanong niya sa sarili. Ilang araw niya na pinag-isipan kung tama ba ang desisyon niyang tanggapin iyon. Buong loob niyang na pagdesisyonan na tatanggapin iyon. Para sa kanyang pamilya ay lahat gagawin niya, lalo na sa kanyang ina.

Pumikit si Crystal at marahas na nagbuga ng hangin.

"Andito na ako kailangan kong harapin 'to. Bahala na kung matandang hukluban pa iyon or whatever." Napangiwi siya at napatingin sa langit. "Lord H'wag naman po please."

Ni minsan mula noong nakilala niya si Joseph ay hindi niya naisip ang itsura ng boss nito. Ngayon lamang na sobrang lapit na nito sa kanya. Hindi niya maiwasang mag-imagine sa itsura nito.

"Para lang sa mayayamang mga tao ang lugar na ito. So ibig sabihin mayaman 'yon. Politiko? Hindi kaya isa sa mga senador?" Iniling ni Crystal ang kanyang ulo. "Imposible... Artista? Well, sana naman si Daniel Padilla na lang," natatawang sabi niya. "Pero sana nga 'wag namang matandang hukluban 'yon. Kawawa naman ang pagka-virgin ko."

Nasa ganoong isipan si Crystal noong marinig niya ang pagtunog ng lock ng pinto. Napalingon siya roon at hinintay ang mga dumating. Heto na naman ang dibdib niya na para bang mayroong mga kabayong nagkakarerahan. Napigil niya ang kanyang hininga nang sumulpot ang isang matangkad at maputing lalaki. Naka-bonnet ito at facemask. Bagamat nakasuot din ito ng sunglasses na hindi kita ang mga mata nito ay ramdam niyang nakatitig ito sa kanya. Nakasuot ito ng puting T-shirt at ripped jeans habang hawak nito ang itim niyang jacket. Nakabrown na boots din ito.

Nagdere-deretso ito papalapit sa kanya. Amoy na amoy niya ngayon ang mamahaling pabango nito. Naghubad ito ang facemask at tinanggal ang suot na sunglasses. Sinunod nito ang kanyang sumbrelo.

Naibuka niya ng kaunti ang kanyang bibig nang makita niya ang itsura nito. Hindi niya alam kung bakit maya't maya ang pagpigil niya ng kanyang hininga na tuluyan niyang napigil nang makalapit na ito at tumigil sa kanyang harapan. Nanliit siya sa tangkad nito. Ni hindi man lamang siya umabot sa balikat ng lalaki. Ngumiti ito sa kanya at naglahad ng kamay.

"Hi! I finally meet you. I'm Lee Hanuel."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report