THE LAST WOLF PRINCESS -
KABANATA 18
"Ano bang nangyayari sa iyo? May problema ka ba? Bakit nakita ko kanina---"
"Wala, kalimutan mo na ang nakita mo, basta mamaya kumain ka ng madami, uminom ka ng maraming gatas, at magpalakas ka sa paraang alam mo," sambit nito sa kanya.
"Alam mo, naninibago ako sa kabaitan mo? Hindi ba dapat ay gumagawa ka nang plano kung paano mo ako papatayin? Sabi nila, at sabi mo rin na ikaw lang ang makakapatay sa akin, bakit kabaliktaran pa yata ang ginagawa mo?" "Dahil ikaw ang mate ko, ang mate ay hindi maaring patayin ang mate niya. Sa ayaw at sa gusto nating pareho, itinali na tayo ng asul na buwan, at ang pag-aasul ng buwan ay tanda na tayo ay ipinag-isang dibdib na niya. Kaya maari na nating gawin ang b---"
"Tumigil ka na," sambit niya, sabay kalas sa pagkakayakap nito sa kanya.
Hindi pa rin niya makuhang maniwala sa mga pinagsasabi nito. Marahil ay natatakot siyang tuluyang aminin sa kanyang sarili na nahuhulog na rin ang loob niya sa binata. Umalis si Polina at muling tumungo sa kusina para ipaghanda sana ng makakain si Hyulle, nakikita kasi niyang pagod ang itsura nito at tila nanghihina na.
Hindi niya alam kung ano ang sanhi ng panghihina nito, naisip niyang marahil dahil iyon sa pakikipaglaban nito sa masamang halimaw na werewolf. Kaya naman nais niya itong pagsilbihan na lang bilang pambawi niya sa mga pagliligtas nito sa kanya. Muling napaupo si Hyulle sa sopa.
"Ano, ganyan na lang?" sambit bigla ng tinig ni Althea, naroon pala ito ngunit hindi nagpakita.
Nakasandal sa pader na nakaharap sa kanya, naka-cross arms pa at naiiling na nakatingin lang kay Hyulle. Lubos itong naaawa sa binata.
Alam niyang ang sanhi ng panghihina nito ay ang lubusang pagpipigil sa sarili na maangkin ang mate.
"Kanina ka pa pala riyan?" tanong ni Hyulle.
"Oo, at nasaksihan ko ang ginawa mo, kaunting yakap! Anu 'yon?"
"Tumahimik ka na lang," saway ng binata sa kababatang werewolf rin.
"Hyulle, alam nating dalawa na maari mong ikamatay ang ginagawa mo, unti-unti ka nang nanghihina, hindi pa ba niya tanggap na siya ang mate mo? Bakit kailangan may pakiusapang maganap?" tanong ni Althea. Nagagalit itong napatingin sa gawing pakusina."Magtigil ka! Wala kang pakialam sa 'min, hayaan mo lang siya," sambit muli ni Hyulle.
"Sige, pero ako na lang sisiping sa iyo," deretsang sambit ni Althea kay Hyulle.
"Ano? Naririnig mo bang sinasabi mo?"
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Bakit? Hindi ba ginagawa na nating iyon noon, noong iniligtas mo ako sa kamay ng mga kalabang bampira, noong kinailangan ko ng tulong, pakikipag siping lang naman ang paraan upang makapagsalin ng lakas ang tulad natin, alangan namang pabayaan kita?" giit naman ni Althea.
Mayamaya ay lumabas ang isang tagapagsilbing si Aling Selya. "Sir Hyulle, sabi po ni Senyorita Polina nakahanda na ang pagkain. Siya po ang nagluto para sa inyo." Sabay talikod nito, ngunit napalaki ang mga mata ng lumingon ito at nakitang nilapitan ni Althea si Hyulle at inalalayang lumakad patungo sa kusina.
Nauna na si Aling Selya sa loob ng dining area."Naku! Polina, nako, mukhang masasalisihan ka pa nung isang Senyorita Althea, ay nakayakap na kay Sir, habang papunta pa lang dito," sulsol na sambit ni Aling Selya.
"Hoy! Ano ka ba, napaka stismosa mo talaga, baka ka marinig ni Sir Hyulle, alam mo namang matalas ang pandinig no'n."
"Ayos lang ho iyong Manang Martha, totoo naman yatang may relasyon sila," sambit niya. Hindi niya maunawaan ang sarili, kahit pa sabihin niyang ayos lang ay tila may kumukurot naman sa puso niya. Tulak ba ng bibig ay kabig ng kanyang dibdib?
"Wow! Ang sasarap naman ng mga putahe, ikaw bang nagluto niyan Polina?" masiglang tanong ni Hyulle, matapos siyang maihatid ni Althea sa kinauupuan niya.
"Bakit po akay-akay ka pa ni Senyorita Althea?" magalang na tanong ni Manang Martha.
"Ah, natapilok po ako, a siya nga pala Manang Martha, mag-hire na po kayo ng isang hardinero at boy na mauutos-utusan niyo para sa mga mabibigat na gawain natin dito sa mansiyon," sambit nito sa katiwala. Tumango lamang si Manang Martha, habang siya ay palihim na tinatapunan nang tingin ang dalawa.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Magsisiping kami mamayang gabi," walang anu-ano ay sinabi ni Althea sa kanya. Gustong malaglag ng panga niya, at kamuntik na niyang mailuwa lahat ng pagkaing nasa bibig na niya. "Althea! Shup up," mahina ngunit may paninitang sambit ni Hyulle.
Napatingin siya sa dalawang katulong na naroon. Ngunit nakatingin lang ang mga ito na tila ba walang naririnig. "Hindi nila ako naririnig, tayong tatlo lang ang nagkakarinigan, mabuti nang malaman mo na ito, para naman hindi si Hyulle o ako ang sisihin mo," salita pa ni Althea.
"A-ano?" wala pa ring maunawaan na sambit ni Polina sa mga sinasabi nito sa kanya.
Ang nauunawaan lang niya ay ang mga salitang magsisiping sila. "Oo, magsisiping, bagay na ikaw dapat ang gumagawa sa kanya, alam mo bang p'wedeng ikamatay ni Hyulle ang ginagawa mong paninikis sa kanya?" "Ano, hindi kita maunawaan," sabi lang niya na nagpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa.
"Okay, ipapaunawa ko sa iyo, bilang mate, kinakailangan ng lalaking werewolf na makipag siping sa babaeng werewolf na mate niya, tungkulin niyong gawin iyon, upang maging lubusan ang inyong pag-iisa, ngunit kung nag-iinarte ka, mauubos ang lakas niya sa pagpipigil ng kanyang sarili sa pagnanasang nararamdaman ng katawan niya dahil sa ayaw mong pumayag, maari ka niyang pwersahin, pero hindi niya ginagawa, kaya tuloy siya ang nahihirapan, maari niyang ikamatay ang bagay na iyan."
Napatulala siya, napatingin sa lalaking pilit niyang itinataboy, ngunit pilit pa rin siyang prinoprotektahan. Kahit pala ikamatay nito, hindi pa rin siya nito pipilitin. "Kaya ko siya sisipingan upang mapanauli ang lakas niya, pero hindi sasapat iyon dahil ang mate lang niya ang makakapag pawala ng kanyang pagnanasa, babalik lang ng lubusan ang lakas niya kung ikaw mismo ang sisiping sa kanya."
"H-hindi ko k-kaya---" nauutal niyang sagot. Napayuko siya, napakuyom ang mga palad niya sa palda ng suot niyang bistida.
"Kung ganon, huwag mong asahang babalik muli ang lakas niyong pareho, kapag sinalakay ka ng masasamang werewolf, pipigilan ko si Hyulle na ipagtanggol ka, baka tuluyan na siyang mamatay kapag ginagawa niya iyon," galit na sambit ni Althea. Saka pa lang nila itinuloy ang kanilang pagkain. At ang lahat ay nagbalik sa paligid, na walang nalalaman.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report