THE LAST WOLF PRINCESS -
KABANATA 20
Sa isang iglap ay nagawa nga niyang maglaho, kaya lang ay hindi niya alam kung nasaang lugar siya ngayon, anong lugar ba iyon? Nakarinig siya ng lagaslas ng tubig, kaya naman hinanap niya iyon at pinuntahan. Nasa isang gubat pala siya na may talon. Nakaramdam siya na nang init sa kanyang katawan kaya naman walang anu-anong lumusong siya sa ilog kung saan may bumabagsak na tubig mula sa itaas ng bundok at ang lugar ay tila nababalutan ng makakapal na hamog. Nang makalusong na roon ay naramdaman niya ang lamig sa kanyang katawan, at nayakap niya ang sarili. Doon ay muling nanariwa sa kanyang isipan ang mga alaala nang naganap kanina. Nagawa na niyang maglaho, kagaya nila. Si Hyule ay naglalaho rin kapag gusto niya, "Pero bakit hindi siya naglaho? Bakit hindi naglaho habang inaakit siya ng babaeng iyon?" naghihinanakit na tanong niya sa kanyang sarili.
"Anong ginawa mo?" nanlaki pa ang maliliit niyang mga mata nang marinig ang tinig ni Althea, mula sa kanyang likuran.
"P-Paano mo akong nasundan rito?"
"Naamoy kita, at isa pa hindi mo kontrolado ang kapangyarihan mo, kaya alam namin na dito ka dadalin ng paglalaho mo," sagot nito sa kanya na may himig nang inis.
"And so? Bakit nagagalit ka ba dahil nabitin ka? Nasira ko kasi ang barier mo, ganon?" sarkastiko niyang tanong kay Althea.
"Pwede ba? Huwag nga ako ang gawin mong kontrabida rito?" bulyaw nito sa kanya.
"May sinabi ako?"
"Sa ginawa mo ano sa tingin mo ang idinulot no'n kay Hyulle?" natulala naman siya sa tanong nito. Hindi niya alam ang isasagot niya sa dalaga. Hindi niya alam kung ano nga bang naidulot no'n kay Hyulle.
Ang iniisip niya lang ay naidulot no'n sa kanyang damdamin."Hindi ka makasagot? Wala ka kasing alam, puro kakitiran kasi ng utak ang pinapagana mo, p'wede ba, hubarin mo na ang ugaling tao? Hindi ka nalang tao ngayon! Ano to, drama sa T. V na kapag nakita ng asawa na may kasiping na ibang babae o lalaki ang kapareha nila ay magwawala o magagalit," napabuga ito ng hangin.
"Ano ba kasing ibig mong sabihin? Isa akong tao, kalahating tao! Sa mundong ito ako lumaki, natural na may mga kilos at gawi ako na gaya ng isang tao, at may kultura pa rin ako ng sa tao, at dahil tao ako nasasaktan ako, kapag nakikita ko ang mahal ko sa piling ng iba," sasabi niya.
Dala ng bugso ng kanyang damdamin. Mabilis niyang naitakip ang kanyang isang palad sa kanyang bibig. "So inaamin mo na nga? Na may pagtingin ka rin kay Hyulle?" napahukipkip pa ito at timingin sa kanya ng deretso. "Kung ganoon, unawain mo, iba ang pagiging werewolf, at iba ang pagiging tao? Mamili ka, kung magiging tao ka, isuko mo ang pagiging were wolf mo, at iwan mo na si Hyulle.
Mamatay lang siya kapag hindi ka umalis sa tabi niya. Hindi mo ba kayang gampanan ang pagiging mate sa kanya, umalis ka na lang, hindi ko rin alam ngunit sa tingin ko, hinihigop mo lang ang kapangyarihan ni Hyulle, at dahil ayaw mong makipagsiping sa kanya, hindi mo maibabalik iyon, pero hanggat narito ka sa tabi niya makukuha mo ang kapangyarihan niya ng hindi mo nalalaman, mapapahamak siya," paliwanag ni Althea. "Ano?"
"Oo, hindi mo ba napansin? O talagang manhid ka, naganap ang lahat ng malaman niyang ikaw ang mate niya, pero dahil ayaw mong maniwala, at mahina ang kapangyarihan mo, nakukuha mo ang kanya, at ibinibigay naman niya iyon sa iyo, sa tingin mo mapapatay ka niya kung mahina na siya, kaya ako na ang naatasang gawin ang trabaho niya!" naglabas si Althea ng isang kakaibang punyal.
Isang punyal na gawa pa sa mahiwagang mundo, galing sa other world. Pinagtulungang likhain ng mga natitirang black elder werewolf.
"Anong-I-ibig mong sabihin...." natitigilang sambit niya rito. Habang nasa tubig pa rin siya. Nagsimulang lumakad si Althea, palapit sa kanya, hawak nito ang isang punyal, may katas iyon ng makapangyarihang halaman, at basbas ng mga werewolf Elder.
"Patawad! Pero kailangan kitang patayin! Bago mo pa maisipang ibigay ang sarili mo kay Hyulle! Kapag ginawa mo iyon, makakamit mo ang kumpletong kapangyarihan mo, at ang misyon ko ngayon ay pigilan iyon! Humanda ka!" sigaw nito. Mabilis siyang nilusob. Alam niyang kapag nasugatan o nasaksak siya ng punyal na hawak nito ay iyon na ang katapusan niya! Mabilis niyang nahawakan ang kamay nito ng dalawa niyang kamay.
Nakaamba ang punyal sa kanyang leeg, at nagtatagisan sila ng lakas. Mabuti na lang at nagpalakas siya ng pisikal na katawan, kaya kahit papaano ay nagagamit niya ito.
"Huwag ka nang magtangkang tumakas! At huwag mong iisiping darating si Hyulle, binigyan ko siya ng lakas, kaya ngayon tiyak na nagpapahinga iyon, upang makumpleto niya iyon, kaya hindi ka niya maririnig!"
"Wala akong pakialam! Basta alam kong hindi mo ako mapapatay! Sabi ni Hyulle, siya lang ang pwedeng pumatay sa akin!" sigaw niya.
"A, talaga? Ngyong alam mo nang hindi niya iyon magagawa pa, malakas na ang loob mo?" Napangisi ito, at humanda ng isang pang paglusob.
Ngunit mabilis naman si Polina, nasipa niya ito at natumba sa ilog, mabilis siyang nakaahon, at dahil nga sa abilidad niya sa pagtakbo, ay mabilis niyang natakasan si Althea, ngunit iba rin ang lakas at kapangyarihan nito.
Hindi man lang siya nakalayo sa dalaga. Nagulat siya dahil nasa harapan na niya ito, hinarabas siya ng hawak nitong punyal, nadaplisan siya sa kanyang tiyan. Dahil doon ay sumilay ang dugo niya.
Ang dugo niya na may kakaibang halimuyak! Kakaibang amoy na hindi kayang tanggihan ng iba't ibang klaseng nilalang. "Kakaiba ang amoy ng iyong dugo!" halos makaramdam ng sampung beses na lakas si Althea, nang malanghap niya ang dugo ni Polina ay nagdulot iyon ng mas matinding hangarin para kay Althea na paslangin na siya ng tuluyan.
"A! Anong nangyayari? Bakit hindi mabilis na naghihilom ang sugat ko?" sambit niya habang nahawakan ang kanyang tyan na nadaplisan ng dulo ng punyal na hawak ni Althea. Nakita pa niyang dinilaan ni Althea ang dugo niya at nagdulot iyon ng ibayong lakas sa dalagang werewolf.
"Nakapagtatakang lumalakas ang sinumang naiibang nilalang sa amoy at sa lasa ng iyong dugo, pero mahina ang iyong kapangyarihan!" humanda naman itong lusubin siya gamit ang mahiwagang punyal na iyon, na nilikha para patayin siya. Ngunit ng aktong susugod uli ito at hindi na niya makakayang tumakbo dahil sa sugat niya, masasaksak na sana siya ni Althea! Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata ng mariin at inihanda ang kanyang sarili sa pagtarak sa kanya ng punyal na iyon, mula kay Althea.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report