The Mysterious Slave
CHAPTER 34: Goodbye

CHLOE

"saan ba tayo pupunta?" tanong ko..

" gaga! Ngayon alis ni zayn, kailangan niyang malaman ung tungkol diyan" sabi niyni

"balita ko, mag tatagal siya doon" sabi niya pa.

Pinapamadali niya ung taxi hanggang makarating kami sa airport, mabilis kaming pumasok at hinanap si zayn.

"teka tatawagan ko si freed"habang busy siya sa phone niya, ako naman ay napapalingon lingon at nag babasakali na makita si zayn.

"dito ako, diyan ka" sabi ni eella, humiwalay na siya habang hawak parin ung phone niya, ako naman ay nag hanap na din.

Halos malibot ko n ung part dito, babalik na ako ng makita ko sa sulok si zayn na may kausap. Lumapit ako at tinignan kung sino ang kausap, isang babae. kumirot ang puso ko sabay hawak sa tiyan ko, naka titig lang ako ng napansin niya ako. Tumaalikod ako at pinunasan ung luha ko, aalis na sana ako ng sakto naman na dumating si ella at sila freed at kaye.

anong meron?"tanong niya.

"si chloe may sasabihin" sabi ni ella, naka tingin ako sakanila.

"ano iyon?" tanong niya habang nakatalikod ako.

66

Hinarap ko siya at tinignan, lumapit naman ung babae at kumalawit sa braso ni zayn. Sasabihin ko ba? O hahayaan ko na lang siya? Uulitin ko ba uli ung ginawa ko noon?? Hindi ko alam ang sasabihin ko.

chloe, sige na" rinig kong sabi ni eella tinignan ko uli si zayn at sinunod ung bbabae

"ahm----" napa lunok ako.

"mm?" sagot ni zayn, mag sasalita na ako ng biglang nag salita ung airport na mag handa na daw ang flight bla bla bla. "make it fast, aalis na ako" sabi niya.

"ahm have a safe flight" utal kong sabi at ngumiti ng tipid.

"thank you, mauuna na ako" sabi niya nag lakad na siya at ung pag lakad niya parang slow motion pa, tumulo na ang luha ko.

Ito nanaman kasi ako, hahayaan ko na lang uli siyang lumayo saakin. Napayuko ako at naiinis kasi dapat lang na sabihin ko ito. " zayn!!!" sigaw kko

"buntis ako" mahina kong sabi, nakalayo na pala siya.

"hindi niya narinig chloe" malungkot na sabi ni ella.

"naduwag nanaman ako" iyak kong sabi, nilapitan ako ni ella at niyakap.

" hinayaan ko nanaman siyang lumayo saakin, dinamay ko pa ung anak namin" iyak kong sabi.

"next time, wag kang mag dalawang isip na sabihin kung ano ang nararamdaman mo❞ napa tigil ako at ini angat tingin, si zayn. "zayn...." Lumapit siya saakin.

"buntis ka??" tumango ako, pinunasan niya ung luha ko

"bakit ka umiiyak?? Dapat sinabi mo agad saakin" sagot niya,

"may kasama ka ih, nag dalawang isip pa ako" ngumiti siya

" tsk! Kahit sino pa yang kasama ko kung ikaw lang ang mahal ko ay walang silbi iyon, alam mo namang ang taong mahal mo ay napaka gwapo at lapitin ng babae" pinunasan niya uli ang luha ko "tahan na, masama yan sa buntis" sabi niya

Tumango ako at pinalo siya tsaka itinulak ng bahagya, kumunot ang noo niya na naka tingin saakin.

"dapat di ka nag papahawak ng ganun" napa ngiti siya.

"lika nga" niyakap niya ako, napaiyak nanaman ako. Ang higoit ng yakap niya saakin, niyakap ko naman siya

66

'say the word" bulong niya.

"I love you" mahina kong sabi

"that's my girl, I love you too❞ hinalikan niya ako sa noo, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Hindi ko alam kung tama ba narinig ko pero napaka saya ko sa narinig ko, akala ko matatapos na kami ng ganun pero hindi pa pala. " tara na uwi na tayo"kumalas agad ako.

ZAYN

"ha??"

"ahEm baka nakakalimutan niyo meron kami dito ah, iho at iha baka naman pwedeng mag usap tayo ng nasa maayos na lugar hindi dito" sabi ni freed.

" tsk! Bakit ba kasi kayo andito" sabi ni zayn.

"aba,, oy zayn hindi porke okay na kayo ay okay na ang lahat lahat, dapat maging klaro ang pagitan sainyo ah. Saka natin pag usapan ung kasal" sabi niya pa. "inunahan mo pa talaga ako" sabi ni zayn, napa ngiti si freed..

Umalis na nga kami sa airport at pumunta na mismong bahay ko, pinasundo ko na din ang magulang ni chloe para mag usap usap na hanag maliit pa ang tiyan ni chloe. Malinaw naman saamin ni chloe ang lahat na kalimutan ang nakaraan at mag focus sa kung ano kami ngayon.

Dapat lang na bigyan namin ng chance ang nararamdaman namin at para narin sa anak namin. Sigurado akong ako ang ama dahil ako lang naman ang nakaani sakanya, maski di kami nagkikita ay inaalam ko parin ang bawat galaw niya kaya sigurado akong walang nakasalisi.

Dumating na ang magulang ni chloe at unang una ay humingi ako ng paumanhin at tinanggap nila ito, sunod ay nna usap kami tungkol muna saamin nila chloe bago namin dinagdag ang bata. Mas okay na maging malinaw sakanila ung tungkol saamin ni chloe.

Naging maayos ang pag uusap namin, madaming tanong at hindi ako nagdalawang isip na sagutin ito. Sinigurado ko na mahal na mahal ko ang anak nila na ni isang beses ay hindi ko binalak na palitan siya sa puso ko dahil alam kong walang hihigit sakanya

Masaya din ako na tanggap nila ako maski na sinabi namin ung nakaraan, na kay chloe parin daw ang sagot pero kung sila ang tatanungin ay okay parin ako ssakanila. Ngayong malinaw na ang lahat, pinag usapan na namin ang kasal Kung palalabasin muna ung bata bago ang kasal o kasal na habang maliit pa ang tiyan, nag desisyon kami na tapusin muna ang pag bubuntis ni chloe para hindi na din muna siya ma stress lalo pat una namin ito.

Mas makaka pag focus muna kami sa baby para pag lumabas ay madali na lang dahil wala ng iba pang iisipin dahil lumabas naman na ang anak namin.

Gabi ng pinahatid ko ang magulang ni chloe at umuwi na din ung iba, kami na lang ni chloe ang natira, nakiusap ako naa dito na si chloe para mabantayan ko. "ano gusto mo?" tanong ko.

"wala, okay ako" sagot niya, ipinaharap ko siya saakin.

"masaya ka ba??" tumango siya.

"akala ko huli na talaga para saatin" ngumiti ako.

"walang ending saatin dahil maski lumayo ako ay babalik parin ako sayo, sabi ko nga walang ibang papalit sayo kundi ikaw lang. ikaw lang at wala ng iba pa para sa puso ko, okay?? Kaya wag mag selos ha?" tumango siya at niyakap ako. Lumipas ang buwan ay paganda ng paganda ang samahan namin ni chloe hanggang lumabas ang baby boy ko, maayos parin kaming dalawa kahit napaka matampuhin ni chloe. Natatawa na lang ako dahil mayat maya mag babati din kami. Salamat at dumating siya sa buhay ko dahil kung hindi, malamang andon parin ako sa empire ginagamot ang sarili ko. Salamat at dumating siya ay ginamot niya ang buhay ko, hindi ako magsasawang mahalin siya maski na topakin siya. Salamat chloe for being my slave!

THE END

YOUR AUTHOR: D. R. S. R

THANK YOU SO MUCH!

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report