The Mysterious Slave -
CHAPTER 9: Friend
CHLOE
nag extend daw si ella sabi ni freed, mukhang may nangyari na sakanila ng boss niya. Sabagay saamin nga meron pero hindi sa tulad ng iniisip ko, para akong pinaparusahan sa inuutos niya.
Tinignan ko ung oras, uwi na ako kasi may exam pa ako bukas. Mag rereview pa ako saglit, nag lakad na ako ng napa hinto ako. Naka yuko kasi akong nag lalakad ng may makita akong naka tayo sa hara ko. "hatid na kita" sabi niya, tinitigan ko siya. Isa ba siya sa boss dito o may ari siya ng empire, lagi kasi siya dito at laging kausap ni freed.
"dali na, utos ni freed" lumabas na siya kaya sumunod ako, pumunta na kami sa may sasakyan at pinag buksan niya ako. Sumakay naman ako ng siya naman sumunod na sumakay, tahimik lang ako.
Napaka tahimik ng biyahe namin, nilingon ko siya na busy sa pag mmamaneho nag tra-trabaho kaya siya sa may empire o siya ang may ari?? Balita ko kasi hindi lang babae ang binabayaran ngayon kundi pati lalaki pero sabi ay sa kabilang building kaya bakit siya nasa building namin.
66
may ari ka ng empire??" basag ko.
"hmm?" nilingon ako saglit...
"lagi ka kasi sa empire, isa ka ba sa boss o ikaw ang may ari??" tanong ko.
"ano sa tingin mo??" tanong niya.
66
nag tra-trabaho ka, tulad ko" sagot ko, tumango tango siya.
"yeah, isa ako sa nag tra-trabaho. May kasama ako, kung naalala mo ung isa na kasa-kasama ko" sabi niya.
"kasama mo siyang nag tra-trabaho din? Matagal na ba kayo kasi may sasakyan kana" sabi ko, tumango uli siya.
"hmm, matagal na kami kaya pansin mo magkakakilala na kami nila freed at kung maka pag usap ay parang barkada na lang" sagot niya.
"kaya pala pero bakit lagi ka sa building namin, sa kabila ang building ng mga lalaki diba?" tanong ko.
"may daanan kasi doon na shortcut at mas malapit pag doon ako doon ako sa building niyo dadaan kasi nga sa harap naka park ang sasakyan ko" sagot niya, tumango ako at hindi na nag tanong baka kasi sabihin niya masyado akong pala tanong.
"
ang bata mo para pumasok sa trabahong ito, pinag isipan mo bang mabuti?" kumunot ang noo ko,
"paano mo nalaman na bata pa ako?" tanong ko
"nakita namin kayo sa school niyo diba?? So it means nasa 18 ka pa lang or 19 mga ganun kasi hindi kayo tatangapin ni freed kung under age kayo" sabi niya.
"kailangan namin, mahirap ang buhay namin kaya kailangan naming gawin ito" sagot ko.
" uh uh, mali ka. Pinili niyo ang mabilis na pamaraan kaysa sa pahirapang perA, lahat ay may paraan at kasagutan. Nasa tao na lang kung anong pipiliing paraan kung paano susolusyonan, either sa madali o sa mahirap" sabi niya, tama nga naman siya pero kasi naka depende din sa pangangailangan. Kung kailangan na kailangan pupunta ka sa mabilisan pero kung hindi naman masyadong kailangan ay pupunta ka sa pahirapang pera.
Ang tao kasi kapag naiisip na mas malaki ang kita at hindi naman nakakaapak ng tao tsaka ung sarili lang naman niya ang nasisira bakit hindi diba?? Bakit hindi iyon ang piliin diba.
"sabagay, tama ka" sabi ko na lang at nanahimik na kaming ddalawa, naihatid niya na ako.
"salamat uli sa pag hatid.
" no worries" bumaba na ako at hinintay siyang umalis bago ako pumasok sa bahay, sakto naman na kakauwi lang din ni mama.
"saan ka galing ma??" tanong ko
" ano pa ba sa trabaho" sagot niya, pumasok na kami at naabutan namin si papa na busy sa kakaayos ng paninda niya.
"dito na pala kayo, kain na ba kayo?? Ipaghahain ko lang kayo" umalis agad si papa at pumunta sa kusina, tinignan ko si mama na pagod na pagod at teka bakit basa ang buhok niya "basa kayo ng pawis" sabi ko, hinawakan niya ang buhok niya.
" ah oo, kagagaling ko nga sa trabaho diba" may kakaiba kay mama, hindi naman siya ganito sumagot pero ngayon ay kakaiba na.
"kain na kayo" sabi ni papa, tumayo na kami at kumain na.
Tahimik lang ako na kumakain ng umupo si papa sa at may binibilang na pera tsaka iniabot kay mama, tinignan ko si mama na hindi pinansin aag bigay ni papa.
"bukas dodoblehin ko iyan kaya hindi mo na kailangan pang mag trabaho hanggang ganitong oras' sabi ni papa kay mama, tumiil siya sa pagkain at tinignan si papa.
" tingin mo sapat na iyan?" sagot ni mama, nag tinginan kami ni papa.
"dodoblehin ko bukas, kanina kasi nag kulang ang benta ko kaya ngayon dinamihan ko para---"
"kulang parin" sabi ni mama, hindi na nakaimik si papa at parang nasaktan sa sinabi ni mama.
"tama po si papa, wag na kayong mag over time kasi baka kayo naman ang magkasakit at mas malaki ang gagastusin natin. Sa kita naman ni papa, mukhang kaya naman niyang bayaran lahat----”
" ganito na lang?? makukuntento na lang tayo sa isang kayod at isang tuka??? Wala ba kayong pangarap sa buhay na makaahon sa hirap??" sabi niya.
" meron pero iniisp lang namin ung kalusugan mo dahil napapa sobra kana, ganun din kay chloe kaya kapag malaki na kita ko balak ko siyang patigilin na sa trabaho niya at mag patayo na lang tayo ng maliit na kainan, pag iyon nag tagal----" "mag hihintay nanaman tayo? Ganun din lang mag papakagod tayo kaya nga nag tra-trabaho na ako para makaipon agad tayo hindi ung andami pa nating gagawin para lang makaahon!" kumunot ang noo ko sa pagtaas ng boses ni mama, may mali talaga sakanya.
Tumayo si mama at iniwan kami, napa buga na lang si papa sa sinabi ni mama,
"mukhang nagsasawa na ang mama mo sa buhay natin" malungkot na sabi ni papa.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report