The Perfect Bad Boy
Chapter 12 Paper Bag

"You're now my master, and I'm now your slave, and we're not meant to be friends." "You're now my master, and I'm now your slave, and we're not meant to be friends." "You're now my master, and I'm now your slave, and we're not meant to be friends." Takte! ilang araw na simula nung sinabi niya yun feeling ko kahapon lang. Baket ba ganito? "Ms. Trinidad!!"

"Ay jusme, Trinidad! S-sir ako po ba?" mukhang tangang sagot ko. Nagulat naman kase ako sa biglaang pagtawag niya. Halos lumubog ako sa kahihiyan nang nagtawanan ang mga kaklase ko. Si Mr. Acosta naman ay nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo.

"Meron pa bang Trinidad dito?" ramdam na ramdam ko ang pagkairita sa boses niya. "Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka jan. Can you share us your thoughts?"

Medyo nahiya naman ako. Buong buhay ko ngaun lang ako napahiya nang ganito. I mean nang isang guro. Ano ba naman kase ang nangyayari sa sarili ko?

"Sir, baka she's thinking about the pageant. Syempre ako kalaban niya." singit ni Kristele sabay flip niya nang buhok. Yung pag dedaydream ko kay Glen nawala bigla. Tapos natawa pa siya. Oo, gusto kong sabihin na iniisip ko siya. Iniisip ko paano ko siya sasakalin sa kaartehan niya. Agad umiling ang prof namen na halata ang pagkadismaya. Mabilis akong umupo at inalis ang mga naiisip ko sa utak ko. Itinuon ko ulet ang atensyon ko sa klase.

Nang matapos ang klase ay lunch na. Nagsimula nang maglabasan ang iba. Ako naman ay naisipan lumabas nalang sa tapat. Medyo nagtitipid din ako para kahit papaano ay may madagdag ako sa contest at may maiabot ako kay nanay. Pagkababa ko sa may field ay nakita ko si Trixie na mag-isa. So ayun kusa nalang lumakad yung mga paa ko papalapit sa kanya.

"Trixie.."bungad ko. Napa angat naman siya nang tingin sa akin. Nung una ay parang nagulat siya pero kalaunan ay medyo nagtubig na ang mga mata niya.

"Ju-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla nalang dumating sila Kristele.

"Trixie!"sigaw niya. Nakita ko kung paano umirap sa hangin si Trixie at nag simulang maglakad patungo kila Kristele. Medyo huminto pa nga siya ay tumingin ulet sa akin. Tapos noon ay sumama na kila Kristele. Bigla nalang akong natahimik. Ang weird kase ni Trixie, alam ko may gusto siya sabihin sa akin, I know Trixie. Konting galaw lang niya alam ko na nararamdaman niya. Bakit ngaun ay hindi ko siya mabasa? Nagkibit balikat nalang ako tsaka nagsimula ulet maglakad. "Julia Samantha Trinidad!" napahinto ako saglit nang may tumawag sa akin. Dalawang studyante na lalake na hindi ko alam kung saan department. Pero ang gwapo nila.

"Here.."sabi nung isang lalake na maputi tas medyo singkit. Napakunot naman ang noo ko dahil doon. May binibigay kase sila saken na paper bag, eh hindi ko naman alam kung ano yun at para saan. Nahalata siguro nila kase nakatitig lang ako. Medyo hingal pa kase sila galing sa pagtakbo.

"Para saan yan?"tanong ko sa kanila tas nagsimula ulet ako maglakad.

"Wait lang Julia, can you just stop? hingal pa kame." sagot naman nung isa kaya huminto ako.

"Seyo talaga yan. Pinabibigay ni Glen." Pinabibigay? eh nasan ba siya? hindi na naman pumasok. Hindi ko naman kase siya tinetext kase ayoko. Tsaka hindi naman siya nag tetext nang iba maliban sa good morning at good night. So hindi ko alam ang nangyayari at kung baket lage siyang wala. Gusto ko sanang tanungin kung nasan si Glen kaso baka kung ano isipin nung dalawa na ito. Tinanggap ko nalang tsaka ako nagpasalamat.

Tumigil nalang ako sa ilalim nang puno dion sa may field. Pag kaupo ko agad kong binuksan yung paper bag. Isa! dalawa! tatlo! Booooom. Ayon nagulat ako at napalunok dun sa nakita ko ang daming pagkaen may burger may sundae tas may kung ano-ano. Ano ba akala saken ni Silverio patay gutom? Pero wag kayo nakahinga ako nang maayos dahil dito. Alam niyo naman ang pinagdaanan ko sa paper bag na galing kay Glen diba! Delubyo. Taposn sa loob nang paper bag may note.

To my master..

Eat.

-Glen.

Grabe ang haba ano? gusto kong matawa na iimagine ko kase kung kaharap ko siya for sure nakakunot ang noo nin. Tsaka my master, tapos sabay utos eat? Naku alam na alam ko. Hindi talaga mawawala ang pagka dominante niya sa katawan. Nabitin tuloy yung kilig ko. Did I say kilig? omg Julia. Shut up!

After noong lunch umatend ako nang rehearsal. Nung natapos yun babalik ulet ako sa shop. Saglit lang kase ko kanina eh tutal wala na akong gagawin.

"Ui Julia, buti bumalik ka?" Salubong saken ni Athena. Ako naman ay iniaayos ang apron ko at cap para sumabak ulet sa trabaho.

"Oo, sayang din kase ang sweldo."sagot ko. Alas tres palang naman kase ngaun nang hapon. Sayang ang oras wala na din naman ako gagawin sa bahay.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Nako tara muna may papakita ako seyo." nang gigigle pa siya habang hinihula ako. Napatingin agad tuloy ako para kasing timang si Athena, medyo kinikilig pa.

"Tadaaaaaa!" medyo napakunot ang noo ko kase pag pasok namen sa office ni Dom, which is bawal eh nalaglag ang panga ko sa dami nang paper bag. Puro branded clothes at meron din paper bag for shoes and make ups. Pag lingon ko kay Athena bahagya akong natawa kase nakalalag yung panga niya.

"Hoi Julia, babae kaba? wala ka manlang reaksyon?" Gulat na gulat si Athena. Eh ano ba gusto niya maging reaksyon ko? eh masasaktan lang naman ang loob ko. Hindi naman para sa akin yun e, so baket pa ko mag aaksaya nang feelings para duon.

"Ui baka mahuli tayo ni, Dom."pag iba ko nang usapan. Ayun lalong nagulat si Athena sa sagot ko.

"My goodness! sana akin nalang lahat nang ito." napapailing na sagot niya.

"Baket? kanino ba iyan?" sagot ko sa kanya. Ang dami talagang paper bags as in.

"Baka kay Dom?-- Syempre, seyo, luka!" natatawang sabi niya. Ako naman biglang nagulat.

"Sa akin? eh kung pahulugan yan Athena, wag nalang wala-" tapos pinutol niya sasabihin ko. Tsaka siya tumawa nang malakas.

"Hoi, ano akala mo sa akin, bumbay? luka! dineliver kanina yan tapos seyo nakapangalan."

"Kanino galing?" sagot ko.

"I dunno. Kaya nga hinintay kita eh. Excited na ako."

Dion ako nag simulang lumapit sa kanya. Tapos sinubukan kong tignan yung isang paper bag. Halos malaglag pa nga ito kase naman may isang gown na mas mahal pa sa sweldo ko.

"Omg! Julia, this is fab.." nakangiti si Athena tas kinuha yung gown. Actually, ang ganda talaga nung gown. Nabaling yung tingin ko sa isang paper bag na kakaiba sa lahat. Agad ko iyon binuksan then halos manlake ang mata ko sa nakita ko. Pandora bracelet. Grabe ang ganda niya. Tapos may note doon.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñel5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

To my master.

Seyo yan!

Glen.

"Kanino galing?" Excited na tanong ni Athena. Hindi agad kase ako sumagot dahil ako mismo hindi makapaniwala. Tsaka ang dami nito. Parang set nga para sa contest sobra sobra pa.

"Hui! Julia, anu na?"natauhan ako nang nagsalita ulit si Athena. Huminga muna ako nang malalalim bago bumaling sa kanya.

"Kay, Glen." simpleng sagot ko pero halos mabingi ako sa lakas nang tili ni Athena.

"Omg, Julia! kahit hindi na kita pahiramin sa contest may magagamit kana at sobra sobra pa." Sabay halungkat niya sa mga paper bag.

Hindi ko matatanggap ito. Kahit ano pa mangyari, ayoko. Baket ba ako binibigyan ni Glen nang ganito? Ayoko nito. Nagulat kami ni Athena nang biglang may tumunog sa isang sulok sa kumpol nang paper bags. Napatakip nang bibig si Athena nang makita namen ang isang paper bag na may disenyo na hugis mansanas.

Agad ko iyon dinampot at habol hininga ko itong binuksan. Agaran kong dinampot ang isang magarang telepono.

"Hello?" mahinang sambit ko. "Sino to?" pahabol ko. Narinig ko ang bahagyang pagtawa sa kabilang linya.

"Have you receive the paper bags, my master?" Agad agad nagtambulan ang kaba sa dibdib ko. Ni hindi nga ako makahanap nang salita.

"Hindi ko iyon matatanggap, Glen." Mahinahon ang pagkakasabi ko pero dama ko ang pagtikhim niya.

"Take that all or else I'll punish you." Napakunot ang noo ko dahil duon parang bata akong tumango kahit hindi naman niya nakikita.

"And that phone is yours! Wag ka nang magreklamo. Gusto ko ikaw ang pinakamaganda pag dating nang contest, ayokong madehado ang master ko."

Oh, God! This is crazy, right?

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report