The Perfect Bad Boy
Chapter 30 Pathetic

Hindi na ako pumunta sa birthday ni Glen. What's the point? I'm not even invited. About his post? I can't understand him. Kung may mali akong nagawa, sana naman sabihin nalang niya. Hindi naman ako manghuhula. Tsaka, alam ko naman na ala akong ginawa. Problema niya?

"Nay, alis na po ako." Nagmano ako kay nanay at dumiretso palabas. May shift ako ngaun sa shop ni Dom. Mamaya pa kasi ang klase ko. Pinipilit kong alisin si Glen sa sistema ko. Mahirap, pero nakakaya ko.

Nang makarating ako sa shop ay nakita ko si Athena mula sa labas. Unlike nung mga nakaraan araw ay mukhang ok na siya ngaun. Nung papasok na ako ay napaiwas pa ako ng tingin ng halikan ni Dom si Athena sa noo. "Hello," alanganin bati ko. Mali yata ang timing ko.

"Oh, aga mo, Julia." Nanibago ako kay Dom. Ang seryoso kasi niya. Hindi naman siya ganyan. "Ala naman kasi akong klase kaya pumasok nalang ako." Umiwas ako ng tingin at nagdiretso sa locker.

"Okay, kana ba?" Hindi ko namalayan na nakasunod na pala sa akin si Athena.

Ngumiti ako ng tipid at pinusod ang buhok ko. "Not really, kailangan, e."

"Maayos din yan, Julia." Tinapik niya ang balikat ko. Lumabas nalang ako ng locker room ng walang tinitignan. Everybody seems weird.

Nang pumwesto ako sa counter ay nag log in ako ng name ko sa computer. Nang okay na ang lahat ay pumangalumbaba ako. Paminsan minsan ay sinisilip ko din ang cellphone ko. Oo, nag babakasakali pa din ako. Nabuhay ang katawan lupa ko ng namataan ko ang grupo nila Kristele na papasok. Napaayos ako agad ng tayo. Kapag sinuswerte ka nga naman!

"Hindi pa din ako makarecover ng isayaw ako ni Glen.." Salita ni Kristele. Inaasar ba nila ako? Bingi ba sila? Kailan malakas talaga ang pagkakasabi? Wag nila akong sagarin ngaun, please.. I'm on a bitch mode right now. Tsaka isang linggo na simula ng birthday ni Glen, hindi pa din siya makarecover? Grabe talaga!

"Julia, nandito ka pala?" Ngumisi si Kristele at lumapit pa sa akin. Ang sarap sakalin! Talaga bang isinayaw siya ni Glen? Uuurggggh! Bakit kailangan ko pa yun malaman? Nasasaktan na nga ako ngaun lalo pang pinapasakit.. "Hindi Kristele, doppelganger lang ako ni, Julia." Sarkastikong sabi ko. "Pppffff--" halatang halata sa mga alipores niya ang pagpipigil ng tawa.

Umirap si Kristele."Whatever! I don't want to ruin my mood.." Tinitigan niya ako. "Bakit ala ka nung party ni, Glen? Oohh.. Buti naman alam mo kung saan mo ilulugar ang sarili mo. You already realized that you're not belong to him noh?" Diretsomg sabi ni Kristele kaya napakuyom ang kamao ko.

"Oh-- well, alam ko naman na hindi ka talaga seseryosohin ni Glen eh." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "You're so cheap.." Ngumiwi siya. Huminga ako ng malalim. Konti nalang! Isa pa..

"Tsa-" hindi na natuloy ang sasabihin ni Kristele ng bigla siyang sinampal ni Athena. Pulang pula ang pisngi niya. Nalaglag ang panga ko. Galit na galit kasi ang itsura ni Athena.

"How dare you talk to her that way? Purong puro kana sakin babae ka! Masyado kang magsalita!" Dinuro duro ni Athena si Kristele na ngaun ay nag aalab na sa galit.

"Athena, tama na.." Bulong ko. Nakakuha na kasi kami ng atensyon mula sa mga costumer. At natatakot ako na baka lumabas si Dom mula sa office niya.

Lumapit si Kristele at halatang susugod kay Athena nang humarang ako. Mabilis na lumapat sa akin ang palad ni Kristele kaya napamura ako. Tangina! Ang sakit.

"Walanghiya ka talaga!!!" Sumugod ako sa kanya at sinampal siya pabalik. Hinila niya ang buhok ko kaya ganon din ang ginawa ko. Nagkakagulo na kami. Pati mga alipores ni Kristele ay nakisali na. Hindi naman ako pinabayaan ni Athena. Pero dahil madami sila ay halos madaganan na kami ni Athena.

"Enough.." Huminto si Kristele ng bigla nalang dumating si Trixie.

"What have you done to her?" Malamig na sabi ni Trixie sabay lapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya ng seryoso. Itinayo ko din si Athena na gulo gulo ang itsura ngaun.

Lumabas si Dom mula sa office. Hindi na niya ako naabutan dahil hinila na ako ni Trixie palabas.

"Bakit mo pa sila pinatulan?" Nakatitig lang ako kay Trixie. Hindi ko na siya kilala. Ni hindi ko nga alam kung sincere siya sa akin o kung ano man ang iniisip niya.

"Hindi mo kailangan gawin yun, Trixie.." matabang na sabi ko at tsaka ko sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri.

Umirap si Trixie sa hangin at tsaka nagtaas ng kilay. " Ayoko din naman gawin yun." Matabang na sabi niya. Lalo akong napatitig sa kanya. Ala talagang bakas ng kahit anong emosyon. "I just want to ask you something." Seryosong sabi niya. "Ano yun?" Sagot ko sa kanya. Ilang buwan na ba kaming hindi nag usap? Magdadalawa? Pero halos buong buhay namin ay magkasama kaming dalawa. Bakit ganito ang pakiramdam ngaun? I feel like we're completely strangers. "Kayo pa ba ni Glen? Did he mention something?" Nag iwas siya ng tingin sa akin. Kumalabog bigla ang puso ko sa tanong niya.

Kayo pa ba ni Glen?

Bakit bigla bigla niya nalang tinatanong yan?

Did he mention something?

Hindi nga ako kinakausap eh!

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang sa akin si Trixie pero ala akong sinagot. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot ko!

"Samahan mo ako sa LSU, pwede ba?" Napatingin lang ulit ako sa kanya. Sobrang seryoso niya kasi.

"May duty pa ako." Matabang na sabi ko. Hindi kasi maganda ang kutob ko sa kanya. I mean, ang tagal namin hindi nag usap. Hindi niya ako pinansin bigla sa hindi ko naman alam na dahilan. Tapos magiging ganito siya? I can't understand people now. Lahat sila pinapasakit ang ulo ko.

"Wag ka nang tumuloy.. mainit ang ulo ni Dom.." napatingin ako sa loob at nakita ko nga ang galit na mukha ni Dom. Hindi ko namalayan na sumusunod na pala ako kay Trixie pabalik ng school.

"Saan tayo pupunta?" Salita ko habang nakasunod sa kanya. Ang weird pa nga dahil ang daming nakatingin sa amin.

"Sa auditorium.. may mini concert ngaun ang Westbound..." ngumiti ng tipid si Trixie. Bigla naman ako nabuhayan. Nagkaroon ng excitement ang buhay ko. Simula kasi noong isang linggo, pakiramdam ko kasi ay patay ako na kailangan mabuhay araw araw.

Nasa labas na kami ng auditorium. Madami nang studyante ang nasa labas. Ang iba naman ay nagpapasukan na sa loob.

"Trixie, can I--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng namataan ko si Glen na papalapit sa amin. Bigla bigla na namam kumalabog ang puso ko. I missed him so much.

"Why are you with her?" Bungad agad ni Glen sa akin. Tinuro ko pa nga ang sarili ko. "Ako ba kinakausap mo?" Takang tanong ko sa kanya. "Stupid! Ikaw nga." Napatalon ako dahil bahagya siyang sumigaw. Gago na to! Ngaun lang ako kinausap may stupid pa? Eh malay ko ba na ako.

"We--" hindi pa natutuloy ang sasabihin ni Trixie ng balingan siya ni Glen. Ang sama ng tingin niya kay Trixie na parang gusto niyang sakalin.

"Kinakausap kita? I told you to leave her alone!"gigil na sabi ni Glen kaya nalaglag ang panga ko. Pabalik balik lang ang tingin ko sa kanila. Nag aaway ba sila? At bakit inuutusan ni Glen na layuan ako ni Trixie? Siya ba ang dahilan kung bakit lumayo si Trixie sa akin? May kung anong namuong galit sa dibdib ko. Posible yun diba? Sa ugali ni Glen, posible iyon.

"Kaya mo ba ako nilayuan dahil sa utos ni, Glen?" malamig na sabi ko. I can't believe this. Natigilan ang dalawa. Pareho silang nakatingin sa akin. May kung anong sakit na naman na nanalaytay sa dibdib ko.

"Oo.." seryosong sagot ni Trixie kaya nakuyom ko ang kamao ko. Tinignan ko si Glen, nalaglag ang panga niya sa sagot ni Trixie.

"I can't believe you, bitch!" Naiiling na sabi ni Glen kay Trixie. Si Trixie naman ay mangiyak ngiyak na. Lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod niya.

Hinarap ko si Glen. Malamig na expresyon lang ang pinakita ko sa kanya. Ang sama niya talaga! Hindi ko akalain na magagawa niya iyon sa amin ni Trixie!

"Ang sama sama mo talaga. I hate you!!" ang bigat ng pakiramdam ko ng banggitin ko iyan pero totoo naman. I hate him dahil sa mga kasamaan niya. I hate him for hurting me! I hate him dahil hindi ko pa din alam kung ano nangyayari sa amin. I hate him dahil pinalayo niya si Trixie sa akin! Siya na ang pinaka walanghiyang tao na nakilala ko. Sumeryoso si Glen. Nagbago ang expresyon niya. Iritable niyang ginulo ang buhok niya.

"I can't believe this is happening.." may kung anong kumurot sa puso ko ng may makita akong pain na dumaan sa mga mata ni Glen. Umiling siya at ngumiti ng mapait.. "Uurrrrrghhh!" Frustrated niyang ginulo ang buhok niya. "You're pathetic, Julia!" Malamig na sabi niya tsaka ako tinalukuran. Mangiyak ngiyak akong tinignan siyang papasok ng auditorium.

What happen to us Glen?

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report