The Possessive Prince -
CHAPTER 19
Alexander's Pov
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa isang maliit na bahay, ito ay gawa lamang sa kawayan.
"Halika mga iho pasok na kayo" wika ni manang sa amin kaya pumasok na kaming dalawa ni Sky
Maliit itong bahay nila pero sa tingin ko ay sakto lang ito sa kaniyang pamilya, meron din silang mga gamit sa loob pero hindi ito marami. "Maupo muna kayo diyan mga iho" sabi ni manang sa amin at umupo na kami doon sa upuan nilang gawa rin sa kawayan.
"Andoy! Lumabas ka diyan at may bisita tayo" sigaw ni manang
"Pasensya na kayo mga iho kung maliit lang ang bahay namin ha" paghingi ng pasensya sa amin ni manang
"Ano po ba kayo nay ok na po ito sa amin at mabuti nga po ay tinanggap niyo kami rito" mabait na sagot ni Sky
"Opo nay kaya wag na po kayo humingi ng pasensya sa amin❞ dugtong ko pa
Nginitian lang kami ni manang at maya-maya pa ay lumabas ang isang morenong lalaki na kasing tangkad ko at makisig rin ito.
"Mga iho ito nga pala ang anak ko si Andoy" pakilala sa amin ni manang sa anak niya.
Nakita kong tinitigan nito kaming dalawa ni Sky at para bang sinusuri kaming pareho.
"Ah hello ako pala si Sky" simpleng pakilala ni Sky
Nainis naman ako sa titig na binibigay nitong lalaking to kay Sky at di pa nakuntento at nginitian pa niya si Sky.
"Andoy nga pala" nakangiting saad nito sabay lahad ng kamay sa harap ni Sky.
Makikipag kamay na sana si Sky pero agad ko itong inunahan at ako ang nakipag-kamay sa kaniya.
"Alexander nga pala pre" matigas na sambit ko rito.
Nagulat naman siya sa ginawa ko pero wala siyang magagawa dahil hindi niya pwedeng hawakan si Sky.
"Andoy nasaan nga pala si Denden?" biglang tanong ni manang at inalis ko na ang kamay ko sa kaniya.
"Hindi po ba kasama niyo sa nay?" sagot ni Andoy kay manang
"Ha? Wala na siya doon sa pwesto ko akala ko nga ay narito na siya sa bahay" pagkasabi nun ni manang ay biglang bumukas ang pinto nila at sabay sabay kaming napatingin doon.
Nagulat ako dahil ang batang pumasok doon ay ang bata kanina na namalimos sa amin ni Sky.
"Ay jusko naman Denden saan ka ba nagpunta na bata ka?" salubong ni manang sa kaniya. "Namalimos na naman siguro yan nay" wika ni Andoy
"Totoo ba yon anak?" tanong ni manang at dahan dahan namang tumango si Denden bilang sagot.
"Ay nako kang bata ka sabi ko sayo ay ako na ang magtatrabaho para sa atin at baka mapano ka pa sa panlilimos mo❞ nag-aalalang saad ni manang kay Denden.
Naawa naman ako sa kanila dahil sa edad ni Denden na batang bata pa siya ay natutunan niya ng mamalimos para lang may makain sila hindi katulad ko o ng mga nakakataas sa kanila na ang pinoproblema na lang ay kung anong ulam ang gusto naming kainin
Si Sky naman ay tutok na tutok lang sa panonood sa mag ina.
"Sorry po nay" sabi ni Denden
"Ayos lang yon anak basta wag mo ng uulitin iyon ha" wika ni manang.
"Opo" nakangiting saad ng bata.
Tumingin sa amin si manang pagkatapos niyang kausapin ang kaniyang anak.
"Mga iho di pa pala ako nagpakilala sa inyo, ako si Editha tawagin niyo na lang akong Nay Editha nakakatanda kasi ang manang" pabirong wika niya sa amin
"Ay sige po Nay Editha" sabi ni Sky
"Oh Andoy samahan mo muna sila sa magiging silid nila at maging mabait ka sa kanila ha❞ banggit ni Nay Editha.
"Opo Nay" parang wala lang na sagot ni Andoy.
Tumungo na kami sa isang bakanteng silid kung saan merong isang kama na gawa sa kawayan at may kumot na ito pati unan.
Maliit lang ito pero sa tingin ko naman ay sakto lang ito sa amin ni Sky at natutuwa nga ako dahil magkakatabi muli kami ni Sky sa pagtulog.
"Heto ang inyong magiging silid pasensya na kung maliit ito pero pagtiisan niyo na lang muna" litanya ni Andoy.
"Ayos na kami rito Andoy maraming salamat ha❞ ewan ko ba kung bakit nakangiti itong si Sky sa lalaking to.
"May electric fan naman diyan kahit papaano kaya hindi na kayo maiinitan" sabi ni Andoy.
"Sana ay maging maganda ang pagtuloy niyo rito lalo ka na Sky" nakangiting saad nito.
"Sige pre ayos na kami rito pwede mo na kaming iwan" sabi ko kay Andoy at ang loko naman ay nginisian lang ako.
Sinarado ko na ang pinto at nilagay ko ang bag na dala ko sa kama.
"Bakit mo ba nginingitian yung lalaking iyon?" inis na tanong ko kay Sky
"Nagpapasalamat lang ako sa kaniya kasi pinatuloy niya tayo rito" sagot nito sa akin
"Sky hindi siya ang nagpatuloy sa atin rito, si Manang!" Sambit ko rito
"Oo na pero tinanggap niya pa rin tayo ng maluwag dito sa bahay nila" ewan ko ba kung iniinis ako nitong si Sky.
"Bakit ba patuloy mong pinagtatanggol yung Andoy na yon?" tanong ko sa kaniya
"Bakit ba galit na galit ka sa kaniya?" balik na tanong nito sa akin.
"Eh kasi basta! Alam mo naman sky na ayaw na ayaw-" naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Ayaw na ayaw mong tumingin ako sa ibang lalaki, alam ko na yan Alex" sarcastic na wika nito sa akin.
"Alam mo naman pala eh bakit mo pa ginagawa?" tanong ko
"Isang linggo tayong maninirahan dito Alex ano ba naman yung pakisamahan natin sila? Please?" natigilan naman ako dahil naka pout siya sa harapan ko.
Ang cute nitong taong to ang sarap halikan ng mga labi.
"Fine! Oo na basta wag masiyado ha!" Sabi ko sa kaniya.
"Yehey! Ang cute mo talaga" sabi nito sabay kurot sa pisngi ko.
"Tara na ayusin na natin yung mga gamit natin" dugtong pa nito.
Kahit kailan talaga hindi ko kayang tiisin si Sky at alam ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat mapanatili lang siya sa tabi ko.
Inayos na namin ang aming mga gamit at nang dumating ang hapunan ay sabay sabay kaming kumain at sinabi rin namin kay manang na sasama kami bukas sa pwesto niya upang tumulong sa pagtitinda.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report