The Possessive Prince -
CHAPTER 43
Skyler's Pov
"Ano Ash nahanap mo na ba?" tanong ko kay Ash.
"Hindi pa rin Skyler eh" sagot nito sa akin.
"Nandito lang yun sige maghanap pa tayo" wika ko at pinagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang cellphone ko.
Tanghali na ngayon at nandito kami sa loob ng silid ni prince Alex, pinapasok ko siya kahit ayaw ni Alex na magpapapasok ako dito ng ibang tao maliban sa akin lalo na kung lalaki.
Kanina pa kami rito sa paghahanap pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nahahanap ang cellphone ko, hindi ko na alam ang gagawin ko naiinis ako na nalulungkot kasi sigurado akong ilang tawag na ni prince Alex ang naroon. Anong gagawin ko kapag hindi ko na nakita iyon? Hihintayin ko na lamang ba na dumating si prince Alex para makapagpaliwanag ako kung bakit hindi ko nasagot ang mga tawag niya?
"Skyler wala talaga eh siguro kailangan mo ng tanggapin na hindi na mababalik pa ang cellphone mo❞ hindi ko alam pero bigla akong nainis sa sinambit ni Ash.
Napatigil ako sa paghahanap at agad na humarap sa kaniya at lumapit.
"Hindi pwede Ash! Bigay lang sa akin iyon ni Alex at hindi ko matanggap na nawala ko ang bagay na binigay lang naman sa akin" sabi ko sa kaniya.
Hindi ko napigilan ang aking sarili at napagtaasan ko siya ng boses, hindi lang talaga ako yung klaseng tao na basta basta na lamang sumusuko. Napansin kong hindi ito sumagot sa akin at ako naman ay nakaramdam ng pagka-awa dahil hindi ko dapat siya sinigawan.
"So-soryy Ash hindi ko sinasadyang masigawan ka❞ paumanhin ko rito.
"Ayos lang ano ka ba" nakangiting sambit nito sa akin
Parehas naman kami napaharap sa pintuan ng bigla itong bumukas at iniluwa nito si manang na parang problemadong problemado.
"Naku kayong dalawa narito lang pala kayo" sabi nito sa amin.
"Bakit po ba yun nay?" tanong ni Ash.
"Pinapatawag ng Mahal na reyna ang lahat ng katulong doon sa kanilang trono at galit na galit ito" banggit sa amin ni manang na ikinagulat namin ni Ash.
"Bakit po siya nagagalit manang?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam iho mabuti pa ay sabay sabay na tayong bumaba doon upang malaman natin kung anong nangyayari” wika ni manang kaya agad na kaming lumabas sa silid na iyon.
Mamaya ko na lamang siguro hahanapin ang nawawalang cellphone ko dahil mukhang mas mahalaga ang sasabihin ng mahal na reyna, sa tono pa lang ng pananalita ni manang ay parang galit nga talaga ang reyna.
Nang makarating kami sa Trono ng reyna ay naabutan namin doon ang lahat ng katulong sa palasyo at tila hindi din nila alam kung anong nangyayari.
Napagawi ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng reyna dahil naroon si princess Thyra at nakangisi lang ito habang nakatingin sa akin, nasa kanan naman ng reyna ang hari.
"Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinapuntang lahat dito" panimula ng reyna kaya agad na tumahimik ang paligid.
Lahat kami ay seryosong nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng reyna.
"Para sa kaalaman niyong lahat nawawala ang mamahaling kwintas ko na iniregalo sa akin ng inyong hari at merong isa sa inyo ang nagnakaw nito" agad na nagbulong-bulongan ang mga katulong at lahat kami ay hindi makapaniwala sa nangyari.
"Kaya kung sino man sa inyo ang may salarin ay mabuti pang umamin na kayo ngayon din dahil kapag nalaman ko lang kung sino ang magnanakaw dito sa palasyo ay agad ko itong papatalsikin sa kaharian" may diing saad ng reyna. Kitang kita ko ang mga galit mula sa kaniyang mga mata at sa tono ng pananalita nito.
"Bumalik na kayo sa inyong gawain at iimbestigahan namin ni Thyra kung sino ang magnanakaw dito sa palasyo at sigurado akong pagbabayaran niya ang kasalanan niya" huling sambit ng hari at umalis na sila. Napakamahal at napakahalaga siguro ng kwintas na nawawala sa reyna dahil ganoon na lamang ang kaniyang galit.
"Sino kaya sa tingin niyo ang kumuha sa kwintas ng Reyna mga iho?" tanong sa amin ni manang.
"Hindi ko rin po alam manang pero kung sino man ang gumawa nito ay may malalim siguro itong dahilan kung bakit niya nagawang pagnakawan ang reyna" sagot ko kay manang. "Tama ka Sky pero itutuloy pa ba natin ang paghahanap sa cellphone mo?" tanong ni Ash sa akin.
"Huwag na muna Ash siguro ay tumulong muna tayo sa paghahanap ng salarin sa pagkawala ng kwintas ng reyna" sagot ko sa kaniya.
"Mga iho mas mabuti siguro ay huwag na lamang kayo mangialam dahil sinabi ng reyna na sila na ang bahalang mag-imbestiga sa pangyayaring ito" banggit ni manang sa amin ni Ash. "Siguro nga nay, Skyler mabuti pa ay gumawa na lang muna tayo ng ibang mga gawain dito sa palasyo at kalimutan muna natin ang mga nangyari" nakangiting saad ni Ash. "Tama kayo diyan Manang at Ash kaya tara na at magsimula ng kumilos" masayang sambit ko.
Umalis na kami sa lugar na iyon at tumungo kami sa mga lugar sa palasyo na alam naming kailangan naming panatilihing malinis.
Siguro ay tama si Ash na sa pagdating na lamang ni prince Alex ako magpapaliwanag sa kaniya kahit na alam na alam kong nag-aalala na ito sa akin ngayon.
Tatanggapin ko kung magagalit sa akin si prince Alex dahil kasalanan ko rin naman kung bakit ito nawala kung naging maingat lang siguro ako ay hindi ito mangyayari.
Napansin ko na hindi ako tinatarayan ni princess Thyra ngayon at puro lang ngisi ang binibigay niya sa akin na para bang masaya siya na ewan.
Pero mas mabuti na nga iyon at nagagawa ko ng maayos ang mga trabaho ko dito sa loob ng palasyo.
Wala kaming inatupag nila manang at Ash sa araw na iyon kundi ang maglinis lamang ng mga dapat linisan sa loob ng palasyo at masaya naman ako dahil natapos namin ito ng maayos. Pagkatapos naming maglinis ay bumalik na kami sa aming mga silid at upang magpahinga saglit, sa sobrang pagod ko ay nakatulog agad ako.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report