Skyler's Pov

Dati nangarap lang ako na sana ay mayroong isang lalaki ang magkagusto sa isang tulad ko, alam ko kasing napakahirap maghanap ngayon ng isang taong mamahalin ka ng totoo.

Hanggang sa makilala ko si Alex at nagbago ang pangarap ko, simula ng makita ko si prince Alex noon ay naging pangarap ko na sana ay mahalin niya ako dahil minahal ko na siya simula pa lang ng una. Sobrang saya ko kasi dumating ang isang araw na natupad ang pangarap ko at masasabi ko na iyon na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko at wala ng hihigit pa doon pero nagkamali ako. Ngayon ay nandito ako sa kotse nila Alex pero ako lang mag-isa dito at yung driver nila.

Patungo kami ngayon sa simbahan dahil ngayong araw na ang kasal namin ni Alex pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, hindi minsan sumagi sa iisip ko na magpapakasal kami ni Alex. Hindi legal sa kaharian nila Alex noon ang pagpapakasal ng mga parehas ang kasarian pero pagkatapos nung araw na nagpropose ito sa akin ay agad niyang inasikaso ito at ginawang legal at gusto niya na kami ang unang couple na pareho ang kasarian ang ikakasal sa buong kaharian.

Naging masaya na lang ang buhay ko matapos ang lahat ng nangyari sa relasyon namin ni Alex at sa ngayon ay masasabi ko na wala na akong mahihiling pa dahil sapat na sa akin ang lahat ng meron ako.

Pinaliwanag na rin namin ni kuya Claude sa lahat ng kakilala namin na magkapatid kami at siyempre sa una ay nagulat sila pero agad rin nila natanggap iyon at hindi talaga sila makapaniwala.

Ngayon rin ang kaarawan ni Alex at sa palasyo sana dapat gaganapin ang pagputong ng korona bilang pagkilala na isa na siyang ganap na prinsipe ngunit napili nito na sa simbahan na lang rin ito ganapin pagkatapos mismo ng aming kasal. Kinakabahan at Excited na ako ngayon dito sa loob ng kotse dahil natatanaw ko na ang simbahan kaya inayos ko na ang suot kong kulay pulang Tuxedo, kahit naman na bakla ako ay ayaw ko pa ring magsuot ng pambabae marahil hindi lang siguro ito ang kinalakihan ko.

Hindi ko alam ang suot ni Alex dahil surprise daw ito at doon ka na daw mismo sa simbahan ito makikita, naroon na sila at ako na lamang ang kanilang hinihintay kaya naman sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. "Prince Skyler narito na po tayo" sabi sa akin ni kuyang driver, sumilip ako sa bintana at narito na nga talaga kami.

"Salamat kuya" banggit ko sa kaniya at dali-dali itong lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

Lumabas na ako sa kotse at tumungo sa harapan ng simbahan na sa ngayon ay nakasarado ang pinto nito.

Nakita ko roon si Kuya Claude kasama ang wedding planner namin na hinihintay ako, tumungo agad ako doon at kinausap sila. "Are you ready Skyler?" tanong ni kuya sa akin.

"Yes kuya pero ayos lang ba ang itsura ko?" tanong ko rito, ayaw ko naman kasi na magmukha akong ewan sa harap ni Alex.

"Ayos na ayos bunso, ang gwapo mong tingnan" wika nito sa akin na ikinatawa ko.

"Ok umayos na po kayo ng pwesto at bubuksan ko na po ito" biglang saad ng wedding Planner namin.

Kumapit na ako kay kuya Claude dahil siya ang maghahatid sa akin patungo sa unahan ng altar kung nasaan si Alex.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Sigurado ako na masaya ang mga magulang ko para sa akin dahil ikakasal na ang anak nila.

Unti-unting bumukas ang pinto at nasilayan namin ang loob ng simbahan kung saan nakatayo lahat ng tao at nakatingin sa akin.

Nagsimula na kaming lumakad ni kuya at ako naman ay tumingin kay Alex na nakangiti, kita ko ang suot niya na kulay pula ring Tuxedo at terno talaga kami na parang pinaninindigan naming couple kaming dalawa. Nakita ko sa gilid ang mga kaibigan ni Alex at pati na rin si Ash at Thyra, pinatawad ko na sila kaya hindi na namin sila pinakulong at tingnan mo nga naman ngayon dahil nagkakamabutihan na silang dalawa at tila gusto na nila ang isa't isa. Nakarating kami sa harapan ay agad akong inalalayan ni kuya patungo kay Alex, kumapit ako sa braso ni Alex at agad kaming lumapit kay Father na siyang magkakasal sa amin.

"Hindi mo sinabing gusto mo palang ternuhan ang suot ko" sambit ko kay Alex

"Hahaha Surprise, gusto ko kasi na magkaparehas tayo ng suot para ipakita sa lahat na akin ka na" sagot nito sa akin na ikinangiti ko.

Hindi rin nagtagal ay nagsimula na wedding ceremony at naging masaya naman ito hanggang sa tumungo na kami sa palitan ng Wedding Vows.

"Alexander Monte Verde, una sa lahat hindi ko inasahang mararanasan ko ang mga ganitong bagay at nagpapasalamat ako dahil pinaranas mo sa akin ito, pinapangako ko na nandito lang ako sa tabi mo kahit anong mangyari at ako ang unang taong magiging masaya para sa lahat ng achievements mo at ako rin ang unang tao na dadamay sayo kapag may problema ka, pinapangako ko na hindi ako magbabago at mamahalin kita habang buhay, I love you." seryosong sabi ko sa kaniya habang magkatitig kami sa isa't isa.

"Skyler Dela Rio, sa totoo lang ay hindi ko inakalang magkakagusto ako sa isang kagaya mo pero ngayon ay tinuturing ko ng pinakamasayang nangyari sa buhay ko ang mahalin ka, pangako ko sayo na sa hirap at ginhawa ay palagi lang akong nasa tabi mo, pinapangako ko rin na iingatan kita at yung mga pagmamahal na binibigay mo sa akin araw-araw, I love you too" sabi niya, pinipigilan ko ang mga luha ko dahil ayaw kong umiyak.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"So from today I now pronounce you Husbands together! You may now kiss your partner" masayang sabi ni Father.

Agad namang lumapit sa akin si Alex at hinalikan ako, rinig ko ang palakpakan ng mga bisita namin at alam kong masayang masaya sila para sa amin.

"Sobrang saya ko Sky" wika ni Alex pagkatapos niya akong halikan.

"Masaya rin ako Alex dahil kasal na tayo" nakangiti kong sagot rito.

Lumapit naman ang Hari sa aming harapan habang bitbit ang isang panglalaking korona at nagsalita.

"Simula rin ngayon ay binabasbasan ko na si Alexander bilang isang ganap na prinsipe ng kaharian ng Monte Verde!" wika ng hari at yumuko naman si Alex nang ipatong ng hari ang korona sa kaniya. Masigabong palakpakan ang sumalubong sa amin at masaya ako dahil isa na siyang prinsipe!

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" Sigaw ng hari

"MABUHAY!" tugon ng aming mga bisita.

Dumiretso kami sa palasyo dahil doon magaganap ang kainan at masaya naming nairaos ang araw na ito.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report