The Shimmy of Love
Chapter 11

"Actually, nasorpresa nga ako. Nandito si John!" excited na ani Carlie saka nagmamadaling umibis ng sasakyan pagkaparada nito.

Sumunod na rin lang siya sa kaibigan na pumasok sa kabahayan. Nakita niyang lumundag ito at yumakap nang pakapit sa isang Amerikanong matangkad at matipuno ang katawan. Binuhat naman nito ang kaibigan niya saka napangiting bumaling ang mga ito sa kanya pagkatapos ng halikan sa labi.

Napaiwas pa noon ng tingin si Chantelle dahil medyo hindi siya komportableng manood na nakikipaghalikan ang kaibigan sa nobyo nito.

"This is my best friend, Chantelle. Chantelle, my boyfriend, John," pakilala sa kanila ni Carlie nang may malapad na ngiti.

Nagkamay silang dalawa ng lalaki.

"Pleasure to meet you at last, Chantelle. This woman told me a lot about you," ang sabi pa ng lalaki.

"Oh? Did she? But yeah, it's my pleasure to meet you, too. She did not really tell me about you," ang nasabi pa ng dalagang nakangiti sa nobyo ng kaibigan. Inilaglag niya pa ang kaibigan.

Nilakihan siya ng mga mata ni Carlie. "That's because you did not ask me about my love life!"

"Now it's my fault, huh?" depensa naman ni Chantelle habang natatawa si John sa kanila.

"Babe, you didn't tell me your best friend is such a gorgeous woman!" ang sabi pa ng lalaki kay Carlie na tila binuhusan ng langis ang apoy.

Napatawa na lang na nailing sina Chantelle at Carlie. Hinampas naman ito ng kaibigan niya sa dibdib.

"You shouldn't say that. Remember that I'm the most gorgeous woman in the world!" sabi pa nito sa boyfriend.

"Sure, you are, babe," ang anang lalaki at niyakap ito mula sa likuran at hinalikan sa pisngi.

"I think I'm gonna raid the kitchen while you two keep... you know? Doing what you're doing right now?" ang sabi pa niya sa dalawa.

"Hey! We'll come with you," ang habol ng kaibigan niyang natatawa. Hinila na nito ang nobyo patungong kusina para sabay na silang kumain ng hapunan.

Natutuwa talaga si Chantelle para kay Carlie at halata niyang mabait si John. Ang sweet nito sa kanyang kaibigan dahil may dinala itong isang kahita na regalo para dito, isang mamahaling kuwintas na ikinamangha ni Carlie. Hinalikan nito ang nobyo at pinasalamatan ito.

***

"Okay. Let's do the fluid movements after the percussive movements," wika ni Chantelle kina Alofa at Telila. "So, the movements should be flowy and sinuous, ladies. These require a great deal of abdominal muscle control, which I just taught you a short while ago."

Ngayon ay kasama na ang dalawang kaklase ng mga ito sa unibersidad na sina Nafanua at Lelei. Matataba rin ang mga ito katulad ni Alofa. Gayunpaman, sobrang interesado ng mga itong matuto kaya ginagawa ang lahat na sinasabi ng dalagang nagtuturo.

"When can we do the shimmies?" ang tanong ng nakangising si Lelei.

Napamaang ang dalaga sa narinig. "Oh! You like the shimmies, Lelei?" napangiting aniya sa kanyang estudyante. "I'll teach you that one after the fluid movements, all right?"

"But before that, can we see how you do it?" ang tanong ni Alofa. Mukhang curious ito sa shimmy.

Napangiti na lang ang dalaga. "All right. The shimmies, shivers, and vibrations are continuous of small but fast movements of the ribcage or the hips. So, they go like this," at nag-demonstrate ang dalaga ng shimmies. Ipinakita niya ang relaxed, up, and down hip shimmies, fast and tiny hip vibrations, straight-legged knee-driven shimmies, relaxed shoulder shimmies, ribcage shimmies, at ang twisting hip shimmies.

Nagsipalakpakan ang kanyang mga estudyante pagkatapos ng kanyang demonstration ng iba't ibang shimmies. Nag-bow siya sa mga ito nang nakangiti.

"That was great! You are really great, Chantelle!" ang puri ni Lelei na pumapalakpak pa rin.

"Thank you," ang nasabi na lang niya.

"How and where did you learn how to belly dance, Chantelle?" tanong ni Nafanua. "Who taught you?"

Napangiti siya rito. "Oh, well... When I was in college, I had to fend for myself. I had to work while studying, since I had no parents to help me finance my studies. You see, I'm an orphan." "Oh," anang mga estudyante niya.

Kumibit naman siya. "So, I went to this club and worked there during the night as a waitress while I studied during daytime. It was tough. There were a lot of rude, sexually driven people there. It was natural in that kind of environment, but I had no choice at the time.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"And then, there was this belly dancer, who saw me dancing on the stage, because the manager said our main dancer could not make it. She knew I could dance, so... that was it. She offered me a lot, so that I'd dance even just once. I swear, I was really nervous. But then, I am one that really loves dancing, so I saw these belly dance movements some couple times on the internet. I imitated it that night. That belly dancer was one of the clients there, actually. She thought I could improve more, so we talked and that was how it started. She taught me all about belly dancing. We became friends for a couple years. Sadly, she... uh... passed away due to an accident."

"Oh, so sorry to hear that, Chantelle," halos sabay na wika ng mga Samoan na estudyante niya. Nalungkot ang mukha ng mga ito sa narinig.

Lumunok ang dalaga. Nakatapos siya sa pag-aaral ng Interior Decorating Course. Iyon nga lang, hindi niya nagamit ang kurso niya dahil sekretarya ang kinauwian niyang trabaho sa huli. Gayunpaman, pasalamat siyang may natutunan naman kahit papaano.

Habang nagtatrabaho siya ay pinilit niyang hanapin ang mga magulang. Tinanong niya ang taga-orphanage pero walang masyadong impormasyon ang mga ito. Hindi kilala ng mga ito ang nag-abandona sa kanya roon.

Sa wakas ay sumuko lang din siya at naisip niyang umalis na lang ng Pilipinas nang inimbita siya ni Carlie na mag-settle na lang sa Apia. Pasalamat siya sa tulong nito at heto siya ngayon, nagsisimulang muli sa kanyang buhay. Alam niyang hindi madali ang ginawa niyang desisyon dahil wala namang kasiguraduhan sa isang estrangherong lugar. Buti na rin lang at nakasuporta lang sa kanya ang matalik na kaibigan kaya masuwerte siya.

"It's okay. Let's just resume our lesson." Nagpatuloy na siya sa pagtuturo sa mga ito ng fluid movements.

***

Paalis na sana si Chantelle ng studio nang mga alas-siyete ng gabi pagkatapos ng kanyang session nang biglang tumunog ang telepono. Isinara niyang muli ang pinto upang sagutin ito. Baka kasi bagong kliyente niya sa studio. "Hi," ang sabi ng tao sa kabilang linya. Pamilyar ang boses ng lalaki.

Napakunot tuloy siya ng noo. Ilang linggo na kayang hindi na niya ito maiiwasang isipin? Isang buwan na ba simula noong nag-dinner siya sa bahay nito? Buti na lang nakapagsimula na siya sa studio at hindi niya ito masyadong naiisip lalo na si Ley. Naging abala rin siya kahit papaano.

"What do you want? Remember, we don't know each other?" ang malamig na wika niya rito. There was no use of asking him how he got her number. There were many ways, which she had no interest in divulging herself.

"I'm gonna pick you up at your studio. I'll explain later." At naputol na ang linya.

Napamaang siyang napatingin sa telepono saka napangiwi siya. Nakasimangot siyang ibinalik iyon sa lalagyan.

'What the heck? Is there something wrong with his head? Ba't niya ako tinawagan?'

Well, all she had to do was to wait for him to pick her up. Ayon sa gusto nito. Ayaw man niyang gawin ay napilitan siya. Saka na niya malalaman kung anuman ang nais nito sa kanya. Baka sobrang importante lang nito kaya tumawag ito. Bigla siyang kinabahan.

'Baka kung napaano si Ley!'

Tuloy ay hindi siya mapakali. Nag-aalala siya sa bata.

Ilang minuto rin lang ang lumipas bago niya napansing dumating na ang sasakyan nito. Dahil sa naisara na niya ang studio ay agad siyang lumapit sa kotse nitong ipinarada sa harap. Umibis ito at ipinagbukas pa siya ng pinto.

"What's going on?" Parang 'di na siya mapalagay ngayon. "Is it about Ley? Oh, my God. What happened to her?" sunud-sunod na tanong niya rito nang makapasok na ito at pumuwesto sa driver's seat. Agad naman nitong pinaandar ang sasakyan.

"She's in the hospital right now," saad ng lalaki.

Napahumindig siya sa narinig. "What? Just when?" Halos mapasigaw siya sa lalaki. Sobra siyang nag-aalala sa bata.

"I think it's food poisoning or something. She's still on observation, though," ang sagot sa kanya ng lalaki na matiim ang ekspresyon sa mukha.

Pinoproseso niya ito sa kanyang utak at napailing. "How could she have food poisoning, Lebrandt?" ang tanong pa niya sa lalaki. Tumaas ang boses niya. Parang gusto niyang ibunton ang lahat ng masamang nangyayari sa binata. May paninisi sa kanyang tono kahit mali iyon. She just could not help it.

"I don't know. You know, kids. I swear, she was just fine this morning! And early this evening, she just went... like black and blue! She was vomiting, like it was going on and on forever," ang sagot pa ng lalaking halatang problemado at nag- aalala dahil sa nangyayari sa bata.

"Oh, God! Poor Ley!" Para siyang maiiyak pero kinontrol niya lang ang mga luha. "Who's with her right now? Is it Manaia?" ang naitanong na lang niya nang dumating na sila sa ospital. "Yes."

Pumasok na sila sa pribadong kuwarto ng bata. Naratnan naman nilang natutulog ito saka may suwero pa ito. Ngumiti naman nang matipid si Manaia nang makita silang dalawa na pumasok. "How long has she been asleep?" ang tanong niya sa katulong ng lalaki.

"Not so long ago, miss," ang tugon naman nito.

"Chantelle?" ang bata na biglang nagising at umupo sa kama nito na inaalalayan ng katulong. Napangiti ito nang makita siya kahit medyo mahina.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report