The Shimmy of Love
Chapter 15

Narinig ni Chantelle ang pagsinghap ng kanyang mga estudyante dahil sa pagkamangha nang marinig iyon mula sa lalaki. Napatitig siya sa mayamang binata nang hindi makapaniwala ngunit napabaling sa magandang singsing ang kanyang paningin. She was not dreaming at all! Totoong may singsing na kumikislap sa kanyang harapan at hawak iyon ni Lebrandt Olsen.

Pinilit niyang lumunok at pinoproseso ito sa kanyang isipan.

"Ladies, would you give us some privacy please? Thank you," ang baling ng binata sa mga estudyante ng dalaga.

Agad na nagkakagulo at nagsilabasan ang mga itong nae-excite sa nangyayari. Nagkomento pa ang mga ito na natutuwa at magpapakasal na ang madulas na bachelor sa kanilang lugar. Dagdagan pang ang kanilang belly dancing instructor ang napupusuan nito.

Chantelle wanted to ignore everything. Pero nakatayo pa rin sa harapan niya ang lalaking hawak ang singsing.

"Are you out of your mind?" Halos mapasigaw siyang nanlaki ang mga mata. Nakabawi na siya.

Pinigilan siya nito sa braso bago pa siya makatalikod dito.

"Hey. Don't walk away from me again," ang saway ng lalaki sa kanya.

Inangat niya ang nguso upang salubungin ang paningin ni Lebrandt.

'Buwisit na taong 'to. Ano'ng gusto niyang palabasin ngayon?'

"Are you playing a sick joke on me, Lebrandt?" inis na aniya. Dahil malapit na sana siyang maniwala sa biro nitong alok na kasal.

"I'm dead serious, Chantelle. I want to marry you. By that, Ley will have a complete family. And in return, I'll give you anything you want." Napakurap-kurap siyang nakatingin sa lalaki nang hindi makapaniwala. Umawang pa ang mga labi niya.

"W-what? You... you want to marry me just because you want a family for Ley?" That information sank in slowly in her fogged mind.

'Okay. Hindi siya nagpaligoy-ligoy sa dahilan niya. He's being honest, and I appreciate that. Pero bakit ako? Sigurado naman akong marami riyang gustong magpakasal sa kanya! Kaya bakit ako pa ang naisipan nito? Kaloka siya, ah!' "My lawyer said it's the only solution he can give me, so I can give Ley a family. That being said, I need your help. Basically. In return, you can ask me anything. Just about anything. And I promise to give you everything you need or want. I heard you need more students for this... studio," sabi pa nitong iginala ang paningin sa maliit niyang belly dance studio. "I can help you with that. Besides, you can have all the time with Ley if you want. And the same goes for her. That's a win-win for all of us, isn't it?"

'Aba, kung makapagsalita ay parang business deal lang ang pag-aasawa. Ano ba talagang klaseng tao 'tong tiyo ni Ley? Hindi siya normal!' sigaw ng kanyang lohikong isip.

"I don't need your help with my studio," aniya. Gusto niyang sa kanya lang iyon at walang tulong mula sa isang Lebrandt.

Napadili-dili ang dalaga sa punto nito kay Ley. He was right. She could not just say no to this "perfect offer." May magiging mga magulang na ang bata. Magkasama na rin sila nang hindi restricted ang oras para sa isa't isa. At isa pa, bibigyan siya ng kahit ano ng lalaking ito. Kahit na ano pa raw iyon.

Napalunok siya habang tinitimbang-timbang ang mga ito sa kanyang utak.

Basically, makakaalis siya sa poder ni Carlie. Hindi na siya magiging responsibilidad nito dahil magkakaroon na siya ng sariling pamilya per se. Narinig pa niyang magse-settle down na sina Carlie at John sa hinaharap. And where would that leave her? Baka siya pa ang magiging hadlang sa pag-aasawa ng kaibigan at ng nobyo nito dahil nasa poder pa siya ng kaibigan bilang isang hindi permanenteng resident sa bansang ito at kailangan ang suporta ni Carlie. Nasa pangalan pa nga nito ang dance studio at pinalabas lang na empleyado siya nito.

Kung pag-iisipan niyang maigi, marami siyang advantages na makukuha sa pagpapakasal sa lalaking ito. Hindi lang security, financially speaking. Kundi pati na ang pag-aalaga kay Ley na gusto niya ring gawin para sa naulilang bata ay magagawa na niya nang malaya.

"First and foremost, why me? Why do you even consider me in this position?" tanong niya sa lalaki sabay kumpas ng kamay sa ere. "I'm sure there are a lot of women, who will queue to be your wife. I heard you're quite popular here, so... why me of all those women, huh? I'm sure you know some of them for years! If you only want someone to be your wife on paper, you can just choose anyone that you like, not me. We both know that you don't like me, and I don't like you, either. So, why?" Napapalatak siya.

"As you said, we don't like each other. That's convenient for me."

"Huh!" Napailing siya. "I'm sorry? I don't feel comfortable with you," pakling giit niya.

Bago pa niya malaman ang susunod nitong gawin ay hinawakan siya nito sa kamay at bumangga ang katawan niya sa matigas nitong katawan. Hindi naglipat-saglit ay umikot ang isang braso nito sa kanyang maliit na baywang. "How about I do this? Are you comfortable?"

Napamaang pa siyang lalo dahil sa ginawa nitong pagyakap sa kanya. "Of course not!" Sumirko ba naman ang puso niya at hindi siya makahinga nang normal.

"That's perfect for me, then. I want someone who's not comfortable with me," anitong niluwagan ang pagkakayakap sa kanya at binitiwan na siya. "Because I don't want to be comfortable with you either, so don't dream of getting my heart." Bigla siyang napatawa nang mapakla sa narinig na mga salita mula sa lalaki. Kahit parang may naramdaman siyang bigla na may sumundot sa kaibuturan ng kanyang puso pinilit niyang tumawa sa sinabi nito. Para naman hindi nito mahalata kung ano ang tunay niyang nararamdaman, na ayaw naman niyang pag-iisipan muna kung ano talaga. Nakalilito naman kasi iyon.

"Huh! You won't know what will hit you between the eyes, Lebrandt. What if you'll have a change of heart along the way?" Pinilit niyang maging kaswal. Tinaasan niya ito ng kilay.

"I'll let you know when that happens," he answered coldly. "This is a marriage of convenience, remember that."

"Well, obviously. I'm not stupid, Lebrandt, but it's ironic because we're not comfortable with each other. What's convenient here?" inis na aniya rito.

Inignora nito ang sarkasmo sa tono at salita niya. "When we're not comfortable with each other, we're safe. So, what is your answer?"

Inirapan niya ito at napahalukipkip. Tuloy ay na-emphasize masyado ang cleavage niya sa kanyang suot. Pansin niyang napadako roon ang paningin ng lalaki ngunit wala siyang makitang ibang ekspresyon sa malamig nitong mga mata. "Let me think it over, all right?" nakasimangot na aniya sa lalaki.

"Yeah. Five minutes? Five days?"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report