The Shimmy of Love
Chapter 19

Walang halos mapaglalagyan ang tuwang naramdaman ni Lebrandt nang marinig iyon. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi habang nakatitig kay Chantelle.

Kahit na walang emosyon sa mukha nito nang ipinakita nito sa kanyang suot na nito ang singsing, tila sinipa ng kabayo ang kanyang dibdib.

Para siyang batang masayang humiga sa kanyang kama sa gabing iyon, nang makauwi na siya. Nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at pumasok ang pamangking si Ley na nasaksihan ang nakaloloko niyang ngiti. Natigilan naman ito nang makita siya sa ganoong reaksyon saka pumormal siya at sumandal sa headboard ng kanyang kama.

"I didn't hear you knock the door," ang obserba niya.

"Sorry. I thought something happened to you when you didn't answer me," paliwanag naman nito. So, distracted siya masyado at hindi napansin ang pamangkin. "Aalis na lang po ba ako, Uncle? But then, I was going to ask you something," anito.

Dahil nakakaintindi naman siya ng Tagalog kaya paminsan-minsan itong nagsasalita niyon at siya rin.

"No, no, it's okay."

"What were you doing, Uncle? You were smiling so wide like a clown since you came home tonight," ang tanong ng pamangkin.

"Oh, I'm just so happy, honey," turan niya rito.

"Why?" inosenteng tanong nito.

"Uh... Chantelle is going to marry me!" balita niya rito.

Napasinghap ang bata saka umakyat ito sa kama niya at lumulundag sa tuwa. Nagtitili pa ito sa saya.

"Yay! Chantelle is going to marry Uncle Lebrandt! Yay! Oh, I must spread the good news to my friends!" ang sabi pa ng bata at saka lumundag ito mula sa kama pababa sa sahig at tumakbo patungo sa kuwarto nito para doon ito gagamit ng telepono at tatawagan ang sinumang mga kaibigang sinasabi nito. O kaya naman ay may group chat ito at doon na nito ibabalita iyon. Rinig niya ang bawat yabag ng maliit nitong mga paa sa sahig habang tumatakbo.

Napangiti na lang ang binata sa reaksyon ng kanyang pamangkin. Ini-imagine na niyang kasama nila si Chantelle sa bahay na ito at magiging pamilya silang tatlo.

Naisip niyang bumaba sa kusina para bigyan ng instruction si Manaia. Magkakaroon sila ng dinner date ni Chantelle bukas. Isosorpresa niya ito sa dalaga. Kunsabagay, gusto naman nitong makasalo ng hapunan ang pamangkin niya kaya sigurado siyang papayag ito sa imbitasyon niya bukas.

***

Natutuwa si Lebrandt nang makitang suot pa rin ng dalaga ang bigay niyang singsing. Isinuot din nito ang bigay niyang pink summer dress na may printing bulaklak at spaghetti straps. "You look... fantastic," ang nakangiting puri niya sa dalaga.

Nakita niyang bahagya itong nagulat sa sinabi niya. Malamang hindi nito inasahan ang pagpuri niya dahil nga hindi naman sila magka-vibes nito pero nag-blush din dahil sa sinabi niya at nagpasalamat naman sa kanya. He thought it was progress between them.

Ipinagbukas na niya ito ng pinto ng kotse at pumuwesto na rin siya sa driver's seat pagkatapos.

Amoy na amoy niya ang pabango nito. She smelled sweet, like wildflowers. It was in fact driving him insane@para lang pigilan ang sariling huwag itong yakapin at halikan sa labi. He did not know if she was ready for his romantic advances. Baka naman ay iibahin nito ang ibig sabihin ng kanyang ikikilos. Worse, she would call him a pervert or something more than that.

"How's Ley coming around? I wasn't able to visit her these past few days," tanong nito sa kanya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"She understands you're busy at the studio. She doesn't mind at all. But she's so happy to hear that we're going to have dinner with her tonight at home," ang tugon niya sa dalaga.

"I'm excited to see her, too. I missed her!" ang turan nito. Kita pa niya ang katotohanan sa mga mata nito.

Tumango siya pagkatapos itong sulyapan at ibinalik niya ang paningin sa kalsada habang nagmamaneho.

"I know. But soon, we'll all be living together at home. It'll be good for her."

"You really want to make her your legal daughter, huh?" ang naitanong nito sa kanya nang seryoso.

"Yes, I do. And I want her to have parents as she grows up," seryosong turan niya sa babae.

Nakita niyang tumango ito at ngumiti sa kanya. "I envy Ley. At least, she has someone who loves her even though she lost her parents," mahinang sabi nito.

Parang matutunaw ang puso niya dahil sa magandang ngiti nito. Dapat nga yatang huwag na niyang piliting pigilan ang sariling huwag mahuhulog pang lalo sa babae. He had just had to do everything in his power to make her fall in love with him. The sooner the better.

***

"So, when's the wedding?" ang tanong ng bata nang nasa hapag-kainan na silang tatlo. Excited itong malaman ang bagay na iyon.

Nagkatinginan silang dalawa ni Chantelle. Noon niya napagtantong hindi pa nga nila napag-usapan iyon.

"Ah... We haven't talked about it yet, Ley," ang tugon ni Chantelle sa pamangkin niya.

"How about next month? I think Uncle Lebrandt can have it ready by then. Right, Uncle?" ang tanong ng bata sa kanya na nagsusumamo ang mga mata. Parang mas atat pa ito kaysa sa kanya.

Napasulyap siya kay Chantelle na napatingin din sa kanya. Pansin niya ang pamumula sa mukha ng dalaga.

"Why don't we ask Chantelle what she thinks about it? As for me, I want us to be married as soon as possible. Anytime this week, in fact," ang sagot niyang nakatitig sa dalaga.

Nakita niyang uminom muna ng tubig ang dalaga bago sumagot.

"N-next month, Ley?" Saka bumaling ito sa kanya, "Anytime this week?" Napaubo ito.

"Aha," tumangong anang bata.

Si Lebrandt naman ay nagpigil sa pagtawa sa reaksyon ni Chantelle.

"If she's not busy, Ley honey," ang suporta naman niya sa dalaga. Kahit papaano ay amused siya sa kinalalagyan ngayon ni Chantelle na nasa spotlight.

Tumikhim ang dalaga pagkapahid ng bibig gamit ang table napkin. "No, I'm not... that busy," napangiti nang pilit na anang dalaga sa bata sabay iling. "Why didn't I know that we're going to discuss the date of the wedding tonight?" Bumaling ito sa kanya.

He chuckled.

"So, that's a definite yes, right, Chantelle? The wedding's this week?" excited pang anang bata.

Muling napaubo ang babae at saka napaawang ng mga labing napalipat-lipat ng tingin sa kanilang magtiyo.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report