The Shimmy of Love -
Chapter 25
Napabuntong-hininga ang asawa ni Chantelle at siyang naglagay ng telepono sa cradle nito.
"Thank you for making Ley happy," ang seryosong anito sa kanya.
Ngumiti naman siya sa asawa. "Like you, I want the best for her, and I want to give her a happy childhood unlike the other orphans."
Ginagap nito ang kamay niya at pinisil iyon. "I think we'll call it a night now. We'll get up early tomorrow. We'll depart before six in the morning, and we'll be back before five in the afternoon. It'll be a long day, but I think you'll enjoy it, Chantelle."
Tumango naman siya at nahiga na silang dalawa sa kama nang nakangiti sa isa't isa.
"Do you mind if I embrace you 'til we can sleep?" ang bulong nito sa kanya.
Nagulat man ay kinikilig siya sa pakiusap nito. Bago pa siya makasagot ay niyakap na siya nito mula sa likuran habang ang isang braso nito ang naging unan niya. Ilang saglit pa ay nakasubsob na ang mukha nito sa leeg niya. Para siyang aatakihin sa puso dahil sa lakas ng pagkabog nito. Subalit pinilit niyang huwag gumalaw at baka magising niya ito.
Ninamnam na lang niya ang kakaibang sensasyong nanunulay sa kanyang katawan at puso dahil sa ginawa nito hanggang sa makatulog siyang may ngiti sa mga labi.
***
Napili na ni Lebrandt ang Complete Pearl Harbor Tour. Kasama sa package ang lahat ng Pearl Harbor museums at memorials. Pumunta sila sa Pearl Harbor Visitor Center, USS Arizona Memorial, USS Bowfin Submarine, USS Missouri Battleship, Pacific Aviation Museum, at Punchbowl National Cemetery. Nagkaroon din sila ng driving tour sa Historic Honolulu City.
Maraming nalaman ang dalaga tungkol sa Pearl Harbor, katulad ng kung sino ang nag-design ng USS Arizona Memorialisi Alfred Preis na isang Honolulu architect. Pinagawa ang memorial na isang tulay na kakayanin ang dalawang daang katao.
Sakay naman sa helicopter kinabukasan ay pinanood nila ang kagandahan ng Diamond Head. Nakapalibot dito ang mga resorts, mga restaurants, at iba pang atraksyon. Ang isang bahagi nito ay ang tubig-dagat na may kombinasyong kulay berde at asul. Maganda ang malaking crater na may mga daang patungo sa isang US military reserve, ang Fort Ruger. Ang naiwan doon ay ang National Guard facility at ang Hawaii State Civil Defense.
"It's so beautiful!" ang nakangiting bulalas ni Chantelle sa asawa.
"It's good to know you like it up here. I just don't think you're up for a hiking, that's why I was thinking about taking you by this helicopter instead."
Sadya nga namang nag-arkila sila nito para lang sa pagkakataong ito. Masaya siyang makaranas ng ganito kahit minsan lang. Sabagay, hindi yata ito mauulit kaya natutuwa rin siyang nag-effort si Lebrandt, not to mention, gumastos ng malaki.
Nilibot sila ng helicopter sa iba't ibang anggulo ng Diamond Head. Ilang minuto pa sila roon naglibot.
"This is Oahu's largest tuff cone. It was formed over a hundred of years ago, by an active bubbling volcano. In the nineteenth century, the British sailors nicknamed this crater Diamond Head when they mistook the calcite crystals for diamonds." Ngumisi pa ang lalaki sa kanya habang nagkukuwento tungkol sa tinitingnan nilang crater.
Napa-ah naman siya sa impormasyong iyon at nagkatitigan silang dalawa na nagkangitian. Hinawakan na naman nito ang kamay niya habang napasulyap sa kanilang nakangiti ang piloto ng helicopter.
Dinala na sila pabalik sa helipad ng hotel na kanilang tinitirhan pansamantala at nagpasalamat na sa piloto. Magbibihis na lang sila at lalabas sila sa Chinatown para mag-lunch.
***
Kinabukasan, naka-swimsuit silang dalawa para mag-aral ng surfing buong araw sa Waikiki Beach. Napahanga si Chantelle sa kagandahang lalaki ng asawa niya. Palagi pa siyang pinamumulahan ng pisngi sa tuwing nahuhuli siya nitong nakatitig dito nang husto at binibigyan siya ng isang nagigiliw na ngiti.
"We'll start at the gentle waves here, and we're going to use the wide and longboard for you." Ito pa ang nagdadala ng kanyang board maliban sa dala nitong sariling board.
Napangiti siya kahit papaano. Pinagtitinginan pa sila ng ibang mga tao at lalo na ng mga babae. Kung gorgeous ba naman ang asawa na katulad ni Lebrandt, talagang sasakit ang heart ng babae kapag may ngingitian itong ibang babae. Lumusong na ito sa tubig at sumunod siya rito.
Pinadapa siya nito sa board saka tinuruan siyang mag-puddle. Pagkatapos ay pinabalanse na siya nito nang naka-bend ang kanyang mga tuhod hanggang sa medyo makatayo na siya. Nakikita niyang tuwang-tuwa ang lalaki nang magawa niya iyon.
"You're such a good student," ang puri nito sa kanya pagkatapos ng halos dalawang oras na lumipas.
Umiinom sila ng piña colada sa isang malapit na restobar.
They both got a tanner look by the end of the day. Dahil iyon sa maghapon nilang pagsu-surf sa beach.
Pinanood nila ang magandang paglubog ng araw bago sila bumalik sa kanilang hotel para mag-shower at magbihis para lumabas na naman.
"I think you'll enjoy the place we're going to tonight," wika ng lalaki nang lulan na silang dalawa sa sasakyang maghahatid sa kanila sa lugar na pupuntahan nila.
Napataas siya ng kilay ngunit nakangiti.
'Hmm... another surprise. Mukhang lalo kang nai-in love sa kanya dahil sa ginagawa niya, ha?' ang bulong ng isip niya.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report