The Shimmy of Love
Chapter 28

Pagkatapos ng kanilang mainit at masayang honeymoon, bumalik na sila sa Apia. Balik si Lebrandt sa pag-aasikaso sa farm at sa mga papeles na kakailanganin sa pag-adopt niya kay Ley dahil may asawa na siya. Nag-hiking silang tatlo sa Mount Silisili. Halos dalawang libong metro ang taas nito. Ito ang pinakamataas na lugar sa Samoa. Nagsisimula ang trail sa isang plantasyon na humantong sa isang tinutubuan na madamong kalsada. Tumatakbo ito pakanluran hanggang silangan. Humigit-kumulang dalawang oras na trail, pumapasok iyon sa natural na kagandahan ng Aopo Conservation Area. Dinadala ng luntiang kagubatan na ito ang mga Olsen sa isang "madulas kapag basa" na daan papunta sa itaas na medyo matarik. Buti na lang hindi umulan noon kaya ligtas sila. Nang makarating sila sa tuktok, nag-picnic sila roon bago muling bumaba at umuwi. Masaya ang pamangkin niya nang nagkaroon sila ng bonding na tatlo.

Palagi rin niyang inuuwian ng mga bulaklak at kung anu-anong magagandang bagay ang kanyang asawa na palagi namang nakangiti at nagpapasalamat sa kanya.

"No kiss?" ang lambing na bulong niya kay Chantelle kahit sa harap ng pamangkin niya.

Nahihiya man, hinalikan siya nito sa labi bilang pasasalamat. Sa tuwina ay pinamumulahan ito ng mukha. Masaya naman ito dahil sa palagi na nitong kasama si Ley. Mas lalo pa silang naging malapit sa isa't isa na tatlo sa bawat araw na lumilipas at gusto niyang magiging buo silang pamilya hanggang sa huling hininga nila na mag-asawa.

***

Chantelle was happy being with her husband and Ley. Nalaman niyang pinahanap ng kanyang asawa ang kanyang mga magulang, subalit masamang balita ang nalaman nila. Wala na raw ang mga magulang niya mahigit isang dekada na ang nakalipas. Nalaman niyang kapwa nalulong sa droga ang mga ito kahit noong hindi pa siya ipinanganak kaya ninakaw siya ng isang concerned na kapitbahay at iniwan sa bahay-ampunan. Hindi naman daw siya hinanap ng mga magulang at nagpatuloy lang ang mga ito sa buhay kaya nasaktan si Chantelle nang malaman ito. Subalit nagpasalamat siya sa kapitbahay na iyon dahil iniligtas siya sa isang miserableng tahanan, kahit papaano. Wala rin naman kasing ibang matitinong kamag-anak ang mga magulang niya kaya iyon ang naging desisyon ng kapitbahay niya. Mali man iyon, napabuti naman ang kalagayan ni Chantelle sa kabila ng lahat.

"I'm sorry, Chantelle." Niyakap siya ng asawa pagkakita sa kanyang naluluha dahil sa narinig.

"I-it's okay. At least, I have the closure now, Lebrandt," ang nasabi na lang niya at suminghot-singhot.

Wala na yata siyang mahihiling pa. Perpekto na asawa para sa kanya si Lebrandt.

Mas dumami naman ang mga estudyante niya sa dance studio nang hindi niya inasahan.

Hatid-sundo rin siya ng asawa bawat araw na may session siya. Kahit medyo busy ito sa farm ay lagi itong naroroon para sa kanya. Sino ba namang babae ang hindi lalong mapapaibig sa asawa niya kapag ganito?

One day, she promised to herself she would confess to him that she loved him. Ayaw niya ng kahit na anong kapalit. 'Di bale na. Kahit na hindi ito iibig sa kanya, basta't palagi silang magkasama ay bastante na siya. Ayaw niyang maging sakim. Kung gusto ng kalayaan ni Lebrandt isang araw, ibibigay niya iyon kahit masakit man sa kanya. Pero kaya nga ba niya talaga kapag nagkataon?

"O, napatawag ka, Carlie," sagot niya sa telepono sa dance studio isang araw.

"Chantelle, hindi mo ba alam na bumalik na si Martina dito sa Apia? Kahapon daw 'yon," balita ng kanyang matalik na kaibigan.

Napaawang ang mga labi niya at saka napalunok tuloy siya. "Eh, ano naman ngayon?"

"Narinig kong pinuntahan niya kaagad si Lebrandt sa farm pagkarating na pagkarating niya. May nakakita raw sa kanilang nagyakapan at naghalikan!"

Parang tinusok ng kutsilyo ang puso niya sa kanyang narinig. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya. Na may ibang babae sa paningin ng kanyang asawa. Subalit dapat siyang kumapit hangga't maaari. Kahit sa pangako niya sa sariling palalayain ang lalaki kung gusto nito... kahit na tatlong buwan pa lang silang mag-asawa.

'Paano kaya kung gusto niya talagang maging malaya? Tutal naman, aprobado na ang mga papeles ni Ley bilang legal na niyang anak. Tch! Ang akala ko ba gusto niya ng isang perpektong pamilya para kay Ley habang lumalaki ito? Ano na ngayon? Siguro naman maisip niyang hindi makabubuti para kay Ley na niloloko niya ako bilang asawa niya.'

Pagkatapos ng pag-uusap nilang magkaibigan, napaisip siya nang malalim.

***

Nakapagdesisyon si Chantelle na mamasyal sa farm ng kanyang asawa kinabukasan. Titingnan niya kung pumupunta nga ba roon ang Martinang iyon.

Tinanong niya ang isang tauhan ng lalaki na kilala niya at tinanong kung nasaan ang asawa niya. Nasa opisina raw nito kaya pinuntahan naman niya dala ang ilang refreshment drinks. Paminsan-minsan ay ginagawa naman niya ito kung kaya't hindi na nagtataka ang mga tauhan ng asawa na bumibisita siya roon. Paminsan-minsan naman ay kasama niya rin si Ley kapag wala itong klase. Pero mag-isa siya ngayon dahil may klase ang bata.

Kumatok siya at agad na pumasok sa opisina nang maratnan niyang nakalambitin sa leeg ng asawa niya ang isang puting babaeng noon pa niya nakikita.

"Hey. Who are you? Get your hands off my property!" inis na utos niya sa babae.

Binalewala naman niya ang nasiyahang ngiti ng kanyang asawa na alam na alam niya. Mamaya, kapag aawayin siya nito ay okay lang basta't ipapakita niya sa babaeng ito na siya ang may-ari kay Lebrandt. Aba, kasal sila nito kaya dapat lang na respetuhin siya. Isa pa, kahit na walang pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa, sagrado pa rin para sa kanya ang kanilang pagiging mag-asawa at dapat lang niyang ipaalala iyon sa lalaki kahit sa paraan man lang na ito. Kung gusto man nito ng ibang babae, dapat maayos muna ang paghihiwalay nila at hindi iyong ganito.

"Oh," nasabi pa ng babae na bumitiw sa asawa niya. Sinipat-sipat siya nito mula ulo hanggang paa.

The other woman was tall, willowy, and all woman. Chantelle thought she paled in comparison with her perfect skin and beauty. She was like a green-eyed angel that came down from the heavens.

"So, this is your wife, Lebrandt?" tanong ng babae.

'Eeenggggkk!' Parang buzzer iyon sa isipan ng dalaga. Hindi naman pala perpekto ang babaeng ito dahil sa napakaliit ng boses na tila isang bata. 'O sinadya niyang paliitin ang boses para cute pakinggan? Tch! Anong cute? Kairita kaya ang boses niya!'

Lumapit sa kanya ang asawa at hinapit siya sa baywang. Nakatingin ito sa kanya sa mga mata.

"Yes. This is Chantelle, my beautiful wife, Martina. Sweetheart, this is Martina," pakilala pa nito sa kanilang dalawa. "She's an old friend who has just arrived two days ago." Idiniin pa nito ang salitang "friend."

'Sweetheart? Talaga bang tinatawag niya akong sweetheart sa harap ng Martinang 'to?' kinikilig na alunignig ng isipan niya.

Nakipagkamay sa kanya ang babae pero parang hinipo lang nito ang mga daliri niya na parang nandidiri sa kanya. Inis naman niya itong tiningnan habang tila nanghahamon ang paningin nito sa kanyang parang isang pusa. "As you can see, Martina. I'm in a hurry... to be with my wife. So, I'll listen to your complaint later."

"Fine," ang anito at agad na umalis ng opisina nang walang paalam sa kanilang dalawa.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"So, you just said that I'm your property," ang anang lalaki nang maisara na ni Martina ang pinto at may malisyoso itong ngiti sa kanya.

Tumikhim siya. "What complaint were you talking about?" ang balik-tanong niyang binalewala ang sinabi ng asawa. Wala pa siyang handang sagot doon.

"It's just about some official business. Her family's own farm," paglilinaw ng lalaki.

Napataas siya ng kilay at kumawala mula sa pagkayakap nito sa baywang niya. "And why would she complain to you?" Hindi niya maintindihan iyon. Inilagay niya sa ibabaw ng mesa ang dala niyang refreshments para sa asawa. "She wants to inherit their entire fortune, but in return, she has to stay here in Samoa, according to her father, and she's hoping I can talk to her father out of it."

Napataas na naman siya ng kilay. "And why would you talk to her father? It's not your business, is it?"

Ngumising bigla ang asawa niya at niyakap siya sa baywang. Nakadikit pa sa kanyang tiyan ang matigas nitong harapan.

"Are you really acting like my wife, Chantelle?" usisa nito sa kanya na naaaliw ang mga matang nakatitig sa kanya.

Dinilaan niya ang mga labi. "I-I'm sorry. I... I just..."

"Are you jealous?" mahinahong hula nito na pilit siyang pinatitig sa mga mata nito dahil sa paghawak nito sa kanyang baba. Napakurap-kurap siya. "W-why should I be jealous of her?"

"Why shouldn't you?" tila nanghahamon ito.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report