The Shimmy of Love -
Chapter 6
"I could've found my way to your house," ang malamig na sabi ni Chantelle nang sila na lang dalawa, sa loob ng magara nitong kotse. Nasa labas ng bintana siya nakatingin. Sa ngayon, ayaw niyang tingnan ang guwapo ngunit nakakainis na mukha ng binata. Kumukulo talaga ang dugo niya.
"It's almost an hour drive from your friend's house. I thought you'd be more comfortable if I'd pick you up," Lebrandt pointed out.
Hindi niya napansin ang pagtingin nito sa suot niyang simpleng damit na light blue na pinaresan ng flat sandals na strappy. Hindi na lang siya kumibo. Sobrang tahimik sa loob ng kotse. Tanging ang malumanay na andar ng makina ang maririnig.
Binusog na lang niya ang mga mata sa mga tanawin. Parang Pilipinas dahil sa mga kahoy, mga baka, at niyog na nadaanan. May mga babae siyang nakitang may bulaklak sa tainga na naglalakad sa daan. Kita niya rin ang dagat at sobrang asul nito. Napakaganda ng kalangitan habang papalubog ang araw.
Kahit papaano ay napawi ang kanyang inis sa kasamang binata.
Wala silang imikan na dalawa hanggang sa dumating sila sa malaking bahay nito. Napahanga siya sa disenyo nito na Victorian, kakaiba sa kalimitang Samoan houses katulad ng thatch (gawa ng tuyong mga dahon ng tubo at iba pa), pola (pabilog na bahay), at fale (semi-circle big houses na kalimitan ginagamit din kapag may pagpupulong). Subalit may mga modernong gusali naman, lalo na sa city proper.
Kulay-kalawang ang bubong ng bahay ni Lebrandt at may kombinasyon ng kulay bluegreen ang mga bintana at pintuan. Kulay-krema naman ang buong dingding ng kabahayan. Malapad ang lawn nito na halatang mini-maintain nang maigi dahil tila bagong gupit ang mga damo. May magagandang bulaklak ding nakapalibot kaya presko at magandang tingnan ang kabuuan nito.
Lumabas ng porch ang ngiting-ngiting si Ley para salubungin sila.
"Hi, Chantelle!" ang masayang bati nito sa kanya.
"Hi, Ley!" masaya rin niyang bati. Sa loob-loob nga lang niya ay nalungkot siya dahil alam na niya kung ano ang mangyayari pagkatapos ng gabing ito, thanks to her uncle.
Bumaba ang bata sa tatlong baitang na hagdan ng porch at lumapit ito sa kanya para hawakan siya sa kamay habang papasok ng bahay. Nasa pintuan naman ang isang Samoan na nag-aabang sa kanila.
Binati niya ang matandang babaeng Samoan. Siguro ay kasing-edad ito ni Poli na nasa mid-fifties. Ngumiti naman ito sa kanya. Sa tingin niya ay mabait ito.
'Dapat lang na mabait siya at aalagaan niya nang mabuti si Ley.'
"Manaia, this is my friend Chantelle," ang pakilala ng bata sa kanila. "Siya ang katulong namin dito sa bahay at nagbabantay sa 'kin kapag wala si Uncle Lebrandt," ang bulong pa ng bata sa kanya pagkatapos nilang magkamay na dalawa ng katulong ng mga Olsen.
"Ah, gano'n ba? Mukha siyang mabait," ang aniya sa bata nang nakangiti.
"Oo. Ang bait niya. Mas pasensyosa at mas mabait pa sa lola ko," saka bumungisngis pa ito na ikinangiti niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Doon muna sila sa living room habang inihanda ni Manaia ang kanilang pagkain sa dining room. Binigyan naman siya ni Lebrandt ng bourbon. Nag-alinlangan siyang tanggapin iyon dahil hindi naman siya mahilig sa mga whiskey. Okay na sa kanya ang red o white wine at champagne. Ayaw niya ng masyadong matatapang na alcoholic beverages. Madali kasi siyang nalalasing.
"Just try it," ang himok ng lalaki.
She could see the slight glimpse of amusement in his eyes when she took the glass of bourbon. Their fingers brushed. She ignored it and the way his eyes roved all over her face.
Napalunok muna siya bago niya sinimsim ang medyo kulay-kalawang na likido. Napaasim ang mukha niya pagkatapos habang napatawa naman si Ley na nakamasid sa kanya.
Nagkuwentuhan muna silang dalawa ni Ley habang nakikinig lang sa kanila si Lebrandt na umiinom ng bourbon nito. Nakatayo at nakadungaw ito sa bintana. Ang isang kamay nito ay nasa loob ng isang bulsa ng slacks nitong kulay brown. Pinaresan nito ng dark brown loafers at puting polo shirt iyon.
"So, I'm gonna start going to school next week," ang share sa kanya ng bata.
Napasulyap ang dalaga sa uncle nito bago nagsalita, "Ah, that's good, Ley. You'll meet new friends then. Have you told this news to your grandma?"
"Yeah, during our video call last night. She's excited to receive the things I bought for her from here." Ngumiti ito sa kanya. "My uncle is also very fond of grandma, you know? So, he also sent something nice for her,” dagdag pa nito.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Of course, honey," ang sang-ayon pa ng lalaki na lumingon sa kanila.
Saka nagkatinginan silang dalawa ng binata. Agad naman niyang iniwas ang tingin at ibinaling iyon sa bata. Ayaw niyang bigyang-pansin ang paglakas ng pintig ng puso niya dahil naghinang ang kanilang mga mata ng lalaki. "Dinner's ready!" ang tawag ni Manaia sa kanila mula sa dining room.
"She should've rung the bell, Uncle! I love the bell ringing!" ang protesta ng nakasimangot na bata.
Napatawa na lang ang tiyuhin ng bata. Malutong iyon. Hindi alam ng dalaga kung bakit gusto niya ang tunog ng tawa ng lalaking ito.
'Tch! Kung makatawa naman siya, wagas! Parang hindi niya ako sinungitan noon, ah.'
Napakagat-labi na lang siya na tumayo mula sa kinauupuan. Hinila na siya ni Ley patungo sa dining room. Mukhang excited na itong kumain ng dinner.
Sumunod sila sa lalaking nauna nang naglakad papuntang dining room. Pansing muli ng dalaga ang ilang mga nakabiting landscape portraits sa dingding ng pasilyo. May maliliit na chandeliers na nakabitin sa kisame. Sa pasilyo pa lang, naaamoy na niya ang masarap na pagkain. Tuloy ay naglalaway na siya.
Maraming pagkain sa mesa na puwedeng pagpipilian. Pakiramdam ng dalaga na dumalo siya sa isang pista.
"Don't mind your diet tonight, Chantelle, will you?" pakiusap ng bata sa kanya. Inunahan na siya.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report