DEAR ALERON,

We have done so much for our relationship to work out. Siguro, panahon na rin para ang tadhana naman ang kumilos kung sakali ngang tayo ang para sa isa't isa. Dad made me choose. Hindi ko na hawak ang mga sumunod na nangyari. I was torn between you and my family. Pero hindi nangangahulugang dahil wala ako sa tabi mo ngayon at sila ang pinili kong samahan ay hindi na kita mahal. I just needed to fix my relationship with my family first. Kunin na rin natin itong panahon na ito para maghilom, para ayusin ang mga dapat ayusin.

Naniniwala ako na hindi mangyayari ang mga bagay kung hindi nakatakda. Parang tayo lang. In this random world, sino bang mag-iisip na magmamahalan sina Athan at Hailey? Sino bang mag-iisip na ang dalawa palang iyon ang magiging tulay natin para magkakilala? Naniniwala akong hindi nagkataon lang ang lahat. I do believe in our story, Aleron. I will always hold on to us wherever I go. And I also believe that the next time we meet, things will be in their rightful places.

Until the right time,

Holly

Nag-init ang mga mata ni Aleron matapos mabasa ang iniwang sulat ni Holly. Ayon sa driver niya na si Nick na siyang nagbantay sa kanya sa ospital ay apat na araw daw siyang unconscious. Pareho silang walang malay ni Holly nang isugod daw nito sa ospital. Ayon kay Nick ay hindi agad sila nito nadaluhan ni Holly dahil nakipagpambuno pa ito kay Romulo, ang dating live-in partner ng kanyang ina. Natuklasan niya ring pulis si Romulo na kasalukuyang suspendido dahil nahaharap rin ito sa kasong may kaugnayan sa pagbebenta ng droga. Kung hindi daw tinulungan ng gwardya ng sementeryo si Nick laban kay Romulo, malamang ay nag-agaw buhay rin ang driver niya. Ang gwardya ang siyang nakapatay kay Romulo.

Pareho sila ni Holly na nagawang makaligtas mula sa kapahamakan. Luckily, none of the bullets pierced a vital organ or major blood vessels in their bodies. Matagumpay ang naging surgery nila ni Holly. At noong nakaraang araw pa umano naunang nagkamalay ang dalaga. Ayon kay Nick ay nagawa pa siyang bisitahin ng huli sa hospital room niya para personal na ihatid ang sulat nito bago ito lumabas ng ospital kasama ng mga magulang nito.

Napahugot si Aleron ng malalim na hininga. Nang magising siya ay si Holly agad ang una niyang hinanap. Nang malaman niyang buhay at ligtas ang dalaga ay ganoon na lang ang saya niya. Pero nang matuklasan niyang umalis ito na ni wala man lang pasabi kung saan niya matatagpuan ay agad ring inagaw ng tadhana ang saya niya.

Mayamaya ay nakarinig siya ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Nabuhay ang pag-asa sa puso niya. Baka bumalik si Holly. Pero nabigla siya nang imbes na ang nobya ay ang ina ang iniluwa ng pinto. Lumuluhang sinugod siya nito ng yakap.

"Patawarin mo ako, anak!"

Naipikit ni Aleron ang mga mata. Bigla ay pumasok sa isip niya ang nilalaman ng sulat ni Holly. Kunin na rin natin ang panahon na ito para maghilom, para ayusin ang mga dapat ayusin. Tama ito. Kailangan siguro talaga muna nilang maghiwalay para mabigyang halaga ang mga nabinbing bagay sa mga buhay nila na matagal na dapat nila nabigyang solusyon kung hindi lang sila inatake ng takot na sumubok sa ikalawang pagkakataon. Pero sumugal siya kay Holly. Bakit hindi siya susugal para sa sariling ina?

Aayusin niya ang lahat para sa pagbabalik ng babaeng pinakamamahal, handa na siya. This is for you, Holly.

FOUR months later...

"No, I've never seen nothing like you. No one else makes me feel like you do. I've searched across the universe. I've seen so many things so beautiful, it's true. But I've never seen nothing like you..." Pakiramdam ni Holly ay nasa loob siya ng isang panaginip habang naglalakad palapit kay Aleron na nasa dalampasigan nang mga sandaling iyon habang tumutugtog sa grand piano at umaawit. Ang kulay dagat na mga mata nito ay nakatutok lang sa kanya. Lahat ng sama ng loob niya noon, bawing-bawi ngayon. Nakasuot ng long sleeves polo ang binata na kakulay ng suot niya: puti. Pero kahit isa ay walang nakabutones sa suot nito kaya gaya ng unang pagkikita nila, hantad na hantad sa kanyang mga mata ang malalapad nitong dibdib.

Lahat, nang mga sandaling iyon ay parang eksenang hinugot mula sa isang pelikula. Wala siyang nakikitang hindi maganda mula sa papalubog na araw, sa asul na asul na dagat na sa tuwing tinitingnan niya ay naaalala niya ang mga nakangiting mata ni Aleron, sa musika, sa bilog na mesa hindi kalayuan kay Aleron na sadyang inayos para sa dalawa, sa mga nakakalat na pula at puting petals sa buhanginan hanggang sa mismong lalaking tumutugtog sa harap ni Holly.

Pagkagising niya nang hapong iyon ay nagulat pa siya sa dalawang babaeng nabungaran niya. Mag-ina ang mga iyon na nagpakilalang Renata at Liza. Sa kalaunan ay nalaman niyang caretaker pala ang mga iyon sa isla. Ibinigay ng mga ito sa kanya ang isang puting long gown at mga bulaklak na siyang suot at hawak niya nang mga oras na iyon. Iyon na ang huling gabi nila sa isla. Tapos na ang dalawang araw na extension ng pananatili nila roon. Kinabukasan ay kailangan na nilang humarap at magpaliwanag sa kanyang mga magulang.

"Been all around the world. 'Seen everything from the North, South, East, West but I've never found someone with your heart of gold. From Paris to Rome to places I've never known, nothing felt as right as you and I. And I never wanna let you go..."

Nangingislap ang mga matang napangiti si Holly. Busog na busog ang imahinasyon niya. Noon na lang iyon gumana matapos ang matagal-tagal ring pamamahinga. Sandaling ipinikit niya ang mga mata. She welcomed the feeling of being inside a dream. Buhay na buhay ang dugo niya. And she knew, the writer in her was back. Emily Reed was finally back. Nagbalik na ang nawalang pagkatao niya.

Pero natigilan siya nang bigla ring maglaho ang musika pati na ang boses ni Aleron. Agad na napadilat siya. Sumalubong sa kanya ang nakaupo pa ring anyo ng binata sa likod ng grand piano. Nakatitig na lang ito sa kanya. His eyes were filled with awe. Kumunot ang noo ni Holly. "May problema ba?"

"I've never really seen nothing like you, Holly. I can't believe you're really back in my life for good." Sa halip ay sagot ni Aleron. "Akin ka na ba talaga uli?"

Napailing na napangiti si Holly. "Kung makapagsalita ka, para namang prinsesa ang nasa harap mo. Ako lang 'to. Writer. Generic. Madaling makita. Maraming gaya ko na hopeless romantic at saka-" "Wag mong nila-'lang' ang babaeng mahal ko. Nakakainsulto ka." Tumayo si Aleron at lumapit kay Holly. Nagsalubong ang mga kilay nito. "Ayokong minamaliit mo ang sarili mo, Holly. Kung maraming gaya mo 'di sana wala nang nagloko. When you smiled earlier, you know what I realized?"

"What?"

"Na sana nakikita ng lahat ang nakikita ng mga mata ko ngayon. You were such a sight to behold, sweetheart." Ipinaikot ni Aleron ang mga braso sa baywang ni Holly. "Your eyes held all that was beautiful in this world. They reflect hope... hope for a beautiful dream."

Isang tulad ni Aleron ang nagsasalita ng mga ganoong bagay sa kanya. Sino siya para tumanggi pa? Ang prinsipe ko... totoo ngang nagbalik na. Ang init sa mga mata ng binata, ang ngiti sa mga labi nito, ang sumisilip na dimple sa kaliwang pisngi nito, ang isinasayaw-sayaw ng hangin na buhok nito at ang lahat-lahat sa araw na iyon ay itatago niya sa puso niya. Inabot niya ang kwelyo ng polo nito.

"Ibutones mo lang ang mga 'to, pwede na tayong humarap sa judge pagkatapos." Nagbibirong wika na lang ni Holly. "Bakit mo nga pala naisip 'to?" Itinaas niya ang bouquet na hawak na katulad na katulad ng sa bouquet niya noong ikakasal sila. "Para tayong ikakasal."

"Hindi ko kasi ito naibigay sa 'yo noon." Napuno ng pagkadismaya ang boses ni Aleron. "I've never seen you in white. The thought made me die every time. That was one of my greatest regrets-" "Ssh." Itinakip ni Holly ang dalawang daliri sa mga labi ni Aleron. "Tapos na 'yon."

Ngumiti ang binata. Inabot nito ang kamay niya at masuyong hinagkan. "Sa paglubog ng araw, gagawa tayo ng mga bagong alaala." Nakagawa nga sila ng mga bagong alaala dahil sa pagkalat ng dilim, napuno ng fireworks ang kalangitan...

"Happy birthday, Holly."

Agad na natigil sa pagbabalik-tanaw si Holly nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng ina. Napabangon siya mula sa pagkakahiga sa buhanginan. Bumalik sila ng mga magulang sa beach house nila sa Laguna at dahil sa dagat ay walang sandaling hindi niya naalala si Aleron. Lalo na ang mga mata nito.

Napaharap siya sa ina, nasa tabi ito ng kanyang ama. May hawak na cake na may nakalagay pang kandila ang una habang isang bouquet naman ng mga rosas ang dala ng kanyang ama. Sa nakita ay panibagong alaala ang pumasok sa kanyang isipan.

"Siya ang kasama mo noong higit dalawang linggo kang nawala." Hindi nagtatanong kundi nagkukumpirmang wika ni Alfar.

Tumango si Holly habang nanatiling nakayuko. Ni hindi niya magawang salubungin ang panunumbat na alam niyang nakarehistro sa mga mata ng mga magulang.

"Bakit? Bakit kayo magkasama ni Aleron? Ano na naman 'tong ginawa mo, Holly?"

Napalunok si Holly sa pagtataas ng boses ng ama. Mula pa nang magising siya ay puro kalamigan na ang ipinapakita sa kanya ng mga magulang. At nasasaktan siya. Ni hindi man lang kinumusta ng mga ito ang kalagayan niya. "Mahal ko siya, dad." Mahina niyang sagot. "Mahal ko si Aleron."

"Lintik na pagmamahal 'yan!" Muling bulyaw ng ama. "Hindi mo ba napapansin? Sa tuwing kasama mo siya, parati kang napapahamak! Parati ka na lang nasasaktan!"

Pero mas masakit pa rin ang ganitong pagtrato nyo sa 'kin, dad. Gusto sanang sabihin ni Holly pero sa huling sandali ay natakot siya. Nang mag-angat siya ng mukha ay nakita niyang hawak na ng ina sa braso ang ama na para bang pilit na pinakakalma ang huli. Ano bang nangyari sa kanilang tatlo? Hindi naman sila dating ganoon. Iyon pa lang ang pangalawang beses na nasigawan siya ng ama. Ang una ay noong suwayin niya ito sa simbahan noong araw ng kanyang kasal.

"Ni hindi pa nga magaling ang binti mo! And now, you were almost killed! At anong susunod, Holly, ha? Hindi ka na nadala!"

"But I really do love Aleron, daddy. If you will only hear him out the moment he wakes up, you will understand." Nagpapaunawang wika ni Holly. "Kung hindi lang nangyari 'yong insidente sa sementeryo, pupuntahan sana namin kayo ni mommy para magpaliwanag. What happened back at the cemetery wasn't Aleron's fault, dad."

Nakausap na ni Holly si Nick, ang

driver ng nobyo. Noong kinausap ng doktor ang mga magulang niya ay sandaling nakapuslit si Nick para kamustakin. siya. Isinalaysay nito sa kanya ang nangyari. Ito rin ang siyang tumawag sa mga magulang niya Mabuti na lang at may numero parin ang mga magulang niya sa phone book ni Aleron. Ayon rito ay kitang-kita daw nito ang pag-aalala ng mga magulang niya noong sumugod ang mga ito sa ospital. Pero wala ni bakas ng sinasabi nitong pag-aalala ang makikita sa mukha ng mga magulang ngayon.

Ayon rin kay Nick ay nasa katabing kwarto niya lang si Aleron na kahit stable na rin ang kalagayan gaya niya ay hindi pa rin nagkakamalay. Kahit paano, iyon ang nagpalakas sa loob ni Holly, ang kaalamang pareho silang nakaligtas ni Aleron. Sa kabila ng matinding sakit sa katawan lalo na sa kanyang likuran ay wala siyang pinagsisisihan. Kahit ulit-ulitin pa ang nangyari ay sasaluhin niya pa rin ang bala para sa binata.

Nahingan na siya ng statement ng mga pulis kaya maliwanag na alam ng mga magulang ang buong nangyari dahil katabi niya pa ang mga ito nang magsalaysay siya sa mga nag-iimbestiga. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit si Aleron pa rin ang sinisisi ng mga ito.

"Anuman ang sabihin mo, hindi na magbabago pa ang isip ko. Hindi ko na siya kayang tanggapin pa para sa 'yo. Ngayon kung magmamatigas ka, wala akong magagawa kundi ang papiliin ka. Ang Aleron na iyon o kami ng mommy mo?"

Kung tutuusin ay walang pinili si Holly. Kailanman ay hindi niya makukuhang pumili dahil ang mga magulang at si Aleron ang tatlong pinakamahalagang tao sa buhay niya. Kung mawawala ang isa sa mga iyon ay parang nawala na rin ang malaking bahagi ng pagkatao niya. Pero nang tanungin siya ng mga magulang kung sasama siya sa mga ito ay tumango lang siya. Wala ng iba pang usapang nangyari. Maayos na ang lahat sa pagitan nila ni Aleron. Tamang panahon na lang para sa kanila ang kailangan. Pero ang sitwasyon nila sa kani-kanilang mga magulang ay nananatili pa ring komplikado. Iyon ang dahilan kung bakit siya sumama sa mga magulang.

Araw-araw sa nakalipas na apat na bwan ay sinisikap niyang ibalik ang dating relasyon sa mga magulang pero nananatiling malamig ang mga ito sa kanya. Kadalasan ay umiiwas pa rin ang mga ito sa kanya na para bang hindi maatim na makita siya. At nang araw na iyon ay pinili niya na munang magpahinga kahit sandali mula sa panunuyo sa mga ito, mula sa pangre-reject ng mga ito.

Bigla siyang inatake ng kapaguran,

ng libong frustration at ng pagka-missed kay Aleron. May mga gwardyang nagbabantay sa buong beach house nila kaya hindi rin siya makaalis kahit na sandali para silipin man lang sana kahit mula sa malayo ang lagay ni Aleron. Putol rin ang mga linya ng telepono roon. lyon ang isa pang hindi niya maintindihan. Para siyang ikinukulong ng mga magulang sa piling ng mga ito pero ayaw naman siyang makasama ng mga ito.

"You remembered." Matipid na napangiti si Holly mayamaya. Inabot niya ang mga bulaklak sa ama. I wish things will be different today. Naisaloob niya bago hinipan ang kandila sa cake. "Thank you."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report