Thirty Last Days -
Chapter 3
"GET IN, Cass. I know you're there." malumanay nang wika ni Jethro maya-maya nang makita niya ang pagsilip ng paboritong mga rubber shoes ni Cassandra sa pinto ng kanyang opisina. Pansamantala siyang naaliw nang makitang umatras at para bang nagtago ang mga paa ng girlfriend. Niluwagan niya ang pagkakabuhol sa suot na kurbata, pagkatapos ay sumandal sa swivel chair.
Napabuntong-hininga si Jethro nang hindi pa rin pumasok ang dalaga. Hindi man niya itanong ay alam niyang narinig nito ang mga huling sinabi ng kaibigan niyang si Vincent dahilan para manumbalik ang mga insecurities nito sa sarili. Malakas siyang tumikhim. "I love you, Cassey."
Unti-unting napangiti si Jethro nang makita ang dahan-dahang pagpasok ni Cassandra. He had always known that he fell in love with an imperfect woman. Cassandra had her flaws. Pero sino ba'ng hindi? Lahat naman ay nagkakamali. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit ginagawang malaking issue ng iba ang pagkakaroon nila ng relasyon.
"Are you okay?" Lumapit si Cassandra sa kanya at nag-aalalang hinaplos ang kanyang mga pisngi, dahilan para lalo siyang mapangiti. Sa isang iglap ay naglaho ang kahuli-hulihang bakas ng kanyang galit para kay Vincent. It was simply hard to stay mad whenever Cassandra was around.
Habang tinititigan ni Jethro ang napakaamong mukha ng girlfriend ay malalim siyang napahinga. Hindi man ito nagsasalita ay alam niyang ininda nito ang mga narinig. Bahagyang namumula ang mapupungay na kulay gray na mga mata nito pati na ang maliit pero matangos na ilong nito, palatandaang kagagaling lang sa pag-iyak. Hinaplos niya ang pisngi nito. "I'm sorry about Vince. Hindi ka lang kasi niya kilala nang husto kaya niya nasabi ang mga 'yon."
"No," Garalgal ang boses na sagot ni Cassandra. "I should be the one to apologize. Kasalanan ko. Nang dahil sa akin, nagkasakitan pa tuloy kayo." Nang makita niya ang pagluha nito ay gusto niya biglang habulin si Vince at suntukin uli. Malakas na pinalo siya ni Cassandra sa balikat. "Dapat kasi hindi mo na ginawa 'yon."
Kumunot ang noo niya. "I had to. Para madala siya. And besides, love isn't shallow, Cassandra. He needs to understand that." Nahigit niya ang hininga nang sa wakas ay sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito.
Kahit bakas pa rin ang mga luha, si Cassandra pa rin ang pinakamagandang babaeng nasilayan niya. Kumikinang ang mga mata nito nang mga sandaling iyon at sa wakas ay nagpakita na rin ang mga dimple nito sa magkabilang pisngi.
Nakaputing T-shirt lang at kupas na pantalon na tinernuhan ng puti ring rubber shoes si Cassandra, malayong-malayo sa glamorosang itsura nito kapag naglalakad sa runway. Nakalugay ang itim at tuwid na tuwid na buhok na hanggang baywang ang haba. Pero sa kabila ng kasimplehan ay lutang pa rin ang ganda.
In his heart, she will always be his sweet and innocent Cassandra. Hindi siya santo. Aaminin niyang sa simula ay nahirapan rin siyang tanggapin ang nangyari kay Cassandra at ang nagawa nitong panggagamit noon sa kanya. It was a long and hard battle between his mind and heart but in the end... his heart prevailed. Dahil na-realized niyang mas mahihirapan siya kung hindi niya ito kasama. Dahil bukod sa mabuting babae, nagkataon lang na nagkamali ito sa unang lalaking minahal. Hindi na mahalaga ngayon sa kanya kung sakaling hindi man siya ang nauna sa buhay nito basta ba siya ang magiging huli. Ganoon niya kamahal ang girlfriend.
Inangat ni Jethro ang baba ni Cassandra at masuyo itong hinalikan sa mga labi. Maingat na pinahid niya ang mga luhang muling pumatak sa mga pisngi nito. "Kung mabibigyan ako ng pagkakataong ulitin ang nangyari kanina, gano'n pa rin ang gagawin ko," pabulong niyang wika. "I don't mind losing the ones who can't respect the woman I love. Because you deserve it, Cassey."
"Pero Jet-"
"Sshh." Inilagay niya ang daliri sa pagitan ng mga labi ni Cassandra nang akmang magpoprotesta pa ito. "Wala akong pakialam sa nakaraan mo, always remember that. Ang mahalaga ay ikaw at ako... magkasama. Hindi lang ngayon kundi pati sa mga susunod na panahon."
MAAGAP na tinapakan ni Cassandra ang preno ng sasakyan. Nanlaki ang mga mata niya nang malamang ilang hibla na lang ang layo ni Chad mula sa kanyang kotse. Bigla na lang humarang ang bulto nito sa daraanan ng kotse niya habang palabas ng parking lot. Kung hindi siya nakapagpreno, malamang ay nahagip na ang lalaki. Kumabog ang dibdib niya sa naisip. Galit man siya kay Chad, kahit kailan ay hindi niya naisip na gawan nang masama ang lalaki.
Saka lang nakabawi si Cassandra sa pagkabigla nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok ni Chad sa salamin ng sasakyan sa direksyon niya. Ngayon lang ito muling nagpakita pagkatapos ng ginawang pang-iiwan sa kanya noon. Nagsalubong ang mga kilay niya. Pagod siya sa maghapong photoshoot. And an encounter with Chad was the last dreary thing she had on her mind right now.
Nang hindi pa rin tumigil ay kunot-noong binuksan niya ang bintana. "Ano na naman ba 'yon, Chad? Utang-na-loob, nananahimik na ako."
"Lumabas ka na muna diyan, Cassandra. Please," Sa halip ay nakikiusap na sagot ni Chad. "Mag-usap na muna tayo. At ipinapangako ko sa 'yong huli na 'to."
Matagal na tinitigan ni Cassandra si Chad. Nangangalumata ang lalaki, palatandaang walang matinong tulog sa nakaraang mga araw. Humpak ang mga pisngi at pumayat. Muli ay nakaramdam siya ng matinding hiya sa sarili. Kung hindi lang siya naging marupok noon, sana ay hindi nahihirapan ang taong mahal niya ngayon. Sana ay hindi siya nagpadala sa bugso ng damdamin. Napakaraming "sana." She sighed. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Chad. Umalis ka na." Isasara na sana ni Cassandra ang bintana nang matigilan siya sa mga sumunod na sinabi nito.
"A French designer is willing to train you, Cassandra. May pinsan ang asawa ko sa France na nakakakilala sa designer na 'yon." Nag-iwas ng tingin si Chad. "Kaya ginawa ko ang lahat para makausap siya. Ipinakita ko sa kanya ang mga sketches mo na pinulot ko nang itapon mo lang ang mga 'yon sa basurahan noong tayo pa. Her name's Gertrude. Half Filipina rin siya. And she said she liked your designs."
Hindi nakaimik si Cassandra.
Nagpatuloy ang lalaki. "I knew you've
always wanted to become a fashion designer. Samuko ka nga lang kaagad dahil hindi ka nabigyan ng magandang break dito. But you have the chance now, Cassandra. Willing si Gertrude na i-train ka sa boutique niya at i-refer sa mga celebrities na kakilala niya kapag nagustuhan niya uli ang mga designs mo.
Naka-graduate ka naman ng fashion design kaya hindi ka mahihirapang mag-adjust kung sakali."
"Bakit mo ginagawa 'to?" sa wakas ay wika ni Cassandra. Nagdududang tinitigan niya si Chad. "Ilang taon ka ring parang bulang naglaho na lang, Chad. Ang hirap naman yatang isipin na nagising ka na lang isang araw at gusto mo nang magpaka-good Samaritan."
Ilang segundong natahimik si Chad bago ngumiti pero alam niyang pilit. "I'm dying, Cassandra. I have kidney cancer, stage four." Napaawang ang bibig ni Cassandra sa pagkagulat. Natawa si Chad. "It runs in the family. Pero hindi ko akalain na magkakaroon din ako. Huli na nang malaman ko kaya habang may panahon pa, bumabawi na ako. You can say I deserved it pero wala na akong pakialam." May iniabot na envelope ang lalaki at sa nanginginig na mga kamay ay tinanggap niya. "Baka isipin mong niloloko kita. Nandiyan ang ebidensya. Nariyan ang contact number ni Gertrude, kasama ng contract na gusto niyang personal mong ibigay sa kanya kapag pumunta ka sa France."
Mayamaya ay tumingin si Chad sa suot na relo. "I have to go. Kailangan ko pang bumalik sa France dahil naiwan doon ang pamilya ko nang magbakasyon kami. Saka kami babalik sa Canada. I want to spend my last days with my parents.
Hinawakan ng lalaki ang kamel.ne
ni
Cassandra na hindi niya namalayang naipatong niya pala sa bintana. "Believe it or not but I really did love you, Sandra. Sa maling panahon nga lang tayo nagkakilala. Alam kong kulang ang salitang 'sorry' para sa mga naging
kasalanan ko sa 'yo. Pero sana, kahit one-fourth, makabawi man lang
ako."
Napabuntong-hininga siya. "Chad-"
"Nah, don't say anything." Hinalikan nito ang kamay niya kasabay ng pagpatak ng mga luha roon. "Just promise to pay me a visit when I die."
"IN LIFE, nothing is accident. Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan."
Napalingon si Cassandra kay Jethro sa sinabi nitong iyon habang naglalakad sila sa dalampasigan. Nasa rest house sila ni Jethro sa Batangas. Doon siya niyaya ng binata na maghapunan. Nagpapababa na lang sila ng kinain kaya napagdesisyunan nilang maglakad-lakad na muna. Napasubo kasi si Cassandra sa dami ng mga pagkain na nadatnan pagdating nila na puro paborito niya pa. It was the perfect dinner for her and no doubt the perfect night.
Habang kumakain sila ni Jethro ay may tumutugtog pang romantic music. Nahigit din niya ang hininga nang biglang dumilim, pagkatapos ay lumabas ang mga litrato niya sa isang malaking screen na pagdating pa lang ay ipinagtaka na niya kung bakit naroon. Puro stolen shots ang mga kuha niya roon. Gusto niyang maluha nang mga sandaling iyon. Dahil alam na niya kung bakit iyon ginawa ni Jethro. Had she not seen Chad again, she definitely would have said yes.
"Lahat ng nangyayari sa buhay natin, may dahilan. Lahat ng taong nakikilala natin, hindi natin dapat balewalain. Dahil maski 'yon ay may dahilan."
Napalunok si Cassandra nang dahan-dahang ilapit ni Jethro ang sarili sa kanya. Sa liwanag na nagmumula sa buwan ay parang prinsipe ng gabi ang boyfriend. Nakaputing long sleeves si Jethro pero bukas ang lahat ng mga butones dahil nagyayayang mag-swimming kapag nakapagpahinga na sila. Hindi tuloy niya maiwasang ma-distract sa nakikitang malapad nitong dibdib at mga pandesal sa tiyan. Napasinghap siya nang bigla siyang hapitin ni Jethro sa baywang dahilan para magkadikit ang kanilang mga balat. Ramdam na ramdam niya ang init na sumisingaw sa katawan nito. Oh, God. "Jet, a-ano ba'ng... g-ginagawa mo?"
Ngumiti si Jethro. "Iniisip ko lang kung ano'ng dahilan at nakilala kita."
"N-naisip mo na... b-ba?"
"Oo. Para maging kaibigan ko, asawa ko, ina ng mga anak ko, at babaeng mamahalin ko habang nabubuhay ako." Lumuhod ang binata sa buhanginan pagkatapos ay inilabas ang singsing na nagmula sa bulsa ng suot na slacks. "Tulad nga ng sinabi ko sa 'yo noon, may takot ako sa Diyos. Kaya makakasiguro kang hindi kita sasaktan. At mahal na mahal kita kaya makakasiguro kang hindi kita iiwan. Cassandra Madrigal, will you take a chance on me and marry me?"☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report