Wildest Beast (Hillarca Series 01) -
PROLOGUE
"Are you kidding me?" natatawang ani Dalea. Sinubukan ko siyang hawakan pero agad niya akong itinulak, sapat para mailayo ako sa kanya. Nagmamakaawa akong napatingin kay Nashe ngunit tulad kay Dalea ay sarado rin ang kanyang tenga.
Tuluyan ng bumagsak ang luha ko ng dumapo ang mga palad ni Dalea sa mga pisngi niya. Sa taong napili ng puso ko, taong minahal ko na hindi dapat.
"Seriously Rezoir?" mapang uyam na ani Dalea. "Hindi ka lang pala manloloko, gago ka nga talagang totoo!"
Nasa akin pa rin ang tingin niya kahit sa harap nito ay ang pinsan kong si Dalea na nagpupuyos sa galit. Pagod na pagod ang mukha niya, marahil pagod na pagod na sa mga nangyayari sa aming dalawa. Umiwas ako ng tingin, umiyak ako sa sariling palad. Sa totoo lang mas matatanggap ko pa kung bumitaw na siya. Mas makakaya ko kung sasabihin niyang tama na.
Kasi kung ako ang tatanungin, hindi ko 'yon magagawa. Kung sasabihin na niya ngayon ang mga salitang 'yon sa akin mismo, tatanggapin ko. Hindi dahil sa ayoko na, 'yon ang tama. Tamang gawin para sa aming dalawa, hindi na ako umapela ng hawakan na ako ni Nashe sa braso. Hindi tulad kanina na todo piglas ako sa hawak nito...ayoko na. Gusto ko na lang magpahinga, ngunit natigilan hindi lang ako pati na rin ang mga pinsan ko sa sunod na sinabi ni Rezoir. "How about our wedding then? It is canceled?"
"What the fuck!" sigaw ni Dalea. Agad akong inalalayan ni Nashe, halos mabuwal ako sa kinatatayuan sa narinig. Hindi ko inaasahan na bubuksan niya ang paksang 'yon, patungkol sa sinasabi niyang kasal.
Mariin akong napapikit, akala ko wala na siyang pake sa bagay na 'yan. Dapat lang na kalimutan na niya ang lahat, dahil ako...kahit mahirap. Kakalimutan ko ang lahat, dahil 'yon ang tama.
"Walang kasalang magaganap Hillarca!" histerikal na sigaw ni Papa.
"P-papa..." nanginginig ang mga kalamnan ko nang agad nitong kuwinelyuhan si Rezoir.
"Ano pa bang ginagawa mo dito ha?! Sinabi ko ng bumalik ka na sa Manila! Bakit ba patuloy mo pa ring ginugulo ang anak ko? Nakuha mo na ang gusto mo!"
"No sir. You're wrong, hindi ko pa nakukuha ang gusto ko," nagkatitigan kaming dalawa. Sa titig pa lang niya ay alam ko na ang tinutukoy niya, at hindi ako nagkamali. "hindi ako aalis rito. Hanggat hindi ko kasama ang anak niyo." malamig ang pagkakasabi nito.
"Hijo de puta! Pinaglalaruan mo ba ako ha?! Walang rason para sumama ang an-"
"There is," putol nito kay Papa. Sa oras na ito ay totoong nabuwal na ako sa kinatatayuan ko, sa umiigting niyang panga at malamig niyang mata. Binitawan nito ang mga salitang tiyak kong ikakagalit sa akin ng pamilya. "she's carrying my child. There's no way in hell na uuwi ako na alam kong nasa sinapupunan nito ang anak ko!"
Noon pa man ay takot na akong magmahal ng iba bukod sa kaibigan at pamilya. Dahil alam ko, kapag umibig ako pag-ibig rin mismo ang sisira sa buhay ko. And I was right, because meeting Rezoir I learn that this love I have for him is dangerous. Namumutlang napatingin sa akin si papa, kinukumpirma ang narinig niya.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"I'm sorry pa...sorry." Umiiyak kong aniya. Umiling iling ito at inisang hakbang ang pagitan namin, hinawakan ako nito sa balikat at marahang niyugyog.
"H-hindi...na mali lang ako sa pagkakarinig hindi ba Azeria? Pagkakamali lang ang lahat hindi ba?!" sigaw nito sa akin at patuloy niyuyogyog sa balikat.
"T-tito..." pagtatahan ni Nashe at sinubukang tanggalin ang kamay ni papa na mahigpit na nakahawak sa balikat ko. Iyak ako ng iyak nang mapasalampak na sa lupa si papa at nagbagsakan na ang mga luha nito. "B-bakit? Bakit sa kanya pa Azeria?" naninikip ang dibdib ko sa sinabi ni papa. Lumuhod ako kahit pa sinubukan akong pigilan ni Nashe, nanginginig ang mga kamay ko nang hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ang kuyom na kamao nito at paulit ulit akong humihingi ng tawad.
"B-bakit? Bakit sa taong hindi dapat ka pa nagkagusto?" umiling ako at humihingi pa rin ng tawad sa kanya. Hindi, hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sa taong kinasusuklaman mo papa. Patawad, patawad dahil hindi ko alam. "W-what do you mean about that sir? Hanggang ngayon ba...hindi niyo pa rin kami mapatawad?" kahit hindi ko siya kita dahil sa mga luha ko, ramdam ko. Ramdam ko ang sakit sa boses nito.
"Nasa plano mo ba 'to? Plano mo rin bang kunin ang anak ko katulad kung paano kunin ng ama mo ang asawa ko?!" puno ng hinagpis na sigaw ni papa.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Hindi namin siya kinuha! Kusa siyang sumama!"
"Shut up!" sigaw ko at tuluyan ng tumayo. Sinusubukan kong pinupunasan ang aking mga luha pero sa naninikip kong dibdib, mahirap ang tumahan.
"Ganun rin ba ang tingin mo sa akin huh baby? Inaakala mo bang planado ko ang lahat...'yon ba?"
"Bakit? Hindi ba 'yon ang gusto mo? Hindi ba 'yon ang gusto ng pamilya mo ang sirain kami ha?!"
Napangisi ito pero alam kong hindi siya natutuwa bagkus nasasaktan. Napatingin ito sa likuran ko, alam ko si papa ang tinitignan nito. Itinagilid niya ang ulo at doon ay kita ko kung paano bumagsak ang mga luha nito, napapisil ako sa sariling kamay sa sakit na nadarama.
Rinig ko ang pagsinghap niya at mga munting mura. Ngayon ay sa baba ang tingin nito na akala mo naro'n ang bagay na makakapagwala sa sakit na nadarama nito.
"Kung totoong planado ko 'to...sa tingin mo ba mamahalin pa kita?" napakuyom ako sa kamao. "B-baby kung planado ang lahat ng 'to di sana'y nasa labas ng bansa na tayo, sa tingin mo ba hahayaan kong may mga taong hahadlang sa ating dalawa? Tangina kung planado 'to sa tingin mo ba hahayaan kong makawala ka ha!" kumawala ang mga bagong luha sa aking mga mata.
"Nagkataon lang na sa anak niyo ako nahumaling sir at walang kinalaman ang ama ko o anong mang planado na iniisip niyo. Tadhana ang gumawa! Pero tangina naman oh, huwag niyo naman kami idamay sa gusot niyong tatlo. Mahal ko 'to e', mahal na mahal," at hindi ko inaasahan ang pagluhod nito sa harap ko. "Kahit halughugin niyo ang condo ko at patunayan kong planado nga ba 'to, ayos lang. Pero sana huwag niyo namang gawing bastardo ang anak ko..." sa pagod at walang sapat na pahinga siguro ang aking paghihina, dahilan ng pagkawala ko ng ulirat.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report