CARRYING

"Azeria hija! Heto na ang mangga, hindi ba at naghahanap ka nito nung makalawa?!"

Hinanap ko ang boses si manang Luleng at namataan ko naman siya na nasa tindahan ni aling Iming. Marahan nitong iwinagayway ang supot na dala, base nga sa sigaw niya ay mangga. Marahan kong hinahaplos ang aking tiyan, akala ko mag-isa lang ako no'ng pinasya kong manatili nga sa isla. Ngunit sa aking sinapupunan ay ang sanggol na siyang magpapaalala sa kanyang ama, sa bawat araw at linggo ay heto... heto na ang bunga kung saan minsan ay masasabi mong naging isa kaming dalawa.

"Hay naku Azeria! Sinabi ko na sa'yong masama sa buntis ang magkaroon ng sama ng loob. Gusto mo 'ata na maging suplado ang anak mo e'!" sermon na naman ni aling Luleng. Pag ka litaw niya sa harap ko, walong buwan na rin ang nakalipas. Ang bilis ng takbo ng panahon at oras, nasa pangalawang linggo pa lang ako no'n dito sa isla nung malaman kong ako'y buntis pala. Sa una hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, natatakot ako dahil una wala akong maasahan sa aking tabi at pangalawa hindi ko alam kung kaya ko bang maging mabuting ina?

Ang maging duwag, takbuhan ang mga taong hindi kayang harapin. Sa gano'ng aspekto pa lang ay hinang hina na ako, ang pagiging isang ina ay isang napakahalagang tungkulin pero kaya ko bang panindigan ito? Hindi.

Alam kong hindi. Mag-isa lamang ako, oo lumaki akong walang kalinga ng isang ina. Ang maranasan ng aking anak ngunit sa presensya lamang ng ama...doon pa lang alam kong wala na. Nabigo akong maging isang ina. Sa unang buwan doon ay talagang nabaliw ako ng husto, panay sisi ko sa sarili ko. Dahil sa kagagahan ko, maghihirap pa 'ata ang sanggol sa sinapupunan ko. Ngunit kung tadhana man ang nagtakda, sa isla ay nakakilala ako ng mga taong hindi ko aakalaing makita.

"Hindi sa kamalian ang magiging batayan sa pagiging isang mabuting ina Azeria, ang pagsasakripisyo at pagmamahal na maibibigay mo pa sa kanya ay ayos na. Naging mabuting isang ina ka na."

Tandang tanda ko pa ang mga salitang ito na sinabi sa akin ni aling Luleng, nang matagpuan ako nito sa cabin na hindi pa nagagalaw kahit isa ang nakahain na pagkain. Out of guilt o talagang sa puntong 'yon ay dapat akong gumising sa kahibangan ko, yes I can say napabayaan ko ang sarili ko. Mga sari-saring senaryo ang pumasok sa isip ko, pero sa huli isang bagay lang bumagsak ang utak ko. Kailangan ako ng anak ko, kung magiging mahina ako...paano na lamang siya? Kaya talagang umayos ako, na kahit sa pang araw-araw ay itinatak kong huwag magiging mahina...kung ayaw kong kahit ang kaisa isang taong magiging aking makasama ay mawala pa.

At heto ako malusog na malusog at sa susunod na buwan ay manganganak na.

"Bumili na naman kayo ng mangga manang...ayos nga lang po sabi ako. Huwag niyo na akong alalahanin pa." ngumiti ako sa kanya at hinawakan naman ako nito sa kamay.

"Bakit na naman ba umiiyak ka hija? Na mi-miss mo na naman ba ang 'yong pamilya?"

"Araw-araw ko naman po silang na mi-miss manang," napatingin ako sa mga batang sinalubong ang kanilang ama na pumalaot kaninang umaga. Itanggi ko man, alam kong nag-aalala sa akin ang papa at nakakaramdam ako ng sobrang guilt dahil rito. Wala na 'ata akong ginawa sa kanya kundi ang maging isang hindi mabuting isang anak.

"Gayo'ng magkakaroon na sila ng apo, ni hindi man lang nila alam na buntis ako. Sa tingin mo manang, mapapatawad kaya ako ng aking ama?"

Mahigpit na hinawakan ni manang Luleng ang aking mga palad, sa mga nagdaang buwan ay si manang lang ang kasama sama ko sa isla. Na kung hindi dahil sa kanya, marahil hindi ako naging matatag. Naging pabaya ako siguro kung hindi dahil sa kanya.

"Kung nanaisin mo ng bumalik hija, sa tingin ko hindi naman tatanggihan ng ama mo ang kanyang apo."

Kabisado ko ang ugali ni papa, pero kung malaman nga nito ang aking ginawa at kung babalik man ako ni walang maihaharap na ama ng aking dinadala. Nakakahiya. Kaya siguro kung makuha ko na ang maging handa saka ako babalik sa kanila.

Kung saan-saan napunta ang pag-uusap namin ni manang, lahat patungkol sa buhay.

"Nga pala hija, pinapatanong ni Mark kung may ipapabili ka raw. Pupunta raw ito sa bayan kinabukasan."

Si Mark ang may ari sa maliit na clinic dito sa isla, isa itong doctor. Kaya nung manirahan na rin dito ay ang clinic talaga ang una niyang naisip na ipatayo, dahil mahirap naman talaga ang tumakbo pa ka bilang bayan. Si Mark ay ang dating alaga ni manang Luleng, no'ng malamang nasa isla si manang ay mas ninais rin nito na bumili ng sariling property. At talagang mas nanatili na si Mark dito kaysa pumunta sa siyudad, kaya namasukan talaga ako bilang seketarya nito no'ng kinakailangan ko na talaga ng pera.

Para sa mga gamot na kinakailangang bilhin, ang lalaki pa nga ang nagsabi sa aking nagdadalawang tao nga ako.

"Pakisabing wala po akong ipapabili manang, kompleto pa naman ang mga kagamitang kinakailangan ko." Nitong mga nakaraang buwan rin lang talaga ako tumgil sa pagtra-trabaho, dahil malaki na rin kasi ang tiyan ko. Kaya heto at hinihintay na lang ang kabuwanan, akala ko nga no'ng una huhusgahan ako ng mga tao. Pero hindi.

Sila pa nga ang kusang lumalapit sa akin, tinatanong kung anong dapat gawin. Tinuring akong pamilya ng mga taong narito sa isla, kaya naman pati rin ako ay itinuring na silang tunay na pamilya. Karamihan na naninirahan dito sa isla ay mga matatanda na, iilan lang ang mga naninirahan ditong masasabi mong nasa ka edaran ko.

"Nakapag pasya ka na ba sa gusto ni Mark hija? Kung ako ang tatanungin, hindi masama ang kanyang ideya."

"Pero nakakahiya naman sa tao manang...marami na kaming utang."

Isang maliit na clinic ang meron si Mark, kaya nitong nakaraang linggo ay sinabi nitong mas mabuti kung lumuwas kami at sa bayan na manatili. Hanggang sa manganak ako, isang buwan na lang at lalabas na ang prinsipe. Gustuhin ko man ay nahihiya ako, marami ng naitulong ang tao.

"Para rin naman sa anak mo Azeria, kung nahihiya ka e' di bayaran mo na lang ka pag maayos ayos ka na,"

At isa pa ang inaalala ko ay ang pagpakita bigla sa bayan, paano kung may makakita sa akin do'n?

"Kung may makakakita sa'yo ay talagang kapalaran muna na matagpuan ka nila Azeria," Hindi ko namalayang nasabi ko na pala ang inaalala.

"Hindi naman maganda kung palagi ka na lang nagtatago hija, paano na lamang ang magiging anak mo? Ngayon pa lang ay dapat ka ng maging handa, hindi natin hawak ang panahon at oras."

Iniwan ako ni manang Luleng no'ng sinabi ko munang dito muna ako. Marahan kong hinahaplos ang tiyan ko, hindi ko balak itago ang anak ko kung sakali man. Sekreto pa nga nabubunyag, 'to pa kayang pagbubuntis ko. De Ferrer.

Nagsisimula pa lang ang kompanya nito ayon nga sa pinsan ko, at sa ilang linggo kong pagiging sekretarya niya masasabi ko namang totoong nagsisimula pa nga. Pero, something was off...oo alam kung may gano'ng presensya talaga, na parang galing sa isang maharlika ang lalaki. Pero De Ferrer ang apelyido nito, alam kung hindi matunog sa akin ang salita.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Kaya kabado rin ako sakali mang pumayag nga ako sa alok ni Mark na sa bayan na manganak. Kahit todo tanggi ako, kung talagang sa ikakabuti rin ng anak ko alam kong kailangan kong pumayag kalaunan. At kung mangyari man 'yon, ay sobrang ingat na lang ang gagawin ko siguro.

Naglalakad na ako pabalik sa tinutuluyan ko nung matanaw ko si Mark malapit sa pinto, napansin nito ang pagdating ko kaya nginitian ko siya. Sanay na ako sa presensya nito dahil ganito naman ang laging ginagawa niya, alam ko kung bakit pero hindi pa ako handa sa panibagong pag-ibig.

"Naglakad lakad ka ba sa gilid ng karagatan?" tumango ako sa kanya at agad inilabas ang susi para buksan sana ang pintuan.

"Pasok ka muna Mark." Saad ko nung tapos ko ng binuksan ang pinto, pero umiling naman siya sa akin.

"Hindi na Azeria, pumunta ako dito para magpaalam. Kailangan kong umuwi."

"Ha? May nangyari ba?"

"My mom is sick, kaya kailangan ko rin talagang umuwi. At aabutin rin siguro ako ng ilang linggo roon, kung may kailangan ka man. Puwede mong sabihin kay manang."

"S-sige, mag iingat ka kung ganun."

"May kaibigan akong siyang papalit muna sa akin, at siyang tatao muna sa clinic."

"Mabuti naman kung ganun, I hope your mom will get fine soon."

"Thank you, kung ganun lalakad na ako Azeria. Mag-iingat kayo rito."

"Ikaw rin."

Pinagmasdan ko siyang lumakad at nung mawala na ito sa paningin ko ay saka lang ako pumasok sa loob. Kumpleto lahat ng gamit na kinakailangan ko, ang telepono ko na puwedeng gamitin para kamustahin ang pamilya ko. Ni hindi ko man kailan tinangkang buksan ito, sa takot na ma trace ang kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagbubuntis ang takot na nararamdaman ko, basta ang alam ko...tama lang ang mga hakbang na ginagawa ko.

Ang telebisyon rin na puwedeng gawing pampatay sa oras lalo na kung wala akong ginagawa, ni kailan man ay hindi ko rin tinangkang buksan.

Ang duwag duwag ko, iyon ang totoo. Pero isa lang ang pinanghahawakan ko, na sa kabila man ng lahat na ito ay sana kung makuha ko na ang maging malakas ay mapatawad ako ng aking pamilya.

Lalo na ang papa.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Magiliw na nilapitan ni manang Luleng ang taong sinabi sa akin ni Mark na siyang tatao muna sa clinic nito. Hinila na ako ni manang para salubungin ang mga ito, at ayon nga sa kanya ay hindi lang ito ang unang pagakakataon na pumunta ang mga ito rito. Sa katanuyan nga ay sila rin ang mga taong naging dahilan kung bakit ganito rin ka payapa ang isla, dahilan rin kung bakit ako gusto ipakilala ni manang sa mga ito.

Dahil isa na rin ako sa mga taong dapat maging thankful sa mga ito, dahil naninirahan na rin ako sa isla. Hindi naman masama ang intension ni manang, kaya sumama na ako rito. Nasa malayong parte kami, kasama ko si manang Iming. Sa unahan ay si manang Luleng, dahil ito na rin kasi ang nagsilbing parang captain na rin dito.

"Nagagalak akong sa pagkakataong ito ay sumama na kayo Don." Bahagya akong napatingin sa unahan sa sinabing 'yon ni manang. Bakas sa tono nito kung gaano kahalaga ang taong nasa harapan nito, lumaki akong maraming katuwang sa tabi magmula bata pa. At sa way ng pagsasalita ni manang Luleng ay talagang pamilyar...tonong katulad kay nanay Roda kung kaharap si papa. "Nakakasawa na rin sa hacienda Luleng, at isa pa ay sapilitan rin akong dinala ng matigas kung apo." Tawa ng tinawag na Don ni manang Luleng.

"Inihanda ko na rin ang cabin na paglalagian niyo, sana ay sulitin niyo ang pananatili niyo rito."

"Makakaasa ka Luleng," muli ay tawa nito. "nga pala, ang sabi mo sa telepono ay may ipapakilala ka sa akin."

"Ay oo nga pala, ipapakilala ko ang taong dahilan kung bakit hirap rin na umuwi si Mark Don."

"Really." Tawa nito ulit, alam kong ako ang tinutukoy ni manang kaya bigla ay kinabahan na naman ako. Hindi ko alam, nagiging hobby ko na ‘ata sa nagdaang linggo ang kabahan ng walang katiyakang dahilan. Napatingin ako kay manang Iming nung kinalabit ako nito.

"P-po?"

"Tawag ka ni Luleng, namumutla ka hija. Ayos ka lang ba? Anu manganganak ka na?" natatarantang ani manang Iming, umiling naman ako at hindi mapigilang hindi matawa sa sinabi nito.

"Ayos lang ako manang, medyo kinakabahan lang."

"Gusto mo na bang magpahinga?"

"Pagkatapos siguro akong ipakilala ni manang Luleng, manang.' "Hala sige, sasamahan na kita."

35

Hawak ako ni manang Iming habang papapunta kami sa unahan, kung saan naghihintay si manang Luleng. At nung makaharap na namin ang mga taong gusto nga akong ipakilala ni manang, ipinagsasalamat ko ng husto na nakaalalay sa akin si manang Iming kundi ay mawawalan siguro ako ng ulirat ng wala sa oras.

"Ito nga pala si A-"

"AZERIA!" ngising tawag sa akin ng kapatid ni Rezoir...si Reign. Ang weirdong taong nakilala ko, ni hindi ko maiisip na siya ang bubungad ngayon sa harap ko. Namutla akong husto nung ma gawi ang tingin nito sa tiyan ko, at halos gumuho ang mundo ko sa sunod na sinabi nito.

"Oh, I got my answer now for my brother's unpleasant behaviors this past few months, right Azeria?" ngisi nito at mariin pa rin nakatitig sa tiyan ko.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report