HANDS

Hindi ako 'yong tipong bastang magpapabitag ng ganun na lamang. Ang kagustuhan kong manatili sa Manila para sa pang sariling interes, alam ko maraming pang unawa ang ginawa ng aking pamilya. Hindi ako perpektong tao. I do lot of mistakes too, alam ko. Oo, nung una talaga napagtanto kong masiyado akong nagpatangay na naman sa pang sariling interes.

Sa nangyari sa aming dalawa ni Rezoir. Sa tipong nagawa kong takbuhan lahat, siya na ama ng aking dinadala at ang aking...pamilya. Pamilya na walang ginawa kundi ako ay suportahan lagi, age doesn't matter between younger and older lover. I know.

Sa estadong meron kami, lahat ng mga taong nagtatangkang kunin ang loob ko. Sa huli, hindi rin sila nagtagumpay. Dahil alam ko na, alam kong sa huli gusto lang nila akong gamitin.

Nang matagpuan ko si Rezoir sa lugar na hindi ko inaasahan, pangyayaring hindi ko lubos naisip na aking gagawing kalaunan.

Hindi na ako bata.

Hindi niya kasalanan at hindi ko rin kasalanan.

Hindi dahil hindi ko kayang diktahin ang sariling katawan na siyay'y layuan. Dahil alam ko, na parang lahat ng ito ay tinakda na talagang mangyari. No'ng takbuhan ko ito, na sa isip ko lang. Kaya ko. Kaya kong mag-isa. Ngunit ngayong kulong ako sa kanyang bisig, ngayon ay luhaan.

Hindi.

Kahit kailan hindi ko kayang mag-isa.

Hindi ko kayang wala ang pamilya sa aking tabi, na kahit anong pilit kong bumuo ng sariling mundo. Sila pa rin ang hahanap hanapin ko, mas lumala lang dahil nangyari ang bagay na ganito. "I-I'm s-sorry."

No.

I should be the one who says that.

Ako dapat kasi, kahit anong kagustuhan kong baguhin ang sarili. Wala pa rin, hindi pa rin ako magtatagumpay. Takot pa rin ako, ugali ko pa rin ang tumakbo. Makasarili pa rin ako.

Natulog ako sa gabing 'yong magaan ang pakiramdam, na siyang pinagtaka ko. Na sana hindi dapat, alam ko na e'. Alam ko na ang mga mali ko, kaya bakit ganito ang nararamdaman ko? Dahil ba yakap ako nito o...una pa lang siya lang talaga ang magpapagaan nitong mga bigat na dinadala ko.

Ramdam ko na ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, kung may nagustuhan man akong bagay na nangyayari sa walong buwan na pananatili ko sa isla. Ito 'yon, ang sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Doon lang kasi ipinapakita na, haharapin mo na naman ang panibagong umaga.

"Are you awake?" I love how his voice are soothing me. Na posible pa lang mangyari, akala ko sa kanta ka lang makakahanap ng paraan para ang pakiramdam mo ay gumaan.

Aside from his eyes, his voice...I love his voice.

"Hmm." sagot ko.

"What meal do you want me to cook?" nakangiti ako sa tanong nito.

Hindi ko lubos akalain na darating kami sa ganitong punto. Sa unang tingin ko pa lang sa kanya no'n, siya iyong tipo ng taong manloloko lang pero hindi magseryoso. Pero tingnan mo naman kung nasaan kami ngayon, ang malabo nagkatotoo.

"You don't need to cook, si manang Luleng naman ang magluluto. At saka kasama natin ang lolo mo't kapatid sa hapag. Hindi ba?"

"Lolo already left, kailangan niyang bumalik sa hacienda."

Hacienda.

Na miss ko tuloy ang presensya ng hacienda dahil sa nabanggit nito, napa buntong hininga ako.

"What's wrong?"

"Hmm, na miss ko lang rin ang hacienda."

"Tacata." He whispered something but I didn't get it.

"Huh?"

"It's nothing. Come on, let's grab a bite first before we go to the clinic."

Iyon nga ang ginawa namin. Sa huli kami lang rin ang nasa hapag, maagang pumunta si Reign sa clinic. Sa kalokohang taglay niya, hindi sumagi sa isip mo na pagiging doctor ang magiging propesyon nito. Pero itong katabi ko hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto, siya ang nagyaya pero ngayong nasa harap na namin ang kapatid niya. Bigla ay gusto niyang umalis na.

"Don't worry kuya, hindi ko naman siya papa anakin. I'm just going to check her up okay, no need to glare at me. Tsk, parehas lang kayong abno ni Rizalde kapag inlababo." Rizalde?

I think the name rings a bell.

"His talking about my cousin." bulong nito sa gilid ko. Tumango ako, pamilyar sa akin ang pangalan hindi ko lang alam kung saan ko ito narinig. Nagtagal kami ng ilang minuto sa clinic, pagkatapos namin ay bumalik kami sa cabin. May katawagan si Rezoir sa telepono, habang ako naman ay nakaupo sa bandang bintana. Payapang pinagmamasdan ang karagatan. Dahil nasa isla nga, may pagkamahina ang signal rito. Kaya talagang gumagamit talaga ng wifi ang mga tao rito, rinig ko nga na galing nga rin ang wifi sa mga Hillarca.

"It's not that I do not believe in his credibility, I just want her to deliver safely."

Sa narinig ay talagang napatingin ako rito. Kunot ang noo nito habang matamang nakikinig sa taong nasa kabilang linya, naramdaman ‘ata nito ang paninitig ko kaya bahagyang nilingon ako.

"Of course, who should I ask for help if it's not you? After all, you're manuring a damn airplane."

Nasusundan ko na ang pinag-uusapan ng mga ito, sa konting salitang nasabi lamang niya. Ngayong wala si Mark sa isla, ang pagpunta sa bayan ang dapat na kinakailangan kapag ako'y manganganak na nga. Isa pa hindi naman sa panganganak ang sakop ng propesyon ni Reign. Kaya sumang ayon na rin ako nang mabanggit ni Rezoir na mas mabuting bumalik na kami sa city.

"Okay, tomorrow then."

"Who's that?" tanong ko nang umupo na ito sa tabi ko.

"Rouston, also my cousin."

"What's your family look like?"

Matunog ang kanilang pamilya lalo na sa Romblon, kung may natatandaan man ako ay minsan ko na ring nakita ang kanilang hacienda. Napuntahan ko lang ito dahil na rin sa mga ka klase kong may mga magulang na trabahador doon. Ang totoo talaga ay parang off limits sa amin ang daan papunta sa kanilang hacienda. Isang pagkakataon ko lang nasilayan ang lugar, pero kung ikukumpara sa aming mga Tacata. Mas malawak nga ang kanilang lupa, kaya talagang nagtaka rin ako sa sinabi ni Don Sebastian na magkaibigan pala sila ni lolo. Wala talaga akong kaalam alam rito.

"Hmm, what's my family look like? My family can be as hard as stone outside but soft as cotton inside. People may see them as ruthless ones, but if you see them closer. There are the nicest that you couldn't believe, such that like family exist. They may do a lot of mistakes, but in the end, it's for others' good," he gave me a peck kiss on my lips. "You will love the baby."

"Would they accept me? A-after you know...what I did." matatanggap pa kaya nila ako?

"They will." confident na ani nito.

Sa pag-upo namin malapit sa bintana, rinig ang alon ng karagatan. Pa tungkol sa pamilya ang aming pinag-uusapan, from the middle of the conversation. May pagkakataong umiiyak ako habang nagkwe-kuwento. He looks calm kapag umiiyak ako, siya pa mismo ang pumapahid sa mga luha ko. Pero ang mas tumutunaw sa puso ko ay, sa bawat daing na aking nababanggit sa kanya. Mga regrets na ngayon ko lang napuna, lahat ng mga 'yon sinasagutan niya ng mga pangako. Pangakong tulad nito.

"We will face them together, kasama mo akong babalikan at haharapin sila."

Naging magaan sa akin ang lahat. Kasulukuyan nitong kaharap ang kanyang laptop, hinayaan ko na siya dahil parang na guilty rin ako na kahit may kinakaharap na problema ang kompanya niya. Kami pa rin ang kanyang inuuna, kaya tahimik na lang akong nanonood sa telebisyon. Oo, nitong mga nakaraang araw ay ginagamit ko na rin ang kagamitan. Siguro dahil na rin narito si Rezoir, na 'yong mga inaalala ko ay parang naging mas magaan na talaga. Ang hindi ko pa nakakayang buksan ay ang telepono, alam ko kasi na sa oras na buksan ko ito mga tawag at mensahe sa pamilya ko ang makikita ko.

Hindi na ako takot, parang sa akin hindi pa ako handa. Oo, nagsisisi ako napuna ko na lahat ng aking pagkakamali. Sa isip ko lang ay safe na maisilang ko si baby, kaya talagang guminhawa ang pakiramdam ko na malamang kasama ko rin si Rezoir na haharapin ang pamilyang tinakbuhan ko. Sa gano'ng punto, panatag ako...panatag akong maiintindihan ako ng pamilya ko. Kung nasa tabi ko ito habang ang nasa harap ko ay ang pamilya.

Iyon lang muna, ang baby muna. Hindi dahil sa binabalewala ko sila o ano. Kasi heto lang ang nakikita kong mas dapat kong gawin at isipin. Napahikab ako ng wala sa oras, magtatanghali na rin...kahit sa ganitong oras talaga ay inaantok ako. Isa pa maaga rin akong nagigising, mabigat na ang mga talukap ko. Tuluyan na nga akong hinila ng antok, kaya kahit anong laban ko ay wala. Ni hindi ko alam kung napatay ko nga ba ang telebisyon. "Pst, Azeria!" napatingin ako sa harap ko kung saan ang pinsan kong si Theo.

"What?" I mouthed.

Nasa simbahan kami at si Theo nga ang taong na ka upo sa harap ko. Mahina lang ang pagkakasabi ko, dahil nga nasa kalagitnaan pa lang kami ng misa.

"Iyong may crush sa'yo!" sabay turo nito sa kabilang dako. Kunot ang noo ko, bahagya kong sinundan ang gawing itinuro nito.

"Stop it, focus on the mass!" irap ko at hindi na ito pinansin kahit anong sitsit nito sa akin.

Tumigil naman na siya no'ng mismong si Nana Roda na ang sumuway sa kanya. Pero pagkatapos rin ng misa ay agad rin naman ako nitong nilapitan, at inasar na naman.

"Siya iyong taga ibang school na sabi-sabing may gusto raw sa'yo!" ngumuso ako at masamang tinignan si Theo.

"I'm still sixteen Theo," sinulyapan ko ang taong tinutukoy nito. Napaawang ang bibig ko nung saktong pag tingin ko sa gawi nito, ay saka naman itong napatingin sa akin. "a-and I don't like him!" "Weh? E' bakit namumula ang mga tenga mo? Kilig ka?" ngisi niya.

"I'm not! Stop pestering me! Bahala ka na nga diyan!" I walk out. Nadaanan ko pa ang lalaking sinasabi ni Theo, I don't really know him. Malapit ito sa pintuan kaya talagang madadaanan, pagkalampas ko sa kanya. Rinig ko pa ang sinabi ng lalaking katabi niya, probably a family.

"Siya ba 'yong sinasabi mo Rez? A Tacata huh?" tuya nito.

Napatingin ako kay Dalea na malapit rin sa pintuan, siya ba ang tinutukoy nila? Napasimangot ako, hindi naman totoo ang tsismis ni Theo. Baka si Dalea ang sinasabi nito at hindi ako.

"Hey, are you okay? You're growling." Napakurap kurap ako nang mabungarang nasa harap ko lamang si Rezoir. "What's wrong baby?"

"Rez." sa paos na boses na tawag ko.

"Yes baby," hinawakan ako nito sa noo. "may masakit ba sa'yo? What is it?"

Rez.

Taong nasa panaginip ko, at medyo nagtataka ako kung bakit sa kauna unahang pagkakataon ay napanaginipan ko ang pangyayaring 'yon. Isa pa, si Rezoir...siya at ako ang nasa panaginip ko. "Have we met before?" ani ko. Nagkatitigan kaming dalawa, his forehead creased for my sudden questions. Bahagya akong napakagat sa labi, na kahit ako ay napakunot noon a rin. "W-what do you mean babe?" hindi nakalampas sa aking mata ang hesitation niya nang ito'y magsalita.

"I-I mean...I don't think it's impossible but, napanaginipan kita. Naro'n rin si Theo, sa simbahan naroon ako at pati ikaw. Nakatitig ka pa nga sa akin, hindi ko alam." Umiling ako. Tumikhim siya at masuyong sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay nito.

"Maybe you just miss your cousins," wika niya. Tumango ako at napabuntong hininga, baka nga...gano'n siguro. "C'mon let's eat, mahimbing na ang pagkakatulog mo kaya hinayaan muna kitang magpahinga. But you will pass the lunch time, you need to get up now." Ngumuso ako at tinulungan naman ako nito para bumangon na nga.

"You cook?" tanong ko. Umiling naman siya, bahagya akong napatalon sa gulat ng buhatin ako nito. Automatic namang pumalibot ang mga kamay ko sa mga leeg nito.

"No, hindi ko rin namalayang tanghali na. After I tucked you at bed, hindi ko na napansin ang oras. Dinalhan tayo ni Reign ng pagkain." Tumango ako at bahagyang nahiya. Napahaba ang tulog ko, sana ako na lang ang nagluto. Nakakahiya naman kay Reign.

"Don't worry about it, sanay na rin siya." Nabasa 'ata nito ang nasa isip ko.

"Kahit na, nakakahiya pa rin sa kanya," nguso ko at nang makaisip kung papaano ko ito pasasalamatan. Agad nagliwanag ang mukha ko. "Ako na lang ang magluluto mamayang hapunan." masayang wika ko sa kanya.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Hmm, I will assist you," ngiti nito. Agad nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. "What? You don't like?" tawa nito.

"G-gusto," nauutal na agad na sagot ko. "h-hindi ko lang akalaing mangyayari ang isa sa mga pangarap ko. You know, my boyfriend assisting me preparing for everything." He gave me a peck on lips. "From now on, gagawin natin lahat ng pangarap mo."

Naluluha akong napatingin sa kanya. Bakit nakakasakit sa tuwa ang mga ginagawa niya? I know, he has a reputation when it comes to these. Kalat na kalat nga rin ang mga kalokohan niya sa kanyang kompanya, base na rin sa mga nasasabi sa akin ng mga kasamahan ko no'ng nagtra-trabaho ako.

"Naku, nariyan na naman ang bruhang 'yan." Ismid na wika ni Maria habang nakatingin sa babaeng papunta ngayon sa elevator. "Kilala mo?" tanong ko.

"Isa sa mga kayugyogan ni sir." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, nang makita ang itsura ng mukha ko ay natawa si Maria.

"Sorry, pasensya ka na kung medyo iskandalosa pero ganito na talaga ako girl," Explanation naman nito sa akin, napapangiwi na nga lang talaga ako minsan sa walang tigil na filter ng bunganga ni Maria. "Okay, back to our real agenda. Ang bruhang iyon, si Gidget 'yon. Ang babaeng flavor of the month ni sir."

"F-flavor of the month?" utal ko. Tumango si Maria.

"Oo, bale kung sa isang brand. Iba ngayon ang trending, mamaya ending. Mga gano'n." napatingin kami kay Erissa nung matawa ito.

"Bobo talaga nitong si Maria," hinawakan ako nito sa balikat at hinarap sa kanya. "alam kung virgin ka pa. Pero hindi ka naman ignorante, si Gidget ay isa sa mga f-buddies ni sir. Iba't-ibang babae ang pumupunta rito at lahat ng mga 'yon, galing sa mga mayamang angkan. Brat kung ibabase mo nga kalaunan, pero in the end... wala namang nagtatagal diyan kay sir. Lalabas pa rin sila sa kompanyang 'to na luhaan." Ani Erissa. Tumango tango ako, ngayon ay nanlalamig na ang mga kamay ko. Sa katotohanang naibigay ko na ang sarili rito.

Napailing ako nang kahit ang pangyayaring 'yon ay sumagi sa isip ko, talaga namang maraming pinagbago si Rezoir nung dumating ako sa kompanya nito. Ang kay Althea lang 'ata ako mas nainis ng husto, doon lang ako sumabog ng husto. Maybe because I saw them kissing, iba sa mga luhaang itinataboy niya. Napanguso ako...at least kitang kita ko na ngayon na nagseserysoso na siya.

Gayo'ng may dinadala na ako, mas ramdam ko ang paghihigpit nito. Iyong paghihigpit na alam mong ligtas ka sa paghihigpit na kanyang ginagawa, sa susunod na buwan ay lalabas na si baby. At sa nakikita ko, magiging mabuting ama si Rezoir. Matamis akong napangiti, pinagmasdan ko siyang naglalapag ng plato sa mesa. Hinintay talaga ako nito, para sabay na kaming kumain. Sinigang na isda ang ulam, kaya si Rezoir talaga ang umaalis sa mga tinik.

Maganda ang pagkakatimpla ni Reign, hindi lang 'ata maalam ang mga ito sa pagluluto. Kundi talagang magaling sa pagluluto, no'ng nasa bahay pa ako ni Rezoir ay siya rin minsan ang nagluluto. Kaya nasasabi kong magaling rin ito, proven and tested na kasi.

"Nakapagsabi ka na ba sa mga tao rito na aalis na rin tayo?" tanong nito no'ng matapos na kaming kumain, kasulukuyan ako nitong tinutulungan sa paghuhugas. Kahit kaya ko naman, makulit siya kaya hindi na ako nakipagtalo at hinayaan na lang.

"Hmm, hindi pa. Bukas siguro, tutal darating naman na ang pinsan mo. Malalaman rin naman nila." Napabuntong hininga siya. Agad kong pinatay ang faucet nung matapos na ako sa paghuhugas. Lumapit ako sa kung nasa'n ang pamunas. "I'm glad you're safe that time...the day you decide to left." Napatigil ako sa pagpupunas ng kamay ko. Tiningala ko siya no'ng ipatong nito ang kanyang kamay sa tiyan ko, at masuyo itong hinaplos.

"Nakausap ko si manong Lito, once a time lang akong napupunta rito. Minsan pa nga sapilitan akong sinasama ni lolo, hindi ko lubos akalain na... kahit nilibot na 'ata ng imbistigador ang buong Pilipinas. Hindi ka pa rin nito magawang mahanap, kaya pala.. kasi pamilya ko sa huli rin ang nakatagpo sa'yo."

"Rezoir."

"I promise baby, alam kong ligtas ka na sa lugar na ito. But I promise that if we leave here, kung sa'ng lugar man tayo pumunta. Ipinapangako kong magiging payapa rin para sa inyo, I will guard you and our baby. Pangako." Busog na busog na ako sa mga pangako nito. Kaya hinayaan kung kunin niya ang mga kamay ko, hinayaan ko ring sakupin nito ang mga labi ko. Hindi ko alam kung sa'n na napunta ang mga plano kung, hindi muna ako magpapatangay sa katamis na kaniyang mga salita. Pero sa panibagong umaga, hindi ko alam...alam kong may doubts pa rin ako sa kanya. Pero sa pagkakataong ito, wala. Napawi na lahat, at nagtagumpay siya. Maybe kahit hindi ito mag exert ng effort, magtatagumapay pa rin siya. Kasi nga, heto e'...talagang una pa lang. Siya na.

Siya lang ang kayang patibukin ang puso ko, siya lang ang taong pipigti sa konting pasensyang meron ako. Siya lang ang taong, kayang paiyakin ako.

Siya.

Kahit ano pang gawin nito, willing pa rin ako na ibigay sa kanya ang mga kamay ko. Iyon ang totoo.

"I love you." Wika nito.

Bumagsak ang mga luha ko, ngayon pa lang walang duda. Mahal na mahal ko talaga siya. Bumabagsak pa rin ang aking mga luhang sinagot rin siya. "Mahal na mahal rin kita... Rezoir Israel Hillarca."

Posible rin pala ang tunay na labis na saya...Azeria. At sa unang apo pa nga ng mga Hillarca.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report