TEARS

"Why don't you stay longer at Romblon, Red?" nakangising saad ni Theo. Kung ano na naman siguro ang nasa isip niya kaya nakangisi na naman. Na para bang ikakasaya niya kung pagbibigyan siya ni Red.

"Why would I do that?" taas na kilay na sagot ni Red sa kanya. Nagkibit balikat si Theo. Nanliit ang mga mata ni Red bigla. "What's with the smirk face jerk? Don't tell me your still thinking I'm hooking with that nerd?" inis na sabi niya. Itinaas ni Theo ang kanyang kamay sa ere, na ani mo ay sumusuko. "Wala naman akong sinasabi ah, hindi ba puwedeng gusto ko lang na magpahinga ka muna sa villa? Issue ka ah!"

"I dont like her okay, hindi ako pumapatol sa bata lalo na sa nerd." masungit na saad ni Red.

"Who's her?" ako na naguguluhan na naman sa mga pinag-uusapan nila.

Kahit hindi naman nagsasalita si Lucas kung titignan ay para bang, alam niya o may ideya siya sa pinag-uusapan ng dalawa. Mahirap talaga intindihin minsan ang mga lalaki, lalo na pinag-uusapan nila.

Napakamot sa ulo si Red, napanguso ako. "Sige na nga, huwag mo ng sagutin. Hindi ka naman kasi pumapatol sa bata at nerd pa." nanunuyang saad ko at napabalikwas naman si Theo habang tumatawa. Napaismid naman si Red. "Nahahawa ka na kay Theo sa pagka abno." wika ni Red. Pansin ang pamumula sa mukha niya, 'yan ba ang hindi pumapatol sa bata at nerd? Sino kaya ang tinutukoy nila, sa nakikita ko naman ay walang balak sabihin si Red. "Kayong tatlo," umiling ako. "Madami kayong sekreto."

"Ako?! Hindi ah, wala na kaya akong sekreto. Kahit itanong mo pa kay Lucia." si Theo.

"Why would they ask me?" nangiti naman ako nang makita si Lucia. Hindi niya sinabing pupunta siya.

"I don't know your secrets, kaya pa'no ka nakakasiguradong alam ko?" baling nito kay Theo. Agad napaupo ng maayos si Theo, pag-ka-kita kay Lucia.

Napatikhim si Theo. "Alam mo naman lahat na ah!" giit niya. Bahagya akong natawa ng iripan siya ni Lucia, agad itong umupo sa sofa na nasa harapan ko. Sa kabila nito ay doon na ka upo si Theo. Hindi siya pinansin ni Lucia, bagkus sa akin nakabaling ang kanyang mga mata.

"Is there availabe position at your company Red?" ngayon, ay na kay Red naman ang kanyang mga mata. Tuloy ay sinusundan ni Theo ang mga mata ni Lucia, nang mapunta kay Red. Matalim ang pagkakatitig nito kay Red. "Wala, pero kung ikaw siguro magagawan naman ng paraan."

"Iyon!" tukso ni Lucas. This time, si Red naman ang nangiinis kay Theo.

"Why are asking him kung may bakante Lucia?" seryosong seryoso na tanong ni Theo na nasa tabi ko. "Sawa ka na bang maging secretary ko?" umirap si Lucia.

"What? I'm just kidding." tawa niya. Napailing ako at bahagyang napalayo, at ang anak ko na ang inasikaso ko nang maramdaman at makita na ang masamang aura ni Theo.

"And its not a nice joke to me, huwag ka na ulit magtatanong ng kaniyang mga bagay. Kung hindi titirik talaga ang mga mata mo sa akin Lucia." sabay sabay kaming naubo sa sinabi ni Theo.

Hindi naman mapigilan ni Lucia na mapasinghap sa narinig niya. "Thaddeus!" suway ni Lucia kay Theo.

"What? Do I look I'm joking?" igting ang panga nito. Napailing ako, so possesive. Pinagrelyohan siya sa mata ni Lucia.

"Ewan ko sa'yo!" pulang pula ang mga pisngi ni Lucia, tumayo ito at pumunta na nga sa kusina kung saan si Nanay Selma. Agad naman nakakuha ng batok si Theo sa dalawa.

"Ginagaya mo na ngayon ang mga linyahan ni tito Theodore ah." ani Lucas.

"You mean, narinig niya ang linyang 'yon kay tito?" sa pagkakataong 'to balik sa mabirong anyo si Theo.

"Astig ba? Gayang gaya ko ba si Papa?" hindi ko mapigilang hindi mapangiwi sa sinabi niya. Kahit talaga ang isang 'to, hindi ko alam kung saan siya pinaglihi ni tita. Ngayong pansin ko nga na malapit ang anak ko kay Theo, naku, huwag naman sana magma sa tito.

Na-i-imagine ko na ang mukha ni Rezoir, kung sakali nga na makuha pa ni Rayver ang ugali ni Theo. Sasakit siguro ang ulo niya palagi, napangiti ako. I really miss him now. Sa susunod na linggo na ang dating niya, posibleng ang alam pa niya ay nasa hacienda pa kaming mag-ina. Kahit ang totoo ay nasa Manila na.

"Tumawag sa telepono kanina, hindi ko naman alam ang sasabihin dahil ayaw mong ipaalam sa kanya." narito na ako sa kuwarto. Nagpaalam na rin ang mga pinsan ko at si Lucia. Katawagan ko ngayon si Nana Roda, nakita ko ang tatlong missed call niya kaya napagpasiyahn kong tawagan nga siya.

At ito nga ang kaniyang ibinalita. Tumawag nga raw kanina si Rezoir. "Wala ba siyang anong sinabi Nana?" napangiti ako ng humahagikhik si Rayver. Na ka loudspeaker ang phone ko, siguro ay tuwang tuwa itong marinig ang boses ni Nana. "Wala naman, mga dating katanungan lang rin naman ang itinanong niya. Kung kamusta kayong mag-ina, kung ano ang naging takbo ng araw niyong dalawa." napabuntong hininga si Nana. "Muntik ko nga na masabing wala ka dito sa hacienda e', mabuti na lang at hindi."

"Sa susunod na linggo na po kasi ang dating niya. Hindi imposibleng pupunta siya sa hacie" muntik akong mapatili nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"And I really did... baby." bulong niya sa tenga ko. Nanlaki ang mata ko, dahil sa gulat nabitawan ko ang phone ko. Mabuti na lang at malayo sa anak ko ang nagbagsakan ng phone, matamaan pa ng wala sa oras ang anak ko. "You startled me!" ani ko nang tignan ko siya sa aking likuran. Dahil mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin mula sa likuran. Kaya hanggan sulyap lang ang nagawa ko. "A-akala ko ba sa susunod na linggo pa ang dating mo?" nauutal na tanong ko.

Baon ang mukha nito sa leeg ko, nagiging malikot ako dahil sa munting pagpatak ng halik niya sa leeg ko. At ang nakahiligan niyang pang amoy amoy sa leeg ko.

"B-baby..." paos ang boses kong tawag sa kanya. Ang mga kamay niya ay prenteng namamahinga sa aking tiyan, hinahaplos kalaunan.

"Sa sobrang miss ko sa'yo Azeria, baka magkalaman ulit 'to baby."

"W-what? Stop it-nakikiliti ako Israel." gamit na ang pangalawang pangalan niya para lamang matigil siya.

"Miss you fuckin' so much." napa 'ouch' siya nang kurutin ko siya sa braso.

"Rinig ka ng anak mo!" singhal ko. Tinanggal naman niya ang kamay niyang nakayakap sa akin, 'yon pala ay para lamang i-upo ako sa kandungan niya. Napanguso ako, tulog na tulog ang mga mata niya. I cupped his face, may kunting balbas akong nadama. "Did you have enough sleep?" hindi ko mapigilang hindi mag-alala ngayong kitang kita ko ang pagod sa kanyang mata.

"I'm fine baby, a hugged from you will enough." biro niya. Nang yakapin ko siya ay rinig ko ang pag singhap niya. "A-atlast... finally home." bulong niya. Pinaglaruan ko ang kaniyang buhok.

"Baby you should rest," tinignan niya ako. Kalaunan, napunta sa anak niyang humahagikhik na sa kama.

"C-can I sleep beside him?" bahagya pa siyang nag-aalangan.

"O-of course... he likes that to be happen." naluluha ako. Dahil sa totoo lang, alam kong sabik ang mag-ama sa isa't-isa. Sa hagikhik pa lang ni Rayver, na para bang kabisadong kabisado niya ang boses ng kaniyang ama. Nang makitang nangingilid ang luha sa mata ko, hinagkan niya ako.

"I love you baby, no matter what's happen. Mahal na mahal pa rin kita." puno ng damdamin na wika niya.

"And I love you more Rezoir, I love you b-baby." isang patak ng halik sa labi. Bago niya tinabihan ang anak. Nakuntento naman akong pagmasdan silang mag-ama, siguro sa pagod niya kaya agad nakatulog si Rezoir. Pagbaba ko ay saka naman naabutan ko si Nanay Selma, na binubuhat ang suitcase ni Rezoir. Agad ko siyang dinaluhan.

"Ako na po Nanay Selma, hayaan niyong ako na ang magdala niyan sa itaas."

"Hindi na hija," iling niya. "Ako na ang aasikaso, nagpapahinga na ba ang asawa mo?"

Nakasanayan nating mga pinoy, na kahit hindi pa namang kasal. Asawa na ang tawag ng iba sa ating mga partner, siguro kasi alam naman nilang kami pa rin sa huli. At isa pa, sabi ko nga unti-unti na akong nasasanay. "Opo, tabi silang mag-ama." nang sabihin ko sa kanya na magkatabi nga ang dalawa. Pati ito'y tuwang tuwa sa nalaman.

"Mabuti naman kung gano'n, balita kong talagang tinutukan niya pala ang lakad. Dahil ayaw niyang abutin sa tatlong linggo, kaya pala dumating na. Ni hindi man lang natin inaasahan."

"Ang totoo po niyan ay pumunta po siya sa Romblon. Talagang nagulat nga akong malamang dumating na nga siya, imbes na ako ang mag surprise ako ang na surpresa."

"Ang mahalaga ay narito na siya."

"Opo nanay Selma. Ngayong narito na siya, payapa na ako. At masayang masaya dahil kumpleto na muli kami, alam kong marami pang pagsubok ang kahaharapin naming dalawa. Pero ngayong alam kong hindi siya magsasawang suportahan ako, tama na ang pag-aalinlangan at takbuhan."

"Tama hija, ayos lang na maguluhan sa una... pero magiging maayos naman lahat sa pangalawa. Ngayon, alam ko na kung bakit baliw na baliw sa'yo ang unang apo ng mga Hillarca."

"Dahil po ba sa ganda Nanay Selma?" biro ko at natawa naman siya.

"Oo naman hija, pero bukod do'n ay alam kong dahil sa buong pagkatao mo. Hindi lamang sa maganda ka, alam kung nagustuhan ka ni Senyorito dahil sa mabait na. Matapang pa, sa kabila ng mga napagdaanan mo... heto ka at malakas pa rin. Kaya ang maging masaya kayong dalawa ang hangad ng lahat hija, ngayon ay naiintindihan ko na."

Bumalik sa akin ang lahat dahil sa sinabi ni Nanay Selma.

Sa araw na nakilala ko si Rezoir, sa pangyayaring basta ko na lamang naibigay ang sarili ko. The ugly experience for that devil guy, the escaping... the forbidden thing... and lastly, the kidnapping.

"Kung ako ang nakaranas sa mga pinagdaanan mo hija, hindi ko alam kung kaya ko bang magpatuloy pa. Kaya, saludong saludo ako sa'yo dahil nakaya mo. Nakaya mong magpatuloy sa kabila ng lahat."

Bumagsak ang luha ko sa sinabi niya. Luhang hindi dahil sa galit at hinagpis, at hindi rin luha dahil sa galak... luha dahil nalagpasan ko ang lahat. Tears for being a bravest woman.... I'll be. Dahil sa totoo lang, maging ako ay hindi alam kung paano ko nakakaya ang lahat ng 'to.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report