Wildest Beast (Hillarca Series 01) -
CHAPTER 32
AT NIGHT
Pinagmasdan ko siyang umupo sa gilid ng fountain, ni hindi inalintana kung natatalsikan man siya ng tubig. Agad niya akong sinulyapan, at bahagyang tinatapik ang hita niya. Lumakad na ako pa punta sa kanya, at ayon na rin sa gusto nito... ngayon ay kandong na niya ako.
Agad niyang pinagpahinga ang kaniyang mukha sa aking balikat. Out of nowhere ay naitanong niya bigla ang ganito.
"What do you prefer the serious type of me or the sweet of me?"
"What?" natatawa kong aniya. "Seriously? What's going on with you?" hindi ko mapigilang hindi matawa dahil sa mga inaasal niya. Well, we are together in a few seconds, minutes, weeks, and months. Pero never ko pang narinig ang ganitong boses niyang sobrang lambing.
Oo, naiisip ko rin na sana maging ganito siya. Pero ngayong ganito na nga siya, hindi ko maiwasang hindi matawa! Hindi ako sanay. At kung patuloy man siyang magiging ganito, hindi talaga ako magiging sanay! Ramdam ko ang pagkibit balikat niya.
"Just asking, I heard girl prefer man whose sweet. That's why I'm asking what you prefer."
Nagkibit balikat rin ako. Nakatingala na sa pagkakataong 'to, I still in awed na malamang may tagong garden rito. Minsan talaga kakaiba rin ang mga Hillarca, pero kuryoso man ako sa bagay kung paano ito nabuo at kung ano ang koneksyon nito sa pangalawang apo ng mga Hillarca. Hanggang sa aking isip lang ang aking mga salita, nakakahiya at isa pa wala naman ako sa posisyon para alamin ang buhay ng ibang tao kahit pa pinsan siya ni Rezoir.
"Where did you hear it anyway." I didn't know he was the type of man na nakikinig sa iba. Mga ilang segundo pa siguro bago siya nagsalita.
"I can't remember where, come on baby... just answer my questions." his voice was kinda shy. Siguro ay ayaw niya lang talagang aminin kung saan niya narinig! Hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Saan naman niya siguro narinig? "Hmm, you're right. Some women usually prefer men who are sweet, gentle, charming..."
"Uhuh..." may pagka-sarcastic.
"What?" tawa ko. Kita mo 'to, bigla bigla na lang nababadtrip. "Ano? Sinasagot ko lang naman ang tanong mo huh."
"Forget it, it looks like your still daydreaming." madiin pa ang pagkakasabi niya sa salitang, daydreaming.
"Patapusin mo muna kasi ako." natatawa kong aniya. Kasalakuyan ng nakaharap sa kanya, ayaw niyang salubungin ang mga mata ko. Pero agad ko namang hinawakan ang panga niya at sinusubukang ipaharap sa akin. "Rezoir come on, dont be a baby!" natatawa kong aniya.
Hindi siya nagpatinag. Bahagya ko pang hinahaplos ang panga niya, sakaling hindi na magtampo. Pero there's no effect, now, seeing him like this. Huwag naman sanang magmana sakanya ang baby Rayver ko.
Pinatakan ko siya ng halik sa pisngi. Nakatingin pa rin siya sa kaliwa, iwas na iwas pa rin siya.
"As what I'm saying women prefer those things, but..." talagang binitin ko para makuha kong tuluyan ang kaniyang atensyon.
"But what?" nakuha ko namang tuluyan ang atensyon niya.
"But I prefer man who are rough," haplos muli sa kanyang panga. "Tall, successful and careful..." bulong ko. Saglit na humigpit naman ang pagkakahawak niya sa bewang ko. "In short, I prefer men who likes you back then... and I didnt know. God, heard me." I smiled at him.
"Tsk." nagsusungit pa rin.
"Why are you asking anyway? Aren't you confident that you're my type? Hmm?"
"Stop it..." bulong niya. Natatawa ako kasi ang pula na ng pisngi niya. Ano ngayon Rezoir? Hindi ko alam kung bakit ang sobrang sweet mo kanina tapos tinutupak ka. And here we are, nahihiya kang parang bata. But I find it cute though. "Let's go back, where's your son anyway?"
"His with nana Selma," tumango ako. Agad na naman niyang pinagpahinga ang kaniyang mukha sa aking balikat. Ang kaibahan lang ngayon ay nakaharap na ako sa kanya. "Let's stay here, in just a few minutes..." tumango ulit ako. Pinaglalaruan ko ang kaniyang buhok. Mga ilang segundo siguro, bago ko maramdaman ang mga magagaan niyang halik sa balikat ko.
"What country do you want to go to?" aniya.
"Hmm, land of the rising sun."
"Japan." tumango tango ako. "Why?"
"Like others, I just want to experience going to the place. Where cherry blossom is, I want to experience the hostility... and I think the place is so homey." ngiti ko.
"What time do you want to go there?" nagkatinginan kaming dalawa. Sa pagkakataong ito ako naman ang pumatak ng magaan ng halik sa labi niya.
"When Rayver already can walk, I want to go there when he's already comfortable and aware of the place."
"I will remember that... I promise we will go and visit the place." puno nga ng determinasyon ang kanyang tuno.
"Thank you."
"For you baby, I will."
Hindi na kami nagtagal sa lugar dahil kahit malayo ay rinig ko pa ri ang pag-iyak ng anak ko. Kinailangan ko pang umakyat sa kuwarto para padedehin si Rayver, dahil sa totoo lang ayaw ni Rezoir na may nakakakita sa akin sa gano'ng ayos. Oo, I know that he was just being possesive and protective. But the fact is, ako naman you know... it's normal to people to breastfeed their child whenever what the place is.
Pero kahit papaano naman hindi pa naman ako umabot sa gano'ng tagpo. At aaminin ko rin na hindi rin naman ako magiging kumportable na, magpadede sa harap ng ibang tao. Pero hindi naman sa nahihiya, siguro kung pupunta sa puntong kinakailangan talaga hindi naman ako mag-aatubili.
"Nasa'n na ba ang batang 'yon?" napatingin ako kay nanay Selma. Bahagya niyang kinakalikot ang keypad niyang cellphone.
"May problema ba Nay?" wika ko. Napatingin naman siya sa akin, nag-aalangan siyang ngumiti. "Pasensya na hija," umiling ako.
"Ayos lang po, ayos lang po ba kayo? Mukha kayong may problema, ano po ba 'yon Nay Selma?"
Napabuntong hininga siya. Ibinulsa na ang kaniyang telepono, at agad ako nitong inalalayan sa paghiga kay Rayver sa kanyang crib.
"Hindi pa kasi pumupunta sa hacienda si Demetria hija," napangiwi siya. "hinahanap kasi siya ni senyorito Rizalde." pagkabanggit ni Nanay Selma sa pangalan ni Rizalde ay kita ko pa ang pagmuo ng pawis sa kanyang noo.
Maloko bang totoo ang pangalawang apo? Ako kasi, oo kilala ko na ang pamilya nilang mga Hillarca. Like Rezoir, alam ko naman talagang siya 'yong tipong lalaing hindi nagseseryoso. Iyong kabila kabila ang babae, pero ngayong mahal ko na siya.... at ngayong mas nakilala ko na siya.
Yes, he looks like dangerous pero kapag nagmahal sagad.
I was curious now.
Rinig kong hindi malapit sa babae ang pangalawang apo, taliwas sa unang apo ika nga ng iba. Pero hindi ko maiwasang hindi magtaas ng kilay sa sinabi ni Nanay Selma, what's with her daughter and Rizalde? Akala ko ba, hindi ito malapit sa mga babae?
Na masama daw talaga ang pakikitungo nito. I dont know, why does he have an issue about that. Hindi na ako magtataka kung bakit nagawa ako nitong pagtripan, mas mabuti na siguro ang gano'n kaysa sa masungitan. "Really?" namamangha kong aniya.
"Oo hija, kaya nga kung puwede lang ay huwag talagang maglapit ang dalawa. Hindi ko nga alam kung bakit, hindi pa natatanggal ang anak ko. Parang wala lang kay Don Sebastian, kahit alam nitong hindi maganda ang tratuhan ng dalawa." natawa ako sa sinabi ni Nanay Selma.
Ni hindi man lang siyang nagdalawang isip. Para bang ikakaluwag nga niya kung matanggal na nga sa paninilbi ang anak niya sa hacienda. I find it cute, tuloy ay hindi na ako makapaghintay na makilala ang anak niya. Demetria.
It's like a rhyme to my name huh.
"Hay naku, ayoko na ring lumabas. Paniguradong hahanapin na naman sa akin ni senyorito ang anak ko. Bakit kasi ngayon pang naisipang ng dalawang gumala!" bulong niya. Pero klaro ko namang naririnig. Napapailing ako, para bang sa tuno ni Nanay Selma ay para bang isang bata ang hinahanap ni Rizalde sa kanya.
"Sino po bang kasama ng anak niyong gumala Nay?"
"Si Rajih hija, ewan ko ba sa "
"They are together huh."
"Susmaryosep! Senyorito!" gulat na sigaw na ani Nanay Selma. Maging ako rin ay bahagyang nagulat sa sigaw niya. Paano naman kasi, e' parang isang kabute na sumulpot sa kung saan 'tong si Rizalde. "Where are they anyway?"
Na ka hawak parin si Nanay Selma sa kanyang bandang dibdib. Talagang nagulat 'ata ng husto sa pangalawang apo. I tap her shoulder, salubong na kasi ang kilay ni Rizalde. Hindi parin kasi siya sinasagot ni Nanay Selma, marahil gulat at kinakabahan pa ang matanda sa pangalawang apo. Base na rin sa sinabi niya na kung maari ay ayaw na nga niyang lumabas, dahil tiyak na tatanungin nga siya. Pero kita mo nga naman, hindi na ito naka paghintay at talagang hinanap pa talaga si Nanay Selma!
Gustong gusto ko na tuloy makilala talaga ang anak ni Nanay Selma na si Demetria. Napakamot sa ulo si Nanay Selma, kanina ay bahagya itong balisa pero mas naging balisa 'ata siya ngayon.
Napatingin ako kay Rezoir na nakatayo sa pinto. Bahagyang nakangisi, titig na titig ito ay Rizalde na para bang natutuwa siya sa nakikita. Nagkibit balikat ako, at hinayaan silang mag-usap sa loob. Mahimbing na ang tulog ng anak ko.
"A-Ano po kasi senyorito..." rinig kong wika ni Nanay Selma. Nauutal pa, bahagya ko silang sinulyapan. Tuluyan ng pumasok si Rezoir. Umupo ito sa sopa, habang sina Nanay Selma at Rizalde ay patuloy pa ring nakatayo. Napasulyap si Rizalde kay Rezoir. Kunot ang noo nito, natawa naman ang isa. Sa sulyapan palang ng dalawa ay para bang nagkakaintindihan sila.
"Why are you looking for Nanay Selma's daughter, Riz?"may tonong pang-aasar na ani Rezoir. Kung sa iba siguro para bang ang seryoso ng dating sa kanilang tenga ang mga salita. But yeah, but because I know him enough. Alam kong inaasar na naman nito si Rizalde.
Napatingin ako kay Nanay Selma. Nakakamanghang nakakaya niyang pagmasdan ang pag-aaway ng anak niya at ang amo niya. Maloko na sina Red, Lucas at Theo. Oo, may mga trabahador kaming halos ng mga anak nila ay sa hacienda na rin tumitira. Dahil na rin sa pagtulong nila minsan sa kanilang pamilya, na unang nanilbihan na talaga sa hacienda.
Yes, there are the times that I curse Rezoir at my head big time. Pero ang makatagpo ng ganitong klaseng nakakatuwang bangayan.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Hindi ako aso okay, na puwedeng itali araw-araw sa tabi ng amo." puno ng sarkasmo na wika ni Demetria.
Kita ko naman ang patagong pagkurot ni Nanay Selma sa anak niya. Umiiling na natatawa si Nanay Selma sa harap ni Rizalde, kasulukuyang nasa may sala na kami dito sa baba. Mga ilang segundo pa siguro nagtanong nang nagtanong si Rizalde kay Nanay Selma sa mismong kuwarto namin.
Lahat naman 'yon ay patungkol kay Rajih at Demetria.
"May gagawin pa ako sa kusina, tutulungan ako ni Demetria senyorito, kung may ipaguutos man kayo. Sasabihan ko nalang ang iba para maasikaso na ang gusto niyong ipagawa." si Nanay Selma.
Nakanguso naman ang anak niya sa tabi niya. Tinanong agad kanina ni Nanay Selma ang dalawa, kung saan sila galing pero parehas na iwas ang mga ito sa tanong. Mariin na tinignan ni Rizalde si Demetria.
"No need Nanay Selma, only your daughter can do the job."
"P-Pero-"
"Hindi na Nay, ayos lang kaya ko naman siguro kung ano ang ipapagawa ng senyorito."
"You can do it." si Rizalde.
At pinagmasdan nga namin ang dalawang umalis, hanggang sa hindi na abot ng paningin namin ang kanilang bulto. Saka naman nagpaalam si Nanay Selma, na mag-aasikaso nga muna siya sa kusina. Hindi ko alam kung bakit parang abala pa rin sila, alam ko namang katatapos lang ang kaarawan nila Don Sebastian at ni Rezoir. Kaya expected na talaga na abala sila sa paglilinis at kung ano pa man.
Pero kasi, parang may iba... parang mas naging abala pa sila sa oras na 'to. May okasyon bang hindi ko naman alam? Magtatanong sana ako kay Rezoir, pero abala naman sila ni Rajih. Kasalukuyang nag-uusap patungkol sa kompanya. Bumalik muli ako sa kuwarto para asikasuhin naman ang anak ko.
Pagsapit nga ng gabi, hindi ko pa nakikita si Rezoir pero may isang tagapagsilbi sa hacienda na sinabihan akong magbihis raw ng desente. Kaya heto ako, wearing a white high low dress. With I paired with black stiletto sling-back pumps. I'm good.
Walang nasabi sa akin bukod sa mag-ayos nga. Kaya naisip kong may bisita pa, siguro ay 'yong mga bisitang hindi nakapunta kahapon at ngayon lang pupunta.
And that's true... though... I didn't think that it was my family.
My whole family.
They are crying when I entered the room. Nung una, naguluhan pa ako... but seeing the chairs that full of flowers decoration. And Rezoir's whose look dashing with his black suits... I got so dumb for a second... some soft melody was been playing while I'm walking.
It got me.
Yes... they been planning a surprise wedding for me. Na wala man lang akong nahalata at walang wala talaga akong kaalam alam! Umiiyak ako habang patuloy sa paglalakad, at talagang nangangatog ang mga binti ko sa mga nangyayari! Mas bumuhos ang luha ko nang nakarating na mismo ako sa dulo, dulo kung saan naghihintay ang taong ipinagkaloob sa akin ng diyos.
If I'm going to tell a secret now, this is what I want to say... when the day that I got first created a huge a feelings sa batang unang apo ng mga Hillarca. There is particularly one day that I go to the boundary of the two haciendas, and crazy yelling that I would like and love to marry him at night.
"I want to marry you at night!"
How odds na ngayon ko lang naalala ang pangyayaring 'yon.
Ironically to what happens. He really married me at night.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report