Can I be Him? -
CHAPTER 11.1
ILANG oras na ang lumipas magmula nang magsimula silang maglaro ng basketball, damang-dama ni Lyle ang pagkabuhay ng dugo at diwa. Hindi masukat ang tuwang nararamdaman niya. Hindi siya sigurado kung dahil ba na-miss niyang maglaro ng basketball, dahil masayang kalaro ang mga kasama niya sa kabila ng pag-alis ni Henry, o dahil kaharap niya ngayon si Gian.
Hindi imposibleng ang binata ang susi sa mga katanungan niya. Kung bakit nabuhay muli ang nahihimlay na manlalaro sa kalooban niya. Akala niya, matagal na iyong namatay pero ito iyon ngayon at bigla na lamang hinukay ang sarili mula sa libingan.
Si Lyle ang may hawak ng bola ngayon. Maingat niya iyong idini-dribble, sinisigurong walang makakakuha noon mula sa mga kamay niya, walang balak na magbukas ng kakaramput na oportunidad upang maagaw sa kanya iyon, siya rin ang drayber tadhana nilang lima ngayon.
Si Gian ang point guard niya. Samantalang si Alexander, pinagtulungan ni Zachariel at Leon. Bagamat iisa lamang ang bantay niya, habang tumatagal, parang mas lalo siyang nahihirapang lumusot mula rito sa binata.
Lyle tried to do fakes, but none of them tricked Gian. He won't even move an inch. He refuses to budge.
Palagay ni Lyle, sa hinaba-haba ng oras na magkaharap sila, namemorya na nito ang mga istilo at teknik niya sa paglalaro. Hindi niya inaasahang ganito pala maglaro ang binata.
Matindi itong point guard, namamangha siya sa kakayahan nito.
"Ang akala ko, madalas kang nakakulong noon sa classroom niyo at sa broadcasting room?"
E bakit parang isa siya sa mga miyembro ng basketball team noon kung maglaro ngayon? Ah, the thought sent shivers under his spine. Pakiramdam niya, kung sakali mang naging magkasama sila noon sa team, hindi magiging madali na maging ace.
Umangat ang mga kilay ni Gian ngunit nanatiling alerto at maliksi ang binata, dahil noong kinuha niyang oportunidad ang pagkamangha nito, maling desisyon iyon at muntik nitong maagaw sa kanya ang bola. 'Shit. Alert siya.'
Alanganing ngumiti si Gian noong muntik lamang nitong naagaw ang bola. Mukhang nadismaya na hindi pa tuluyang nailapat ang daliri roon dahil malaki ang epekto ng ganoong interaksyon sa ikot ng laro. "Totoo namang nakakulong lang ako dati sa classroom at broadcasting room?" Anito.
Nagsususpetya niya itong pinagmasdan. Neknek ni Gian na maniniwala siya rito.
"Even though you're one hell of a player?"
Napahalakhak ito. "Imposible. Natuto lang akong maglaro dahil kay Zach."
"You played basketball with Zach?"
Aliw na humimig si Gian. "'Pag uwian, may detour kami sa court bago makauwi. Dati pa pabibo si Zach e, gusto maging captain ng basketball team."
Huh. Iyon marahil ang dahilan kung bakit ang hirap kumawala mula sa pagbabantay sa kanya ni Gian. Siguro sanay na sanay ito sa kaliksian at katalasan ng isip ni Zachariel, kaya hindi rin siya makawala kay Gian.
Dahil tumataas ang tensyon sa pagitan nila, naging mapagkumpitensya na rin ang mga ngiting kumurba sa mga labi nila. Habang nagtatagal, nagiging magkaribal na ang turing nila sa isa't isa. Mas lalo ring umiinit at bumibigat ang atmospera.
Lalo na ngayon na nasa kamay ni Lyle ang magdidikta kung sino bang mananalo sa teams nila. Mas nakadagdag ng tensyon na suntok sa pride kung dadalawang tao lang ang nagpataob sa tatlo, hindi ba?
MATAPOS ang trenta minuto na paglalaro, roon pa lamang nakaramdam ng pagod sina Lyle. Masyado silang natuwa sa init ng laban. Ang sabi ng mga ito, hindi naman daw madalas na ganyan katagal ang mga laro nila. Iba lang daw ang tensyon ngayon at may kalaban o kalaro silang dating ace ng basketball team. Nahiya pa nga si Lyle, e. Talagang uutuin pa siya, ano? Imposible kasing ngayon lang maganda ang laro nila kung nandiyan si Gian na akala mo, MVP kung maglaro.
"Lodi rin 'yang si Gian, kinaya mo talagang makipagsabayan diyan kay Lyle?" Mangha na tanong ni Alexander habang abalang pinupunasan ang pawis sa noo, "alam mo bang ace namin si Lyle dahil mabilis 'yan?"
Natigilan si Gian at napaatras. Mahina nga siyang tumawa noong natataranta itong bumaling sa kanya, tila ba nanghihingi pa ng tulong. Mukhang hindi nito inaasahang mababaling ang atensyon sa kanya noong matapos silang puriin ang laro ni Lyle.
"Ako? Ganito naman ako madalas maglaro, a?" Gian almost stammered while he gave his reply, which was amusing because his cheeks flushed and he looks cute with how his lips protruded, "ba't ba ako napapansin niyo e naglaro lang naman tayo!"
"Ayun nga, ang punto kasi, mas ginanahan ka ngayon. Kailangan yata, lagi nating isama si Lyle e," pang-aasar ni Leon bago ito bumaling sa kanya para siya naman ang ngisian, "iba talaga 'pag kalaro 'yong crush sa basketball 'no, Zach?!" Halos masamid si Zachariel noong dito napasa ang usapan, ngunit nakabawi rin ito kaagad at nagsalita lamang matapos na punasan ang tubig na bumuhos sa baba nito.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Oo nga awit," sagot nito sa kalagitnaan ng bahagyang pag-ubo ubo, "iba talaga 'pag nagpapapansin kay senpai."
Noong marinig ni Gian ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan, halos matumba ito mula sa kinatatayuan bagamat hindi naman umaalis doon. Gusto nitong sigawan sina Zachariel at Leon ngunit tuwing dadapo sa kanya ang mga mata, bigla na lang mananahimik. Kalilimutan ang inis na nadarama at kakagatin ang dila para pigilan ang sarili mula sa pagsasabi ng kung anumang kalokohan sa mga kaibigan.
"O, 'di ba?! Mas behaved din si Gian 'pag nandito si Lyle!" Puna pa ni Zachariel na ikinatawa lamang nila ni Leon, ngunit noong mapagtanto nitong malapit nang mapikon si Gian, binawi nito ang pang-aasar, "joke lang pre. Alam naman naming mabait ka, e. Anak ka ni Lord at anghel ka sa mata ng madla."
Natigilan Lyle noong marinig ang sinabi ni Zachariel. Naituro niya rin ang binata ng hindi sadya, halos mamilog pa ang mga mata niya sa ginawa ngunit huli na noong bawiin niya iyon dahil napansin siya ni Leon at ni Alexander. "Hoy, parang may sasabihin pa si Lyle o," ani Alexander habang natatawa. Kahit si Leon, humagalpak ng tawa noong makita ang itsura niya at kahit kailan, ngayon lang matinding ipinagdasal ni Lyle na sana e lamunin na siya ng lupa! Awtomatikong napalingon sa kanya sina Gian at Zachariel, parehong nagtataka lalo na noong mapagtantong nakaturo pa rin si Lyle roon sa dati nilang kapitan sa basketball. Nang matantong huling-huli na siya sa akto, mabilis niyang binawi ang ginawa at tumikhim.
"Mukhang may say ka Lyle, a? Ano 'yan? Pa-spill naman ng tsaa!" Usig ni Zachariel bago siya nito mahinang siniko sa tagiliran. Hindi masakit, pero napahawak pa rin si Lyle sa parteng tinamaan nito.
Namamangha niyang pinasadahan ng tingin ang mga magbabarkada bago siya nag-iwas ng tingin. Paano ba niya sasabihing sang-ayon siya kay Zachariel nang hindi siya magmumukhang tanga-tanga? E sa pareho kasi silang lahat ng persepsyon tungkol kay Gian. Mukha naman talaga itong anghel at mukhang ipinahiram lang talaga ni Lord sa kanilang lahat sandali.
Like, how can a man appear so flawless and kind? Gian is on a different level of 'angel' if he would compare him to Ridge he is much more 'holy' than the other male.
"Wala, wala," kalauna'y sabi niya bago umiling at pinagmasdan si Gian upang ngitian, "ano lang, sang-ayon lang ako ro'n sa sinabi ninyo na parang anghel si Gian."
Marahil mali talaga ang wordings niya pero totoong dinaig ni Gian ang kamatis noong mamula ang mga pisngi nito! Itong mga kasama nila, halos aluin pa ang binata at baka raw bigla na lamang mahimatay samantalang mukhang ayos lang naman si Gian. Halos bawiin nga rin ni Lyle ang sinabi noong mabanggit ni Gian na parang nahilo raw siya.
"Awit sa 'yo, drama king ka na rin ba? Parang 'di ka sanay na pinupuri, a! Ano, kinikilig ka ba dahil crush mo si Lyle?" Pang-aasar ni Zachariel.
Napapantastikuhan niyang inilipat ang mga mata sa binata ngunit humagikhik lamang ito nang mapansin ang intensidad ng pagkakatitig niya rito. Kaya lalong nahihiya si Gian sa kanya dahil palagi itong inaasar ng mga kaibigan na may gusto sa kanya, e. Mukha namang straight itong si Gian. Hindi baluktot na katulad niya. Imposible iyang sinasabi nila.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Ilang minuto pa siguro silang nagkumpulan sa court at nag-asaran hanggang sa oras na magkaayaan nang tumambay sa malapit na tindahan. Dapat, mauuna pa si Lyle ngunit noong magsabi si Gian na magpapaiwan sandali, naisip niyang samahan ito. Inasar pa nga ulit silang dalawa pero hindi na lamang niya pinansin sina Zachariel at Leon. Grabe, pakiramdam niya e high school student ulit siya sa pag-asta noong dalawa.
Nanatiling nakaupo noon si Gian sa entablado sa gitna ng court. Hawak nito ang tumblr at pinaglalaruan iyon sa mga kamay. Matutulala rin sandali bago bubuntong hininga. Ang hinuha ni Lyle, nagpaiwan talaga si Gian para pahinahunin muna ang sarili mula sa mga pang-aasar na natanggap.
"Okay ka lang?" Tanong niya bago umupo sa hindi kalayuan kay Gian. Naisip niya kasing kung didikit siya rito, baka bigla itong tumalon mula sa kinauupuan at maaksidente. Ayaw niya namang ganoong klase ng senaryo ang matagpuan, ano. Nilingon siya ni Gian at namangha pa ito nang mapagtantong nagpaiwan din siya. Iyon tuloy ay nginitian niya ito at tinanguan. Mahina pa siyang natawa nang hindi ito makapagsalita ng maayos para itanong kung bakit pa siya nagpaiwan. "Nag-aalala lang ako sa 'yo," aniya bago siya humimig at iginala ang mga mata sa buong kapaligiran. Kanina pa niya napansin pero magmula noong mag-walk out si Henry, hindi na rin niya nakita pa sina Ridge at Zamiel, "'nga pala, nasa'n sina Ridge?"
Gian flinched when he heard Lyle's question. Ah, despite being worried about his state, he also could not help it but to seek for Ridge. Anyway, he still gathered his posture back to response.
"Nag-away din daw silang dalawa ni sabi ni Zach," mahinang sabi ni Gian.
Humimig lamang si Lyle. "Gano'n ba. Ayos lang 'yon, magkakaayos din naman sila, 'di ba?"
"Oo."
Natigilan sandali si Gian at naitikom ang bibig. Ipinilig niya rin ang ulo, mayroon sana siyang gustong itanong pero ayaw naman niya na palungkutin itong si Lyle. Hindi ba nga at nangako siya sa sarili na tuwing nasa tabi niya ito, dapat e palagi itong nakangiti?
"Di ka ba nagseselos?"
"Huh?" Tila namangha yata si Lyle noong oras na marinig ang tanong niya. Katunayan, hindi pa ito makapaniwala sa sinabi niya. "Ba't ako magseselos? Wala naman akong karapatan, 'di ba?"
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report