Can I be Him? -
CHAPTER 11.2
NAMUTAWI ang katahimikan sa pagitan nila ang lumabas sa bibig ni Lyle ang sagot na tila hindi inaasahan ni Gian na marinig mula sa mga labi nito. Tanging pag-ihip lamang ng banayad na hangin ang naririnig, maging ang pagtilaok ng mga tandang sa parkeng malapit sa kanila. Sa hindi rin kalayuan, naririnig nila ang malayong pag-ulyaw ng mga kaibigan. Palibhasa, iilang hakbang lang ang tindahang tinutukoy ng mga ito at tanaw naman iyon mula sa kinapupwestuhan nila ni Gian.
Nabasag lamang ang katahimikan noong tumikhim ang binata. "Saka, magiging okay lang naman sina Ridge at Zamiel. Magbabati rin sila kaagad. 'Nga pala, pagtapos ba nating magmiryenda, uuwi ka na ba?"
Kumunot ang noo ni Lyle habang tinititigan ang noo'y muli na namang mahiyaing si Gian. Kanina, ayos naman ito pero ngayon e muli na namang nauutal. Halos daigin din nito ang kamatis sa labis na pamumula ng mga pisngi. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya bagamat nag-aalala kay Ridge, hindi niya na muna ito pagtutuunan ng pansin dahil wala naman siyang magagawa upang matulungan ito sa gusot nila ni Zamiel. Baka nga kamo siya pa ang makapagpalala ng gulo kung sakali. Sa ngayon, mas mainam na abalahin ang sarili kay Gian gayong magkaibigan din naman sila.
Kung sinabi ni Gian na magiging ayos lang ang dalawa, edi maniniwala siyang maaayos nila ang relasyon.
Ipinihit niya ang katawan ng kaunti, sa gawi kung saan gumulong ang bolang binitiwan niya kanina noong matapos silang maglaro. Iginala pa niya ang mga mata para hagilapin iyon at nang matagpuan na ang bola, saka siya nagsimulang humakbang patungo roon. Pinulot niya muna iyon bago niya binalikan si Gian. Dala ng na-miss niya ang paglalaro ng basketball, hindi niya napigilang paikutin at paglaruan muna ang bolang hawak bago niya iyon ibinalik kay Gian. Matagal- tagal din silang nanatili pa sa court, nag-uusap tungkol sa mga kaganapan sa buhay nila hanggang sa napag-isipan nang tumuloy sa tindahan kung nasaan sina Zachariel, Leon, at Alexander noong makaramdam na siya ng gutom. "Kaninong bola pala 'yan? Muntik niyo nang iwan dito, a."
Ngumiti ang binata. "Kay Alex 'tong bola. Itabi na lang natin diyan, babalikan din naman natin pagkatapos nating magmiryenda. Tara na?"
Tumango siya at humimig habang si Gian e itinabi nga ang bola sa mga gamit nila nang sa ganoon, walang mangialam noon. Matapos iyon gawin, pinagpag pa ni Gian ang likuran dahil kanina pa ito nakaupo sa entablado habang si Lyle, roon pa lamang naisipang punahin ang kawalan nito ng suot na salamin. "Naka-contacts ka ba?" Tanong niya.
Natigilan si Gian sa ginagawa at mabilis siya na pinasadahan ng tingin. Napahagalpak nga si Lyle ng tawa noong bigla nitong subukan na ayusin ang 'salamin' ngunit napagtantong wala nga pala iyon noong dumulas sa tungki ng sariling ilong ang mga daliri ni Gian.
"Hala, akala ko nakasalamin pa 'ko," gulat pa na anunsyo ni Gian na mas lalo lamang nakapagpalakas ng tawa ni Lyle. Sobrang aliw niya sa binata.
Noong kumalma na siya, saka pa lamang niya ito sinagot. "Ngayon lang kita nakitang naka-contacts. Ba't 'di ka na lang magganyan kaysa sa magsasalamin ka pa?"
Naalala niya kasi noong nasira ang salamin ni Gian, ang hassle noon sa binata. Bagamat mas malakas ang loob nitong makipag-usap sa mga customer, siya naman ang nahihiya tuwing mauuntog ito ng hindi sadya sa mga gamit sa café. Huli na nga noong matanto nito na pupwede naman siyang kumapa kung sakaling may maaninag siya pero hindi siya sigurado, e.
Nahihiyang bumaling sa kanya si Gian bago mahinang napahalakhak.
"Um, ang hassle kasi i-maintain kaya mas gusto kong nagsasalamin. Kung 'di nga lang din mababasag salamin ko habang naglalaro ng basketball, baka sinuot ko na."
Humimig siya. "Meron namang gano'n, a? Sports eyeglasses. May kamahalan nga lang."
"Oo nga, e. Wala pa 'kong pera at iba rin ang priority ko ngayon. Baka sa susunod na 'ko bumili."
Muling napahimig si Lyle. Hindi na rin naalis ang mga mata niya sa mukha ni Gian na noo'y side view na lamang niya ang nakikita.
Sobrang abala yata siya sa pagtitig sa mukha nito at napasinghap na lamang nang hapitin ng binata ang beywang niya. Hindi dahil ginusto lang nito, kung hindi dahil tuluyan siyang nawalan ng pakialam sa daraanan niya. Huli na nga noong mag-sink in kay Lyle na muntik na siyang matapilok, e! Kung hindi pa siya sinalo ni Gian, baka kahalikan na niya iyong buhanginan!
Mabilis niyang ibinalik ang atensyon sa gate na pinupuntahan nila nang mapansin niyang may iilang maliliit na bato sa buhangin. Ito iyong dinaanan nina Alexander kanina. Alam niya, natapilok din ang isang iyon dito banda dahil masyadong abala sa pakikipagbiruan kina Zachariel.
"Baka bigla kang madapa," anito.
Pinangilabutan ng katawan si Lyle noong marinig ang boses ni Gian dahil magkalapit ang mga katawan nila at ang bibig nito, malapit sa tenga niya. Mababaliw na yata siya, biglang uminit ang kapaligiran! "Ah, oo nga. Salamat."
Bumaba ang tingin ni Lyle sa kamay nitong nakahapit pa rin sa beywang niya. Dinadama ang init sa pakiramdam ng palad ni Gian sa kabila ng telang suot niya. Noong napagtanto niya ang naiisip, hindi niya naiwasang mapapitlag at kumawala sa pagkakahawak nito.
What Lyle did left Gian dumbfounded. Nang lingunin siya ni Lyle, naabutan niya pa ang binatang napapakurap-kurap. Mukhang hindi maintindihan kung anong nangyari at kung bakit bigla siya nitong itinulak samantalang inaalalayan lang naman niya ito. Naku, kung alam lang ni Gian kung anong epekto nito sa kanya!
Moreover, it seems like he caught on fast. It only took the male mere seconds to realize what was going on.
Uminit ang mga pisngi ng binata at muli na namang nangamatis sa sobrang pagkapahiya. Napaatras din ito at mabilis na iniangat ang mga kamay upang iwagayway ang mga iyon ng matulin sa harapan niya. The action made Lyle wince. It was cute but Gian does not really need to react this way in front of him. Wala naman itong ginawang masama, siya lang ang hindi kumportable!
"P-pasensya ka na! 'Di ko sinasadya, Lyle! Nawala sa isip ko. Ah, pasensya ka na talaga!"
Napapangiwi niyang pinanood si Gian habang natataranta ito at paulit-ulit na humihingi ng pasensya. Nakokonsensya tuloy siyang umiwas siya imbes na hintayin na lamang na kusang alisin ng binata ang pagkakahawak sa kanya. Dapat nga yata, ganoon na lamang ang ginawa niya.
"Gian, kumalma ka. Ayos lang, ako ang may kasalanan. Wala kang ginawang masama," kalmadong aniya, umaasang kahit paano e mapapahupa niya ang pagkataranta ng binata.
Sa totoo lang, bukod sa mga ideyang pumasok sa isipan niya habang hawak siya ni Gian, nagulantang siya noong makaramdam ng elektrisidad mula sa simpleng paghapit lamang nito ng beywang niya. Parang may kung anong biglang nag- angat ng red alert!
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Aminado naman akong may kasalanan din ako, Lyle! Baka 'di ka pala kumportable tapos, kung hayaan ko sarili ko na hawakan ka..."
Hindi na itinuloy ni Gian ang sinasabi, sa halip e halos yumuko ito sa harapan niya makahingi lang ulit ng patawad. He even squeezed hi eyes shut to obfuscate the shame he that shrouded his heart. Ang awkward, dahil lang sa pagtanggi niya sa tulong ni Gian e biglang ganito ang mga nangyari. Sa susunod talaga, mag-iingat din siya e.
Napipilitan siyang tumawa. "Ayos lang talaga, Gi. Tara na, nagugutom na 'ko e."
Natahimik ang binata noong marinig ang sinabi niya. Ibinalik nito ang mga mata sa kanya at kinagat ang pang-ibabang labi bago marahang tumango. Kalaunan, nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Mukhang nahihiya pa rin talaga, e. Hindi niya tuloy mapigilan ang mahinang matawa. Maging ang pagpitlag nito sa tuwing napapalingon siya sa binata dahil pinauna siya nito, imbes na mag-alala siya e naaaliw pa siya.
Siguro dahil sanay siya? Napapaisip tuloy siya. Baka mamaya, isipin ni Gian na binu-bully niya ito kahit na ang totoo, naku! Naku-cute-an siya rito.
Nang makalabas sila sa covered court, unang bumungad sa kanila si Zachariel at Leon na nakatambay sa tindahang tinutukoy ni Gian. Si Alexander, medyo malayo dahil sa hawak nitong sigarilyo pero mukhang nagmi-miryenda rin naman. Nang ilibot niya ang mga mata, wala pa rin talagang senyales nina Ridge at Zamiel. Mukhang umuwi na ang dalawa.
"Uy, nariyan na iyong future couple!" Pang-aasar ni Zachariel nang makita silang dalawa.
Natigilan siya at napasinghap sa sinabi nito. Habang si Gian, awtomatikong nataranta na naman nang marinig ang panunudyo ng kaibigan sa kanila.
"Ayan ka na naman, nagsisimula ka na naman! Sabi nang wala nga kaming gusto sa isa't isa!"
"Nyay! Sinusubukan mo rin talaga pang-amoy ko, Abellardo!"
"Alam mo," humigop ng malalim na hininga si Gian bago itinuloy ang sinasabi, "pakyu ka!"
Si Zachariel naman noon ang nataranta. "Lah, tang ina, minura na ako! Sorry na, pre! Joke lang naman, e. Baka singilin mo na niyan ako sa utang ko e isang daan lang nga bitbit ko!"
Parang batang malapit nang mag-walling at mag-drama si Zachariel noong tumakbo ito kay Gian para lambingin ang kaibigan. Kaso, hinarangan ng isa ang mukha nito dahil daw para itong sira ulo. Ang lagkit na nga raw nila dala ng natuyo nilang mga pawis, didikit pa sa kanya. Nakakaaliw talagang panoorin ang mga ito.
"Nga pala, ang tagal niyong sumunod. May nangyari ba sa court?" Tanong ni Leon, iniiba ang usapan.
Napansin niyang sa kanya ito nakatingin dahil abala si Gian at Zachariel sa pagbabangayan. Kaya naman nginitian niya ito bago siya marahang umiling.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 0005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Wala naman, nag-usap lang kami ni Gian."
Humimig ito at tumango. "Tungkol sa mga love life niyo? 'Di bale, single naman 'yang bunso namin."
"Hindi 'yon!" Kaagad niyang tanggi na ikinahalakhak lamang ni Leon.
Bakit pati siya, inaasar na? Idadamay pa siya! Napanguso siya lalo na noong matapos na si Alexander sa paninigarilyo. Lumapit ito sa kanila at nakitsismis tapos sinamahan pa si Leon sa pang-aasar dahil nag-usap lang sila ni Gian tungkol sa mga buhay nila. Bwisit ang mga ito, a.
"Crush ba talaga ni Gian si Lyle?" Pag-uusisa ni Alexander.
Natatawang nagkibit balikat si Leon. "Joke lang 'yon. E, ang mahiyain kasi ni Gian kay Lyle, parang crush niya."
Napangiwi siya nang mapansing mayroong mapanudyong ngisi sa mga labi ni Leon. Mukhang sinasadya nitong sabihin iyon upang mapukaw ang atensyon ng kaibigan dahil na kay Zachariel lang lahat. Habang si Gian, muli na namang tumanggi.
"Leon! Isa ka pa, e!" Anito.
Si Alexander naman noon ang humimig at may pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi nito.
"Gi, bunso! Malapit na akong maniwalang may gusto ka nga kay Lyle, ginanahan ka kanina e."
"Kuya Alex, ikaw din, sinamahan mo sila?!"
"Huh, wala ba?"
Napahalakhak siya. Hindi na alam kung anong sasabihin dahil mukhang mas kaaliw aliw ang makinig sa pinag-uusapan ng mga ito kahit na inaasar lang naman sila ni Gian.
Pagpatak ng ala sais, medyo madilim na ang paligid at palubog na ang araw. Nagsindi na rin ng ilaw ang tindahang tinatambayan nila, at hindi napansin ni Lyle ang paglipas ng oras kung hindi dahil doon.
Masyado siyang natuwa kasama sina Gian, Leon, at ang mga dating basketball captain niya sa team noong high school. Ni hindi niya maalalang napatawa siya ng ganito ng ibang tao liban nalang kay Keegan. Gian sure has a lively circle.
This day is worth it. Mabuti na lang, tumuloy siya bagamat nagdadalawang isip pa kanina. Maraming nangyari at nagkagulo, pero binawi iyon dahil nilukob ng kasiyahan ang nararamdaman niya ngayon.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report