Can I be Him? -
CHAPTER 12.1
MAGMULA noong mabanggit ni Lyle na nais pa nitong lubusang makilala si Gian, hindi na siya magkandaugaga. Ewan ba niya! Wala namang bahid ng kung ano sa sinabi noong isa pero ito si Gian, parang tangang matutulala na lang sa tuwing dadalaw sa isipan niya ang ganap noong Sabado? Kapag nga mahuhuli niya ang sarili na lumilipad ang isip, mahina niyang sasampalin ang sarili nang magising, e. Ngi, bakit siya ganito? Anong ginawa ni Lyle sa kanya? "Ah, 'di ko talaga ma-gets!" Nasisiphayong sigaw niya bago siya sumandal sa likuran ng kinauupuan.
Mabuti na lang at nakakulong siya sa sarili niyang opisina ngayon. Kung mayroon mang makakita sa kanya, siguradong iisipin nilang nababaliw na si Gian. Hindi naman niya kasalanan! Si Lyle ang nagsimula! Nadadala lang siya. Gusto niyang maiyak na ewan. Kaya lagi na lang siyang nagiging tumpulan ng pang-aasar, e. Laging sinasabihang may gusto kay Lyle dahil iyong sistema rin niya, naka-program na umakto ng ganito sa paligid ng binata. Siya ang nababaliw, e! "Bakit? 'Di ko ma-gets. Um, wala namang bahid ng kahit ano 'yong sinabi ni Lyle?"
Kung kilig ang ganito, hindi niya na lang alam. Posible bang kiligin na gusto kang makilala noong taong matagal mo na ring gustong makalapit? Hindi alam ni Gian. Baka siya lang ang ganito. Maniniwala na yata siyang abnormal din siya kahit na ipinipilit niya noong wala siyang saltik na tulad ng mga kaibigan.
"E, ba't naman ako kikiligin?" Ito rin talaga ang susunod na tanong ni Gian sa sarili, e. Anong kakilig-kilig sa sinabi ni Lyle? Daig pa nito bugtong. Palaisipan talaga itong reaksyon niya.
Natigilan si Gian sa pangangausap sa sarili noong makarinig ng katok mula sa pinto ng opisina. Napapitlag siya, muntik pa nga na mahulog sa upuan kung tatanga-tanga lang talaga siya; nagulo rin ang mga papel na nakalapag sa lamesa nang dahil sa labis niyang pagkagulat. Syempre, natural kay Gian ang mataranta kaya dali-dali niyang inayos ang mga iyon bago tumikhim nang maipon ang tindig.
"P-pasok!" Sigaw niya, pinahihintulutan ang kung sinumang nasa labas na pumasok sa pribado niyang espasyo. Iyon lang, requirement ba talaga na mautal? Surprising din ang reaksyon niya.
Hindi nagtagal, bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa noon si Zamiel. Namangha si Gian. Hindi malaman kung paanong magre-react sapagkat araw din ang lumipas mula nang huli niya itong makita. He can even vividly recall how this diva walked out with his boyfriend, Ridge, resulting to some minor conflict within their circle last Saturday. Sobrang menor lang kaya hindi na rin pinansin nina Gian. Si Lyle na nga lang ang nagtanong kaya bigla nilang naalala na nag-away nga pala iyong malanding magjowa.
"Mabuti, napabisita ka?" Gian almost tripped onto his words while he said those. Man, he really has a problem with enunciation sometimes, does he?
Moreover, Zamiel did not really pay too much attention with how Gian pointed out why he visited him. Instead, the male entered his office and occupied a seat in front of his table. Nagpahalumbaba ito pagkatapos at tumingin sa kawalan. Wala ni isang salita ang kumawala sa mga labi ng binata, dahilan upang mapanganga siya at maguluhan. Why does Zamiel look like he is about to explode? Did something happen?
Magtatanong ba siya o hindi? Parang mas okay na panoorin na lang itong si Zamiel at baka siya pa ang pagbuntungan ng inis kung sakali e.
Ilang minuto na ang lumipas pero nanatili si Gian na pinagmamasdan si Zamiel habang abala ito sa maingat at marahang pag-alog ng in-order na milktea. Kararating lang ng order nito. Ipinahatid din pala sa opisina niya kaya kahit paano e nabasag ang namutawing katahimikan. Nito-nito lang din niya nalamang nandito ang isa para hintayin si Ridge. Tumambay lang sa opisina niya dahil malakas daw ang aircon dito. Hayop. Abusado.
Anyway, Gian plans to ask things about what happened last Saturday. Ang kaso, nauwi siyang walang masabi. Kung hindi niya nakagat ang dila, paniguradong nalunok niya iyon. Kanina pa rin nga niya sinusubukang bumuo ng isang pangungusap upang pugsain na ang nakabibinging katahimikan. Kaso, wala rin talaga e. Walang ideyang pumapasok sa isip niya kaya wala rin silang mapag-usapan nitong kabarkada niya.
Alangan din namang itanong niya itong wirdo niyang nararamdaman tungkol kay Lyle? Aasarin lang siya nito.
"What? You've been staring at me weirdly for five minutes. What's your problem?" Ani Zamiel nang sa wakas ay maisipang pansinin ang mga mata niyang inoobserbahan ito.
Napapitlag siya nang marinig ang boses nito. Dahil nga baritono at mas malalim kung ikukumpara sa boses niya, parang dumadagundong ang paligid sa tuwing nagsasalita si Zamiel. Tuluyan tuloy na nablangko si Gian. Wala ring dulot na maganda iyon bukod sa nagkaroon ng kapayapaan ang kanina'y magulo niyang isipan.
Samantala, mahinahon itong sumandal sa backrest ng kinauupuan ngunit may kung ano pa ring epekto roon na ang brusko tignan ni Zamiel. Nang kumportable na sa pwesto, inangatan siya nito ng isang kilay ng binata bago kinuha ang milktea upang makasimsim.
"You gon' speak or not?"
Lalong lumalim ang kunot sa pagitan ng mga kilay ni Gian. Humugot siya ng malalim na hininga bago binasa ang mga labi. Ipinagsasawalang bahala na kung anumang unang salita ang lalabas sa bibig niya. "Di ba may pasok ka? E ba't mukha kayong may date ni Ridge?"
Miyerkules pa lang pero hindi niya nakita na nakauniporme si Zamiel. Napansin niya na casual clothes lang ang suot nito. Kung titignan pa kamo ng mabuti, para ngang pambahay lang ang suot. Mukha lang pang-alis dahil gwapo itong kaharap niya. But nah, that is not his concern. Mag-iisang linggo na ang lumipas at ngayon niya lang ulit nakita ang binata. Ibig sabihin, medyo matagal na rin mula noong magka-lovers' quarrel na naman sila ni Ridge. Ayos na ba sila? Naalala niyang iyan ang ipinapatanong ni Lyle. Medyo awit dahil ito na nga siyang gulung-gulo salamat kay Lyle pero ito rin ang pina-prioritize ng isipan niya!
Samantala, sarkastikong umismid si Zamiel bago iniikot ang mga mata. Animo'y nakasalalay sa tanong niya ang pasensya ng nito.
"Uso ang day-off. Do you seriously think that I can play along with Gonzales if it isn't my off?" Sarkastiko nitong sabi.
Aba, ano bang malay niya?! Hindi naman niya alam ang schedule nitong si Zamiel sa trabaho, ano!
Napangiwi si Gian nang marinig ang tugon nito. It is always like this around Zamiel. Para itong pinaglihi sa sama ng loob dahil napakasuplado. Halos si Ridge lang din ang kayang tumayo sa tabi nito ng matagal tapos kinakayang makipagsabayan sa isa. Kaya sila matchmake in heaven, e. Ah, pero nagpapasalamat si Gian dahil walang lason ang mga salita ni Zamiel at tanging pagkahol lamang ang ginagawa nito.
Mukhang maayos naman ang mood. Sapat upang makasama sa pakikipagbiruan at maayos na makausap.
"By the way, that Lyle guy, is he gon' come over today?" Pag-iiba nito ng usapan at tila ba naitulos na kandila si Gian sa kinauupuan, "madalas 'yon pumunta rito 'di ba?"
Marahan siyang tumango. "Um, oo. Anong meron?"
Siya naman ang pinanood ni Zamiel nang sumagot siya. Tila ba binabasa siya nito. To be honest, it was uncomfortable. The male did not even hide the fact that he was scrutinizing him. Parang iiyak yata si Gian, a. Paano ba naman kasi e ang talim ng titig ni Zamiel sa kanya, para siyang binubutasan ng ulo. Ano bang meron?!
"Mamaya pa siya pupunta. Madalas, hapon siya tumambay ngayon dahil may event na pinaghahandaan. Hectic ang schedule niya nitong nakaraan," paliwanag niya.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Napalunok si Gian noong lalong tumalim ang pagkakatitig ni Zamiel sa kanya. Ah, parang kaunti na lang e tatamaan na siya nito! Ganoong pakiramdam! Ano bang mali sa sinabi niya, bakit galit na galit si Zamiel?! He even tsk-ed! If that's not scary, he does not know what else can be!
"Napa'no ka?! Ba't parang may balak kang masama?"
Sumagitsit ito. "Gago, what the fuck are you saying? What evil plan?"
"Malay ko? Pero basta, parang may maitim kang balak no'ng sinabi kong mamayang hapon ang punta ni Lyle rito!"
"Gago, edi brineak ako ni Ridge kung sakali mang nag-eskandalo ako? Dadale na 'ko e."
Umawang ang mga labi niya nang sumagot ito at medyo padabog pang inilapag sa lamesa ang milktea. Napamaang siya nang huminga ng malalim si Zamiel at magkuyom ng mga kamao. Para itong may gustong sabihin ngunit pinipigilan lang ng matayong nitong pride na magsalita.
"I'm irritated to your friend, I didn't want Ridge to get close to him."
Doon tuluyang nahulog ang panga niya at napakurap-kurap. Inaanunsyo ba nito na nagseselos ito kay Lyle? May kung anong kumurot sa puso ni Gian at dumagan na mabigat pero ipinagsakibit balikat niya iyon. Ayaw niyang intindihin ang sarili lalo na at namamangha siya sa sinabi nitong kaibigan niya. Kahit kailan, hindi naman ito nagsabi kung kailan makakaramdam ng ganyan.
For years that he had been denying his feelings for Ridge, this is the first time he heard Zamiel admit that he is jealous of someone?
"Nagseselos ka, 'di ba?" Paniniguro pa niya.
Kumunot ang noo ni Zamiel nang marinig ang tanong niya. Pero masisisi ba siya nito? Para siyang nananaginip ngayon! Subukan kaya niyang kurutin ang sarili? Baka sakaling magising siya. Imposible, e! Sarkastiko itong ngumiti. "Punyeta. Parang gusto mong matikman isa sa mga upuan ng café mo."
Mahina siyang natawa bago inilagay ang kamay sa batok. Nakamot niya rin ang bahaging iyon bago ipinilig ang ulo. Halos mahulog pa ang salamin niya sa anggulo ngunit hindi niya muna binigyan iyon ng pansin. "Nagseselos ka kay Lyle. Sa tayog ng pride mo, parang imposibleng umamin ka?"
Gian could only do a peace sign right after he saw Zamiel mouthed something. Hindi niya iyon naintindihan pero sana hindi rin iyon Latin. Mahirap na, baka tumatawag na pala ito ng demonyo nang hindi niya alam. Talo siya. "Pero ayos na ba kayong dalawa ni Ridge? Wala kaming balita sa inyo."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
That question instantly made Zamiel bent his upper body forward. It calmed him, as though it was a thought that would always deliver him to serenity.
"Ayos na. That motherfucker got me good so I couldn't stay angry for long."
Napaupo siya ng tuwid, namamanghang may ganoon nga palang epekto si Ridge kay Zamiel.
"Mabuti naman. Nagulat kami kasi bigla na lang kayong nawala pagkatapos naming awayin si Henry."
Napangiwi siya nang maalala ang asungot. Iyong malakas ang loob na sakit ng ulo lang naman ang dulot. Naiinis pa rin siya sa isang iyon pero ngayon, naaawa siya na napagtulungan nila noong minsan. Ang bully rin nila. "Huh, right. Henry was bitchy that day, too. Anyway, the reason behind our argument is dumb. But it sure got on my nerves."
Pagak siyang natawa. "Is it really, though? Kasasabi mo nga lang na nagseselos ka kay Lyle."
Tinapunan siya ng masamang tingin ni Zamiel. Nginitian niya lamang ang binata noong wala siyang masabi. Ayaw niya rin namang managot dito kaya iyan lang ang reaksyon niya.
"Fuck, fine. I'm jealous, but I'm really not."
Muli siyang tumawa. Itinanggi pa e nahuli na nga. Nanggaling pa nga sa bibig nito mismo iyong dahilan ng pagtatalo nila ni Ridge noong nakaraan.
"But then again, it's nothing. 'Di ko alam kung pa'no nalaman ni Ridge na mainit ang dugo ko sa kaibigan mo, inasar pa 'ko."
"Tapos pikon ka pa," pagtutuloy niya na ikinasang-ayon lamang ng isa.
Umangat ang mga kilay niya habang nakikinig sa parte nito ng kwento. Kuryoso sa ibinabahagi ni Zamiel, ngunit imbes na ituloy ang ikinukwento, wala nang salitang kumawala sa mga labi ng binata. Sa halip, humugot lang ito ng malalim na hininga. "By the way," Zamiel trailed off before he darted curious gazes towards Gian's direction, "how about you and Lyle? When do you plan on courting him?"
"Huh?"
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report