Can I be Him?
CHAPTER 12.3

NATIGILAN si Gian sa kalagitnaan ng pakikipagtalo sa kaibigan noong oras na bigla na lamang umismid si Zamiel. Nang tignan niya ito, nakahalumbaba na ulit ito at bumalik na rin sa dati ang ekspresyong nakapinta sa mukha - nakasimangot na naman, akala mo e masama ang loob sa mundo.

"Ba't ka nakatingin sa 'kin ng ganyan?"

Natatakot siya, a. Sa lahat ng kabarkada niya, si Zamiel na yata ang pinakanakakatakot sa tuwing ito na nga ang nang-aanalisa. Bagamat mukha itong anghel ayon sa nakararami, iba pa rin ang awrang ine-emit nito. Sa tuwing ipupukol nga nito ang mga mata sa kanya, para siya nitong binabalatan ng buhay kahit na malayo ang orihinal nitong iniisip mula sa mga ideyang pumapasok sa isipan niya!

Ang sama niya, ano? Pinagmumukha niya lalo na masama ang ugali ni Zamiel.

"Alam mo, walang may alam sa 'min kung ano ang ginagawa mo t'wing attracted ka na sa isang tao. 'Di ka masikreto tulad ni Leon, pero ang hirap mong basahin dahil natural sa 'yo ang pagiging mahiyain," anito na siyang nakapagpagulo sa utak niya.

Pinag-uusapan pa rin ba nilang dalawa iyong pamimintang nila na may gusto siya kay Lyle? Nasa iisang pahina pa rin naman sila, ano? Mahirap na, baka nailipat na pala ni Zamiel ang kabanata tapos ito siya, naipit doon sa huling binabasa nila. "Si Lyle pa rin ba pinag-uusapan natin?" Aniya na may bahid ng paniniguro.

Marahang tumango ang isa. "Well, obviously. Sino pa bang pag-uusapan natin?"

"Ah, okay. 'Kala ko kasi, ibang tao na."

"Idiot. I'm just talking about how you express your emotions to someone you're interested in romantically." Zamiel rolled his eyes before he let out an exasperated sigh. "Because at some point, I see myself to you, and the only similarity I've noticed so far is that we both yearn for Ridge and Lyle's attention, plus the accusations that our friends had been throwing on us. I've experienced what you're experiencing right now and look at where it brought me."

Ipinag-isang linya niya ang mga labi bago siya marahang tumango. Huminga siya ng malalim upang iwaglit ang kanina pang tumatakbo sa isipan niya.

"Oo nga. Alam ko namang naging tumpulan kayo ng pang-aasar noon ni Ridge, but I really stand with what I said." Lumunok si Gian bago niya matiin na pinagmasdan sa mata si Zamiel na napangisi lamang. "Para sa 'kin, a? Platonic lang 'yong dahilan sa likod ng pagki-crave ko sa atensyon ni Lyle. Walang pag-asa na lumalim 'to. Matagal lang talaga akong interesado sa kanya, alam niyo naman 'yon, 'di ba?"

Zamiel only smiled at him through gritting teeth. "And that's exactly why I think that we are somehow similar. But if you say so. Then again, if eventually, you realize your massive crush on Lyle, accept it. Either way, you're doomed."

Napakamot siya sa pisngi. "Ba't parang tinatakot mo 'ko? Nagbabanta ka ba? May galit ka ba sa 'kin, Zamiel? Ayokong isipin 'yang sinasabi mo, e."

"Kahit 'di mo naman isipin 'yong sinabi ko sa 'yo ngayon, Gian. Mapupukpok ka na lang din naman sa ulo isang araw tapos baka mag-text ka nalang bigla sa 'kin ng, 'uy Zamiel, paano mo sinusuyo si Ridge?""

Mas lalo siyang napangiwi nang humalakhak ito. Malalim ang boses at bumalik na rin sa dating tono na brusko at nangmamaliit. Nang kumalma ito at tinangay na lamang ng hangin ang mga paghalakhak na kumawala sa mga labi nito, muling hinanap ni Zamiel ang mga mata niya. Sa pagkakataong iyon, parang may kung ano na nakapagpalunok kay Gian. Hindi niya maintindihan. Para siyang nilulunod nito na ewan.

"Pagdating ng araw na 'yon, 'di kita tutulungan. Ako nga mismo, 'di ko alam paano ba suyuin si Ridge tapos sa 'kin ka tatakbo? Fuck you, ask Aaron."

"Para saan pa? Wala namang mangyayaring ganyan." Magsasayang lang siya ng enerhiya kung magtatanong siya. Sa totoo lang, itong si Zamiel din e nagsasayang lang naman ng laway ngayon sa pagpapangaral sa kanya.

Ano kayang sumapi sa isang ito? Miss na miss na yata si Ridge kaya biglang dumaldal. He is even speaking in Tagalog which makes things weirder! Zamiel does not speak Tagalog unless he is amused or something. Madalang lang din iyon. Bilang na bilang sa daliri.

Namamanghang napatitig sa kanya si Zamiel at nagkibit balikat. Saktong nagsisimula na ring mamutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Sa kalagitnaan ng nakabibinging katahimikan, nabigla silang pareho noong mabasag iyon nang dahil sa pagba-vibrate ng cellphone ni Zamiel. Pareho silang napatitig sa isa't isa hanggang sa bigla na lamang may ideyang pumasok sa isip ng kaibigan. Mukhang naalala nito kung kaninong text ba ang hinihintay, kaya nga ang bilis nitong kinuha ang cellphone at binasa ang mensaheng halos katatanggap lang.

Habang abala itong nagbabasa, hindi napigil ni Gian na tapikin ang lamesa gamit ang mga daliri at panooring sumilay ang malawak na ngiti sa mga labi ng kaibigan. Pero sa gitna ng mga iyan, naisip niyang magtanong.

"By the way Zamiel, ni minsan ba 'di mo naisip na baka gustong malaman ni Ridge kung ano 'yong nararamdaman mo sa kanya?"

Nang marinig ang tanong niya, awtomatikong natigilan si Zamiel. Mabilis din siya nitong pinasadahan ng tingin bago ito muling umismid, ngunit noong mga oras na iyon, bakas ang kalungkutan sa ekspresyong ipinapakita ng binata. "Are you seriously asking me this? Of course I always thought about that. I also wanted to confess Gi, but I'm scared. Call me a coward but listen, what if Ridge has someone else in his heart? Natatakot akong baka 'di pala ako ang nag-iisip na laro lang 'tong relasyon namin, baka siya pala."

Wala siyang nasabi. Bagamat alam niyang hindi ganoon ang iniisip ni Ridge tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Zamiel, hindi niya magawang sabihin sa kaibigan na pareho sila ng iniisip ng kasintahan. Pareho silang lito at natatakot na masaktan dahil ang hindi nila alam, sabay pala silang tumalon sa bangin at nahulog sa isa't isa.

"That's impossible though," was his unconscious reply but Zamiel only shrugged it off.

Noong rumehistro na sa binata ang laman ng mensaheng binabasa, umahon na ito mula sa pagkakaupo.

"Aalis ka na?" Takang tanong niya habang sinusundan ng tingin ang kaibigan.

Nilingon siya nito sandali at tinanguan. "Gusto raw mag-lunch ni Ridge at mamayang hapon pa naman daw iyong susunod na photoshoot niya."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Saan kayo magla-lunch?"

"Kay Zach. Baka maistorbo pa quality time ninyo ni Lyle kung dito kami dahil sigurado akong tititigan lang no'n si Gonzales."

Namamangha siyang tinitigan ang binata habang nagliligpit ito. At saka palang lumipad mula sa mga bibig niya ang katanungang nais niyang malaman. Hindi niya alam na may alam ito tungkol sa nararamdaman ni Lyle para kay Ridge?! "Ba't mo pala alam na gusto ni Lyle si Ridge?"

Kumibot ang isang kilay nito. "Because I know who likes my man, and he never even tried to hide it, Gian. Never."

Naitikom niya ang bibig nang marinig ang sagot nito. Gusto niya pa sanang magtanong ngunit ang naisip nalang niya, baka mula noong una nitong makita si Lyle, nakita na nito ang sarili sa binata.

Natigilan siya mula sa pagmumuni-muni nang tapikin ni Zamiel ang balikat niya.

"Punta muna 'ko sa counter. Mag-oorder ng milktea para kay Ridge, baka gusto niya rin e."

Mabilis siyang umahon mula sa kinauupuan para ihatid si Zamiel. Siya na rin ang nag-asikaso ng order nito para kay Ridge para mabilis. Noong natapos na, tuluyan niya itong sinamahan hanggang sa labasan ng café niya. Nakapag-usap sila tungkol sa iba pang bagay tulad ng location kung nasaan si Ridge ngayon, ngunit hindi iyon dinisclose ni Zamiel at sinabing ilang minuto lang ang byahe niya. Noong nasa tapat na sila ng pinto ng café, nakahawak na rin sa hawakan ng glass door, mataman pa itong napatitig sa kanya bago tuluyang binuksan ang pinto.

"This is just a thought, Gian. Maybe the reason why you're finding it hard to accept your feelings for Lyle is because he's probably shown you his feelings towards Ridge."

Natigilan siya. Mabagal ding namilog ang mga mata niya sa tinuran nito, animo'y naging robot siya. Walang nasabi tapos bigla na lang nag-short circuit ang utak! Napalunok din siya dahil may kung ano sa mga salita nito na may epekto sa puso niya, para bang tama ang sinasabi ni Zamiel.

Pero hindi, e! Wala siyang gusto kay Lyle. Kung mayroon man, e bakit ang bilis? Kaya ngs imposible!

"Even so, don't think that Ridge is your rival. He genuinely cares about Lyle but that's just it. The motherfucker is mine. Now, get your ass whoopin' and try to avert his attention towards you."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Hahakbang na rin sana si Zamiel palabas ng café niya nang tumigil pa ito sandali.

"Para wala na rin akong aalalahaning banta sa 'min. Deputa."

With those final words, Zamiel finally left his place.

Nakatangang pinanood ni Gian si Zamiel na umalis at lumapit sa sarili nitong sasakyan. Naiwan siya sa tapat ng entrance, kahit noong mawala na sa paningin niya ang kaibigan, nanatili siyang nakatunganga at tila napapaisip.

Hindi niya alam kung ilang minuto iyon at nakaramdam din siya ng hiya kalaunan. Pakiramdam niya, isa siyang wirdo na bigla na lamang tumunganga malapit sa pinto kung kaya naman nagkunwari siyang may iniisip. Siya pa naman iyong may-ari ng café. Baka kung may makakita sa kanya, magkalat pa ng tsismis at malugi pa ang negosyo niya.

He cannot afford to experience the humiliation if ever someone realizes that he is acting like he is out of himself!

Hindi nagtagal, humugot ng malalim na hininga si Gian. Napapikit siya at pinakalma ang sarili sa kabila ng hindi naman siya natataranta. Nais lamang niyang palawigin ang isip at makapag-isip ng mas mabuti, ngunit hindi ba mas mainam gawin ito sa loob ng opisina niya? Kung saan tahimik at walang mga matang posibleng mag-obserba sa kanya.

He has to sort his feelings with Lyle, although it is unneeded. Naba-bother kasi siya sa mga pinagsasasabi ni Zamiel. Gusto niya iyong murahin pero hindi siya palamura. Ewan ba niya, para kasing siguradong-sigurado ito na nahulog na pala siya sa binatang dati-rati'y gustung-gusto niya lamang na pinanonood mula sa malayo.

Mula noong high school hanggang kolehiyo, tahimik niyang inoobserbahan si Lyle mula sa malayong distansya. Hinahangaan ang paglaki nito, ang mga improvement. Natutuwa na unti-unting nawawala ang kalungkutan sa mga mata ng binata. Pero kailan nga ba siya nagsimulang humanga kay Lyle? Hindi na niya maalala kung paanong napukaw nito ang atensyon niya. Ayaw na rin niyang alalahanin at baka sumakit lang ang ulo niya.

Tinalikuran na ni Gian ang entrance mula sa café niya. Babalik na siya sa opisina dahil wala naman na siyang gagawin dito! Mag-iisip na lang din siya roon kung saan tahimik. Mas mae-enjoy pa niya ang 'me time' dahil wala na si Zamiel. Akmang maglalakad na sana siya noon tungo sa opisina nang mahagip ng mga mata niya ang papalapit na bulto ni Lyle. Mabilis pa sa ala singko siyang natigilan at hinanap ng mga mata niya ang imahe nito nang masigurong hindi siya niloloko ng mga mata. Noong mahanap, namangha naman siya dahil awit, ang agang pumunta ni Lyle? Akala niya, mamaya pa ito! Mabuti na lamang e hindi pa nito naabutan ang halos kaaalis lamang na si Zamiel! Napasinghap si Gian noong mag-angat ito ng tingin at magtama ang mga mata nila. Doon pa lamang mayroong nag-sink in sa kanya.

Oh shit! Hindi na naman niya alam kung paano ito haharapin matapos nila mag-usap ni Zamiel! Gusto na naman niyang magtago!

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report