Can I be Him?
CHAPTER 13.1

INTERACTING with Lyle had always been difficult for Gian. Hindi pa man nila napag-uusapan iyong kalokohang nabanggit ni Zamiel, aminado na siya na ang hirap manatiling nakamasid sa mga mata ng binata. Para siyang natutunaw, ang puso niya, parang sasabog. Bagamat wala namang agunyas sa kanya ang pakikipag-usap dito at kailan lang ay madalas na rin silang nagkakausap, nahihirapan pa rin siyang manatiling matatag. Nakakapanghina pa rin talaga ang presensya ni Lyle. Para itong kryptonite kahit hindi siya si Superman. Madalas, gusto na lamang ding bumigay ni Gian sa temptasyong magtago. Kung hindi lang talaga siya nahihiya sa binata at kung hindi lang niya talaga hinintay ang pagkakataon na mapalapit dito, hahayaan niyang lamunin ng kaduwagan niya.

Pero ni minsan, hindi inasahan ni Gian na darating ang araw na mas mahihirapan siyang kausapin ito. Mula nang makausap si Zamiel noong isang araw, halos kaladkarin na lamang niya ang sarili upang makausap si Lyle. Nako-conscious siya. Hindi niya alam kung paano ito haharapin ngayon.

Of course, he still believes that he is not into Lyle romantically! He stands by what he said, but he gets easily distracted when he is around. Iniisip niya, paano kung tama nga si Zamiel? E kaso, bakit nga ba iniisip niya iyan kung wala naman talaga siyang nararamdaman na kahit ano para kay Lyle? He does not know! He does not get himself! He does not want Lyle to hear these thoughts. It will only make things worst between them!

Baka siya pa kamo ang maghukay ng sarili niyang libingan kung sakali!

Setting his thoughts aside, Gian is aware that Lyle noticed the changes in their usual interaction, no matter how small it was. Hindi siya makatitig dito ng maayos na hindi inoobserbahan ang magiging reaksyon ng binata sa lahat ng bagay. Mas madalas din ang pag-utal niya at ang panginginig ng mga kamay. Kung kaya madalas, nakapamulsa siya sa tuwing nakatayo sila o hindi kaya ay ipinapatong na lamang niya sa hita ang mga kamay.

"Gian, sigurado ka bang kaya mo pa?"

Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Lyle. Kusa ring kumilos ang katawan niya at napaatras palayo rito, habang ang isa naman ay napamaang na lamang nang panoorin siya. Naipilig ng binata ang ulo, hindi nito malaman kung ano ang ipipintang ekspresyon sa mukha nang makita ang ginawa niya, pero sigurado si Gian na hindi ito natuwa nang layuan niya ito.

Damang-dama niya ang pagkabog ng dibdib noong oras na maitikom ni Lyle ang bibig. Nag-isang linya ang mga labi nito at nagbaba ito ng tingin. He looks offended. Gusto ni Gian na humingi ng pasensya ngunit bago pa man niya maibuka ang bibig, naagapan na siya ng binata.

"Ayos ka lang ba? No'ng isang araw ka pa ganyan."

Natigilan siya nang mapansin ang pag-aalala sa boses ng binata. Siya na nga ang mali, ito pa ang nag-alala. Masyadong mabait si Lyle, hindi niya deserve na maging kaibigan ang tulad niya.

Paano niya rin ba ito sasagutin? Kumunot ang noo niya at nag-isang linya ang mga labi niya. Pakiramdam niya, pulang-pula ang mga pisngi niya ngayon. Baka daig na niya ang kamatis. He also chewed on his inner cheeks while his mind wandered to figure out what to reply. Ah, pero wala talagang dulot ang pag-iisip niya dahil sa huli, hindi pa rin siya nakahanap ng mga salitang pupwedeng gamitin bilang sagot sa tanong ni Lyle. "A-ayos lang ako! Kaya ko pa!"

Napahilamos siya ng mukha nang mabasag ang boses niya dahil sa pagkataranta. Tignan mo siya, sasagot na lang, may ganito pang mga ads! At dahil napahilamos siya ng mukha dala ng pagkadismaya sa sarili, hindi rin niya nakita ang reaksyon ni Lyle ngayon, hindi niya napansin na dumaplis ang pag-aalala sa mga mata ng binata.

"Sigurado ka? You really seem uncomfortable around me recently."

Marahan niyang inalis ang pagkakasapo sa noo nang mapansin ang pagbahid ng kalungkutan sa boses ni Lyle. Nang tignan niya ito, nagtama ang mga mata nila. Hindi niya naiwasang mapasinghap dahil halatang itinatago na lamang nito ang pagtatampo.

He knew that Lyle is aware of how he avoided him. But he did not know that it would affect him if he would point it out.

"May nangyari ba? Sigurado ka bang wala akong dapat na malaman?" Dagdag tanong pa nito.

Mabagal siyang kumilos. Tumayo ng tuwid saka inilagay ang kamay sa likod ng ulo bago nag-iwas ng tingin. Pagak din siyang tumawa, maibaon lamang ang kung anong emosyon na lumulukob sa dibdin niya. Kalaunan, unti-unti siyang nakaramdam ng hiya hindi lamang dahil sa mga bumabagabag sa kanya mula nang makausap si Zamiel, kung hindi dahil tila nadismaya niya yata si Lyle sa iniaakto.

"Wala naman," maliit lamang ang boses niya nang sumagot, "may iniisip lang ako nitong nakaraan."

Napahimig si Lyle. "Tungkol ba sa 'kin? May nasabi ba 'kong hindi maganda nitong nakaraan?"

Namimilog ang mga matang ibinalik niya ang atensyon kay Lyle. Napamaang siya. His lips parted slightly and he wanted to respond as soon as possible, however, no words came out of his mouth. Mabilis niyang itinaas ang mga kamay. He was on that defensive mode. Tapos, sabay niya iyong ikinaway ng mabilis.

"'Di naman tungkol talaga sa 'yo. Sa 'kin lang!"

Kumunot ang noo ng binata. "Sigurado ka ba? Nag-aalala ako Gian. Nitong nakaraan, nag-iimprove naman na pakikitungo mo sa 'kin pero..."

"Pasensya na, sorry talaga."

Napalunok siya nang mataman siyang titigan ni Lyle, ngunit nag-iwas din ito ng tingin. His eyes hooded an emotion he cannot discern, but he did not bother asking. Ang iniisip niya lang talaga, nadidismaya ito sa kanya. Kahit naman siguro siya, e.

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang pumasok sa isip niya ang yakapin si Lyle. Napasinghap siya at muling napaatras, lalong uminit ang pakiramdam niya. Kumportableng init pero naghahatid ng kaba sa puso niya. Ano ba itong iniisip niya?!

Kaso, sa tuwing tinitignan niya si Lyle, parang kailangan niya noon dahil sa pag-aalala kay Gian. Kasalanan niya, e. Kasalanan din ni Zamiel dahil binagabag ng isa ang isipan niya, e nananahimik nga siya. Come to think of it, Lyle has also put up with him even when he is not good at communication. He understood him when he often tumbled upon his words. Ito pa ang lalapit sa kanya para makapag-usap sila dahil nilalamon siya ng pagkaduwag sa tuwing kaharap ito. "Um, Lyle?"

Muling humimig si Lyle at ibinalik ang mga mata sa kanya. Tipid itong nakangiti ngayon, hindi alintana ang tirik na araw na tila ba sinusunog ang mga balat nila sapagkat wala silang masilungan sa gitna ng parkeng tinatahak. "Bakit?" Tanong nito, kalaunan nang hindi na ulit siya nakapagsalita.

Ano bang gagawin niya? Yayakapin niya lang ba bigla o magpapaalam muna siya? Pero hindi ba awkward iyon? Baka ma-reject kamo siya e mukhang yakap nga lang ang makakapagpagaan sa pakiramdam ni Lyle. Saka, nakakahiya! Nakatayo sila pareho sa kalagitnaan ng parke at kailaliman ng tumitirik na araw para lang magyakapan? Dito mismo sa pampublikong lugar kung saan posibleng makapukaw sila ng maraming atensyon hindi lamang mula sa mga bisita rito kung hindi pati na rin sa mga taong nakatambay sa court na nakakonekta sa parke at mga naghihintay ng jeep na masasakyan sa gilid? Tapos ang loob naman nitong kinaroroonan nila, punung-puno ng estudyanteng nag-eensayo para sa bartending? Kailangan ni Gian ng matinding kapal ng mukha maipulupot lamang ang mga bisig sa katawan ni Lyle, ano! E nataon pang wala siya niyan!

Sabado pa naman ngayon. Ibig sabihin, ang dami talagang tao! Tapos ang nakakahiya pa, bagamat abala si Lyle, niyaya siya nitong mamasyal dahil aalis daw ito sa susunod na araw at magtutungo ng LA. Napagdesisyunan pa nga nilang dalawa na sa SM na lamang magkita ngunit wala naman talaga silang gagawin doon kung kaya nagtungo sila sa karatig parke. "Um..."

Tumigil siya sa paglalakad. Nang mapansin ni Lyle iyon, nagtataka rin itong tumigil. Kaya lang ay nauuna ang binata sa kanya ng ilang hakbang, pero ayos lang naman ang distansya nila, hindi ba? Pupwede pa iyang burahin nang magkalapit silang dalawa!

"Pasensya ka na kung pinag-aalala kita palagi dahil mahiyain ako," panimula niya.

Yumuko siya at nahihiyang ibinuka ang mga braso. Napapaisip kung kahali-halina na ba para sa yakap ang espasyong nasa gitna ng mga iyon para kay Lyle.

Habang nilalamon siya ng kahihiyan, tila nagulat din ang binata nang makita ang ginawa niya dahil nang ibalik niya ang mga mata rito, nakatanga itong nakatitig sa nakalahad niyang mga braso. Mukhang iniisip kung anong ginagawa niya kung kaya naman ay tumikhim siya para ipaliwanag ang ganap.

"Y-yakap." Ipinikit niya ang mga mata at napalunok nang mautal na naman. "Di ko alam parang... parang kailangan mo kasi. Saka pambawi ko dahil lagi kitang pinapaisip kung anong nangyayari sa 'kin."

Isang mata lang muna ang iminulat niya noon dala ng paglala ng pagkaduwag niya. Sinisilip lang naman niya ang itsura ni Lyle. Natatakot siyang baka tawanan lang siya nito at maya-maya ay iwan, ngunit nagulat siya nang hindi pa rin ito makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"Yakap...?"

Namangha siya nang isang aliw na ngiti ang kumurba sa mga labi ni Lyle, ngunit sa kabila ng pagkamangha, muli siyang napapikit. Parang gusto na niyang iatras ang kalokohang ito, a! "Pasensya ka na, alam ko namang nonsense 'to at absurd dahil out of nowhere talaga ako nag-aaya ng yakap..."

Babawiin na sana niya ang pagkakalahad ng mga braso at nagdesisyong uunahan si Lyle sa paglalakad upang itago ang pagkapahiya nang matigilan siya nang muli na naman siyang maagapan nito. Napasinghap si Gian at napaatras nang biglang maramdaman ang pagbagsak ng bigat ni Lyle sa kanya. Maging ang mga braso nitong kumapit sa likod niya, dahilan ng panandaliang pagkalimot niya kung paano ba ang huminga.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Huh..." halos bulong nalang at paghinga ang lumabas sa bibig niya nang sabihin iyon.

Hindi siya makapaniwalang bumaling kay Lyle na ang ulo, nakabaon sa pagitan ng leeg at balikat niya. Napalunok siya at saka palang ipinulupot ang mga braso sa beywang nito, hindi alam kung talaga bang pinatulan nito ang kalokohan niya. Then, he started feeling things.

Nagsimula iyon nang masinghap niya ang shampoo at panlalaking pabango ni Lyle. And he does not really appreciate other men's smell that much. Ni wala nga siyang pakialam madalas, but there is something in Lyle's scent that entices him to sniff. Pero syempre, pinigilan niya ang kagustuhang iyon!

Ayaw naman niyang ma-label-an nalang bigla na manyak!

Maliban sa kagustuhang ibaon ang ulo sa leeg nito at amuyin na lamang ang binata, nararamdaman niya ang pag-ikot ng tiyan hindi dahil sa kaba o takot. Iba, e. Pero hindi niya matuklas kung ano. Malabo, at nakakakiliti, hindi rin ganoon kasaya sa pakiramdam.

Katunayan, hati. Masarap pero ang bigat.

"Uy, love birds!"

"Sweet niyo naman po!"

Natigilan silang dalawa at tila mga estatwang naitulos sa kinatatayuan nang makarinig ng mga sigaw hindi kalayuan sa kanila. Sabay silang napabaling ni Lyle roon, ngunit sa kabila ng ginawa, wala ni isa sa kanilang dalawa ang bumitaw mula sa yakap. Sa halip, mas humigpit pa nga ang yakap niya sa binata ng hindi namamalayan.

"H-huh?" Napapatangang tanong niya.

Natawa si Lyle nang mapansin ang pagiging clueless niya. Inianggulo rin nito ang ulo sapat upang makita ang itsura niya.

"Ah sa bagay, magkayakap tayo sa harap ng madla, e."

Nang maramdaman niya ang hininga nito sa pisngi niya, matinding pagpipigil pa ang ginawa ni Gian nang maiwasang lingunin ito. Mahirap na at delikado siya! Bakit ba ganito ang naiisip at nararamdaman niya? Kasalanan ito ni Zamiel!

Ah, ano itong nangyayari sa kanya?!

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report