Can I be Him? -
CHAPTER 13.2
MINUTO pa ang lumipas ang patuloy pa ring isinusumpa ni Gian si Zamiel sa isipan. Palagay niya, ilang beses na iyong bumahing sa kalagitnaan ng trabaho, iniisip na baka e sinisipon na ito. Dapat lang! Kung saan-saan kasi siya tinangay ng kalokohan ng kaibigan. Tignan mo nga, hindi lang ang barkada niya ang nang-aasar sa kanya ngayon! Para kay Gian, pati na rin ang buong Mabalacat City at Angeles City ang nang-aasar sa kanilang dalawa ni Lyle ngayon! Kung bakit din ba kasi niya naisip na makipagyakapan kay Lyle sa gitna ng pampublikong lugar? Tanghaling tapag pa! Ang lakas ng loob niya, a. Saan niya kaya nahugot itong kakapalan ng mukha niya?
Matapos magalit sa kaibigan, saka lang rumehistro sa kanya na hindi pa rin sila bumibitaw ni Lyle sa isa't isa. Talagang sa kabila ng mga hiyawang natamasa nila e hindi sila nagpadaig at ipinagpatuloy ang ginagawa sa kabila ng nakakapasong init at mga tinging natatanggap. Pinasadahan niya na lamang tuloy ito ng tingin mula sa gilid ng mga mata at tila nanghina nang makitang nakangiti ito sa kanya. "Pupwede ka nang bumitaw, Gian," anito.
"Ah, o-oo nga."
Huminga siya ng malalim bago bumitiw kay Lyle, ganon din ang ginawa ng binata saka nagkaroon muli ng maliit na distansya sa pagitan nila. Kumibot pa ang kilay niya nang gustuhin na naman niyang burahin ang distansyang iyon kahit na hindi dapat. Hindi pa talaga siya nakuntento na ilang minuto rin silang magkayakap ni Lyle? Awit. May kung ano talaga at kasalanan ni Zamiel ito. Anyway, nag-iwas na lamang siya ng tingin.
"'Di na 'ko iiwas," aniya nang magkaroon na ng lakas ng loob. Ibinalik niya rin ang mga mata kay Lyle na mukhang nagulat na naman, "baka mag-alala ka ulit sa 'kin at ayokong nag-aalala ka dahil lang madalas akong naduduwag at pinanghihinaan ng loob tuwing malapit ka. Susubukan kong doblehin lakas ng loob ko 'pag ikaw kasama ko para sumaya ka rin lalo."
Gian cannot let Lyle do all the work. He knows how friendships go. Mabilis iyong mamatay king isa lang ang kikilos. Kailangang mayroon din siyang ambag sa pagkakaibigan nila. Give and take, he noted. Dapat ganoon kung gusto niyang magtagal silang dalawa. Tulad nga ng madalas niyang sabihin sa sarili, ang tagal niyang hinintay na mapansin ni Lyle tapos ngayong nandiyan na, itatapon na lang ba niya ang pagkakataon? Hindi!
At sisimulan niya iyon... Sisimulan niya ang lahat sa pagkilala sa totoong nararamdaman niya para kay Lyle.
NAHIHIYANG itinago ni Gian ang mukha sa mga palad habang pinakikinggan ang paghagalpak ng tawa ni Zachariel. Ito ang natawag niya dahil abala ang kakambal nito kung ikukumpara sa kaibigang kaharap. Mas maraming free time si Zachariel, nakakautang nga sa café niya, e. Moreover, this is not the case today. Hindi pa rin siya makapaniwalang dumating talaga sa puntong ito ang mga pangyayari sa buhay niya.
Lunes. Dahil hindi niya maimbita si Zamiel kahapon na pumunta sa bahay niya dahil nais daw nitong makasama si Ridge bago umalis patungong Paris, ilang beses nitong tinanggihan ang imbitasyon niya. Pakiramdam nga niya e sadya. Malinaw pa sa isip niya ang sinabi ni Zamiel sa kanya noong minsan na hindi siya nito tutulungan kung sakaling maisip niyang ikonsidera ang posibleng nararamdaman para kay Lyle. Kaya nga si Zachariel na lamang ang inaya niya. Hindi naman ito estranghero sa mga ganap sa buhay niya, e. Iyon nga lang ay hindi sila sa bahay niya nagkita kung hindi sa opisina niya dahil may trabaho siya. E, hindi naman sila pwedeng mag-absent dahil lang sa ideyang pumasok sa isip niya nitong nakaraan.
Ah, pero sa totoo lang, mahirap din namang ayain si Zachariel. Ang gusto nga nito, mamaya na lamang daw pag-uwi nila mag-usap at magkita, e. Kaso, nabanggit niya na tungkol kay Lyle ang usapan kaya ayun, halos paharurutin ang sasakyan. makita lang siya. Tulad nga ng sinabi niya, maluwang din ang schedule nito kaya hinayaan niya.
"Ano nga iyong sinabi mo?" Ani Zachariel bago pinunasan ang luhang kumawala sa gilid ng mata nito.
Talaga nga namang aliw na aliw ito dahil tila ba napredikta na nilang lahat na ganito ang mangyayari sa kanya. E, wala naman siyang sinabi na may gusto siya kay Lyle! Ang kanya lang, gusto niyang malaman kung ano ba iyong hindi niya maintindihan na pakiramdam na lumulukob sa dibdib niya tuwing nakikita ito dahil sigurado siyang hindi iyon anxiety at hiya lang! Nakakapisti. Kailangan niya ng mas maayos na tulong.
"Ang sabi ko, gusto kong malaman kung ano ba talaga si Lyle para sa 'kin," mahina niyang pag-uulit sa sinabi. Nahihiya na dahil muli na namang humagalpak ng tawa si Zachariel.
Nagpapasalamat na lamang talaga siya dahil hindi nanunuya ang tono ng pagtawa nito. Kung sakali man, baka siya pa mismo ang humiling dito na maghukay ng paglilibingan niya. Wala na siyang mukhang ihaharap sa lahat, e. "Sabi na nga ba. Sinasabi na nga ba namin na mauuwi rin sa ganito! Ang bilis a," natatawa pa ring sabi ni Zachariel bago muling pinunasan ang gilid ng mga mata dahil may namumuo na namang luha roon, "pero medyo pabebe ka pa rin ng slight sa feelings mo, 'no? Sabi nang may gusto ka sa kanya, e."
"Zach please, don't go there. Ito pa nga lang, hindi ko na alam gagawin ko e. Lumalim pa kaya 'tong nararamdaman ko?!"
Napaismid ang binata. Tumigil na rin ito sa pagtawa kung kaya naman pipi siyang napadasal. Laking pasasalamat niya sa Diyos dahil magkakaroon ng sandaling kapayapaan na yayakap sa atmospera.
"I'm not predicting things, Gian. Sinasabi ko lang kung anong napapansin namin sa 'yo! Napakamanhid at pabebe mo lang talaga at 'di mo matanggap 'yong sarili mong emosyon."
"Grabe ka naman. 'Di naman ako manhid."
"Ihahampas ko 'tong monoblock sa 'yo, sabi ni Miel sa 'kin, itinatanggi mo raw na may gusto ka kay Lyle! Pinipilit mong platonic lang. Kayo talaga ni Miel ang mag-best friend, 'no? Ganyan na ganyan din siya kay Ridge noon, e." Mataman silang nagkatitigan ni Zachariel. Ang pilyo ng ngising nakakurba sa mga labi nito samantalang siya, pinilit na gawing blangko ang mukha. Kaso, hindi rin nagtagal iyon dahil nag-ubob siya at ginulo ang sariling buhok. Nasisiphayo siya! Now, he probably looks like a mess but it is okay! He is just doing in front of one of his friends. They have seen each other's worst than this.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Ah! 'Di ko talaga alam ang gagawin ko, Zach! Pa'no niyo mapapatunayang gusto ko si Lyle dahil lang naduduwag ako t'wing kaharap ko siya? Ang pangit naman nandahil umaatras ang dila ko 'pag magkausap kami, ibig sabihin e hulog na talaga ako!"
Bagamat hindi niya malinaw na makita ang reaksyon ng kaibigan, nakita niya ang pag-ismid nito bago ito nagpahalumbaba. Kung nakita lang din niya ng maayos ang pag-ikot ng mga nito, baka lalo pa siyang malugmok.
"In short, you're in love. Malakas na rin tama mo, ewan ko kung sino bang mas patay na patay sa inyo ni Miel, pero mukhang pareho lang naman kayong tinatamaan ng saltik 'pag usapang pag-ibig."
Nasisiphayo siyang nag-angat ng tingin. Wala na noong pakialam kung matanggal man ang salamin niya at mahulog sa lamesa ng opisina niya.
"I'm not trying to figure that one out! Ang gusto ko lang naman malaman e kung anong gagawin ko."
Zachariel snickered. "O, 'di ba salutatorian ka tapos summa cum laude rin no'ng college? Ba't 'di mo alam kung anong gagawin mo?"
"Matalino lang naman ako 'pag usapang academic, pero 'di mo ba 'ko narinig kanina, Zach? I'm emotionally helpless..."
"But everyone is! Normal lang naman na makaramdam ng pagkaduwag at pagkapahiya 'pag kasama mo si Lyle. Lahat naman, nalulunok ang dila nila 'pag kasama nila ang taong gusto nila."
Kunot noong napatitig siya sa kaibigan. Ito naman e nag-iwas ng tingin at mahinang tumawa. Bakas pa rin ang pagkaaliw sa boses nito at mukhang tinityempuhan lang talaga kung ano ang sasabihin sa mga oras na ito. "Pupwede na talaga akong mag-apply na love guru, e. Lapitan kasi ako ng mga hopeless romantic sa tabi-tabi." Suminghap ang binata bago siya muling pinasadahan ng tingin para ituro at ngisian. "Oo nga pala, matagal pa ba darating 'yong pagkain natin? 'Di ba kamo, ikaw taya. Pinapunta mo ba naman ako rito."
"Alam ko, alam ko..."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Bumaba ang mga mata ni Gian sa lamesa at doon tuluyang natulala. Pinagmamasdan ang kawalan. Medyo malabo rin ang paningin niya dahil tumabingi ang salamin niya, ngunit hindi naman niya iyon inaayos dahil wala siya sa sarili. "Pero 'di pa naman ako sigurado, e. Iyon lang, kung sakali mang gusto ko talaga si Lyle, ang gusto kong malaman e kung pa'no nahaharap ng iba 'yong taong gusto nila? Ako kasi, kaunti na lang e tatangayin na ng ngiti ni Lyle sa kung saan. Gano'n! Ang weird."
"Di mo kamo gusto pero may paganyan nang effect si Villariza sa 'yo? Masama na talaga ang tama mo, Gi!" Pinaikutan siya ng mga mata ni Zachariel. Unang tingin, mukha itong malapit nang mapikon sa kanya pero ang totoo niyan, naaaliw lang talaga itong panoorin ang mga reaksyon niya.
Tumigil sandali si Zachariel sa pananalita at pinaningkitan siya ng mata. Inalis na rin nito ang pagkakahalumbaba at sa halip, tinapik-tapik ang lamesa niya gamit ang mga daliri. Animo'y mayroong hindi nakikitang piano roon. "Pa'no kinakaya ni Zamiel na harapin si Ridge, Zach?"
Napaismid si Zachariel sa tanong niya. "Pwe. Magaling lang mag-bluff si Miel pero tang ina, naduduwag din 'yon kay Ridge! Pero syempre, ibang usapan ka pa rin. Mahiyain ka na talaga mula no'ng mga bata pa lang tayo, e. Kaya ka nga siguro nahihirapang magtagal sa tabi ni Lyle."
Tumango siya. "Di ko alam. Ngayon lang ako nagkaroon ng conflict sa sarili ko. Naranasan ko naman na kasing magkagusto sa iba. Mula elementary at high school, 'di ako singgwapo ninyo pero may iilan pa rin akong naging girlfriend-" Hindi natuloy ang sinasabi niya nang marahas siyang agapan ni Zachariel. "Tumahimik ka nga, Abellardo! Alam naman natin kung ga'no ka kagwapo, nakakahiya naman sa 'yo?"
Mahina siyang natawa. "Mabalik, ayun nga. Ni minsan, 'di ako nakaramdam ng ganitong klaseng kaduwagan, Zach. Mula lang talagang noong una kong makilala si Lyle no'ng high school tayo, ganito na ang epekto niya sa 'kin." Naitikom ni Zachariel ang bibig nang marinig ang sinabi niya. Namutawi ang katahimikan at mukhang nalunod din ito sa pagtuklas ng posibleng nararamdaman niya para kay Lyle. It took them a while, a few minutes even, but as soon as everything registered to the former's mind, he provided him the answer which Gian was not expecting to hear. Simple lang ang sinabi nito pero para siyang sinampal ng mga salitang lumabas mula sa bibig ni Zachariel. "Baka ganyan dahil mas sinsero ka roon sa admirer ni Ridge."
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report