Can I be Him? -
CHAPTER 19.2
GIAN cannot seem to comprehend as to why Ridge and Zamiel decided to drop by his house looking all this sassy. Hair fixed and stile on point; while Zamiel wore a leather jacket, Ridge wore a fur coat - and both are wearing those sunglasses albeit the couple sat at the living room couch.
Nakangiwi niyang pinagmamasdan ang dalawa habang palabas siya ng kwarto. Paano nakapasok ang mga ito sa bahay niya?
'Ah, si mama,' pangungusap niya sa sarili nang maalalang baka itong pormahan ng dalawa ang dahilan kung bakit tuwang-tuwa ang mama niya kanina. Panay kasi ang palakpak nito at puna na ang ganda raw ng suot ng dalawa. Akala niya, matitinong damit ang suot e. Iyon pala, nag-transform na yatang secret agent at hari-harian ang mga kabarkada niya. "Anong ginagawa niyo rito tsaka ba't ganyan suot niyong dalawa?"
Nag-aalangan pa siyang lumapit sa dalawa pero wala siyang ibang mapagpipilian, umupo pa rin siya sa tapat ng mga ito.
"We're here to help you," Zamiel responded before he crossed his arms, "figured that you'd be looking like an idiot later if not."
Nginiwian niya ang mga ito. "Anong ibig mong sabihin, Zam?"
Sa kabila ng pagtatanong niya, hindi siya sinagot ni Zamiel. Kung kaya naman ibinaling niya ang atensyon kay Ridge na hindi lang pala sa damit dinala ang pagiging 'hari' kuno nito, kung hindi kahit sa paghikab!
"Naglakad ka ba talaga sa labas na ganyan ang suot, Ridge?" Pag-uusisa niya.
Ridge nodded his head. "In broad daylight? Yes. I'm a model so what's the point of feeling embarrassed? Si Zamiel pa nga ang humawak ng dulo nitong costume ko."
"You're such a pain in the ass."
"Excuse me, I'm the one taking the D between us, Zam."
Imbes na pansinin pa ang usapan ng dalawa, lumipad ang isipan ni Gian sa pag-iisip kung anong naging reaksyon ng mga kapitbahay nila nang makita ang magkasintahang gumayak ng ganito. Kung siya sina Ridge, baka nilamon na siya ng hiya pero mukhang feel na feel ng mga ito ang ginawa.
It was then when Zamiel cleared his throat. "Anyway, we're not here just to flaunt these costumes."
Nagtanong nga siya kanina pero hindi naman siya sinagot nito.
"Edi, um, ba't kayo nanditong dalawa? May okasyon ba na 'di ko alam?"
"First date mo kasama si Lyle," they replied in unison which made Gian's mouth agape.
"You know, walls have ears," Ridge explained.
Hala sila, saan nila nakuha iyan?! Matataranta na sana si Gian hanggang sa maalala niya si Leon. Awtomatiko tuloy na kumalma ang binata bago siya bumuntong hininga. Magpapaliwanag na rin sana siya pero naagapan siya ni Ridge.
"And since I'm a model and Zamiel never fails to run amok with his fashion sense, we thought of giving you a hand. 'Di ba, ang bait bait naming mga kaibigan? Thoughtful pa," dugtong pa nito.
Kumibot ang isang kilay ni Gian habang pinakikinggan ang sinabi ni Ridge. What does he mean by that- wait. Akala niya, hindi pa magsi-sink in sa kanya ang sinabi ni Ridge ngunit noong rumehistro sa isipan niya ang salitang "fashion sense", nalaman na agad niya ang agenda ng dalawa.
"P― pero 'di ko kailangan ng tulong para lang magbihi-hoy, sa'n niyo ako dadalhin?!" Natataranta niyang sigaw.
Nagsasalita pa lang siya, e! Ipapaliwanag pa lang sana niyang hindi niya kailangang mag-ayos o pumorma ng magarbo dahil hindi naman sila magdi-date ni Lyle, bigla na lamang tumayo ang dalawa mula sa kinatatayuan, dahilan para mapaatras siya. Iyon lang, bago pa man siya makakilos e mabilis siyang nahuli nitong dalawa at kinaladkad patungo sa kwarto niya!
"Sa-sandali lang naman! 'Di kami magdi-date ni Lyle, sa'n niyo ba 'ko dadalhin?!"
Zamiel snorted. "Fuck off, we all know that it'd still be considered a date. Now let's get you fixed."
E hindi naman siya sira!
Sinubukan ni Gian na magpumiglas. Akala niya magiging matagumpay siya dahil si Ridge lang naman ang may hawak ng isa pa niyang braso pero sino ba ang niloloko niya? Kung gugustuhin ni Ridge, dumudoble pa ang lakas nito kaysa kay Zamiel!
"Ah, sandali lang kasi!" He whined but none of his friends dared to heed his plead. Grabe! Natatakot siya sa kung anong gagawin sa kanya ng mga ito!
*
MABILIS lumipas ang oras. Martes ng hapon nang ayain siya ni Gian na lumabas at sa ngayon, Sabado na. Dahil mamayang gabi pa naman ang lakad nila ng binata, minabuti ni Lyle na asikasuhin ang trabaho.
So far, it was not a stressful day. Tanging trabaho lamang ang inasikaso niya hanggang sa pumatak ang alas tres ng hapon. Umuwi kaagad si Lyle sa bahay nila upang makapaghanda. Balak niyang magpahinga bago maligo ulit nang sa ganoon e presko siyang makikita ni Gian.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga magulang at ng nakababatang kapatid na magkakaroon sila ng bisita panandalian. Inakala pa ng mga ito na mayroon siyang bagong manliligaw samantalang gusto niya lang e ituon ang atensyon sa trabaho, pati na rin ang mapansin ni Ridge siguro.
"O, alas tres na, Lyle! Ngayon ka pa lang umuwi. Baka mamaya, maabutan ka pa ng kaibigan mong nangangamoy pawis," sermon ng nanay noong oras na matanggal na niya ang helmet sa motor. Nginitian niya ang ina bago umiling. "Mamaya pa siyang ala singko darating, ma."
"Ala e, sigurado ka bang 'di mo manliligaw 'yon? Baka mamaya, mamamanhikan na rin!"
"Di po. Kaibigan lang talaga." May iba pa siyang gusto at hindi pa siya makaka-move on doon.
"Sus, ganyan din sinabi mo sa 'min noong niligawan ka noong ex mo, tapos biglang nagdala ng bouquet ng rosas! Ano ngang pangalan noong foreigner na 'yon? Tyler, 'di ba?"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Natigilan sandali si Lyle hindi dahil sa narinig niya ang pangalan noong huli niyang ex kung hindi dahil sa "bouquet ng rosas". Naalala niya si Gian. Awtomatikong kumurba ang ngiti sa mga labi niya at hindi napigilan ang mapahalakhak. The male's adorable reaction is engraved in his memory.
"O, tumatawa-tawa ka riyan? Nami-miss mo ba 'yong ex mo?"
Umiling siya. "Natawa lang ako ma kasi naalala ko 'yong pinag-usapan namin ni Gian no'ng minsan."
Mataman siyang pinagmasdan ng ina habang siya naman, isinukbit ang helmet sa handle ng motor bago nagligpit. Kinuha niya muna sa carrier ang cover ng motor niya at saka nag-asikaso roon. At habang ginagawa iyon, narinig niya ang paghimig ng ina.
"May kiliti ang pagngiti. Baka mamaya, gusto mo rin 'yong kaibigan mong 'yan?"
Natigilan siya at mabilis na napalingon sa ina, ngunit tinalikuran lang siya nito saka lumapit sa gripo sa may bakuran nila nang makapagsimula na yatang magdilig ng mga halaman. Naramdaman niya ang pag-init ng mga pisngi pati na rin ang halos mahulog niyang panga!
"Naku, Lyle. Ngayon ka lang namin nakitang ganyan. Kung sinuman 'yang kaibigan na 'yan, sana naman e mas matino sa mga una mong dinala rito."
"What..." Lyle stammered, "di nga ganon, ma!"
It took Lyle his all to drag himself to his room without clarifying things with his mother. Kung anu-ano na naman ang iniisip nito. Sigurado, hindi lilipas ang limang minuto e makakahimig na rin ang ama niya.
Moreover, he still took his time to rest. Sampung minuto siyang humiga sa kama habang ichina-charge ang cellphone. Nagpagulong-gulong muna sa matres bago bumangon ulit para makapaghanda na. Baka mamaya, dumating ng mas maaga sa ala singko si Gian. Mga bandang quarter to five ang tantya ni Lyle.
Three thirty na noon ng hapon nang maligo si Lyle at ilang beses siyang gumawa ng mental note na huwag magtagal sa banyo. Kailangan niyang gawing trenta minuto ang isang oras. But still, feeling the water on his skin relaxed him. Kaya kalaunan, trinayidor din siya ng sarili.
Natigilan lang si Lyle sa pagbababad noon sa tubig nang marinig ang boses ng kapatid niya mula sa labas ng banyo.
"Kuya! Nandito na 'yong bisita mo!"
Mabilis na nagbuhos ng nagbuhos si Lyle ng sarili nang marinig ang balita. Nataranta siya dahil napapaisip kung anong oras na ba. Baka mamaya, ala singko na pala pero naririto pa rin siya!
Mabuti na lang, ang dinala niyang damit dito ay iyong pang-alis niya para makatipid sana ng oras sa pagbibihis. Somehow, he is thankful that him, being a boy scout, kicked in.
Nang lumabas na si Lyle sa banyo, nakita niya ang pamilyang nakapalibot kay Gian, liban sa mama niya dahil hindi niya ito makita kahit saan. Napangiwi siya dahil mukhang hindi alam ng binata ang gagawin. Natigilan lang ito sa pakikipagkwentuhan sa ama niya nang mapansin siyang kalalabas lang ng banyo.
Awtomatikong hinanap ng mga mata ni Gian si Lyle at saka ito ngumiti nang makita siya. Ibinalik din niya ang ngiti nito.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Saka niya napansin na hindi nito suot ang salamin. May nangyari na naman ba? Nag-alala si Lyle sa binata, pero nang mapagtanto na nakapag-drive naman ito ng maayos, naisip niyang nag-contact lens ito. Iyon lang, bakit? There are questions that flooded his mind, but is this a bad thing? Of course not. In fact, it boosted how handsome he is that he now looks like a prince who came out straight from a fairytale book!
"O, nariyan na pala ang senyorito! Pasensya ka na, Gian! Matagal talaga maligo 'yang si Lyle!" Ang papa niya ang humingi ng tawad sa kanya, dahilan upang makaramdam siya ng hiya. "Kahit matanda na kasi e mahilig pa rin 'yang maglaro ng tubig sa banyo!"
Namamangha siyang napatitig sa ama. "Di ako naglalaro ng tubig doon! Nagbababad lang ako!"
"Ba't ka magbababad doon e wala naman tayong bathtub, nak?!" Natatawang balik sa kanya ng ama. Nahiya siya dahil natawa si Gian, at hindi iyon ang tipikal nitong mahinhin na pagtawa.
Matapos nilang mag-usap, pumasok na ng bahay ang ina ni Lyle. Masaya ito at malawak ang ngiti. Ni hindi nga siya pinansin dahil kaagad itong bumaling kay Gian. Mukhang aliw na aliw sa kaibigan.
"Naku! Ang ganda talaga nong orchid na ibinigay ng mama mo! Pasensya ka na, itinabi ko muna nang sa ganoon e magkapwesto kaagad sa bakuran namin!" Anito.
Bumaling si Gian sa ina niya at tumango. "Ayos lang po. Sigurado rin po akong matutuwa si mama kasi maaalagaan ng maayos dito ang orchid niya."
"Oo nga pala kuya Gian, ang sarap ng tiramisu na dala mo! Saan mo 'to nabili?" Sabad pa ng kapatid niya.
Napaisip tuloy siya. Kailan pa sila naging ganito ka-accommodating?
Mahinang tumawa ang kaibigan. "Ah, um, ako mismo nag-bake niyan. Isa 'yan sa mga ano, bestseller sa cafe ko."
Dahil tila hangin na siya sa sariling pamamahay, akma sana siyang babalik sa sariling kwarto nang sa ganoon e makapagsuklay at pabango nang mapansin pa siya ng ina. Napagsabihan pa siya dahil ang bagal niya raw kumilos at kanina pa siya hinihintay ni Gian. For a moment, he thought that his mother totally replaced him for Gian. Napailing nalang tuloy siya.
Sampung minuto. Maging siya, hindi malaman kung bakit inabot siya ng sampung minuto sa pagsusuklay at pagpisit ng pabango. Siguro dahil ilang sandali niyang tinitigan ang sarili sa salamin. Napapaisip kung okay na ba ang suot niya. "My shirt feels off," komento niya habang tinititigan ng mabuti ang suot na damit at pantalon. Parang bigla, hindi na nagko-compliment ang mga ito. Kaya nagbihis pa siya ng damit at natagalang bumaba ulit.
Noong lumabas siya ng kwarto, abala pa rin sa pag-uusap ang pamilya niya at si Gian. Bakas ang pagkaaliw sa mga mukha nito. Hindi niya alam kung bakit pero mas mainit ang pagtanggap nila kay Gian kung ikukumpara sa iba pang dinala niya rito.
Napapaisip tuloy siya. Kung si Ridge ba ang dinala niya rito, ganito rin kaya sila sa kanya? Bagamat kuryoso, mabilis niya ring kinalimutan ang kaninang iniisip. There is no use wondering about that since it will remain as his wishful thinking. Natigilan si Lyle nang marinig ang boses ng ina.
"Nariyan na pala ang senyorito namin. Aalis na ba kayo, Gian?"
Ah, oo nga pala.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report