Can I be Him?
CHAPTER 20.1

.

"NARIYAN na pala senyorito namin. Aalis na ba kayo, Gian?"

Lyle cannot describe how embarrassing must have it felt when his mother regarded him as 'senyorito'. Talagang sa harap pa ni Gian! Kaagad niyang ibinalik ang mga mata rito at saka niya naabutan na mataman din pala siyang pinagmamasdan ni Gian. Seryoso ang mukha noon nito hanggang sa magtama ang mga paningin nila. Kaagad itong ngumiti kaya pati siya, napangiti. Nakakahawa kasi.

Ang bilis napawi ng pagkapahiya niya't napalitan na lamang ng kung anong tuwa na lumulukob sa dibdib niya.

"Opo, aalis na po kami niyan," sagot naman ni Gian bago ibinalik ang mga mata sa ginang.

Sabay-sabay bumuntong ang mga kasama niya sa bahay, dahilan para mapaurong siya. "Ano naman 'yang itsura 'yan? Pakawalan niyo na nga si Gian, baka gabihin pa kami lalo."

Nang hawakan ng ina niya ang pisngi ng binata at bumuntong hininga, alam na ni Lyle na baka hindi pa sila kaagad na makaalis. Takang-taka pa si Gian dahil tila ba nangungulila ang ina ni Lyle sa kanya, at bago pa magsimula ang drama, pinukaw niya ang atensyon ng kaibigan at sumenyas dito na umahon na mula sa kinauupuan nang sa ganoon e makatulak na sila. Mahirap pa niyan e pipilitin pa ng ina niyang maghapunan dito ang kaibigan. "Sayang naman, 'di ka man lang makakapaghapunan dito."

Natigilan sandali si Gian mula sa pagtayo bago mahinang tumawa. Nagpalipat-lipat din ang mga mata nito sa kanya at sa ina nito. Habang siya naman e naiiling nalang dahil ayan na nga, nagsimula na nga ang ina niya sa paggaganyan. "Babalik nalang po ako kung, um, pwede?" Ani Gian.

Napaatras silang dalawa ng kaibigan nang sabay-sabay na sumagot ang mga ito. "Naku! Pwedeng-pwede!"

It took another ten minutes to convince his family that they have to go. Hindi niya alam kung anong mahika ba ang inilagay ni Gian sa mga ito dahil halos hindi nila pakawalan ang kaibigan. Gustung-gusto nila at pinipilit pang bumalik kaagad. "Ang saya ng pamilya niyo, 'no?" Komento ni Gian nang nasa labas na sila ng pamamahay ni Lyle. Naglalakad din sila noon tungo sa sasakyan ng binata.

Bumuntong hininga naman siya. "Pasensya ka na, a. 'Di naman sila madalas ganon ka-hyper 'pag mayroong bisita. Ngayon lang 'yan natuwa sa bumisitang kaibigan ko."

"Huh? Edi 'di sila natuwa kay Keegan? Naiintindihan ko naman kung bakit pero... mabait naman siya."

"Di pa siya nakakapunta rito sa 'min, 'di ko rin alam kung bakit samantalang ako, madalas naman sa apartment niya."

Tumango-tango si Gian bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Binuksan na rin nito ang pinto ng kotse para sa kanya. Nakaramdam si Lyle noon ng hiya pero hinayaan na ang binata. Wala naman ding masama dahil natural na gentleman si Gian. "Oo nga pala, anong ikinuwento sa 'yo nina mama? May nasabi bang 'di maganda?"

Nag-angat ng tingin sa kanya ang binata bago siya nginitian. Hindi rin ito kaagad sumagot. Sa halip, isinara muna nito ang pinto sa passenger's seat nang makapasok at imprenta na siyang makaupo. Pinanood tuloy ni Lyle ang kaibigan na umikot sa sasakyan nito bago pumasok na rin. At noong nandirito na rin, saka palang ito nagsalita.

"Wala naman gaano. Tungkol lang naman sa mga ex mo. Um, pasensya ka na rin... nakakahiya kasi kung 'di ko sila papakinggan."

Napangiwi si Lyle bago iniangat ang isang kamay para i-dismiss ang usapan. He kinda had a feeling about it.

"Don't sweat it. Ganoon talaga sila."

Tumango-tango si Gian. Hindi na sumagot kaya pipi siyang nagpasalamat dito.

"Oo nga pala, ba't hindi mo na naman suot iyong salamin mo? Nabasag na naman ba o 'di kaya, naupuan mo at nasira na naman ang frame?"

Lyle pursed his lips when he noticed that Gian stilled. Pasimple nitong kinagat ang pang-ibabang labi bago nagpakawala ng marahas na hininga.

"Na... nakalimutan ko kung saan ko nilapag kagabi."

Kumunot ang noo niya. "Um, I'm sorry but what?"

"Niyaya kasi ako nina Zach na uminom kagabi tapos ang sabi nila, binalibag ko lang daw sa kung saan iyong salamin ko..."

Gian's lips protruded into a small pout. But in reality, he had been blaming Ridge and Zamiel internally. He thinks that Lyle does not like it and that he looks weird right now! "Kaya kaninang umaga bago ako umalis para magtrabaho, naisip kong mag-contacts nalang."

"Saan... saan ka ba uminom?"

Ah. What is this tug in his chest? Little did he know, he plunged into a seemingly abysmal chasm of silence. Dismay attempted to brace his heart as questions rushed over his head.

Sino iyong mga kasama ni Gian kagabi? May kasama ba silang babae? Hindi niya maintindihan kung bakit gusto niyang malaman, pero may kung ano e. Hindi niya maipaliwanag.

"Ah. Kina Zach. Pinapahanap ko na nga lang, e. Kaso wala pang balita sa salamin hanggang ngayon." Bumuntong hininga ito. "Baka bumili na naman ako ng bago niyan 'pag hanggang susunod na araw, 'di pa rin nahahanap."

Marahan siyang tumango-tango. Medyo marami siyang nalaman ngayon tungkol kay Gian. Sa ilang buwang pagkakaibigan, hindi niya naisip na umiinom pala ang binata. Wala sa itsura nito dahil para itong anghel na inihatid pa ni Lord dito sa lupa. Hindi iyong itinatapon lang basta-basta.

Hm. But that does not change the fact that he is bothered.

Habang abala si Lyle sa pag-iisip at pag-aanalisa ng mga nalaman tungkol sa kaibigan, napansin niya ang pagtigil ni Gian nang may mapansin sa kanya. Ngunit bago pa man siya makapag-react, lumapit ito sa kanya, dahilan upang mapaatras siya at halos isubsob ang likuran sa backrest ng kinauupuan.

He also gasped and inhaled a faint scent of sandalwood from Gian who seemed to pick something on his side, and when he retreated; the other male eventually returned his personal space, Lyle then noticed that Gian was wearing him the seatbelt.

Kumibot ang isang kilay niya. Para saan iyon?!

"Mag-seatbelt ka, Lyle... mahirap na rin kasi at gabi na."

Namamangha man, tumango-tango pa rin siya. Nawindang siya at sandaling nawala sa sarili. Medyo nagpapasalamat na rin noon si Lyle dahil medyo madilim ang paligid, hindi makikita ni Gian kung gaano kagulo ang itsura niya ngayon! He feels hot and he is sure as hell that his cheeks are burning!

"Si... sige, s-salamat. 'Di pa ba tayo aalis?"

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Nang ngumiti si Gian, nangatog ang mga tuhod ni Lyle bagamat nakaupo. Hindi pa rin maka-move on sa biglaang pagbura nito ng distansya sa pagitan nila kani-kanina lang. Nakakasiphayo nga at parang wala lang iyon sa kanya, habang ito si Lyle, naguguluhan at hindi mapakali!

Gian... really does unpredictable things that always gave him heart attacks! The effect is doubled too if he's not wearing glasses!

Ah, but only if he knew that the second Gian realized what had he done, the male's heart beat erratically in his chest; as if there is an attempt of escaping from his ribcage and offer itself to Lyle!

*

ALA sais na noon ng gabi nang makarating sila sa Skyranch. Mabilis siyang lumabas mula sa sasakyan para magpahangin at burahin sa isipan ang nangyari kanina sa loob ng kotse ni Gian. Hindi pa nakatulong na kulob noon sa kotse ng binata kaya paminsan-minsan, inaasar siya ng pabango nito. Kaya binuksan niya ang bintana upang damdamin ang maruming hangin na tumama sa mukha niya.

Iyon nga lang, walang nakatulong sa kanya, dahil habang paulit-ulit na nagre-replay sa isipan niya ang biglaang paglapit ni Gian sa kanya, baka makulong na siya sa isiping iyon. At pabango pa lang iyon! Siguro pati na rin ang makita ng malapit ang side view ng mukha ni Gian... medyo nakapagpagulo rin sa kanya.

Isang malalim na buntong hininga ang nakapaghila kay Lyle pabalik sa huwisyo. Hindi dapat siya ganito sa iba, a! Itong puso niya, para kay Ridge lang naman tumitibok!

Bumuntong hininga siya at nilingon si Gian. Naabutan niya itong nakapikit at tila ba ikinakalma ang sarili.

"Ayos ka lang ba? Gusto mo ba ng tubig?" Nag-aalala niyang tanong.

Halos kagagaling lamang nila noon sa roller coaster. Hindi kasi siya natulungan ng paglabas sa kotse ni Gian para humigop ng sariwang hangin, e. Pero mukhang dapat, hindi niya binigla ang binata at hinila patungo rito? Namumutla kasi si Gian at tila ba nanghihina! Lihim na siyang magpa-panic sana nang makita niya ang malapit na stall na mabibilhan nila ng tubig.

"Bibilhan kita ng tubig," dagdag niya.

Nang marinig ang sinabi niya, nagmulat ng mga mata si Gian, kaagad na hinanap ng paningin nito si Lyle. Mahina rin itong napahimig nang magtama ang mga mata nila bago inabot ang dulo ng suot niyang t-shirt.

"Ayos lang ako. Nakaka-enjoy sumakay doon 'no? Baka sa susunod, umulit ulit ako."

Lyle pursed his lips. Alright, he does seem okay? "Refreshing, pero bago mo pangarapin na umulit Gi, baka gusto mo munang magsuklay?"

"Huh? Magulo ba buhok ko?"

Mahina siyang natawa nang mabilis na inayos ni Gian ang buhok. Nanatili ang mga mata niya sa binata hanggang sa maisipan niyang mag-angat ng tingin at tumitig sa kalangitan. Walang alam si Lyle kung bakit gusto niyang hangaan ang madilim na langit ngayon, samantalang puro ulap lang naman ang nakikita niya.

Bagamat sumisilip din ang buwan at mga bituin sa kalangitan, naisip niyang wala naman talagang dapat na hangaan doon. Hindi ngayon.

Nagbaba ulit siya ng paningin at tinignan si Gian kung tapos na ba itong mag-ayos ng buhok. Pero bago pa man dumako ang mga mata niya sa kaibigan, napansin ni Lyle ang dalawang babae hindi kalayuan na mukhang nakatuon ang atensyon sa kasama niya.

Naipilig niya tuloy ang ulo bago ipinihit iyon paharap kay Gian, tapos napangiti siya. Those women are pretty. Kung ba lalapitan ng mga ito si Gian, matutuwa ba ang binata? Magkakaroon na kasi ito ng tsansang magkaroon ng girlfriend. Though... he has not really heard Gian ask for one.

He is not even sure if Gian's straight! But he assumes that he is since there is no way that his friend would not be straight?

"Ly, magulo pa ba?"

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Naputol kaagad ang iniisip niya nang bumaling sa kanya ang binata. Mukhang napansin ni Gian na may mali sa kanya kaya naipilig nito ang ulo.

"May nangyari ba? May nakita ka ba na gusto mong puntahan?"

Napamaang si Lyle bago napaatras. "Wala naman. Ano lang, napansin ko lang na may mga babaeng kanina ka pa tinitignan. Baka tipo mo."

Lihim niyang kinagat ang pang-ibabang labi nang lumingon si Gian, sinusuyod ang paligid at mukhang hinahanap ang sinasabi niya. Napansin niya ang sandaling pagtigil nito sa isang direksyon. Doon sa kung saan nakatayo ang mga kababaihang kanina pa nakatitig dito. Tapos ay mabilis nitong ibinalik sa kanya ang mga mata bago muling ngumiti.

"Ah, hayaan mo nalang sila. Tara na, may gusto ka pa bang sakyan? Parang gusto ko kasing subukan 'yong indianapolis!"

Namamangha niyang sinundan ng tingin ang binata nang maglakad ito palampas sa kanya. Mukhang walang balak na mag-adjust para roon sa mga tumitingin sa kanya. Kalaunan, napahalakhak na lamang siya. "Indianapolis? Pambata iyon, 'di ba?"

Mahinang tumawa ang binata. "Ganyan iyong sinasabi ng mga 'di pa nakakapag-indianapolis, e. Dali na, magaling naman akong mag-drive, Ly."

Dahil sa sinabi nito, hindi niya napigilan na mang-asar.

"Drive lang ba ng kotse? E, paano kaya sa relasyon? Dapat magaling ka rin don, 'di ba?"

Dahil naaaliw sa kasigasigan ni Gian, hindi niya kaagad na napansin ang sandaling pagtigil ng binata sa paglalakad. Mabilis lang naman iyon dahil itinuloy din nito ang kaninang paglalakad kaagad. Medyo nag-lie low nga lang ang enerhiya nito at iyon ang napansin ni Lyle.

Lyle's lips pursed into a small pout before he took a glance over Gian.

"'Di ko alam. Bakit, Ly? Gusto mo ba 'kong subukan?"

Nabigla siya nang makapag-rebat ito mula sa pang-aasar niya. May bahid noon ng panunudyo sa boses nito. Pinangilabutan din siya nang mapansin ang pilyong ngisi na nakaukit sa mga labi nito. Bagay na hindi niya rin inasahan dahil hindi naman talaga agresibo si Gian.

His heart skipped a beat and his cheeks flushed. Ilang beses niyang ibinuka ang bibig nang makapagsalita pero walang kumawala ni isang pantig sa mga labi niya. He is stunned and that is for sure.

Nang nakabalik na sa huwisyo, napasinghap siya. "Woah, wait. What is that side? Ngayon ko lang nakita na ganyan ka, Gian."

Dahil sa sinabi niya, mabilis ding naglaho ang Gian na inasar siya pabalik. Parang bata ulit itong tumitig sa kanya... hanggang sa bigla na namang nakaramdam ng hiya. Bakas iyon sa pagsisimula na namang pamumula ng mga pisngi ng binata.

"Na...nakuha ko lang naman kay Ridge 'yon!" Nahihiya nitong paliwanag, dahilan upang umangat ang dalawang kilay niya, "ang... ang ganda kasi ng balik niya noong minsan kay Zamiel kaya ginaya ko ngayon. Ah, nakakahiya!" Mabagal na paghinga ng malalim ang ginawa ni Lyle para kumalma. Kinagat niya ang loob ng mga pisngi bago pilit na humagikhik.

"Hey, it's okay to adapt things." Tinapik niya ang balikat ng nahihiya pa ring si Gian. "Nakakabigla lang dahil hindi ako sanay na sa 'kin mo ginagawa-"

"No, no." Tinakpan ni Gian ang kalahati ng mukha. "Not really, may iba rin akong pinagpa-practice-an. Um, nataon lang na... sa 'yo ko nagawa 'yong ngayon."

May ibinulong pa noon si Gian pero hindi na niya iyon narinig masyado dahil occupied ang isipan niya.

"I... never deemed you to be thr playboy type?"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report