Can I be Him?
CHAPTER 20.2

"Hey, it's okay to adapt things." Tinapik niya ang balikat ng nahihiya pa ring si Gian. "Nakakabigla lang dahil hindi ako sanay na sa 'kin mo ginagawa-"

"No, no." Tinakpan ni Gian ang kalahati ng mukha. "Not really, may iba rin akong pinagpa-practice-an. Um, nataon lang na... sa 'yo ko nagawa 'yong ngayon."

May ibinulong pa noon si Gian pero hindi na niya iyon narinig masyado dahil occupied ang isipan niya.

"I... never deemed you to be the playboy type," he admitted, and to be honest; if Gian were really to be that type, Lyle is sure as hell that it would be easy for him to wrap girls around his finger.

Ito naman ang napasinghap. "P-playboy?! 'Di ako ganon! Huh! Si Leon lang naman ang ganon sa 'ming lima, e! Siguro si Ridge rin kung nagkaroon 'yon ng tsansa pero... 'di talaga ako!"

Lyle stared at Gian helplessly. Hindi niya napigilan ang mahinang tumawa bago mariing hinawakan ang balikat ng binata. It kinda hit him that Gian is trying those things with other people to "practice", kung para kanino man iyon... wala rin naman dapat siyang pakialam. But then, it bothered him.

Then again, it is not like Gian's the only one who pulled this kind of stunt on him. Noong may nililigawan din si Keegan noon, sinubukan nitong i-pull sa kanya ang mga napi-pick up na banat. Wala namang epekto sa kanya at hindi rin siya nabagabag. Pero ngayong kay Gian... may kung anong kumirot sa dibdib niya.

What disturbed him more is that he had a clue what made him feel this way. But he would not concede since it feels so wrong in ways that he cannot explain.

"Binibiro lang kita..." Namamaos niyang sabi. Nabigla pa siya nang ganoon lumabas ang boses niya.

Gian pursed his lips. "O-oh... akala ko naman seryoso ka na. Kasi wala talaga akong balak na magganon, e."

Tumango-tango si Lyle bago nagsimulang maglakad muli upang pumunta sa indianapolis na sinasabi ni Gian. Mukhang nakalimutan na nito dahil masyado silang na-distract sa pag-uusap. Good thing though, Gian followed him without asking where they would go. Mukhang alam pa naman nito ang dapat nilang pupuntahan.

"Oo nga pala... I had this vague memory wherein you told me that you like someone else."

Natigilan sandali si Gian bago nahihiyang bumaling sa kanya. "Ah. Oo, meron nga, pero wala naman akong balak na... manligaw o ano."

"What?" Ipinilig niya ang ulo. "Kala ko ba 'yong rebat mo sa 'kin kanina, preparation para roon sa babaeng gusto mo?"

Napangiwi ang kaibigan. "Babae...?"

"Oo, bakit, 'di ba babae 'yan?" Natatawa niyang balik. Para kasing maging si Gian, hindi alam kung ano ba ang sekswalidad ng nagugustuhan nito.

Oh well, Lyle can assume that it may be a male but he still does not think that Gian's bisexual... or gay.

"Ah, oo. Ano, pero 'di sa kanya 'yon. Wala naman kasi akong pag-asa sa kanya. Um, may iba siyang gusto."

Napahimig si Lyle. "Talaga? Sila na ba no'ng nagugustuhan niya?"

"Hindi ko alam e. Wala naman kasing balita roon. Isa pa, crush lang naman 'to! Mawawala rin kaagad basta bigyan lang ng oras!"

Ninenerbyos na tumawa si Gian bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Tila ba may hinahanap hanggang sa nakita na kung ano ang gusto.

"A-ayun na! Iyong indianapolis. Medyo mahaba pala ang pila Lyle, ayos lang ba sa 'yo?"

Sinundan niya ang tinitignan ni Gian nang bumagsak ang mga balikat nito. Gusto pa sana niyang itanong kung sa café ba nito nakilala iyong tinutukoy nito pero baka isipin na noon ni Gian na tsismoso siya. "Kung gusto mo Ly, ako nalang ang pipila. Pupwede kang bumili ng makakain muna habang naghihintay tayo."

Napalingon siya sa binata. "Ayos lang din. Nang may mapagkaabalahan tayo. Ikaw, wala ka bang ipapabili?"

"Um, soft drinks lang saka chichirya. Ano! Sprite at saka, hm, kung may makikita kang potato chips?" "Okay, sige."

Nang talikuran na ni Lyle si Gian, halos maglakad takbo siya papunta sa pinaka malapit na bilihan ng snacks. Hindi niya iyon dapat ipapahalata sa kaibigan pero naisip niya, ano namang iisipin nito samantalang pupwede naman niyang palabasin na nagmamadali siya. Walang kasuspe-suspetya sa ginawa niya.

Sa kalagitnaan ng pamimili, natigilan siya nang may makabanggaan ng siko. Hindi niya sana iyon papansinin hanggang sa tumikhim ang katabi niya. Kung kaya naman napalingon siya. Umangat din ang mga kilay niya bago ngumiti na para bang humihingi ng tawad bagamat hindi sadya ang nangyari.

But apparently, it is the woman from earlier. Mahaba at tuwid ang buhok nito at aabot iyon hanggang sa bewang nito. Maputi at maganda, ayaw na niyang i-describe ng detalyado ang itsura dahil bagamat may potensyal ito maging modelo, hindi niya problema ang scouting.

Come to think of it, what is she doing here? Wala rito si Gian.

"Hi, may itatanong lang sana ako," panimula nito, at iyon ang dahilan ng awtomatikong pagkunot ng noo ni Lyle.

Marahan siyang tumango. "Sige, ano 'yon?"

"Um, kasama mo ba 'yon?" Ipinihit nito ang ulo paharap sa direksyon kung saan niya huling iniwan si Gian. At dahil namumukod tangi ito sa pila, agad niya itong nahanap. Hindi rin siya nang maabutan ang binatang pinagmamasdan din pala siya, ngunit nang mapansin nitong nagtama ang mga mata nila, mabilis itong nag-iwas ng tingin. Napangiti naman siya sa reaksyon nito.

Dahil doon, wala sa sariling tumango si Lyle. Saka palang niya hinarap ang dalagang kausap nang mahimasmasan na mula sa maliit at maiksi nilang interaksyon ng kaibigan.

Lihim siyang bumuntong hininga noong mag-sink in sa kanya ang mga kaganapan. Alam na niya kung saan mapapadpad ang usapang ito. Hindi na kailangang hulaan pa.

The maiden acted as though she understood something, but Lyle did not mind at all until she blurted out something.

"Oh... boyfriend mo ba siya?" Then a moment of silence occured before she spoke again, "sayang naman. Ang gwapo pa naman niya para maging bakla."

That statement felt like a jab in the heart, but it was not like Lyle was never used to these comments. Ang kanya lang, paano ito nakarating sa ganyang konklusyon samantalang hindi rin naman kaagad nalalaman ng iba na lalaki rin pala ang gusto niya. Ah, but she does have a point. Gian is too good to be true to be gay.

Bagamat walang laman ang bibig liban sa sariling laway, halos masamid si Lyle nang marinig ang pang-aakusa ng dalaga. Halos bitawan niya rin sandali at ilapag muna sa malapit na lamesa ang mga pinamili para alagaan ang sarili pero hindi na niya nagawa dahil kaagad din naman niyang nabawi ang tindig.

"Hindi, hindi!" Tanggi niya habang patuloy na umiiling, "saan mo naman nakuha 'yang ideyang 'yan? Magkaibigan lang kami."

Kung sinuman itong estrangherang ito, sana ayusin ang desisyon sa buhay. Ano naman kaya ang pumasok sa isip nito para maisip ang ganyan?

"Ah, ganon ba. Edi maganda, halos kasi ng mga nandirito na natatanong namin ng kaibigan ko, magjowa. And you've been emitting gay vibes so I thought you two are dating," paliwanag nito.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Kumunot ang noo niya bago siya mahinang natawa. Medyo kumibot din noon ang kilay niya dahil... bakit ganon? Dahil ba ganon ang inilalabas niyang awra, hindi na siya pupwedeng magkaroon ng kaibigang lalaki? "Di talaga. Magkaibigan lang kami. Naisip lang namin na mamasyal ngayon."

Tumango-tango ito. Kalaunan, may kinalkal mula sa bag at mayroong papel na iniabot sa kanya.

"Dahil magkaibigan lang kayo, bale, pupwede mo naman 'tong iabot sa kanya, 'di ba?"

Marahang bumaba ang mga mata ni Lyle sa papel na hawak nito. Hindi na rin siya kailangang sabihan pa dahil alam na niya kung anong content non. Malamang, numero nitong dalagang kaharap niya. Pero... kukunin ba niya?

Hindi naman siya si Gian para tanggihan ito. Dapat din, ang nagdedesisyon e iyong kaibigan niya pero bakit pati siya, napapaisip? Dahil ba alam niya na may iba itong gusto? Still, that doesn't validate what is currently running inside his head. In the end, he still took the paper.

"Sige, ako nang bahala," aniya bago nginitian ang dalaga. Lyle just hoped that his smile did not fail him and came out fake.

Ngumiti rin ito. "Maraming salamat! Tell him that I'll be waiting for his text. See you!" "O... okay."

Lyle huffed and thought: 'She's acting like we're close.'

Matapos ang ilang segundong pagtitig sa papel na natanggap, binalikan na niya si Gian habang inaalala kung paano sila mas lalong naging malapit. Ridge, apparently, served as a bridge. Naaalala pa niya na nagtampo siya noon sa binata pero naisip din niya na... para saan ba ang nararamdaman niya na iyon? Samantalang, hindi naman susuklian ni Ridge ang pagmamahal niya rito.

Kaya naman, sinubukan niyang tumingin sa mas positibong anggulo ng ginawa nito. He became close with Gian. Noong mga panahong iyon, pinag-iisipan pa niya kung paano ia-approach ang binata. Gusto niyang makipagkaibigan pero masyado itong mailap pagdating sa kanya. Pero ngayon, ito sila, namamasyal sa Skyranch at mukhang bata ngayon si Gian na inaabangan ang turn nila sa indianapolis.

"You're way too excited," natatawang puna niya sa kaibigan dahil kanina pa ito ipinipilig ang ulo at katawan. Mukhang binibilang kung ilan pa ba ang nasa harapan nito, "hanggang mamaya pa naman 'yan, 'di ba? Calm down." Nilingon siya ng binata. Medyo namumula pa rin ang mga pisngi nito bago ito tumikhim.

"Nakakabagot kasi na mag-abang. Pero uy, nakabalik ka na..." Nahihiya nitong kinuha ang sariling pagkain nang iabot sa kanya. Nag-abot din ito ng bayad pero hindi niya tinanggap. "Huh? Libre ba 'to?"

Napatawa siya. "Oo, para ro'n sa tiramisu na inuwi mo sa 'min. Mukhang gustung-gusto ng pamilya ko, e. Pupwede nga pala bang mag-order ng ganon sa inyo?"

"Oo naman... um, nga 'no? Ni minsan, 'di pa kita nakita na mag-order ng take out sa 'min."

"Noong minsan lang. Ang 'di ko alam, e iyong mga malalaking orders, pwede rin pala."

"Edi... sa 'kin ka na niyan didiretso 'pag may birthday o event sa bahay niyo?"

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

There was that indescribable smile etching on his lips. Lyle does not know why but despite the absence of the moon in the sky, Gian appeared as though he replaced it. His smile was bright, warm, like sugar, and everything nice. Mirth bubbled in his chest and Lyle found himself smiling, too.

Tumango naman siya. "Oo naman."

Gian smiled sheepishly. For a brief moment, Lyle was stunned again. After all, Gian suddenly looked more boyish. Hindi niya alam kung sa mata ba niya ang problema o talagang ngayon niya lang napansin.

"Oo nga pala."

Naalala niya bigla iyong babaeng nakausap niya kanina at iyong ipinapaabot nitong papel para kay Gian. Mabilis niya iyong kinuha mula sa bulsa niya saka iniabot sa binata. Samantala, napatunganga naman ang kaibigan at matamang napatitig sa hawak niya habang umiinom ng soft drinks.

Nang matapos uminom, kaagad nitong isinara ang bote ng pinag-inuman at inabot ang hawak niya. "H-huh? Para saan naman 'to?"

"May nagpapabigay sa 'yo. Iyong kaninang tinuro ko na tinitignan ka? Mukhang type na type ka, a," biro niya bago tumabi sa kaibigan at siniko ang tagiliran nito.

Sandaling bumaling sa kanya si Gian bago kunot noo nitong ibinalik ang mga mata sa papel. Maingat din nitong binuksan iyon at bagamat hindi ugali ni Lyle ang nakikiusyoso, pasimple rin niyang sinilip ang nakasulat doon habang binubuksan ang sarili niyang inumin.

Muntik ulit siyang masamid sa sariling laway nang mabasa ang nakasulat doon. It felt like deja vu, apparently. Though, he is not the one who received the paper. The content is not also the same as to how Ridge wrote the "set up" letter for him and Gian. Mas kahina-hinala ang kay Ridge noon ngunit kaagaw-agaw din naman ng pansin.

This letter, however, expressed how Gian caught the maiden's attention before she asked if he is free and wrote her number. It is a cute way of expressing your feelings at hindi rin nagulat si Lyle nang itupi ulit ni Gian ng maayos ang papel bago ibulsa.

"Iti-text mo?" Hindi niya alam kung bakit kuryoso kaagad siya sa reaksyon ng binata.

Mabilis namang bumaling sa kanya si Gian. Medyo namimilog ang mga mata ngunit nakatikom ang labi. Kalaunan, umiling din ito ng paulit-ulit.

"Ano, ayaw ko lang na itapon iyong papel dito dahil nakakabastos, 'di ba?"

Kumunot ang noo niya. Siya namang biglang pagkataranta ni Gian bago ito tumikhim para dagdagan ang sinasabi.

"Nandito rin kasi 'yong nagsulat. Baka 'pag nakita niyang tinapon ko 'yong papel, isipin niya e sinasayang ko effort niya."

"So... tinatago mo?" Wala sa sariling tanong niya bago ipilig ang ulo.

Nahihiyang tumango ang isa. "I'll... I'll dispose it later. Ayaw ko lang dito dahil wala akong lakas ng loob na tumulad kina Zamiel. Iyong biglang tapon ba ng natatanggap na numero? Nakikita ko kasi reaksyon no'ng mga babae. Um, ayaw ko namang gano'n din sila sa 'kin."

Ah. Lyle isn't sure what to feel about that. Wala siyang masabi kaya hinayaan nalang niya na dumulas ang pinag-uusapan nila. Kaya lang, mukha namang ayaw ni Gian na ganoon.

He is too nice and something about it ticks him off.

"G-gusto mo bang itapon ko na?"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report