Esta Guerra (Tagalog Version)
Chapter 25:Nagnunudyuan

Ngayon ang araw ng graduation nila Abel at Cazue kaya't pinagpaliban ko muna ang aking trabaho. Umuwi din kahapon ang mag asawang sina Mang Ben at Aling Evy para sa anak nila. Kahit na hindi ko gusto ang ugali ng mga Roshan ay meron pa rin silang kabutihan. Kagaya ng kung paanong ituring nila ang mga kasambahay nila.

"Anak, kumusta pala kayo ni Piper?", tanong ng aking Inay habang abalang nagbabalot ng sinukmani. Nilagay niya iyon sa bilao. Si Dero naman ay abalang naglalagay ng keso sa ibabaw ng maha de blanka.

"Ayos naman kami, Inay", ngumiti siya saka iniabot sa akin ang sinukmani.

"Dalhin mo na yan sa kabila. Dero, bunso tapos ka na ba?", tanong ni Inay sa kapatid kong nasa maliit na sala namin. Masaya naman siyang tumango saka tumayo.

"Opo, Inay", kinuha naman ni Inay ang maha saka binitbit iyon. Si Dero naman ay nagmadaling ilagay ang kaskasan ng keso

Napagdesisyon kasi namin na magsabay na lang ng handaan sina Abel at Cazue gayong hindi naman kami nag imbitado ng bisita. Bibihira na lang din kasi ang kaibigan ni Inay dito. Ang karamihan ay pumunta ng Maynila sumuko na sila sa pagsasaka. Sumuko na sila na ipaglaban ang kanilang lupa.

Ngayon din pala ang nakatakdang araw na bibisita ako sa kaibigang pare at abogado ng aking Ama.

"Balita ko tinulungan ka daw kagabi ng kapatid mong haranahin si Piper?", nakangiti ang aking Ina habang bitbit ang dala nito.

Pinagbuksan ko siya ng pultahan saka umuna siyang naglakad. Kita ko nga kagabi na nakaduwang siya sa bintana ng aming bahay habang kumakanta ako.

"Opo, Inay. Naging maayos naman iyon", sa katanuyan nga alam kong nakiliti ko ang puso ni Piper dahil bakas naman iyon sa ngiti niya.

"Anak, kailan mo balak sabihin sa kanya? Kailangan natin ng tulong niya. Makukumbinsi niya ang kanyang mga magulang. Alam kong iba siya sa mga iyon. Sa palagay ko nga ay mana siya sa namayapang niyang Ina", napatigil ako sa paglalakad kaya nauna silang dalawa ni Dero.

Kilala ni Inay ang tunay na magulang ni Piper?

Nakatingin lamang ako habang nagbabatian sila. Masayang sinalubong sila ni Mang Ben. Inilagay naman nito ang dala ni Inay sa mahabang lamesang kahoy. Si Manang Evy naman ay nakita akong nakatayo lamang sa may pultahan nila. "Cade! Ano pang ginagawa mo dyan! Halika ka na! Napakainit!", nagmwestra siyang pumaroon ako kaya ngumiti ako.

Tumango naman ako saka nagmadaling naglakad.

Si Abel naman ay agad akong sinalubong ng suntok ng nilagay ko ang aking dala sa mesa.

"Pre. Anong regalo mo?", napansin ko agad ang damit niyang mamahalin at naamoy ko ang pabango nito.

"Ayos ba?", pagmamalaki nito sa damit niyang suot. Sa disenyo palang nito ay alam ko na agad kung sino ang nagbigay nito. Idagdag pa ang magandang pagkakaburda ng sulat na nakalagay don. Wala sa katinuang napatango na lang ako.

"Maligayang pagtatapos, Kuya!", pakisali ni Dero sa aming usapan.

Ginulo ni Abel ang buhok nito saka ngumiti.

"Salamat, Dero. Nasaan pala si Cazue?", muling pagbaling sa akin ng kaibigan ko habang ako naman ay nakatingin ngayon sa aking Ina. Nakipagkamay siya at nakikipagtawanan kay Piper sa loob. "Nagbibihis pa ang kapatid ko. Mamaya lang susunod din yon", sagot ko.

"Saan ka ba nakatingin?", sinundan nito ang mga mata ko.

"Ninong agad ako. Akin yung tagpian", humalakhak siya sabay hinampas ako ng mariin sa aking braso.

Ang kapatid ko naman nasa tabi ko ay minuwestra kong pumasok sa loob upang hindi makinig sa usapan namin ni Abel.

"Hindi kami aso", naningkit ang mga mata ko.

"Biro lang. Nga pala, yung regalo mo wag mong kakalimutan", pagpapaalala nito at iniwan niya ko sa aking kinatatayuan para tulungan si Manang Eve sa bitbit nito.

Kung alam niya lang ang regalo ko sa kanya ngayong araw, tiyak na masusurpresa ang isang iyon. Bukod sa bibigyan ko siyang pera ay may iba pa kong binabalak. Hindi ko alam kung natanggap na nito ang mensahe ko o baka ayaw niya lang. Mamaya ko pa naman iyon malalaman.

Sumunod akong pumasok para mailabas ang iba pang pagkain na ihahain sa mesa. Habang natulong ako ay nakikita ko ang pasimpleng pagnakaw ng tingin sa akin ni Piper. Napansin agad naman iyon ni Letty kaya't nilapitan niya ko. "Mag usap muna kayo", sabi ni Letty at inagaw ang bitbit kong mga plato.

Sinigurado ko munang abala ang lahat bago ko kausapin si Piper na ngayon ay abalang nagpupunas ng iilan pang kubyertos na gagamitin. Kinuha ko sa kanya ang pamunas at ako na ang gumawa nito.

Hindi naman siya tumututol sa ginawa ko.

"Pawis na pawis ka na, Piper", sandali akong tumigil upang punasan ang noo niya gamit ang panyong nasa bulsa ko.

Awtomatiko namang namula ang pisngi nito sa ginawa ko. Dumistansya siya ng kaunti ng makitang pumasok si Mang Ben. Makahulugang nakangiti ang matandang lalaki sa amin. Ilang taon ko rin hindi nakita itong si Mang Ben. Kumpara noon ay mas maganda na ang kutis nito at halata sa suot nitong damit ang pagiging malusog ng katawan nito.

Ang buhok din niya ay bagong gupit dahil manipis ang nasa may bandang tenga nito. Malinis din tignan ang mukha nitong walang bakas ng balbas o kahit bigote manlang. Sa tingin ko ay mabuti ang trato sa kanya ni Piper. Pinagmasdan namin si Mang Ben na pumunta sandali sa kwarto nito saka lumabas.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko habang nakatitig lang si Piper sa ginagawa ko.

"Bakit ngayon ay Piper na ang tawag mo sa akin? Hindi na Perouzé at hindi rin Liyag. Hindi na ba ko espesyal?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya saka hinaplos ang braso nito.

"Espesyal ka. Palagi kang espesyal para sa akin. Minsan ay tatawagin kitang Perouzé kung gusto mo. Pero madalas ay Liyag ang itatawag ko sayo", hinalikan ko siya sa noo upang makasiguro siya sa sinabi ko.

"Tignan muna ang label mga kaibigan bago kayo maglambingan", gulat kaming napatingin kay Abel. Pumagitna siya sa aming dalawa saka kinuha ang kubyertos na kaninang pinunasan ko.

"Ilabas ko lang to' kasi kailangan na. Sige ipagpatuloy niyo lang yan"

Nagpipigil ako ng ngiti dahil sa reaksyon ni Piper tila nahihiya siya dahil nakatungo ito at namumula ang pisngi.

"Hindi mo naman ako kailangang sagutin agad. Hindi mo kailangang magmadali. Wag mo na lang pansinin si Abel", kita ko kung paanong kinagat nito ang ibaba niyang labi.

Para bang nahilo ako sa ginawa niya.

"You look hot and cute at the same time", umangat ang tingin niya at napaawang ang bibig nito.

Hindi ko alam kung nabigla siya dahil nag Ingles ako o dahil mismo sa sinabi ko. Hindi ko napigilan dahil nakakalalaki man pero kinilig ako ng sobra.

"You look hotter than me because of this...", hinaplos niya ang nasa may bandang tiyan ko. Pakiramdam ko'y nawalan ako ng paghinga. Ang bawat daliri niya ay nagbigay ng kung anong kiliti sa sistema ko. Kahit sandali lamang iyon ay para bang nawala ako sa katinuan.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan habang siya ay tuluyang lumabas.

"Puro kayo hot-hot. Ano yan nagnunudyuan kayong dalawa?", bumalik ako sa katinuan ng makitang nakatayo si Abel sa may pinto ng sarili nitong kwarto. Sa tingin ko ay nandon lamang siya sa loob mula kanina para makinig sa usapan namin ni Piper.

"Itikom mo yang bibig at tenga mo, Abel", seryosong sabi ko. Siya naman ay napailing na lang.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report